Mister Superstar ll Choi Yeon...

By Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... More

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-12

840 23 0
By Angelkim_10

YUMI CHUA

“What about you? Don't you want to know what happened to my family?” Tanong niya bigla sa akin habang nagwawalis ako dito sa sala.

Nakaupo na siya ngayon sa sofa at nanonood ng tv habang ako naman ay naglilinis nga. Kakatapos lang naming kumain at dito ang naging bagsak namin.

“Personal na impormasyon yun ng buhay mo kaya ayokong itanong.”

“But I asked yours, it's not fair if I only know yours. Come on, ask me.” Aniya.

Ang weird niya ha.

“Okay lang ba sayo? Ayos lang ba para sayo na mag-kwento tungkol sa buhay mo?”

Hindi siya nagsalita. Umurong siya sa sa kabilang bahagi ng couch at tinapik ang tabing pwesto niya na parang pinapa-upo ako doon. Itinabi ko naman muna ang walis na hawak ko saka dahan-dahang umupo sa tabi niya.

“Ask me.” Utos niya.

Nag-isip naman ako ng pwedeng itanong sa kaniya. Ito na ang pagkakataong may pwede akong malaman tungkol sa buhay niya at baka malaman ko amg dahilan kung bakit siya nagka-ganito. Kagaya nalang ng sinabi sa akin ni ate. Nang makapag-isip ako ay itinanong ko na agad sa kaniya.

“Anong nangyari sa pamilya mo? Gusto kong malaman kung anong nangyari sa inyo ng Daddy mo at bakit ganon na lang ang sinabi mo nung binangungot ka.”

“Y-You heard me when I was having a nightmare. You're really there. So my conclusion... What the fuck.” Mura niya.

“Hoy, minumura mo ba ako?” Tanong ko habang masamang nakatingin sa kaniya.

“Hindi kita minumura. It's just that...” Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya saka bumuntong hininga nalang.

“Its just that?...”

“Nothing. Forget about it.” Umiiling niyang sabi.

“Ewan ko sayo. Mag-kwento ka na nga.” Ika ko saka umirap.

Bumuga siya ng hangin bago magsalita na parang hirap na hirap magsalita. “The mess in my family started when I was 18 years old...”

•••

Naglalakad papasok ang isang labing-walong taong gulang na Yeonjun sa loob ng kailang mansyon. Kagagaling niya lang sa isang party ng isang kaibigan dahil kaarawan nito.

Pasipol-sipol lang siya habang pinapaikot sa daliri niya ang susi ng bagong sasakyan na ibinili sa kaniya ng Mommy niya. Regalo para sa pagtatapos niya.

Pag-akyat niya sa second floor ng bahay nila ay may narinig siyang sigawan sa kabilang kwarto. Agad siyang tumakbo papasok sa kwarto kung saan nanggagaling ang ingay.

“Daddy! Tama na!” Pagpasok niya, sumalubong sa kaniya ang sigaw ng nakababatang kapatid na si Innah.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita, punong-puno ng pasa ang Mommy niya dahil sa pambubugbog ng Daddy niya rito. Nakaluhod ang ina niya sa sahig habang ang ama naman niya ay napapasabunot nalang sa buhok nito.

“Ano ba Lorenza! Bakit mo to nagawa sa amin?! Dinamay mo pa ang anak nating babae! Walang hiya ka!” Sigaw ng Daddy niya saka sinampal ulit ang Mommy niya.

Natulos siya sa kinatatayuan niya saka natigil sa paghinga habang nakatingin sa Mommy niya na walang imik lang na nakayuko habang tinatanggap ang ang suntok, sampal, tadyak ng Daddy niya. Nabalik lang siya sa ulirat nang marinig niyang sumigaw ang kapatid niya.

“Kuya, ano ba! Pigilan mo si Daddy!” Sigaw nito sa kaniya.

Napalingon siya dito, nakita niya ang kapatid na punong-puno ang luha ang mga mata. Nagulat siya ng may dugong tumutulo sa kanang braso nito pati na sa ulo nito.

“I-Innah, w-what happened to you?” Sinubukan niya itong lapitan kaso pinigilan siya nito.

“Don't mind me! Stop Daddy for hurting Mommy! Please! Baka mapatay siya ni Dad!” Sigaw nito gamit ang paos na boses.

Napakagat siya ng labi bago patakbong nilapitan ang mga magulang niya. Akmang susuntukin ng Daddy niya ang Mommy niya nang pigilan niya yon.

“Dad! Ano ba! Bakit mo sinasaktan si Mommy?!” Sigaw niya habang tinutulungang tumayo ang Mommy niya na ngayon ay hinang-hina.

“Wag kang makialam dito, Yeonjun!” Dinuro siya ng Daddy niya nanamumula ngayon sa galit bago harapin ang Mommy niya. “Ikaw! Bakit hindi ka lumaban? Ha?! Alam kong kaya mo akong labanan! Di ba ganiyan naman sa mundo ninyo? Dapat lahat kayo ay marunong lumaban at pumatay.” Madilim ang awra na sabi ng ama niya.

Kuyom ang mga kamao nito saka hinihingal. Na parang ano mang oras ngayon ay pwedeng pumutok ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang galit. Ngayon niya lang nakitang pinagbuhatan nito ng kamay ang Mommy niya, alam niyang mahal na mahal ng Daddy niya ang Mommy niya pero nakakapagtaka kung bakit nito nagawang saktan ang asawa niya.

Narinig niyang humagulgol ang nanay niya saka bumitaw sa kaniya. Niyakap nito ang Daddy niya na ngayon ay walang makikitag ibang emosyon sa mata kundi ang galit.

“I'm sorry, I'm sorry, honey. I'm really really sorry...” Rinig niyang paulit-ulit na sambit ng Mommy niya.

“Mom! Why are you apologizing to him?! Dad should be the one who's apologizing to you! He's the one who hurted you!” Sigaw ni Yeonjun na punong-puno ng pagtataka ang mga mata.

Pero hindi nakinig ang Mommy niya. Patuloy lang ito sa pagsambit ng sorry habang nakayakap pa din sa Daddy niya. Nilingon niya ang kapatid niya na ngayon ay humahagulgol din. Kumunot ang noo niya dahil sa mga nakikita.

What happened?

“Can someone tell me what happened? Please, I have no idea.” Mahinang sambit niya.

Pero parang bingi ang mga tao sa paligid niya. Walang nakikinig. Walang sumasagot. Walang pumapansin sa kaniya.

Parang gusto naman nang sumabog ng ulo niya sa pagkalito. Bakit umiiyak ang Mommy niya? Bakit binubugbog ito ng Daddy niya? Bakit duguan ang kapatid niya? Bakit ang Mommy niya ang nag-sosorry niya na dapat ay kabaligtaran dahil binugbog siya ng asawa niya. Dapat ang Daddy niya ang humingi ng tawad di ba? Pero bakit iba ang nangyari? Anong nangyati sa kapatid niya? Ano yung sinasabi ng Daddy niya? Hindi niya maintindihan, gulong-gulo na siya.

Sobrang daming tanong ang umiikot sa utak niya pero kahit isa doon ay walang nagiging katumbas na sagot. Lahat ng tao sa paligid niya ay nagmistulang mga bingi.

“I will bring Innah. Iaalis ko siya dito sa gulong ginawa mo. Hindi siya ligtas dito, hindi siya ligtas sayo. Hindi kita mapapatawad, Lorenza. Tandaan mo yan.” Bumitaw ang Daddy niya sa pagkakayakap sa Mommy niya.

Nilapitan nito ang ang kapatid niya saka hinila patayo. Akmang hahatakin nito palabas ang kapatid niya ng pigilan sila ng Mommy niya.

“Hindi kita hahayaang dalhin ang anak natin, Giyo. Anak ko din siya, ako ang nanay niya at nasa akin din ang desisyon kung dadalhin mo siya o hindi.” Matigas na sabi ng Mommy niya na parang hindi alintana ang sakit ng katawan.

“At sa tingin mo may pakialam ko doon? Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ni Innah at alam kong hindi siya magiging ligtas sa buhay na pwedeng maibigay mo sa kaniya. Ina ka niya, Lorenza, dapat mas alam mo ang makakabuti sa kaniya, pero paano mo nagawang idamay ang sarili mong anak sa gera na mayroon kayo? Wala kang kwentang ina.” Sabi ng Daddy niya.

Kumulo ang dugo niya dahil doon at akmang susugurin na ang Daddy niya nang pigilan siya ng Mommy niya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito na nakaharang sa harap niya kaso hindi niya magawa. Kumunot ang noo niya dahil sa lakas ng ina, di ba dapat mahina na ito dahil bugbog sarado na ito?

Sa pagtataka niya, napatingin siya sa ina niya na nakayuko ngayon. Hindi nila namalayan na nakaalis na pala ang Daddy niya hila-hila ang kapatid niya.

“Giyo! Innah!” Sigaw ng Mommy niya saka tumakbo pababa sa mansyon nila.

Agad niya itong sinundan, pagkababa nila ng second floor ay nakita nila ang Daddy niya na tumatakbo ang umiiyak na kapatid niya.

“Kuya...” Sabi nito.

“Innah!” Sigaw niya saka hinabol niya ang mga ito pero hindi na niya ito naabutan dahil nakasakay na ang mga ito sa loob ng sasakyan at agad na pinaharurot.

Sinubukan niyang habulin yon pero ano nga bang laban niya sa sports car? Napasabunot siya ng buhok saka napasigaw.

“Fuuuck!” Sigaw niya habang hinihingal.

Nakarinig siya ng pagbukas ng kotse at napalingon siya kung saan nanggaling yon. Nakita niya ang Mommy niya na nakasakay sa loob ng kotse niya. Tumakbo siya papunta sa direksyon non.

“Mom, what are you doing? You don't know how to drive.” Sabi niya habang nakakunot ang noo.

“Sakay.” Malamig na utos sa kaniya ng Mommy niya na agad niya namang sinunod. “Key.”

“Huh?”

“Yung susi!” Frustrated na sigaw ng Mommy niya. Agad naman siyang nataranta saka binigay ang susi dito. Binuksan naman nito ang makina.

“Wear your seatbelt.” Yun lang ang sinabi ng Mommy niya at napasigaw nalang siya sa biglang pagpapaharurot nito.

“Fucking shit!” Sigaw niya at agad na sinuot ang seatbelt.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng Mommy niya na halos lang nang madaanan niya ay nagiging blur nalang sa paningin niya. Mabuti nalang at maluwag ang daanan.

“Mom, ano ba talagang nangyayari?” Tanong niya sa Mommy niya na diretso lang ang tingin sa daan.

“I'm sorry, anak. Pero hindi ko pwedeng sabihin sayo.”

“What?! But why?!” Sigaw niya.

“I can't, anak.” Umiling ang Mommy niya.

“Mom, litong-lito na po ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Bakit ka binubugbog ni Dad kanina? Bakit parang galit na galit siya? Si Innah, bakit siya duguan? Mom, bakit?!” Sigaw niya saka napasuntok nalang sa bintana ng kotse niya.

Bigla namang tumulo ang luha ng Mommy niya.

“It's all my fault. I'm sorry.”

“Mom, why are you sorry? Can you please tell me?” Pagmamakaawa niya.

Hindi nagsalita ang Mommy niya saka umiling nalang.

“Where are we going?” Tanong niya nalang.

“Babawiin ko ang kapatid mo.” Maikling sagot ng Mommy niya.

Napabuga siya ng hangin saka napasandal nalang sa upuan niya. Parang kanina lang ay masaya pa siyang nakikipag-tawanan samga kaibigan niya tapos pag-uwi niya, nagkaganito na. Ni walang siyang ideya kung bakit nagkaganito ang buhay niya sa isang iglap. Parang kagabi, masaya pa silang nagtatawanan sa hapag at ngayon...

“Fuck...” Bulong niya ulit saka dumilat.

Pagdilat ng mga mata niya, sumalubong sa kaniya ang gitna ng daan na may dumadaang matanda. Nanlaki ang mga mata niya saka napahigpit ang hawak sa seatbelt.

“Mom! Pumreno ka!”

“I'm trying, pero ayaw gumana!” Sabi ng Mommy niya habang paulit-ulit na tinatapakan ang preno.

“Damn!”

Napapikit nalang siya habang palapit ng palapit ang kotse sa matanda. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya at maya-maya nalang ay may naramdaman siyang yumakap sa kaniya kasabay non ang malakas na kalabog na narinig niya.

Naramdaman niyang nawalan siya ng malay at nagising siya nang may naririnig na bulung-bulungan sa labas. Nanlalabo ang paningin niya, hindi niya din maintindihan ang mga naririnig niya. Namamanhid ang buong katawan niya pero nagawa niya pang pakinggan ang habilin ng Mommy niya.

“Y-Y-Yeonjun, p-please... k-kunin mo s-si In-Innah sa Daddy mo. P-Please... I'm b-b-beging you. P-P-Promise me, anak...” Sabi ng Mommy niya habang nakasandal ang ulo sa balikat niya.

Ni hindi niya magawang ibaling ang leeg niya paharap dito dahil wala siyang lakas. Nanghihina siya.  Naramdaman niyang tumulo ang luha niya sa mata at humikbi, hinang-hina siya. Yun lang ang tanging nagawa niya saka sambitin ang huling salita na pwede niyang sabihin sa Mommy niya.

“I-I-I p-pr-promise.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 252K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
40.6K 1K 17
Right now I was actually attempting on sneaking out two in the morning, I snatch my hoodie and the black puffy jacket that went up to my knees and gr...
1.7M 94.9K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
417K 25.3K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...