Will it be the same? (COMPLET...

By atemonghailey

58.7K 1.9K 866

Can love lead your heart back to the first one who broke it? More

A/N #1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55 (totoo na to 😂)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Encounter ✨♥️
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Gratitude
Visual Chapter I
Visual Chapter II
Visual Chapter III
Visual Chapter IV
Visual Chapter V
Visual Chapter VI
Visual Chapter VII
Visual Chapter VIII

Chapter 60

565 19 9
By atemonghailey

Vhong's POV

"Tangina kasi, pre.. iniwan pa natin tong lintek na to eh. Dapat last year pa natin kinuha, ikaw kasi!" singhal ni Paul sa akin.

Di ko kasi tinake tong History of Architecture 4 last year dahil masyadong mabigat ang schedule ko non, hindi ko na kakayanin kapag sinama ko pa to. Medyo di naman kasi to mabigat at hindi pre-requisite kaya okay lang na hindi ko muna kuhanin. E itong si Paul, sumabay pa sa akin sabi ko sakanya na mauna na siya dahil wala naman siyang iniintinding trabaho kaya okay lang na itake na niya pero ayaw niya. Ayan tuloy, naiwan niya pa.


"E gago, ako pa tong sisisihin mo! Sinabi ko na sayo na kunin mo na ayaw mo pa. Sumabay-sabay ka pa sa akin, ayan tuloy!"

"Pre napakahassle talaga nitong HOA4 na to simula pa man nung una.. e samantalang ala naman tayong mapapala dito, paulit-ulit lang. Tapos tignan mo tong last na project, aba! Pang malakasan din!"

Eto talagang si Paul sobrang mareklamo pero hanggang ganyan din lang naman yan, kina-career din naman niya ang projects if I know. Pa humbleger lang din yan minsan eh.

Ang final project kasi naming sa History 4 ay kailangan namin magresearch about Old Architectural Designs nung Spanish-Colonial Era so meaning mga lumang bahay or buidings ang kailangan. Kailangan naming ipaint ang façade ng mismong building tapos floor plan sa loob, research talaga kasi pati sukat ng bawat area ay malaman dapat. Minimum of 5 at maximum of 10 ang kailangan para sa final project. Madugo din eh.

E saan ba ako makakahanap ng ganon? Binigyan kami ng 1 month para dito. Gagawin ko na dahil ayokong maisabay to sa thesis, baka ikamatay ko na. Ngayon ang kailangan ko ay magresearch kung saan ako makakahanap ng mga ganon. Ang unang-una syempre sa Vigan. Ang layo! Gastos nanaman. Siguro kailangan ko magstay don ng 3-4 days para mas pulido ko ang project.

After ng class ko ay nagduty muna ako, buti wala gaanong tao ngayong araw dahil holiday.. wala masyadong estudyante. Kung ganito ba naman ng ganito ang volume ng tao everyday edi mas mapapadali ang trabaho ko.


"Ayun! Ngayon ka nalang ulit nag take-out ng pagkain dito ha? Namiss ba ng jowa moa ng pagkain dito sa café at nagrequest?" matagal tagal na rin nung huli kong pinagtake out si Annieka, bukod sa busy ako e madalas din kasi siyang nagluluto dahil yun ang nagiging libangan niya lately.

Susupresahin ko si Annieka ngayon, di niya kasi alam na dadaan ako. Ang alam niya ay mag gagawa pa ako ng thesis pero 2 chapters advance kasi ako, tinatrabaho naming mabuti ni Sir Rex yung thesis ko. Nagpupunta ako sa bahay niya nung mga nakaraang linggo para tulungan ako at idouble-check yung gawa ko.

Nung una ayaw niya ng concept ko. Unang beses palang niya nakita yung sketchbook ko ay parang nairita na siya, tinanong niya ako kung feasible ba yon. Isa rin naman siya sa nagpahirap sakin nung title defense palang.

Kay Architect Lagdameo ayos na, si Sir Rex nalang talaga. Di porket pamangkin niya ako ay hindi na ako dadaan sa butas ng karayom sakanya. Mas siya pa ang nagpapahirap sa totoo lang kaya nagulat ako nung bigla niyang sinabi na bago ako magpacheck ay dumaan muna sakanya. Ako ang gumagawa pero mas humihirap pa dahil marami siyang nakikitang butas at kulang.

Kaya pinupulido namin mabuti para sa final defense ay hindi ako marattle sa mga possible na butas. Pinapabago niya sa akin pero ineexplain niya muna kung bakit at kung anong anggulo ang pwede nilang Makita sa isang particular na parte na iyon. Perfectionist si Sir Rex, gusto niya ay masinsinan ang pag gagawa kaya isa siya sa mga prof na kinakatakutan dito sa CFA, pag sinabing Architect Alejandro, ay jusko! Magtago ka na!
Sa mga subjects na hawak niya, swertihan nalang kapag naka dos ka sakanya. Ang pinakamataas ko sakanya ay dos tapos biglang nakwatro ako dahil sa isang plate na hindi ko napasa, dahil don ay nawala ang scholarship ko at sobrang nahirapan na akong magapply para don. Pinaliwanag niya sakin yon bago niya gawin. Sinasabi niyang ayaw niya sana pero kailangan daw. Sa eskwelahan, walang pami-pamilya.. hindi porket pamangkin ako ay hindi na ako ibabagsak dahil ako naman talaga ang nagkulang. Tinanggap ko nalang pero sinabi ko sakanya na babawi nalang ako. Ayun, nakabawi ako at 1.5 pa ang nagging grade ko, pinakamataas sa history ni Architect Alejandro sa pagbibigay ng grades.


"Magandang Hapon po, Nanay Bing" nagmano ako nang pagbuksan niya ako ng gate. Alas quarto palang naman ng hapon, nagundertime ako ng isang oras sa café. Pinayagan naman ako dahil alam nilang lahat na madami akong ginagawa.


"Ang bango niyan a? Ikaw namili ka nanaman ng pagkain! Sabi ni Annieka ay magluluto siya ng Pasta at Homemade Pizza ngayon gabi eh, sinipag magluto pero di naman niya nabanggit na pupunta ka." Alam kaya ni Nanay Bing na medyo magkaaway kami ni Anne ngayon? Pero kilala ko naman to.. pagnararamdaman niyang di kami okay ay nagtatanong siya agad sa akin.

"Sige Nay, akyat na po ako." Nilapag ko na yung pagkain para kila Nanay sa lamesa bago ako pumanik ng hagdanan. Pagpasok ko sa kwarto ni Annieka, sa parang living room ng kwarto niya ay maraming nakakalat na products ng Amada&Co, siguro tinamad to pumunta sa HQ nila kaya dito nalang nag gawa.

Pumasok na ako, baka nandon siya sa office niya. Inusisa ko muna kung ano yung mga yon. Old school style na cute na mga toolbox tapos mga bagong labas na mga makeup ng A&C, siguro ito yung mga ipapamigay niya sa mga brand ambassadors nila at mga celebrity friends niya. May nakita din akong malilit na card na may sulat ni Anne.

"Magandang Hapon po" katok ko pero bukas naman yung pinto. Bahagya siyang nagulat sa akin pero nung makita niya ako ay ngumiti rin naman siya. Nilapitan ko siya para batiin at syempre, para makakiss na rin haha!


"Busy ata ang Annieka ko a?" malambing kong saad. Medyo cold pa rin si Annieka sa akin pero hindi na tulad nung mga nakaraang araw.

"Medyo.. inaayos ko kasi yung mga ipapamigay para new line, 50pax din yon eh. Madami-dami" sagot niya. Inaayos niya pala yung stickers na kasama dun sa set. Ang cute pero parang may kulang.


"Maganda ba?" tanong niya kaya naupo sa may tabi niya


"Hmm.. ayos lang kaso mahal parang may kulang.. diba ang theme niyo 90s? parang kulang ng 90s character.. alam mo yun.. kulang sa 90s vibe.." sagot ko

"E ayan lang yung binigay nung visual artist namin eh" Maganda naman kaso parang kulang..

"Mahal, pwde ba ako magsuggest?" syempre nagtanong muna ako, ayokong magpatiuna.

"Ayos lang.. ano ba yon?" tanong niya habang kinakain yung dala ko.

"Ganito mahal, do-drawing ako sa ipad ko tapos send ko dito sa pc mo then send mo sa graphic artist niyo para maisama sa printing kapag nagustuhan mo"



"Grabe iba talaga yung legit na artist! Dapat talaga ikaw nalang kinuha ko for these eh.. kaso busy ka.." punong puno pa yung bibig niya ng kinakain niya. Ang cute din minsan nitong girlfriend ko eh.


Pagkasubo niya nung pasta ay sinubuan niya ako. Di talaga pwedeng di ako kakain kapag kasama ko siya.

"Ayan mahal.. ayos ba? Pero teka may kulang eh.. Upo ka nga dito saglit.." pinaupo ko siya, mabuti at nakikisama yung kamay ko ngayong araw, nagawan ko agad si Annieka ng chibi version niya na may 90s vibe. Ang cute!


"Ang galing galing naman ng baby ko.." ahem.. ayan na parang tapos na siya sa cold war naming haha


"Sarap naman! Lasang pasta" biro ko, hinalikan kasi ako ng mabilis sa labi dahil natuwa ata haha di man lang pinatagal, willing naman ako.



"O ayan mahal, send mo na sa graphic artist niyo tapos sabihin mo fired na siya haha!"


"Yabang naman ng Dindin na iyan!" dinala niya yung pagkain sa may sala at nagpatuloy sa pagkain habang nagpapack.


"Mahal, turuan mo ako niyan.. ako nalang gagawa" naawa naman kasi ako parang gusto niyang kumain nalang ng kumain pero may deadline ata silang hinahabol.


"Eto Dindin, isang BB cream, dalawang lip and cheek tint, tatlong soft matte mousse, limang shades ng matte lipstick, isang liquid blush, 1 gel eye-liner, 1 liquid foundation at highlight palette tapos baby lagay mo tong freebies na mirror, beltbag, usb then tong headset a.. patong mo nalang sa toolbox, mamaya nalang nati ilagay sa paperbag pagdating ng stickers

Nalilito ako ng slight sa mga sinabi ni Anne, pare-prehas lang ng itchura pero magkakaiba pala yung mga yon. Yung totoo, nalalagay ba lahat ng mga babae to sa mga mukha nila?

"Ang dami naman nito mahal.. nakakalito!" nalilito talaga ako sa mga kung anong ilalagay ko don. Naririnig ko lang yung tawa ni Anne habang ako gulong-gulo na sa ginagawa ko. Mas okay pa rin palang mag compute ng lot area at mag electrical planning kesa mag pack ng mga makeup na to!


"Ay mahal.. nga pala sa sabado baka hindi ako matulog dito a? paalam ko sakanya


"Ha? Why? Do you have something to do?"


"Ahm.. ano kasi. Pupunta ako sa Vigan baka Tuesday na ako makauwi. Yung final project kasi namin sa Arki History kailangan naming magresearch ng mga old architectural design nung Spanish-colonial era. Kailangan naming alamin yung floorplan, brief background, mag hand paint ng façade ng mismong building eh. Nalalayuan nga ako.. Iniisip ko sa Intramuros tska sa Escolta kaya lang napakarami na for sure na pupunta dun para magresearch" Paliwanag ko kay Anne pero hinatak niya ako may couch para paupuin. Alam niyo ba yung feeling ng inupo ka ng magulang mo para kausapin? Ganon ang feeling ko ngayon, di pa nga kami totally bati tapos ganito pa.

"Hmm.. baby.. ang layo naman masyado nung Vigan.. baka mapagod ka ng husto nanaman sa biyahe e kakagaling mo lang ule sa sakit.. hanggang kalian ba yan?"

Napangiti ako ng slight. Si Annieka, kahit anong mangyari, alam kong she's always after my welfare. Palagi kong nararamdaman na kapakanan ko lang ang iniisip niya kahit minsan ay sumosobra na kaya nagkakaroon kami ng mga di pagkakaunawaan.


"1 month pa naman ang palugit kaya lang kailangan ko na asikasuhin agad dahil matatambakan ako at masasabay nanaman to sa thesis. Medyo matrabaho din kasi to eh.. kailangan talagang ipinta isa-isa tapos minimum of 5 buildings pa"

"Babe meron akong alam medyo malapit lang dito sa Manila, Sa Bataan.. yung Las Casas, member si Mimi don. Sandali lang yung biyahe going there.. pwede ka pa makapagpahinga tska kapag may kailangan ka pang balikan, mas madali mo mapupuntahan" Agad kong sinearch yung sinasabi ni Anne. Infairness, ang ganda-ganda don.


"Sige mahal.. dito nalang.. magkano kaya magcheck-in dito sa hotel nila.." kinlick ko yung room rate per day, jusko mahal! haha pero medyo pasok naman siya sa inilaan kong budget sa Vigan for 3 days, mag dadagdag nalang ako ng kaunti.

"Mahal.. sa weekends ba pwede ka? I mean.. gusto mo sumama? Kung wala ka lang gagawin. Mahal o! may beach, diba gusto mo mag beach nung nakaraan?" tanong ko kay Anne. Pagkasabi ko nun ay kita kong medyo napangiti siya.


"You want me to go with you?" really baby?" Ang cute niya kasi parang di pa siya makapaniwalang inaaya ko siya haha


"Oo.. kung di ka lang naman busy.. tska kung gusto mo lang naman hehe" napakamot ako sa ulo ko, di ko alam kung bakit may moments parin kami ni Anne na ganito, nagkakahiyaan.


"Hmm.. of course baby! Sasabihin ko nga sana sayo kung pwede ako sumama kaya lang nahihiya ako tska baka ayaw mo rin ng kasama eh" Tignan niyo pati siya nahihiya. Ewan ko ba!

"Haha mahal ang cute mo! Syempre pwede! Tska matagal na rin tayong di nakaalis ng malayo na tayo lang dalawa diba.. Pati first time natin makakaalis ng malayo na since naging tayo ulit"



Nagsasalita pa ako pero bigla akong hinalikan sa labi. Etong si Annieka talaga, masyado akong binibigla!


"Asus! Sige na nga.. basta baby, behave ka lang ha? Good boy lang, ala tayong magiging problema dyan"


"Yes, behave lang ako. Baka ikaw kaya mahal yung naughty dyan!" natawa ako ng malakas kaya ayun, nakatanggap ako ng pingot haha!


"Grabe siya! Ikaw kaya yon! Nako naexcite naman ako bigla. Okay din po na may kasama ka kasi kapag wala nanaman po.. di ka nanaman kakain kakagawa mo ng mga dapat mong gawin! Kilalang-kilala na kita Ferdinand Alejandro Madrigal Navarro the third! Kilala ko na yang kili-kili mo!"

Namiss ko yung ganito naming ni Anne, yung nagaasaran, nagkukulitan. Di naman kasi lingid sa kaalamanan naming dalawa na medyo sinusubok talaga kami sa relasyon namin ngayon. Pero ang mahalaga naman ay yung pinipilit naming ayusin hanggat maaga pa. Yun ang importante. Yun ang bagay na paulit-ulit kong gagawin kahit na gaano pa ako kapagod.

"Ang dami naman nitong pagbibigyan mo mahal.. siguro kung alam ni Mama to, malamang tuwang-tuwa yon.. adik din yon sa makeup eh.. ganon ata kayong mga babae talaga" Kanina ko pa naaalala si Mama, di ko na ulit siya nakita at nakausap simula nung nagkita kami sa ospital.

Siguro nga malapit na yung araw na maayos ko na ang lahat, una-una lang. Sa tuwing nakikita ko si Anne, kahit na mahirap.. pinaninindigan ko yung naging desisyon ko dahil alam kong isa yun sa mga bagay na magpapasaya sakanya, ang maayos ang ugnayan ulit ng mga pamilya namin.


"Aww. It's okay baby.. hayaan mo lagi naman may nakareserve kay Mama sa bawat line na nirerelease ng A&C para pag okay na ang lahat.. mabibigay ko na yun sakanya. Okay lang yun, Dindin.. wag mo ipressure yung sarili mo.. maayos din ang lahat. Basta kung ano ang dapat mong gawin ngayon, yung ang unahin mo ha? Pati nandito naman ako.. willing akong maghintay at samahan ka hanggang sa maging okay ka na at maging okay na ang lahat para sa ating dalawa"




Kahit ano kaya kong saluhin, basta para kay Anne at sa mga taong mahal ko.








A/N

Wasshup mga kikiam! Pasensya na kung sobrang roller coaster na ata ng takbo nitong kwento hahaha magseat belt nalang kayo para kayanin niyo yung mga susunod! Chos!

Don't forget to hit that star button and comment your thoughts down below!

Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

167K 5.2K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
212K 4.4K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
183K 12.2K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...