Chapter 21

518 19 4
                                    

Anne's POV

After namin pumunta kay Uno, bumalik muna kami sa tenement.. kukunin daw kasi ni Vhong yung mga gamit na kailangan niya. Mag be-brainstorming kami para sa launching, well.. sakanya ko gusto ipagawa yung visual set up ng launching, dadagdagan ko nalang yung compensation niya. I like how Vhong brings the ideas in to life, kung pano niya pagandahin yung visuals. Very modern but elegant.

"Oh, nakuha mo na ba lahat?" Tanong ko nang makapasok na siya sa sasakyan. Tumango lang siya. Sa dami ng dala niya, tingin ko naman ay nakuha na niya lahat ng kailangan niya.

"A..ano yan?" turo ko don sa isang bag na nakasukbit pa sakanya kasama ng tube case at t-square.

"Ah.. portable drafting board to.. pinapatong sa table, para slanted"

"Gutom ka na ba?" tanong ko, ang tahimik kasi.. tapos traffic pa, kahit may radio ang awkward parin ng vibes.

"Medyo" umayos siya ng upo. Siya kasi ang nag da-drive ngayon, sabi ni Vhong ay ituro ko nalang kung saan. Hinayaan ko nalang dahil medyo pagod ako.

"Sige, daan tayo sa yellow cab, take out ako" I know it was his favorite, kaya dun nalang ako bibili ng food namin.

.
.

"Pasok ka.." I opened the front door, naba-vibes ko na medyo hesitant pa pumasok si Vhong kaya nauna na ako.

Inalis ko lahat nasa table para makapag set up na si Vhong ng mga gamit niya. Kita kong inalis niya yung shoes niya kaya na socks nalang siya before he steps in sa carpet. He really knew me.

I went to the kitchen para ayusin yung binili naming pagkain. Paglabas ko sa dining, nakita kong nagaayos na siya. Grabe, ang tahimik naman niya, kahit pag lapag ng mga gamit ay walang katunog-tunog.

"Buksan natin to ha" binuksan ko yung tv, nilipat ko sa sports, sakto.. nba yung palabas. Nagaayos siya ng gamit niya pero yung mata niya, nakatuon lang sa pinapanuod niya.

Basta basketball talaga! Tinignan ko yung spurs vs lakers pala! E kaya naman pala tutok na tutok yung lalaking yon! Parehas niyang favorite na team ang naglalaro

"Anne? San pwede magsaksak?" Nagulat ako, may dala pala siyang lampshade? 😱

"Here.. dito nalang, extension nalang tapos yung extension saksak mo nalang sa outlet malapit sa tv" bumalik ako agad sa kitchen dahil may niluluto ako. Nagdagdag kasi ako ng soup.

"Gusto mo maglaro?" tanong ko, nagulat ako ata. Nakita ko kasing tinitignan niya yung mga games ko sa xbox.

"Ha? Hi.hindi.. tinignan ko lang.. ang dami mo palang games" agad niyang binalik yung mga balang hawak niya dun sa basket.

"Tara, kain na tayo.." tinawag ko na rin si Nanay Bing at Lori para sumabay na sa amin ni Vhong..

"Nay.." napayuko si Vhong nang makita niya si Nanay, Nanay Bing is my nanny since I was in gradeschool kaya kilala niya si Vhong.

Tinaasan ako ng kilay ni Nanay, I know what she means. Nagsungit si Nanay, kaya medyo naawa ako kay Vhong. Di nanaman siya nagsasalita tska konti lang yung kinuha niyang pagkain.

"Vhong, kain ka pa.. dami pa nito oh!" Inabutan ko siya ng wings. Naunang matapos si Nanay at Lori na kumain kaya nagpunta na sila sa kusina.

After namin kumain ni Vhong, pinauna ko na siya sa may sala.. sabi ko susunod nalang ako dahil tutulungan ko pa sila Nanay magligpit.

"Nay.." nilapitan ko si Nanay habang naghuhugas siya ng pinggan.

"Kailan mo pala balak sabihin sakin na kaibigan mo nanaman pala yang lalaking yan ha, Annieka?" Seryoso yung boses niya, alam ko na galit si Nanay, di ko kasi nabanggit na nagkaayos na kami ni Vhong

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now