Chapter 34

705 22 4
                                    

"Huh.. having fun without me, okay?" agad kinclose ni Anne ang browser pagkatapos pagtitignan ang mga pictures. It's her squad's pictures, Belle, Solenn and George.. nasa beach at mukhang masayang masaya sila. Di maiwasang mainis ni Anne sa mga nakita, a part of her ay alam niyang naiingit pero sa tuwing naalala niya kung anong nangyari nung launching ay mas naiinis siya.

Her friends are having the time of their lives sa isang magandang lugar, chilling and enjoying each other's company while, Anne.. she's sitting alone in her office with a file of papers in front of her. Well, may ibang friends naman siya but she chose not to be with them dahil they're in the same circle of friends at malamang ay nabalitaan nilang lahat ang nangyari nung launching, worst ay baka nakita rin ng ibang kaibigan nila ang pangyayaring iyon.

Anne reached out for her personal phone, dalawa ang telepono niya.. isa para sa trabaho at ang isa naman ay ginagamit niyang pang-personal. Nadismaya siya nang makitang wala man lang text o tawag sa kanyang cellphone. Wala si Stacy, nagpaalam kay Anne na magla-lunch out ito kasama ng kasintahan kaya walang maaya si Anne na makasamang kumain ng lunch.

Hanggang sa naalala niya ang isang tao, nung una ay nagaalangan pa siya dahil baka makaistorbo siya pero gusto niya ring magbakasali, besides.. dalawang araw na silang di nagkikita dahil parehas silang busy sa kanya-kanya nilang buhay.

Napangiti si Anne dahil sa palitan nila ng text message ni Vhong, kung kanina ay nababadtrip na siya sa sobrang pagkabored, ngayon naman ay daig niya pa ang batang naghihintay ng bagong laruan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napangiti si Anne dahil sa palitan nila ng text message ni Vhong, kung kanina ay nababadtrip na siya sa sobrang pagkabored, ngayon naman ay daig niya pa ang batang naghihintay ng bagong laruan. Tumayo na siya at sinarado muna ang laptop tapos ay inayos ang mga papeles sa lamesa niya. After that, she fixed her hair and nag retouch ng kaunti.

Nasa sasakyan na si Anne papunta sa cafe ng magring ang kanyang cellphone, si Vhong.. tumatawag.

"Annieka, san ka na?" napakunot naman ang noo ni Anne kasabay ng pag-ngiti niya. Ano kayang dahilan kung bakit pa siya tinawagan ni Vhong e samantalang nagtext nanaman siya na papunta na siya sa cafe.

"Ahm.. in the car, medyo traffic eh" sagot ni Anne

"Yun sakto.." mas lalong kumunot ang noo ni Anne dahil sa narinig niya

"What?"

"Ahh.. ang ibig kong sabihin okay lang yan.. di ko pa naman break, baka maghintay ka pa kapag mas napaaga ka.. ano kasi.. Annieka, text mo ko kapag nasa cafe ka na ha? pero wag ka munang papasok.. antayin mo ko"

"Ow.. okay? sure, Dindin.." kahit nagtataka ay di na nagtanong pa si Anne, di na niya inusisa pa ang sinabi ni Vhong

Pagkalipas ng halos 20 minutes ay nakarating na si Anne sa cafe, agad niyang tinext si Vhong pero hindi ito nagreply kaya napagpasyahan niyang pumasok nalang sa cafe. Pagpasok niya ay di niya nakita si Vhong, wala ito sa counter hanggang sa nakita niya itong aligaga sa pagaayos ng isang lamesa.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now