Chapter 28

504 18 8
                                    

"Okay class, who wants to answer problem number 2?" namutawi sa buong silid ang katahimikan sa tanong na iyon ni Prof. Lagdameo, nagkatinginan ang mga estudyante, tila naghihintay kung sino ang maglalakas ng loob na sumagot ng napakahirap ng equation.

"Yes, Mr. Navarro" hindi gawain ni Vhong na magtaas ng kamay para sumagot sa blackboard, kadalasan ay hinihintay niya lang na tawagin siya ng mga professor pero sa pagkakataong iyon ay siya lang ang bukod-tanging nagtaas ng kamay na siyang ikinagulat ni Sir L at ng buong klase.

Tahimik na tahamik ang lahat habang seryosong nagsasagot si Vhong sa blackboard, aabutan sana siya ng kaklaseng nasa harapan ng calculator pero hindi niya iyon kinuha, bagkus ay nagtuloy-tuloy sa pagsasagot sa pisara.

Napaawang ang bibig ng propesor at ng mga estudyante pagkatapos magsagot ni Vhong, agad tinignan ng Sir L ang sagot ni Vhong at laking gulat niya na yung mas mahirap na formula pa ang ginamit nito at hindi yung shortcut, hindi gumamit ng calculator pero tama parin ang sagot.

"Well done, Mr. Navarro. 10 pts for you" sa klase ni Sir L, karagdagang puntos ang binibigay sa mga nagrerecite at sumasagot sa board na siya namang idinadagdag sa class participation points ng mga estudyante, kung may balak kang ma-exempt sa exams ay dapat nagiipon ka ng puntos.

"Thank you, sir" tumango lang si Vhong at bumalik na sa kanyang desk.

"Grabe tol, anyare sayo?! mamaw ka talaga!" sambit ni Paul sa kaibigan ngunit hindi siya pinansin nito at nagtuloy-tuloy lang sa pagkopya ng lecture na pina-flash ng projector.

"Class, quiet!" saway ni Sir L sa kanyang mga estudyante, sa inis niya ay bigla niyang inilabas ang isang notebook, naglalaman iyon ng mga pop quizes niya.

"Get 1/2 sheet of paper, lengthwise.. number it from 1 to 20.. It seems that you already knew the lesson for today, may quiz tayo.. scores below 13 will automatically be zero and 13 above will get a perfect score" nanahimik muli ang buong klase dahil doon. Mabait si Sir L pero kapag sinagad niyo siya, matitikman niyo talaga ang bagsik niya sa klase.

"Okay, finish checking?" pagkatapos ng sampung minuto ay nachekan na lahat ng papel, walang ni-isa sa mga estudyante ang gustong magsalita. Pagkabigay ng papel kay Sir L ay agad niyang pinaghiwa-hiwalay ang mga papel. Sa klase ng may trentang estudyante, tanging limang ang nakakuha ng score na mas mataas sa 13.

"Avanoces, Quilban, Uy, Ballesteros.. got 13 and 14.. and.. Mr. Navarro is the only one who got a perfect score of 20/20, it seems you're on track today, Mr. Navarro.. well done! because of that, exempted ka sa next quiz. Class dismissed"

"Grabe tol, kakaiba ka talaga.. ano bang nangyayari sayo?" halos habulin na ni Paul ang kaibigan sa bilis nito sa paglalakad.

"Nag advance reading ako nung isang linggo, natatandaan ko pa lahat yon." walang emosyon na sagot ni Vhong kay Paul at nagpatuloy sa paglalakad.

"Vhong, san tayo kakain? alas dos pa next period natin.." muling tinanong ni Paul si Vhong pero saglit lang siyang tinignan nito.

"Dyan nalang sa Robles, pupunta pa ako sa library. Kailangan nating bilisan." Minabuti nalang ni Paul na wag nalang magsalita at sundan nalang si Vhong sa kinakainan nila. Pagdating nila don ay agad silang umorder, dating gawi.. hinubad muna ni Vhong ang kanyang polo bago kumain at ipinatong iyon sa backpack niyang nasa tabing upuan. Ayaw na ayaw kasi ni Vhong na nadudumihan ang uniporme kaya nakagawian na niyang alisin muna ito bago kumain dahil may panloob naman siyang puting tshirt.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now