OPERATION: STEALING THE BAD B...

Av witcheverwriter

4M 48.8K 8.8K

Si Zabrina Ruiz ay ang Reyna sa elite school na King Academy. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. At ang gust... Mer

~ Zabrina ~
1. Ultimate operation.
2. Reversed.
3. Mr. Sungit.
4. Thanks to Rio ng Grande.
5. Detention trouble.
6. Blag!
7. Kiligin kayo, ples.
8. Payback time.
9. Sorry, Daniel Padilla.
10. Si Maganda at si Gwapo.
11. Si Kulit at si Sungit.
12. Ano daw?
13. Sweet, parang true story.
14. Mark your bestfriend [Part 1] : Ang possessive kong bestfriend.
15. Mark your bestfriend [Part 2] : Mas possessive akong bestfriend.
16. Mark your bestfriend [Part 3] : Nagalit ang aking bestfriend.
17. Ex to Pakners.
18. Maarte kasi.
19. Originality nga.
20. Careful, Queen Z.
21. Level up.
22. Sino nga siya?
~ Hermes ~
1. Dapat 'F-ck you'.
2. Sino na'ng taya?
3. Ang magnanakaw.
4. Sino ako?
5. Ngiti lang, madam.
6. Maligayang g-go.
7. M.U ba kamo?
8. Pa'no na kaya?
9. Haha. Anyare?
10. T-ngina lang.
11. Missing Zabrina.
~Friends~
The Past and The Furious
1. Breaking news.
2. Trust game.
3. Let's play love. Game?
4. Guess who?
5. Gone boy.
6. A beautiful mess.
7. Here's a candy.
9. Ang nakaraan.

8. Two is better than one.

38.6K 801 187
Av witcheverwriter

8. TWO IS BETTER THAT ONE.

KINABUKASAN, 10 in the morning, since walang pasok, kaysa magmukmok ako, naisipan kong sumama sa G6 sa condo ni Romano.

Prenteng naupo ako sa couch sa tabi ni Jerry at Cade.

Si Romano naman, ayun, kakagising pa lang. Nakahawak sa sentido at nakapikit na naupo sa single couch sa tapat namin. Hindi niya pa ata namamalayan na nandito ako. Pa’no, first time ko ‘tong sumama sa G6.

“Wow, ‘tol. Seryoso ba ‘yan? Kagabi ka lang ata nalasing, ha?” tanong ni Cade kay Romano.

“Ayaw paawat, e,” sabi ni Jerry.

Yep. The gang told me he was drunk as hell last night with Tom and Jerry.

He was so f-cked up yesterday. Buti na lang at hindi kami pinagalitan ni Sir Tripp at hindi niya na kami hinyaang madala sa guidance. Basta tinanong lang ni Sir kung okay na ba at hindi na mauulit, na sinag-ayunan naman namin, tapos ayun na, dinismiss niya na kami. Ewan ko ro’n kay Sir Tripp kung ano’ng trip niya.

“Ganyan ka rin ba nu’ng nasa states ka pa?” tanong naman ni Prix.

Pero imbis na si Romano ang sumagot, sinapo lang ni Romano ng dalawang kamay niya ang noo niya at si Tom ang sumagot.

“Hindi. Sabi ni Madam may deal daw sila niyan na pwede lahat ‘wag lang crime, drugs, lasing, at buntis, e.”

 

“Yo, Mama’s boy,” asar ni Gav.

“F-ck you,” Romano muttered under his breath.

“Haha! Oo nga! Mama’s boy mo, ‘tol! Lahat ng sinasabi ni Madam sinusunod mo, e!” sang-ayon naman ni Jerry.

“Hey. In my defense, cool si Mama. Close kami at ayokong i-disappoint siya dahil ginagawa niya ang lahat ‘wag lang akong magrebelde lalo na’t hindi ako sa kanya nakatira,” nakapikit pa ring depensa ni Romano tsaka siya napamura ulit at napahawak sa sentido niya.

Napatango lang ang barkada. Maski ako. Well, good point naman talaga.

I have yet to meet Romano’s mom, again—simula nu’ng pareho na kaming lumipat ng tirahan bata pa lang kami ni Romano—but the girls told me about her and they said Madam—Romano’s mom—is so cool nga raw. And the fact that she has this deal with Romano na bawal ang crime, drugs and being drunk tapos pwede na ang lahat, even sex, ‘wag lang makabuntis, is actually, pretty cool.

I think first time nga ni Romano na malasing. Ni ayaw niyang dumilat, e. Ilang gallon kaya tinira nito? Taas-taas ng alcohol tolerance, nalasing?

“So, what happened?” tanong ni Gav.

“Zabrina happened,” nakapikit pa ring sagot ni Romano, parang naiirita ang boses niya—hindi ko alam kung dahil sa hangover niya o dahil sa hindi niya kontroladong nararamdaman niya para sa’kin.

Am I blushing?

Yep, and I’m smiling out from ear to ear.

He’s totally into me.

And indeed, pag-angat niya nga ng paningin niya at nakita niya ako... “Whoa, hangover.”

 

Napairap ako kahit alam kong medyo nakangiti pa rin ako.

Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ‘ko. “Ba’t ka nandito? Galit ka, di ba?”

Di ba dapat nga matuwa pa siya na nandito ako? Ba’t ang sungit na naman niya?

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang nire-ready ko ang weapon ko sa likod ko.

“Ba’t ka nga nandito?” masungit na tanong na naman niya. ‘Pakasungit!

“Well...” Ngitian ko siya ng nakakaloko. “Just for.... this,” and then I flashed my camera in his face and I run, run for my life.

“Sh-t! Habulin n’yo nga ‘yon, ta’s ihatid n’yo! ‘Pag hindi, ako hahabol du’n at itatali ko ‘yon dito! Dali!” narinig kong inis na utos ni Romano sa mga kabarkada niya.

Haha. Wala lang. Nang-iinis lang ako. Para ‘pag bati na kami, may pang-inis ako. Haha.

“Adik ka, beb! Buti na lang may hangover ‘yun, baka tinali ka talaga nu’n. Gago pa naman ‘yun,” sabi ni Jerry sa’kin nu’ng maabutan niya na ‘ko sa labas. Siya ang sumunod sa’kin.

“Ba’t ikaw ang sumunod sa’kin?”

 

“Da’t si Gav talaga, e. Pinigilan ni Sem, ‘lam mo naman ‘yun, seloso level 101.”

Napangiti na lang ako. Makipagbati na kaya ako sa Monday?

Hmm....

***

Isang SORRY na nakasulat sa papel, na nakadikit sa ibabaw ng maliit na box ng Ferrero Rocher ang bumungad sa’kin umagang-umaga pagkalapit ko sa upuan ko.

Napapangiti agad ako pero tinago ko ‘yon ng pag-irap. Mamaya nakatago pala siya d’yan sa isang tabi, edi nakita niya reaksyon ko? No way.

Napairap na umupo na lang ako.

Kainis. Napakabaduy ni Romano.

Tinanggal ko ‘yung maliit na papel kung saan nakasulat ang sorry at napa-what the f-ck na lang ako nang makita kong ‘yung 8 pieces na dapat laman ng box, apat na lang. Tapos may nakasulat sa likod ng papel nu’ng SORRY na: Tagal mo e. Nagutom ako. Kasalanan mo pero sorry ulit sorry

What the f-ck talaga. So ‘yung SORRY, e, para talaga sa halos pag-ubos na niya sa chocolate na bigay niya? Napakatakaw talaga ng lalaki na ‘yon!

At meron pa pala. Kasi present na naman ang notebook niya na naging notebook line na naming dalawa. Doon nakapatong ‘yung Ferrero at sa nakabukas na page, may nakasulat na:

Roses are red,

Violets are blue

This poem makes no sense,

Tang-ina mo

What the... Kung ibang tao ang nakabasa nito, matu-turn off sila kay Romano. But no, this is his unique way of saying ‘I love you’.

Hinayaan ko na lang. Syempre kunwari nagtatampo pa. Pero mamaya lang babatiin ko na ‘yan. Haha. Sobra-sobrang pagdurusa na inabot no’n. Maganda kasi ako. Syempre, kawalan ako.

Hanggang sa hapon, nu’ng practice na sa play, nasa harap ko si Romano. As in harap. Nakatitig siya sa’kin, pero hindi niya ‘ko kinakausap, pero nang-iinis ang tingin niya.

Kainis. Ba’t ba ako bida rito? Nakakainis talaga.

Pa’no dapat galit ako. E, imbis, kinikilig ako. Kainis!

“Aagawin kita sa kanya, Bayani. Aagawin kita. Tandaan mo ‘yan,” walang siglang sabi ko kay Romano nang hindi nakatingin sa kanya.

“Cut!” sigaw ni Direk Thor—ang bading naming direktor. “Zab, wala kang kaemo-emosyon! Say it with feelings! Tumingin ka sa mga mata ni Hero!” sermon sa’kin ni Direk Thor.

“Yeah, Zabrina,” pang-aasar naman ng katabi kong bibigyan daw ako ng space pero ang sarap supalpalin ng face.

Edi, tinignan ko sa mga mata! Nanlilisik nga lang. Kaso ang gago, inismiran pa ‘ko!

“Okay. My goodness, kanina pa tayo sa scene na ‘to. Let’s take a break,” sabi ni Direk Thor.

Perfect! Inirapan ko si Romano at umalis agad ako palayo sa kanya.

Sa backstage ako nagtuloy kung nasaan ang barkada at nagsusukat ng costumes.

“Zab, try this! Bagay sa’yo,” may inabot si Lizzy na kumikinang na kulay light blue na gown sa’kin pero hinawi ko lang ‘yon.

“Not in the mood, Lizzy,” tamad na sabi ko.

“Okay,” wala namang pakialam na sabi ni Lizzy.

Last Friday pa sila nasanay sa mood ko.

Umupo ako sa isang chair tapos pinanuod ko lang sila. Hanggang sa maya-maya, naghihila ng upuan ang hari ng mga gago at pumwesto pa talaga sa harap ko.

F-cking space. Nahihirapan na ‘kong kiligin, bwisit. Haha, kainis.

Umirap na lang ako at iniwasan ko siya ng tingin.

Si Rio nga rin hindi makalapit sa'kin dahil bantay-sarado ako sa space namin ni Romano, e.

Nu’ng tumunog ang phone ko, wala na sana akong balak na basahin ang text ng kilala ko naman kung kanino galing, pero akmang lalapit si Romano. At ginagawa niya talaga ‘yon kapag ayaw ko siyang pansinin. Gagawa at gagawa talaga siya ng way para pansinin ko siya, e.

Kaya binasa ko na lang ang text niya, kaysa ilapit niya sa’kin ng husto ang mukha niya. Jusmiyo.

 

[Hoy]

Hoy lang, gusto pang basahin ko? Kung pera lang ang irap, marami na ‘kong nawaldas.

My phone made a whoosh sound and I know why. Another text.

[Pakipot mo sobra]

I am, so what? Para ma-realize niya na hindi ako madaling maamo kapag may kasalanan siya.

[Bati na tayo]

Talagang hindi niya ‘ko kinakausap. Text lang talaga. Pero nakatitig siya sa’kin. So pa’no ‘ko hindi mamumula? Kainis!

Pero humahanap lang ako ng tyempo, e. Babatiin ko na kasi ‘to. Pero dahil saglit na lang naman, aasarin ko muna.

Nag-reply na ‘ko, for the first time since Friday, nag-reply na ‘ko.

Tantanan mo ko, please.

Pinanuod ko kung pa’no mag-react si Romano sa reply ko. At hindi naman ako nabigo dahil expected ko na ang pagtaas ng sulok ng labi niya kasabay ng pagtaas din ng isang kilay niya. Nakita kong nag-type siya ng reply at natanggap ko na nga.

[Sorry pero dadaigin ko si Mike Enriquez at tutularan ko si Mel Tiangco. Hinding-hindi kita tatantanan. Magpakailanman]

Oh, my God, can he not.

“Ayoko na nga!” kunwaring padabog na hinagis ko ang script na hawak ko sa kanya.

Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya kakornihan niya.

Ngiting tagumpay naman si loko! “Bati mo na ‘ko?”

 

“Oo na!” nakairap na sabi ko.

“Pakipot. Drama-drama pa,” nakasingkit ang mga matang sabi niya sa’kin.

“Heh!” Kainis. Gusto ko pa siyang tiisin kaso, wala, e. Korni na niya.

“Ayiiieeee! Bati na sila! Congratulations~ Congratulations~” pakantang kantyaw naman ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Romano na ewan ko kung sa’n sa’n na lang sila sumusulpot.

“Sabay tayo uwi mamaya. Hana?” sabi sa’kin ni Romano.

“Bahala ka.”

 

“Si Zabby! Bati na, nagpapakipot pa! Sabi mo kanina, miss mo na—phhp!” Bigla ko na lang tinakpan ang bibig ni Kimmy’ng sobraaaaang daldal!

“Di ba, ‘no, Kimmy? Uuwi ka na, ‘no? Ge, ba-bye!” Tsaka ko siya tinulak. Napakapahamak!

“Pwe! Pwe! Ito namang si Zabby!” nagtatampong sabi ni Kimmy sa’kin na inirapan ko na lang.

Syempre ‘yung mga bugok naming kaibigan, mga nagtawanan. Lalo naman ‘yung isa na may pang-asar na naman!

 

“Miss pala, ha. Pakipot pa.”

Argh! Yoko na! Nag-walk out na lang ako.

***

“AKALA ko ba ihahatid mo lang ako? E, sa’n tayo pupunta?” tanong ko kay Romano habang nasa taxi kami.

“Bahay ni Madam,” simpleng sagot ni Romano.

“Madam?” Mama niya?!

“Oo. Sa nanay ko. Gusto ka nang makilala. Dalhin daw kita pagkabating-pagkabati natin, e.”

What?!

“Wala man lang akong dalang kahit ano, nakakahiya naman!” Wala man lang akong dalang cake or anything!

And his mother actually knew about our fight? What the...

Natawa naman si Romano. “Tsaka ka na magdala ‘pag sinagot mo na ‘ko.”

 

Medyo natameme ako ro’n. Oo nga pala, hindi pa kami. Pero kahit ba, dapat may dala man lang ako. Tsaka, “Bakit mo nga ako ipapakilala, e, hindi pa naman tayo?”

 

“So, kailangan girlfriend kita tsaka lang kita maipapakilala sa magulang ko? Hindi pa ba sapat na mahal kita?”

Napakuyom ko na lang ang kamao ko na pinakita ko pa talaga sa kanya sa sobrang panggigil ko. He’s enjoying his game. Alam niyang nakokornihan ako sa kanya kaya lalo pa siyang nagpapakakorni.

“Tigilan mo nga,” nanggigigil na sabi ko sa kanya. Sarap sapakin, e.

Syempre, iiling-iling na natatawa na lang siya. Masaya siya, e. Bwisit siya.

“Manong, dito na ho,” sabi niya sa driver.

Bigla akong kinabahan pagbaba namin. First time kong makikita ang mama ni Romano.

Bigla na lang hinawakan ni Romano ang kamay kong nanlalamig. “What are you doing?” I hissed at him.

“Doing you a favor. Kinakabahan ka, e,” simpleng sagot niya.

“By holding my hand?”

 

“Yup.”

 

“Okay,” napipilitang sabi ko na lang. E, hindi naman bibitiw ‘yan, e. Ilang araw ko bang hindi pinansin ‘yan. Winarningan na ‘ko niyan na kapag nagkabati kami, mas magiging clingy siya. Seryoso. Sinabi niya ‘yun sa mga text niya.

Nagbuga ako ng malalim na hininga pagpasok namin sa gate.

Si Romano naman, tatawa-tawa sa tabi ko. “’Di ka kakainin ni Madam, parang tanga ‘to!”

 

“Kahit ba! Pa’no kung hindi niya ‘ko magustuhan?”

 

“Sus. Maniwala ka, gustong-gusto ka nu’n. Magki-click agad kayo nu’n, pustahan.”

Ha? Bakit naman? “Pa’no mo nasabi?”

“Pa’no pareho kayong isa’t kalahating baliw no’n.”

 

“Baliw ako?” sabi ko sa kanya na may banta sa tono ko.

“Sorry, bati na tayo, ‘di mo na ‘ko matatakot.”

Aba? “Ah, gano’n?”

“Oo, gano’n,” panggagaya niya sa’kin. Babatukan ko na sana kundi lang may lumitaw na babaeng naka-uniform ng pang-maid, e.

“Ate, si Mama?” tanong ni Romano sa maid.

“Nasa taas po. Teka po, tatawagin—“

“Aakyat na lang kami, Ate. Sorpresahin ko,” nakangiting sabi ni Romano sa maid na nginitian na lang din sila bilang pagpayag. Kaya pagpasok nila ng bahay, umakyat na rin sila agad.

“Nakakahiya, hoy, sa kwarto agad ako pupunta?” alanganing tanong ko kay Romano habang hila-hila niya ‘ko.

“Oo. Su-surprise nga natin si Madam, ‘wag kang maingay,” saway niya sa’kin.

Kahit ba kinakabahan ako, sumunod na lang ako. Sabi niya, e.

Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto.

“Ready?” excited na tanong sa’kin ni Romano.

No, but... “Fine.”

 

At ang lapad ng ngiting dahan-dahang binuksan ni Romano ang pinto ng kwarto.

Nakita ko agad ang mama ni Romano. Nasa dulo. Busy siya. Nasa desk siya at nagla-laptop. At kinakabahan ako.

Hindi nararamdaman ng mama ni Romano na nakapasok na kami sa kwarto niya at dahan-dahan na kaming papalapit sa likod nito.

Gago ‘to talagang si Romano, gugulatin daw niya mama niya, e.

Nakapwesto na nga siya, e. ‘Yung mga kamay niya, parehong nakakuyom na para manggulat. Pero ewan ko kung ba’t hinihintay ko na lang ‘yung panggugulat niya, biglang.... wala. Huminto siya. Or rather, napahinto siya.

Pinagmasdan ko siya. Pero nakatitig lang siya sa ginagawa ng mama niya. Bakit?

“Ma... ikaw si Anonymous?” hindi makapaniwalang tanong ni Romano imbis na gulatin ang mama niya.

Nanlaki ang mga mata ko’t napasinghap ako kasabay ng paglingon ng gulat na gulat na mama ni Romano.

What?!

Tinignan ko rin ang ginagawa ng mama ni Romano. Huli na para isara nito ang laptop dahil nakita na namin ni Romano ang ginagawa niya.

“Ikaw si Anonymous?!” hindi makapaniwala at nag-aakusang ulit ni Romano sa mama niya.

Holy hell.

Ang mama ni Romano si Anonymous?

Pero..... pa’no?

“Bata ‘to, ba’t ka ba nanggugulat?” tumayong sabi ng mama ni Romano kay Romano. “Tsaka anong Anonymous? E, sinend lang sa’kin ‘yan ng Sir Tripp n’yo. Basahin ko raw ‘yung story na ginawa niya dahil tungkol daw ‘to sa inyo.”

Lalong nanlaki ang mga mata namin ni Romano. Natulalang nagkatinginan lang kami.

Story na ginawa ni Sir Tripp?

Si Sir Tripp?

Wait. Sino ba talaga sa kanilang dalawa? Pa'no kung pinapasa lang ng mama ni Romano kay Sir Tripp ang sisi? Pero malabo naman atang magsinungaling ang mama ni Romano lalo't gamitin ang pangalan ni Sir Tripp? At... close sila? Wait... Baka naman....

Oh, my God.

Si Madam? O si Sir Tripp? O baka naman.... silang dalawa?

Hindi makapagsalitang titig na titig lang ako kay Romano.

“What the f-ck?” ang tanging nasabi ni Romano.

— — —

Fortsett å les

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...