Mister Superstar ll Choi Yeon...

Angelkim_10 által

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... Több

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-11

864 27 7
Angelkim_10 által

YUMI CHUA

“Ang tagal naman nun.” Inis kong sabi saka pinuntahan na sa kwarto si Yeonjun.

Nagising ako kanina sa loob ng kwarto niya, at sa tabi niya pa talaga. Mabuti nalang tulog pa siya dahil siguradong lagot ako sa kaniya kapag basta nalang akong pumasok sa kwarto niya saka tinabihan pa siya sa kama. Jusmiyo naman kasi! Sorry na! Inaantok lang talaga ako kagabi dahil sa pag-iisip ng paplanuhin ko. Sorna sagad.

Pag-kagising na pag-kagising ko kanina ay tumayo agad ako saka lumabas na ng kwarto para hindi niya ako magisingan at para na din ihanda ulit ang agahan naming dalawa kahit alas-diyes na. At nainit ko na't lahat ay hindi pa siya lumalabas sa lungga niya. Wag niyang sabihin na natutulog pa siya?

Kumatok muna ako sa pinto pero walang nagbukas kaya kumatok ulit ako pero wala pa ding nagbukas kaya napag-desisyunan ko na siyang pasukin. Gutom na gutom na kasi ako at kahit gusto ko nag kumain ay hindi ko magawa dahil alam kong kapag mauuna ako ay mawawalan siya ng kasabay at alam kong malulungkot siya non, paano ko nasabi? Syempre duh! Lahat naman ng tao nalulungkot at nawawalan ng gana kapag wala silang kasama sa pagkain.

“Boss Yeonjun?” Pagtawag ko sa pangalan niya nang hindi ko siya makita sa kama niya.

Hinanap ko siya sa buong kwarto niya, sa ilalim ng kama, sa ilalim at itaas ng book shelf, sa loong ng walk in closet pero hindi ko siya nakita. Isa nalang ang natitira.

Tinignan ko ang cr saka pumunta doon, binuksan ko ang siradura non saka sumilip sa loob.

“Kyaaaaaah!” Napasigaw nalang ako saka napatakip ng mga mata nang makita ko si... si... Yeonjun na nakahubad!

Jusme!

“Damn! What are you doing here?!” Rinig kong sigaw niya.

“Tatawagin lang sana kita para mag-almusal kaso nung hinanap kita hindi kita makita. Sumigaw-sigaw pa ako dito e, nandito ka lang pala! Hindi mo ba ako narinig na sumigaw?! Ayan tuloy... n-nakita kitang naka-h-hubad.” Utal kong sabi habang madiin ang pagkakapikit.

Kasi naman! My virgin eyes! Nakakita ng malaswang pangitain!

Pero infairness, malaki siya ah.

Napailing agad ako sa naisip ng malandi kong utak. Napakalandi ng utak na mayroon ako, jusmiyo naman. Napaka-ano e. Napakagat nalang ako ng labi nang bumalik na naman sa isip ko ang imahe niya na nakahubad habang nasa ilalim ng shower. Oo, aaminin ko, ang hot niya doon.

Maya-maya, bigla kong narinig ang pagtawa niya.

“So, how was it?” Tanong niya habang inaayos ang tapis ng tuwalya sa bewang niya. Nakahinga ako ng maluwag doon, pero hindi pa din magawang kumalma ng puso ko habang nakikita ko ang abs niya tsaka yung V-line niya.

Hinga Yumi!

“Anong how was it?” Balik kong tanong sa kaniya, pilit na iniiwas ang tingin sa katawan niya.

“What can you say about my... my body.” Aniya na kahit nakapikit ako ay alam kong nakangisi siya sa akin.

“Hot— I mean, Wag mo nga akong tanungin ng ganiyan! Alam mo na ngang naiilang ako pinagtitripan mo pa ako!” Sigaw ko sa kaniya saka tumalikod na para umalis. “Lumabas ka nalang kapag tapos ka na, kakain na tayo.”

Maglalakad na sana ako paalis nang marinig kong siyang magsalita.

“I'm sorry.” Bigla niyang sabi pero hindi ako lumingon. Kahit alam kong nakatapis na siya ng tuwalya ay nahihiya pa din akong tumingin, nakakahiya kaya!

“Hindi naman ako galit. Iritado lang ako kasi nakakailang.”

“Thanks, Yumi. Your cuteness are always making me smile.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya... hindi ko kasi masiyadong narinig yung bandang dulo ng sinabi niya. Masiyadong mahina, hindi inabot sa ng pandinig ko.

“Ano?”

“Nothing.” Umiling siya. “Sige na, susunod nalang ako.” Aniya.

Nagkibit-balikat nalang ako saka lumabas na ng tuluyan sa kwarto niya. Bumalik na ako doon sa dining area saka hinintay siya. Pero nainip din ako agad kaya tumambay muna ako doon sa bintana at tinignan ang napaka-gandang view sa ibaba. Kitang kita ko ang buong siyudad mula dito sa itaas. Binuksan ko yung glass window doon saka nilanghap at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko.

Napapikit nalang ako dahil doon. Pagdilat ko ng mga mata ko, dumiretso ang tingin ko sa langit kung saan magkasama ang mga magulang ko na siguro ngayon ay masaya sa kalagayan nila.

“Ma, Pa, sana nakikita niyo ako ngayon. Sana, nakangiti kayo ngayon habang nakatingin sa anak niyong maganda. Hehe. Ma, kung nandito ka pa, alam kong tatanungin mo ak kung maayos ba ako, well, maayos naman po ako. At Pa, may trabaho na po ako. Ang swerte ko nalang dahil si Choi Yeonjun pa na superstar pa ang naging boss ko. Sana, matulungan niyo po ako na mapagtiyagaan siya hangga't hindi ko pa nagagawa ang plano ko sa kaniya.”

“Tulungan niyo po ako ah?” Tanong ko saka parang tangang ngumiti. “Miss ko na po kayo, bakit ba naman kasi sabay pa kayo sabay na nagkaroon ng cancer e. Nag-usap siguro kayo na sabay lilisanin ang mundong ibabaw. Kayo talaga, 'till death do us apart talaga ang peg niyo e, no? Hahaha.” Humalkhak pa ako.

Siguro kung may makakita sa akin ngayon iisipin nung baliw ako. Haays.

“I love you Ma at Pa.” Ika ko.

Ibaba ko na sana ang glass window nang may makita akong puting paru-paro na lumilipad sa harapan ko. Lalong lumawak ang ngiti ko dahil doon.

“I love you more po.” Sabi ko na parang sinasagot ang mensaheng pinadala nina Mama at Papa mula sa langit na mahal din nila ako sa pamamagitan ng paru-paro.

Maya-maya din ay sinara ko na yung glass window pero hindi pa ako nakakaharap sa likod nang may magsalita agad doon.

“Are you that bored to talk to that butterfly?” Rinig ko ang boses ni Yeonjun sa likod ko.

Dahan-dahan ko siyang hinarap. Maayos na ang damit nito, loose shirt at simpleng khaki shorts lang ang suot niya pero ang lakas agad ng dating non.

“E ikaw? Ganon ba kadami ang libag sa katawan mo para maligo ka ng ganon katagal?” Bawi ko.

“Excuse me, hindi ko hinahayaan ang sarili ko na magkaroon ng ganon sa katawan. That's gross. Maybe you, you have libag.” Pagko-konyo niya. Muntik na akong mapangiti dahil sa pagiging cute niya sa pagsabi nun.

“Excuse me din, kung malinis ka, mas malinis ako.” Umirap pa ako sa kaniya na sinuklian niya lang ng ngisi. “Tara na nga, kumain na tayo, nagugutom na ako ang tagal-tagal mo kasi.” Pagrereklamo ko bago umup sa upuan ko.

“You're really one of a kind.” Bulong niya na narinig ko.

“Ano?” Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Umupo na siya sa upuan niya saka nag-sandok ng kanin.

“Nothing.” Aniya bago isubo yung pagkain niya.

Bakit ba ang weird niya ngayon? Kung anu-ano pinagsasabi.

Napa-tsk nalang ako bago sumandok ng sarili kong pagkain. Habang kumakain kami, napatigil ako sa pagsubo dahil sa bigla niyang pagtanong.

“What happened to your parents?” Pagtatanong niya.

Hindi agad ako nakasagot.

“Sorry, I heard you earlier so I just wanted to know. If you don't want to answer—”

“Sabay silang namatay dahil sa cancer.” Pagputol ko sa sinabi niya. “Si Mama may breast cancer at si papa naman ay blood cancer. Namatay sila noong 13 years old pa lang ako. Nauna si Mama at ito namang si Papa ay masiyadong excited, sumunod agad. Masiyado nilang pinanindigan ang pangako nila sa isa't-isa na death na 'till death do us apart. Ayan tuloy, naiwan kaming dalawa ni ate Tania. Hahaha!” Tumawa pa ako ng bahagya saka sumubong muli.

“What happened to you and Tania?”

Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago magsalita.

“Edi yung mga karaniwang nangyayari sa mga anak na naiwan ng mga magulang. Naghirap kami ni ate at nahirapan sa buhay dahil wala na kaming mga magulang na susuporta at gagabay sa amin. Tumigil kami sandali ni ate sa pag-aaral para makapag-trabaho dahil naiwan din sa amin yung mga utang nila Mama at Papa dahil sa pagpapagamot nila. Nag-apply kami bilang janitor sa isang malaking kumpanya at swerte namin dahil ang bait ng boss namin at nilakihan ang sahod namin dahil sa nangyari sa buhay namin.”

“Tinulungan niya kami ni ate, siya ang nagbayad ng mga utang namin noon at gusto pa nga niya kaming pag-aralin kaso tumanggi na kami dahil masiyado nang nakakahiya. At dumating yung araw na wala na kaming utang, pwede na kaming mag-aral. Nag-resign na si ate sa trabaho niya noon at ako rin sana kaso lang, dumating sa buhay ko yung punyaterong Patrick na yon. Minahal ko siya noon, pati pag-aaral ko tinalikuran ko muna para siya muna ang pag-aralin ko dahil sabi niya ay babawi siya sa akin kapag nakapagtapos siya. Nagtrabaho ako non para sa kaniya at nang makapagtapos na siya, nahuli ko siyang nakikipag-chukcakan sa babae niyang mukhang palaka.” Kumuyom ang kamao ko nang maalala na naman ang pangitaing yon.

“Bwiset na yon, sana magka-aids siya. Magsama sila ng jowa niya, pareho silang baboy!” Inis na sigaw ko. Narinig ko ang pagtawa niya dahil doon kaya napangiti nalang din ako.

“Pero ayos na ako, move on na ako doon. Pagkatapos ng pangyayaring yon, nag-aral na ako ulit at nang makapagtapos ako ay nag-apply agad ako sa mga trabaho na pwede kong pasukan kaso kung minamalas nga naman ako, walang tumatanggap sa akin, kesyo daw wala akong experience o kaya naman ay wala silang bakante. Kahit nga dishwasher o kaya naman ay waiter ay wala akong matanggap. Nakakainis nga e.”

“At isang araw, bwiset na bwiset ako non dahil umuulan non at wala pa din akong trabaho nang may isang gwapong lalaki ang mabilis na nag-drive sa harapan ko at natalsikan niya ng putik ang pinakamaayos kong damit na pamana pa ng Mama ko.” Nang sabihin ko yun, biglang nanlaki ang mga mata niya. “Ininsulto pa nga niya ako na mas maganda pa daw ang damit ng maid niya. E wala naman siyang maid. Di ba? Magsisinungaling pa siya para lang mainsulto ako. Hahaha!” Humalakhak pa ako.

“So that's you, the muddy girl who has the nerve to shout at me.” Natatawang sambit niya din.

“At hindi ko akalain na dahil sa lalaking yon, makakahanap ako ng trabaho. Na ako ang magiging personal assistant ng isang arogante at palaging nakasimangot na superstar.” Pagtatapos ko.

Nakangiti lang siya sa akin habang sinasabi ko yun. Isang ngiti na alam kong minsan ko lang makikita sa kaniya, isang ngiti na alam kong mahirap ilabas sa labi niya.

“Masaya ako na napangiti kita, boss.” Wala sa sarili sambit ko.

“Thank you, then.”

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2.8M 183K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.1M 27.4K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.2M 184K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
61.5K 2.4K 30
❝ am i dreaming again? ❞ when she can't help but slowly leave her senses into reality and let herself seep into a dream she knows that she'll never b...