Mister Superstar ll Choi Yeon...

By Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... More

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-6
MS-7
MS-8
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-9

866 30 1
By Angelkim_10

•••

“Ma'am, ayos lang po kayo?” Tanong ng taxi driver ng pinagsakyan na taxi kay Yumi.

“A-Ayos lang po ako.” Pagsisinungaling ko saka binigyan siya ng maliit na ngiti.

Hindi na nagsalita ang driver kaya ibinaling nalang niya ang tingin sa labas ng bintana.

Galit niyang pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata niya.

“Ano ba, Yumi! Bakit ka ba umiiyak dahil sa lalaking yon? Tinapon niya lang naman yung niluto mo ah!” Sermon niya sa sarili habang pinupunasan ang luhang rumaragasa mula sa mga mata niya.

Sobrang bigat ng pakiramdam niya kaya hindi niya maiwasang maiyak. Masiyadong masakit yung ginawa ni Yeonjun kanina para sa kaniya.

Ilang oras niyang pinaghandaan ang isang effort na ginawa niya para pasiyahin ang boss niya pero imbis na magpasalamat ay tinapon lang nito yon. Masiyadong nagdamdam ang puso niya, masiyado siyang nasaktan dahil sa ginawang yon ni Yeonjun.

“Yan kasi, Yumi, masiyado kang naawa sa kaniya. Ayan tuloy, nagsayang ka lang ng oras at pagod para pasiyahin siya pero siya... naawa ba siya sayo? Di ba hindi?” Tanong na naman niya sa sarili niya.

Hindi niya maintindihan si Yeonjun, sabi nito gusto niyang sumaya pero bakit parang sinasayang lang nito ang mga effort na makakapag-pasaya sa kaniya? Ano ba talagang gusto nito? Paano niya nagawang hilingin na sumaya kung ayaw niya din naman pala?

“Baliw amputa.” Sabi ni Yumi patungkol kay Yeonjun. “Sinayang niya lang yung chicken curry ko, kung ayaw niya edi dapat sinabi niya, hindi yung itatapon niya. Pwede ko pa kaya yong itake-out. Bwiset siya.”

Wag kang mag-alala, Yumi. Hindi naman na kayo magkikita ulit e.

Hindi na ulit siya lugar na yon. Ayaw na niyang makita si Yeonjun kahit hindi pa nito nababayaran ang pinang-gastos niya sa grocery niya.

Kaniya na yon!

“Ma'am, ayos lang po ba talaga kayo? Umiiyak po kayo e, gusto niyo po ng tissue?” Tanong na naman sa kaniya ng driver.

Gusto niyang sabihin na ayos lang siya kaya lang masiyadong halata na hindi kaya umamin nalang siya.

“Hindi po ako okay, kuya. Pwede pong makahingi ng tissue?” Hilam ang luhang tanong ni Yumi dito.

Kinuha naman agad ng driver ang isang box ng tissue gamit ang isang kamay saka ibinigay kay Yumi.

“Salamat po.” Si Yumi na nagpupunas ng luha ngayon. Napangiwi siya nang makita ang tissue na ginamit niya na nasamahan na ng make-up niya.

Bwiset!

Nakadating na sila sa bahay niya at nag-pasalamat muna siya saka nagbayad kay manong driver bago pumasok sa loob ng bahay niya. Pagkapasok niya sa bahay niya, basta niya nalang ibinato ang bag niya sa sofa saka padabog na binuksan yung pinto ng kwarto niya at ibinagsak ang katawan sa kama niya.

Masiyado siyang napagod ngayong araw na to para sa wala. Naglinis, nagluto, inalagaan niya pa ang boss niya at nagsayang pa siya ng effort para sa wala. Imbis na naghahanap siya ng trabaho ngayon, sinayang niya lang ang oras at pagod niya para paglingkuran ang isang tao na dapat hindi naman talaga.

Ginulo niya ang buhok niya at pinagbabato ang mga unan niya.

“Argghh! Nakakainis! Nakakainis ka, Choi Yeonjun!” Buong lakas na sigaw niya.

Napatingin siya sa ibabaw ng ulo niya at nakita niya doon ang poster ni Kaze Frimo na nakangiti. Kung may maganda mang nangyari ngayon sa kaniya, yun ay ang nakilala niya ang man of her dreams. Yun lang! Walang iba!

Umupo siya mula sa pagkakahiga saka humarap sa poster ni Kaze.

“Babe, bakit ganon yung kaibigan mo? Bakit napaka-wala niyang kwentang tao? Nakakainis siya, alam mo ba yon? Pwede bang pakisapak siya para sa akin? Ha? Please? Yung malakas, samahan mo na din ng tadyak para mas masakit.” Sabi niya dito. Actually, nagmumukha na siyang tanga ngayon pero as long as wala namang nakakakita sa kaniya, wala siyang pakialam. Siya lang naman mag-isa kaya okay lang kung magmukha siyang monggoloid.

“Tinanong niya ako kung pwede ko ba siyang tulungang sumaya, e, ako naman itong si tanga at naawa ay pumayag. Pero nang gumawa na ako ng effort para sumaya siya ay binalewala niya lang! Bakit ba siya ganon? Ha? Babe? Pakisagot please?” Tanong niya na naman dito.

Nang walang makuhang sagot ay bumalik nalang siya sa pagkakahiga. Bumuntong hininga siya saka tumingala sa kisameng punong-puno ng bituwin, yung mga glow in the dark na design lang na hugis star, nakadikit lang ito doon para pwede niyang tignan kapag ayaw niyang lumabas. Mahilig kasi siya sa mga bituwin tsaka buwan, para sa kaniya, ito ang nagsisilbing liwanag at nagbibigay buhay sa malungkot na gabi niya.

Bigla siyang nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa pag-iyak niya. Mahapdi ang mga mata niya dahil sa luha na inilabas niya kanina kaya papikit-pikit na ang mga mata niya pero bago pa yon tuluyang pumikit ay biglang nag-ring ang phone niya sa bulsa niya.

Inaantok na kinuha niya yon saka sinagot ang tawag kahit hindi niya pa nakikita kung sino ang caller.

“Hello?” Tamad na sagot niya.

“Hello, Yumi?” Napatayo siya nang marinig ang boses ng ate niya.

“Oh, ate, napatawag ka?”

“Kamusta ka? Maayos ba ang lahat diyan? Kamusta ang pagiging personal assistant ng alaga ko?” Biglang bumalik ang sama ng loob ko dahil sa tanong niya.

Napasimangot siya saka napabuntong-hininga. Umiling-iling siya pero iba ang sinabi niya sa ate niya.

“A-Ayos lang naman, ang saya-saya niya ngang kasama e.” Napapikit nalang siya sa naging tono ng boses niya. Naging bitter na may pagka-sarkastiko ang naging tono niya.

“E bakit ganiyan ang tono ng boses mo? Yumi, sabihin mo ang totoo, kamusta ang pagiging personal assistant ni Yeonjun?” Pag-ulit nito sa tanong sa kaniya pero ngayon ay mas madiin na.

“Okay nga lang, ate.” Pangungumbinsi niya.

Alam niya kasing kapag nalaman ng ate niya ang totoo ay mag-aalala pa ito dahil sa kaniya. Ayaw niya naman gawin iyon sa ate niya dahil gusto niya itong mag-focus lang sa pag-aalaga ng mag-ama nito.

“Yumi Chua, sasabihin mo sa akin ang totoo o uuwi ako diyan ora-mismo?” Pananakot nito sa kaniya.

“Okay! Sasabihin na!” Iritang sagot niya.

“Kwento mo sa akin lahat, as in lahat-lahat.” Sabi ng ate niya kaya kinwento niya agad dito ang nangyari sa kaniya ngayong araw na ito.

Inabot siya ng ilang minuto bago siya matapos.

“... ayoko na talaga, ate. Ayoko na siyang makita, natatakot ako sa sarili ko na baka masaktan ko siya. Ayoko namang sugurin ako ng mga fans niya dahil binigyan ko siya ng pasa.” Pagtatapos ni Yumi.

Narinig niya naman ang pagbuntong hininga ng ate niya.

“Alam mo bang, parang ako ikaw dati noong una kong pagtatrabaho ko kay Yeonjun?” Tanong nito sa kaniya.

“Huh?”

“Noon, ganiyan din ang reaksiyon ko, ganiyan din ang naging first impression ko sa kaniya pero alam mo ba? Imbis na iniwan ko siya ay gumawa ako ng paraan para mas makilala siya. Alam ko kasing hindi ang totoong siya ang pinapakita niya sa mga tao e, alam kong meron pa pero ayaw niya lang ipakita. At alam mo yang si Yeonjun? Napaka-lungkot na tao niyan. Kaming dalawa nga lang ni Kaze ang kaibigan niyan e, hindi kasi siya madaling magtiwala at wala ngang nagtatagal dahil sa ugaling meron siya, kaya nga ganon nalang ang pagtataka ko nang gusto ka niyang kuhanin bilang personal assistant niya e, itsura mo palang hindi na katiwa-tiwala.” Pang-aasar nito sa kaniya.

“Ate naman!”

“Joke lang. Pero, Yumi, wag kang sumuko agad kay Yeonjun. Masiyado siyang malungkot na tao at kailangan niya ng kasama, lalo na't wala ako. Wag mong iwanan si Yeonjun, masiyado na siyang maraming pinagdaanan sa buhay para maging mag-isa, kailangan ka niya, Yumi. Kailangan niya ng taong sasamahan at iintindihin siya. Subukan mo siyang kilalanin, at kapag ayaw mo talaga sa kaniya, sige, doon ka na umalis.” Mahabang paalala ng ate niya sa kaniya.

Parang bigla namang nabuhol ang dila niya, bigla siyang naubusan ng salita na sasabihin dahil sa sinabi ng ate niya.

Masiyado ba akong naging judgemental?

Tanong niya sa sarili.

“Kilalanin siya...” Naibulong nalang niya.

“Don't judge the book by it's cover, Yumi.” Yon ang huling sinabi ng ate niya sa kaniya bago patayin ang tawag.

Itinabi niya ang phone niya sa side table niya saka humiga sa kama at pumikit. Biglang lumabas ang imahe ang mukha ni Yeonjun sa kaniya, ang malulungkot nitong mga mata na makikita mo ang pangungulila at pagiging malungkot, ang mga ngiti nito.

“Ano bang dapat kong gawin? Dapat ko pa ba siyang kilalanin o iwanan na lang siya agad?” Tanong niya sa sarili. “Pero hindi e! Ang sabi ni ate ay wag ko daw siyang iiwanan. Pero bakit?! Para saan?!” Inis niyang singhal sa sarili.

Bumuntong hininga muna siya bago sagutin ang sariling tanong.

“Siguro nga kailangan ko siyang kilalanin para malaman ko kung ano ang dahilan para manatili ako sa tabi niya.” Bulong niya ulit.

Kinabukasan, inayos niya ang sarili niya bago pumunta sa condo unit ni Yeonjun. Kumatok siya doon kahit alam niya kung ano ang pin para makapasok.

Hindi na niya ako personal assistant, baka wala na akong karapatan na basta nalang pumasok.

Yon ang nasa isip niya kaya hindi niya nagawang pindutin ang passcode. Pagbukas ng pinto, sumalubong sa kaniya ang isang Yeonjun na mayroong itim na bilog sa ilalim ng mata. Mukhang hindi ito nakatulog.

Nang makita siya nito ay agad na nagbago ang timpla ng mukha nito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya saka umawang ng kaunti ang labi na parang nakakita ng multo.

Matamis niya itong nginitian bago magsalita.

“Pwede pa ba akong mag-apply ulet bilang personal assistant mo... boss?”

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 289K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.5M 132K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
2.7M 157K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
14.1K 322 37
What would it be like if Miles and Gwen were iconic babysitters? Read to find out 😉 (Un-edited) Mainly focuses on Miles and Gwen but let me know i...