Mister Superstar ll Choi Yeon...

By Angelkim_10

44K 1.2K 198

Is it possible that a Superstar like him will fall for a girl like her? Choi Yeonjun × Yumi Chua TXT Series... More

Prologue
MS-1
MS-2
MS-3
MS-4
MS-5
MS-7
MS-8
MS-9
MS-10
MS-11
MS-12
MS-13
MS-14
MS-15
MS-16
MS-17
MS-18
MS-19
MS-20
MS-21
MS-22
MS-23
MS-24
MS-25
MS-26
MS-27
MS-28
MS-29
MS-30
MS-31
MS-32
MS-33
MS-34
MS-35
MS-36
MS-37
MS-38
MS-39
MS-40
MS- EPILOGUE
Can I Ask?
Special Chapter

MS-6

902 30 1
By Angelkim_10

YUMI CHUA

“Napaka-duwag mo naman, parang ipis lang yan oh!”

Umirap naman siya bago ako sagutin.

“Whatever! Just kill that creature and get back to work!” Inis na sabi niya.

“Weeh... Si Choi Yeonjun, takot sa ipis. Hahaha!” Pang-aasar ko sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

“Kikilos ka o babawasan ko ang sahod mo?” Pananakot niya. Agad naman akong ngumiti ng matamis sa kaniya at tumayo ng tuwid.

“Kikilos na po, boss!”

Napasalampak nalang ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Kakatapos ko lang maglinis at halos maubos ang lakas ko dahil doon, hingal na hingal ako at tumatagaktak ang pawis ko. Paano ba nagagawa ni Yeonjun na mabuhay sa ganitong klaseng lugar? Nagmukha na tong Spooky Mountain e.

Halos kalahating minuto ako doong nakasalampak at naisipan kong gawan ng almusal si boss. Siyempre, kailangan nating magpaka-bait. Tumayo na ako saka pumunta sa kusina, uminom muna ako ng tubig at naghugas ng kamay sa sink bago kumuha ng mga pagkain na pwedeng lutuin sa ref. Siguro naman hindi magagalit si Yeonjun kapag kumuha ako, para sa kaniya din naman to e.

“Ano to?” Naitanong ko nalang sa sarili ko dahil sa nakita kong laman ng ref niya.

Punong-puno yon ng beer, bote ng alak, juice, at tsitserya. Ni walang kahit na anong masustansiya sa loob non. Napabuntong hininga nalang ako saka sinarado ang ref.

Ang yaman-yaman, hindi man lang makapag-grocery.

Naghanap pa ako ng pwedeng mailuto sa loob ng kusina niya, hinalungkat ko ang lahat ng cabinet niya pero wala akong nakita.

Napapikit muna ako bago napag-pasiyahan na mag-grocery. Gagamitin ko nalang ang perang iniwan sa akin ni ate, pababayaran ko nalang kay Yeonjun mamaya pag-gising niya.

Kinuha ko yung bag ko at kinuha doon ang salamin ko, chineck ko muna kung anong itsura ko at nang makita kong losyang na ako ay nag-retouch ako. Pagkatapos non ay lumabas na ako ng unit niya.

Pumunta ako sa pinakamalapit na mall at doon nag-grocery. Nang mabili ko na ang mga dapat bilhin ay bumalik na din ako agad.

“Good morning, Ms. Tania.” Nakangiting bati sa akin ni manong guard.

“Ah, ako po si Yumi, kakambal po ako ni ate Tania. Nagtatrabaho po ako kay boss Yeonjun bilang personal assistant niya. Sorry po kung hindi ko kayo nakorek nakaraan.” Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

Mukhang nagulat naman siya pero di naglaon ay ngumiti din naman siya agad.

“Ah, ganon po ba? Good morning po Ms. Yumi. Kaya pala nagtaka ako kung bakit nag-iba ang kulay ng buhok niyo.”

“Pasensiya na po talaga.”

“Wala po yun. Gusto niyo pong tulungan ko kayo? Mukhang mabigat ang mga dala niyo.”

Agad naman akong umiling.

“Wag na po, kayang-kaya ko na to. Sige na po, aakyat na ako. Baka hinahanap na ako ni Yeonjun— este, ni boss.” Pagpapaalam ko.

“Sige po.” Yun lang ang sinabi niya at tuluyan na akong pumasok sa building dala-dala ang apat na plastic.

Sumakay ako sa elevator at dumiretso na sa unit ni Yeonjun. Pinindot ko ang pin doon na sinabi niya sa akin kanina nang tanungin ko siya habang pinapatay ko ang monster.

Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko si Yeonjun na paikot-ikot sa sala, nakatingin ito sa sahig habang nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay.

Nang makita niya ako ay agad nagbago ang timpla ng mukha niya, lumambot yon.

“Anong nangyayari sayo?” Tanong ko habang nawi-wirduhang nakatingin sa kaniya.

“Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam?” Tanong niya pabalik.

Pinakita ko sa kaniya ang plastic na punong-puno ng mga pinamili ko. “Nag-grocery po ako, boss. Nahihiya naman po kasi ako sa laman ng ref ninyo.”

“Bakit nga hindi ka nagpaalam?”

“Tulog ka kasi, nakakahiya naman kung gigisingin kita, boss.” Ika ko.

Napabuntong hininga naman siya saka napapikit.

“Whatever.” Aniya sabay upo sa sofa at binuksan ang tv.

Ako naman ay napailing-iling nalang dahil sa ka-wirduhan niya.

“Ah, boss?” Tawag ko sa pansin niya.

“Yeah?” Sagot niya nang hindi lumilingon sa akin.

“Kailangan mo nga pala akong bayaran dahil yung pinang-grocery ko ay pang-gastos ko pa.”

“Kay.” Maikling sagot niya.

Napairap naman ako saka dumiretso na sa kusina. Nilagay ko na ang mga pinamili ko sa ref at iniwan ko sa lababo ang mga ingredients para sa lulutuin ko.

Nang matapos ako ay nagsimula naman akong magluto. Nagluto ako ng lomi saka pinagtimplahan na din siya ng kape.

Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko na yon sa isang mangkok at iniklagay sa dining table nipya kasama ang kape.

“Boss—”

“What's that?” Napaigtad ako nang makarinig ng boses sa likod ko.

“Ahm, almusal mo. Lomi tsaka kape yan.” Sagot ko sa tanong niya.

Umalis naman siya sa likod ko saka umupo sa upuan sa harap ko. Pinakawalan ko ang hangin na pinipigilan ko kanina.

Sumimsim siya ng kape, ako naman ay nagsimula nang maglakad papunta sa kusina pero napatigil din ako nang magsalita siya.

“It's been a long time since I drink a coffee and have a healthy breakfast like this.” Komento niya. Nilingon ko siya at naabutan ko siyang isusubo na yung lomi. “Hindi ka kakain?” Tanong niya sa akin bigla.

Umiling naman ako.

“Stay here, Yumi.” Aniya sabay nguso doon sa upuang nasa harap niya. “Where are you going?”

Imbis na magsalita, tinuro ko yung sala.

“Stay here.” Utos niya na agad ko namang sinunod.

Umupo ako sa harapan niya at walang ginawa kundi titigan siya habang kumakain. Ang boring naman. Pinaupo niya lang ako dito para panoorin siyang lantakan yung niluto ko.

“So, where's your fiance?” Pambabasag niya sa katahimikan.

“Huh?” Kunot-noong tanong ko.

Kailan pa ako nagka-fiance?

“You said that your boyfriend wants to marry you... and you said yes, right?” Tanong niya.

Inalala ko kung kailan ako inaya ni Patrick na mag-pakasal pero wala naman akong maalala— ah! Alam ko na! Yung sinabi ko kahapon!

Umiling ako sa kaniya habang nangingiti. Hindi ko akalaing ang uto-uto niya.

“You said no?” Tanong niya ulit. Hindi ako nagsalita at umiling lang. “Can you please, speak?”

“Hindi naman ako u-oo dahil wala naman talagang nagtanong.” Sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya dahil doon.

“You mean?...”

“Hindi totoo yung sinabi ko kahapon. Palusot ko lang yun para hindi ako pagalitan ni Direk.” Ika ko.

Sumandal ako sa upuan saka tumingin doon sa bintana niyang hinahangin ang kurtina. Ang laki don at sigurado akong kapag tumayo ako doon ay matatanaw ko ang buong siyudad.

“So it means that, you don't have a fiance?” Nabaling ulit ang tingin ko kay Yeonjun nang magsalita na naman siya.

“Ano bang pakialam mo kung meron man o wala?” Tanong ko pabalik.

Nagkibit-balikat nalang siya at hindi na sumagot, pinagpatuloy na niya ang pag-kain.

Bumalik na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kinuha ko nalang yung phone ko at naisipang kamustahin si ate tsaka yung pamangkin ko. Sana naman magaling na si Jeiz.

Dinial ko ng number niya at pinindot na ng call, umabot muna yon ng limang ring bago may sumagot.

“Hello?” Sagot sa kabilang linya. Boses lalaki yon, si kuya Terrol yata ang nakasagot.

“Kuy—”

“Wag mo na nga sabi akong tatawaging kuya di ba? Magka-edad lang tayo, Yumi.” Aniya.

Napangiti nalang ako. Ayaw niya kasi talagang tinatawag siyang kuya, nagmumukha daw kasi siyang matanda sa aming dalawa kahit magka-edad lang naman talaga kami.

“Okay. Hahaha! Uhm, Terrol? Kamusta na si Jeiz? Magaling na ba siya?” Tanong ko sa kaniya.

“Ah, oo. Nawala na yung lagnat niya kanina. Na-miss lang yata yung Mommy niya at gusto lang makita.” Bahagya pa siyang tumawa.

“Si Jeiz talaga, mabuti naman at magaling na siya. Si ate? Kamusta na? Maayos na siya diyan?”

“Eto, nambubugbog ulit. Alam mo mas, gusto ko pa talagang wala ang ate mo dito sa bahay e, kinakawawa niya lang ako lagi. Pero ayos lang naman, pinaplano ko na kasing sundan si Jeiz. Hahaha!” Humalakhak pa ang loko.

“Loko-loko ka, Terrol. Naku! Ayus-ayusin mo, kundi ako talaga ang mambubugbog sayo, makikita mo.” Pananakot ko sa kaniya.

“Alam nating pareho na hindi mo yan magagawa sa akin, Yumi.” Tumawa na naman siya na ikina-simangot ko. “Ikaw? Kamusta na? Balita ko may trabaho ka na ah, ikaw daw yung personal assistant ni superstar Choi Yeonjun ngayon. Ang swerte mo naman.” Aniya.

Wala sa sariling napatingin ako kay Yeonjun na ngayon ay busy pa din sa pagkain. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay tinaasan niya lang ako ng kilay, napaiwas naman agad ako.

“Anong ma-swerte? Unang araw pa nga lang ay haggard na haggard na agad ako at stress. Ang hirap kaya, parang mas madali pa ngang maging construction worker e.” Reklamo ko.

“Kung construction worker lang pala ang hanap mo edi sana ipinasok nalang kita bilang trabahador ko, alam mo kasi, may ipinapagawa akong bagong building ngayon.”

“Naks naman, Terrol! Umaasenso tayo ah!” Pang-aasar ko pa sa kaniya. Narinig ko naman ang matunog niyang ngisi sa kabilang linya.

“Ako pa ba?” Sabi niya saka humalakhak. Natawa nalang din ako. “Siya, sige na, tawag na ako ni Tania e— oo na! Sige na, ingat ka daw diyan sabi niya.” Aniya sabay patay ng linya.

Nangingiti namang itinago ko ang phone ko sa bulsa. Ang swerte talaga ni ate sa asawa niya, sana balang araw makahanap din ako ng lalaking kagaya ni kuya Terrol. Saksi kasi ako kung paano niya ipaglaban si ate sa pamilya niya dahil ng mga ito sa kaniya.

Ang bait-bait kaya ni kuya Terrol, responsable, mapagmahal at gwapo. Lahat ng bababe, hihilingin ang isang lalaking katulad niya. At isa na ako doon.

“Who—”

“Nguso!” Naputol ang dapat na sasabihin niya nang may sumigaw.

Nilingon ko kung sino yun at napatakip nalang ako ng bibig ng makita kung sino yon. Naglakad papalapit sa amin ang man of my dreams ko, ang lalaking tinitibok ng puso ko, ang lalaking laman ng imahinasyon at panaginip ko habang nakangisi kay Yeonjun ngayon.

“Kaze Frimo...”

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1.1M 42
she dreads to get to school because of one name. ; high school au, tsundere!taehyung lmao » under edit » #4 in fanfiction on 171222
3.6K 62 36
[ nshitty series ] "you're a liar, wong yukhei," in which she was a wallflower, and he was the exact opposite. cover by @venleyy
40.6K 1K 17
Right now I was actually attempting on sneaking out two in the morning, I snatch my hoodie and the black puffy jacket that went up to my knees and gr...
1.6M 96.9K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...