100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure

132K 3.4K 1.4K
By Girlinlove

Chapter 45

Hope's POV

         Tatlong araw na ang nakalipas matapos yung nangyari na pagpunta ko kay Eula at yung... Pagtatapat ni Miks.

         Matapos noon nakareceive ako ng text kay Venice.

         From: Venice Buenaventura

 

Hope. Hi! How are you? :( I miss you. I know this is not a good time and it's okay if you say no, but... I'm celebrating my birthday kasi sa Batangas. Please, punta ka. I know nandoon si Enzo, but I really want you there Hope. :( First birthday ko with you. I miss you. Xoxo, V

         Venice, bakit ngayon pa? :( Sa lahat ng taong gusto ko si Venice talaga ang ayaw kong hindi-an o idisappoint.

Pero... Kahit na gusto kong pumunta sa birthday niya. Hindi ko pa kaya. Sobrang dami kong.. Iniisip.

         Si Enzo.

        Si Eula.

         Ngayon pati si Miks.

         Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya pero iba ang tingin niya. Hindi si Miks yun. Si Michael yun. At paanong mahal niya ako? Paano nangyari yun? Lalaki pala talaga siya? Niloko ba niya ako? O ginagago lang niya ako? Dahil ba sobrang awa niya sa akin siya na lang? Hindi ko na alam. Sasabog na ang utak ko sa pagiisip. Sasabog na ang puso ko sa sakit. Lagi na lang ako nakatulala. Hindi na ako makausap. Gusto kong pumunta kay Chelsea pero pinsan niya si Eula, si Miks naman... Mahal daw ako. Si Venice bestfriend si Enzo.

         Kaya sino na ang kakausapin ko?! :(

        *knock knock*

         "Hope, Ate 'to. Pwede bang pumasok?" Si Ate. Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Pagbukas ko, tiningnan niya ako at ngumiti siya.

         "Ngayon lang ako naawkward ng ganito sa'yo. Ano? Pwede ba kitang kausapin o may tubig ka pa sa katawan at hindi mo pa naiiyak ang lahat?" Natawa ako sa kanya tapos niyakap niya ako.

         "Naku dalaga na talaga ang baby ko. Halika nga!" Tapos hinila niya ako papunta sa kama.

         "Alam kong hindi tayo palaging naguusap, o nagheaheart talk dahil puro tayo lokohan pero hindi ako papayag na magkukulong ka lang dyan sa kwarto mo at iiyak mo ang lahat. Ilang araw na kaming nagaalala ni Lola sa'yo pero alam kong kailangan mo lang yung time noon na magisa, pero ngayon... Tama na yan." Tiningnan ko lang si Ate. Gusto ko na naman maiyak.

         "Ate, masakit. Alam mo naman kung sino si Enzo sa buhay ko hindi ba?"

        "Oo, alam na alam ko. Pero... Ano bang nangyari?" Nakakahiya naman sabihin. :(

         "Ate... Noong pumunta ako sa bahay nila... Hindi ko na alam ang nangyari basta bigla na lang silang magkasama ni Eula tapos naguusap sila na kesyo ginagamit lang pala ako ni Enzo para sa planner niya. Grabe Ate. Double whammy. Bukod sa may mahal siyang iba, all this time niloloko at ginagamit lang niya pala ako. Ano ba yun, Ate. Sobrang... Sobrang."

        Niyakap lang niya ako habang umiiyak na naman ako.

         "Hope, sige iiyak mo lang yan. Ganyan din naman ako noong una akong nasaktan. Naalala mo ba si Alvin? Yung captain ng basketball varsity ng Girlinlove University noong batch ko? Yung first love ko? Hindi ba cheerleader ako noon, tapos nanligaw siya sa akin? Turns out pinagpapaselos lang pala niya yung si Margarette. Like you, ginamit niya ako and like you first love ko si Alvin, pero tingnan mo nameet ko si Nathan hindi ba?"

         "Pero Ate, magkaiba tayo. Maganda ka, matalino, popular eh ako? Wala."

"Hope, magkapatid tayo. Kung anong meron ako meron ka rin. Maganda ka, hindi mo pa ba kita yun? Matalino ka rin.. Minsan. Joke lang! Parehas lang tayo. Mas nauna lang ako iappreciate ang sarili ko, ikaw kasi ang baba ng tingin mo sa sarili mo. Eh paano un? Sino pa ang magpapahalaga sa'yo kung pati ikaw hindi mo alam ang halaga mo?"

         Lagi na lang sinasabi sa akin 'to. Pahalagahan ang sarili ko? Pero paano ba? Paano?

         "Noong nasaktan ako kay Alvin nagkulong din ako, umiyak. Pero mahirap kasi yung mga 'kaibigan' ko masaya pa sa nangyari kasi gusto nila si Alvin, yung kaibigan ko naman... Siya pala yung gusto ni Alvin. Noong panahon na yun mas mahirap kasi wala akong masabihan, pero alam mo Hope, nakaya ko. Oo matagal. Ayaw ko na nga pumasok sa school kasi pakiramdam ko mapapahiya lang ako kasi ang tingin ng lahat sa akin yung babaeng pinagpalit, pero hindi naman eh. Hindi naman sa akin umiikot ang mundo nila, at dapat ganoon rin ako. Tinanggap ko lang. Na hindi ako ang mahal niya, at hindi siya magiging masaya sa akin. Oo mahirap tanggapin, paano ba tanggapin? Hindi ko rin alam. Pero alam mo, Hope, isang araw gigising ka na lang na... Wala na. Tapos na. Yun pala yun? Iniyakan mo yun? Tapos mararamdaman mo na ang lakas lakas mo kasi nakaya mo lahat yun. Kaya hindi imposible. Siyempre ngayon masakit pa, normal lang na umiyak ka o malungkot ka pero wag mo namang ikukulong ang sarili mo sa mundo o papabayaan mo na sarili mo. Pwede kang malungkot, pwede kang umiyak pero wag mong kalimutan na nandito pa kami, wag mong kalimutan na hindi lang si Enzo ang pwedeng mangyari sa buhay mo. Don't miss out on life just because Enzo missed out on you. That's his loss, don't make it yours."

         Napangiti ako kay Ate. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko knowing na may isang taong nakakaintindi sa akin. Natatakot ako magshare kasi baka pagalitan niya ako o sabihin na wala lang 'to pero masarap sa pakiramdam na naiintindihan niya ako.

         "I love you, Ate." Bigla naman niya akong niyakap.

         "Kakainis, minsan ka lang mag I love you sa aking bata ka, naiiyak tuloy ako. I love you too, Hope. Ikaw ang baby sister ko at hindi ko hahayaang sobrang masaktan ka sa nangyayaring 'to. Siyempre kailangan mo matuto. Kailangan mo masaktan para matutunan mo pano lumaban, paano tumayo ulit at paano piliin ang taong dapat mahalin. Hindi porket gwapo siya na si 'The One', hindi porket sinabi niya at pinangako niya gagawin niya, yan lang yung mga dapat mong matutunan kaya ka nasasaktan. Kaya ienjoy mo lang yang pain!"

         "Kaloka! Paano ko ieenjoy ang pain?!" Sabi ko sa kanya, tapos bigla niyang ginulo ang buhok ko.

         "See! Unti unti babalik ka rin sa dati. Wag kang masyadong madrama ha? Hindi MMK ito at hindi ikaw ang unang kaso ng pagkaheartbroken. Madami ng nakaranas niyan, hindi ka special. Kaya simulan mo na pagmomove on."

         "Kakainis. Bumalik ka na nga sa pagiging caring na Ate!"

         "Aba't!! Bumalik ka doon sa nag i I love you ka!"

         Nagasaran lang kami doon ng biglang kumatok si Lola at sinabing may bisita daw ako. Nagkatinginan kami ni Ate, sabay bumaba sa kwarto ko at pagkita ko sa sala...

         Anong ginagawa niya dito?

         Enzo?

 

          **

         "Hi." Sabi niya sa akin.

         Nakakainis. Bakit ganito?! Ang unfair!

         Ang unfair na mukhang wala lang sa kanya lahat ng nangyari.

         Ang unfair na mukhang masaya siya habang ako halos ikamatay ko na.

         Ang unfair na kahit na kinasusuklaman ko siya... May parte pa rin sa akin na masaya kasi nandito siya. Kasi namiss ko siya.

         Hay naku, Hope kelan ka ba titigil sa pagpapakatanga ha?! Nakakainis na eh. Nakakainis na inlove na inlove ka sa lalaking niloko ka. Nakakainis na inlove na inlove ka kahit na pinaglaruan ka lang niya.

         "Can we talk?"

         'Ayoko. Layuan mo na ako. Nasasaktan na ako. Please, hindi makakatulong yung nandito ka sa harapan ko. Please.'

        

         Ang dapat na sinabi ko, pero anong sinabi ko?

         "Tungkol saan?"

         "About Venice." Venice? Ah baka doon sa birthday niya.

         Nakita kong tingin siya ng tingin sa may likod ko, noong sumilip ako nakatayo pala si Ate na sobrang sama ng tingin kay Enzo. Naramdaman ko naman na sobrang naiilang si Enzo.

         Nakakainis, Hope ayan ka na naman. Concerned ka na naman kay Enzo. So ano kung naiilang siya? Aba dapat lang mahiya siya na nandito pa siya sa mga ginawa niya sa akin!

         Pero anong ginawa ko?

         "Gusto mong magusap somewhere?" AY NAKU HOPE ANG TANGA TANGA MO! Talagang inuuna mo ang puso mo kesa diyan sa utak mo! Porket mahina ang utak mo at nangingibabaw ang pagmamahal mo kay Enzo, hindi pa rin dapat ganito! Hope!!!!

"I brought my car. Wanna go somewhere?"

         Wag kang sasama! Sabihin mong sa labas na lang, sa garden o kahit saan! Wag kang sasama kasi pag sumama ka... Pati puso mo madadala. 💔

        "Sige."

         Yan, sa mga sige na yan, kaya ka nasasaktan. Sige, mag-sige ka pa. Sige lang.

         Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya, ang bigat bigat na naman ng pakiramdam ko. Kung dati naiilang ako sa kanya, nahihiya akong tumabi kasi crush ko siya, ngayon... Mas nakakailang. Mas mabigat. Mas parang lumaki ang agwat namin sa isa't isa.

Totoo pala yun? Mas mabuti ng maging strangers kesa maging 'back to being strangers'.

         Noong makarating kami sa sasakyan niya, binuksan niya lang ang pinto para pumasok ako. Gentleman pa rin siya. Pagpasok ko, umikot siya para maupo sa driver's seat.

         Walang nagsasalita sa aming dalawa. Binuksan niya lang ang makina. Pinatakbo ang kotse. Hindi siya nagsasalita, hindi ako nagsasalita pero ang bigat bigat ng presensya naming dalawa.

         Nakaupo lang ako. Nakatulala. Nakatingin sa daan. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ko. Alam kong dapat di na ako sumama, alam kong pag naghiwalay kami iiyak na naman ako kasi mamimiss ko siya pero bakit ganun? Bakit...

         Bakit kahit pigilin ko, alam kong sumama ako kasi namiss ko siya. Alam kong ngayong nakaupo ako masaya ako, masaya ako na kasama ko siya. At kahit walang nagsasalita sa aming dalawa ayos lang, ayos na. Basta nandito siya. Nandito na ulit si Enzo.

         Alam kong ang tanga tanga, pero mahirap nga ata talagang kausapin ang taong in love, ang taong nagmamahal, kasi talagang nabubulag siya at wala siyang nakikita kung hindi ang taong mahal niya. Walang tama o mali kasi ang mahalaga yung makasama mo siya.

        Hanggang sa mapahawak na lang ako sa gilid ng inuupuan ko.

         Napatingin ako sa may manibela, anak ng tupa. 130 per km ang takbo namin ni Enzo. Ang bilis bilis. Anong nangyayari. Wala bang speed limit dito? Tsaka... Nasaan na kami?! Kanina lang nasa may SLEX kami ah? Nasaan na kami?!

        "Enzo... Dahan dahan lang."

         Pero parang wala siyang narinig at mas binilisan pa niya. Hindi ko alam kung nasaan na kami kasi paunti na ng paunti yung mga sasakyan at padami na ng padami ang mga puno sa paligid. Pabigat na rin ng pabigat yung pakiramdam ko kasi sobrang bilis ni Enzo magpatakbo ng sasakyan at mukhang lutang naman ang isip niya.

         Balak niya ba akong patayin para hindi siya makonsensya?!? Ano bang trip nitong lalaking 'to?!

         "Enzo. Kalma lang. Baka mahuli tayo. Wala bang speed limit dito? Uy, bagalan mo naman magdrive."

         Pero wala. Sa sobrang kaba ko napatext na lang ako kay ate at lola ng 'I love you'. Pero noong halos muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa sobrang bilis niya at nagchachange lane pa eh nairita na ako.

         "HOY ENZO MIGUEL GUTIERREZ PAPATAYIN MO BA AKO?! KASI KUNG GUSTO MONG MAMATAY NA MAGKASAMA TAYO WAG SA GANITONG PARAAN! ITIGIL MO SASAKYAN!! NASAAN NA TAYO!"

         Sumigaw na ako. Wala na akong pakialam kung mataranta siya tapos mabangga kami dahil wala din ata siyang pakialam kung nasaan na kami. Balak atang umabot sa North Pole ng gago.

         Pagkasigaw ko, napatingin siya sa akin saglit tapos tinapakan niya ang preno. Kung hindi ako nakaseat belt malamang sa malamang tumilapon na ako sa bintana ng Ferrari niya. Sobrang lakas ng impact ng preno halos naiumpog ko ulo ko sa bintana.

         Noong tumigil ang sasakyan, halos limang minuto din atang tumigil kami ni Enzo. Hindi ko alam yung nangyari. Ano yun? Bakit ganun?!

        Tumingin lang sa akin si Enzo.

         "I'm sorry, Hope."

         Anak ng sorry naman na yan eh oh. Mamamatay na nga lang kami, sorry pa rin ang sasabihin niya.

         Hoy mga lalaki diyan na nakakabasa nito, uulitin ko, hindi sa lahat ng oras epektibo yang pagsosorry niyo. Kung nagsisisi kayo, wag kayong magsorry, ang gawin niyo: wag niyong ulitin yung kasalanan. Kasi nakakasawang makarinig ng sorry na alam mo namang uulitin at uulitin niya. Hindi nakakabawas ng inis. Hindi nakakaalis ng sakit. Kainin niyo na lang ang sorry niyo at baka magtino pa kayo!

"Ang sabi mo maguusap tayo, hindi tayo magpapakamatay. At noong sinabi kong magusap somewhere hindi ko sinabing dalhin mo ako sa gubat. Alam mo kung papatayin mo ako dito eh ayos lang kasi..."

....kasi halos ikamatay ko na rin yung sakit dahil sa ginawa mong pangloloko sa akin.

         "Hope, I'm not going to kill you. I'm sorry. I wasn't thinking."

         Aba't anong hindi daw siya nagiisip! So kung hindi pa ako sumigaw malamang sa malamang sa bilis niyang magpatakbo nasa China na kami!

         “Pagod na pagod na akong marinig yung sorry mo, Enzo. Pwede bang… sabihin mo na lang yung gusto mong sabihin, tapos umalis na tayo please.”

         “Hope… I don’t know how to start. The only thing I know now is… Where we are now.”

         Napahawak na lang ako sa ulo ko.


        “Ibig mong sabihin, nawawala tayo ngayon?” Gusto ng sumabog ng utak at puso ko ngayon. Bakit ba ako sumama sa kanya. Bakit ba?!

         “I’m sorr—“

         “Anak ng tupa naman yang sorry na  yan Gutierrez eh!” Napayuko na lang siya. Ako rin.

         “I… I actually wanted to talk about Venice’ birthday. She… She wants you there.”

        Sabi ko na. Yun lang naman pala eh. Bakit kailangan pang lumayo? Bakit kailangan pang maging ganito na naman?

         “Enzo, ayokong pumunta. Sinabi ko na kay Venice. Tapos na. Sorry.”

        

         Tiningnan lang niya ako. Lumabas ng pinto. Umikot, at biglang binuksan ang pinto ko.

         “Ano ‘to?! Hoy! Bawal mo akong iligaw dito sa gubat! Kaya mo ba nilayo?! Hoy Enzo ah—“

         “Just get outside, I want us to see the stars.” Napatingin ako sa kanya at lumabas na din. Ganyan ka naman Hope eh, basta si Enzo kahit ata sabihin niyang tumalon ka sa bangin tatalon ka. Ganyan ka namang katanga para sa kanya eh.

         Umupo siya sa hood ng kotse niya, umupo din ako. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang lamig. Ang daming bituin sa langit. Siguro… masaya ‘to kung kami pa. Siguro kikiligin ako sa ganitong eksena noong nililigawan niya ako kaso ngayon… Mas masakit eh.

         Kasi puro ako ‘Sana ganito’ ‘Sana ganyan’ na alam ko namang hindi matutupad.

         “Hope, I know you’ve rejected Venice’ offer, but… She’s really important to me, and I know you’re important to her. Every year, she celebrates her birthday abroad, but this year she wants to celebrate here in the Philippines because she wants to spend it with you, Chelsea and Miks. Ever since she met you guys, I felt that she became so happy. Ever since we were kids, it has always been me, Mico and Bryle. All the other girls either hate her, or want to befriend her to get close to us. But when she met you, she realized that she could really have girl friends. I know I don’t have any right to tell you or to request this from you, but… Venice was the one who lead me to you. She was the reason why we met, and I really don’t want to disappoint her. So, please… Go.”

         Naiiyak ako. Anong gusto niyang palabasin? Na gusto ko ‘to? Na wala akong pakialam?

         “Enzo, sa tingin mo ba gusto ko siyang idisappoint? Ayoko. Gusto ko si Venice, gustong gusto ko siya. Pero ayokong pumunta sa birthday niya kasi nandoon ka… At si Eula. Hindi mo ba naiintindihan yun? Na masakit… Masakit pa. Masakit pa rin. Hindi naman ikaw ang niloko eh, hindi naman ikaw ang nawalan, hindi naman ikaw ang makakakita sa taong mahal mo na kasama ang mahal niya eh. AKO. Gusto kong pumunta. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya, Enzo.”

         Napayuko na lang ako. Ilang beses ba akong iiyak sa harapan ni Enzo? Ilang beses ba ako magmumukhang tanga? Hanggang kailan ko ba siya mamahalin ng ganito? Kasi masakit na. Sobra.

“I know. I just had to try. I know you’re hurting, and I know you hate it when I apologize, but that’s the only thing I could do for you, Hope. I can only apologize for all the shit that I’ve done. Trust me, if I can redo everything, I will go back to when I met you and will do everything for you not to fall in love with me. I’ll wish that I haven’t met you, so I can never hurt you.”

         Napatingin ako sa kanya at napailing. Kailan kaya siya matututong sabihin ang dapat sabihin para hindi ako masaktan? Wish that he haven’t met me? So ngayon mas gusto niyang burahin lahat ng alaala na ginawa namin para hindi niya ako saktan? EH GAGO PALA ‘TO. Grabe, paano ako nainlove sa kanya? Paano ko nagawang mahalin ‘to at bakit hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin? Kung kaibigan ko siguro si Hope Yazon malamang nasubunutan ko na siya, pero iba talaga ikaw na yung nasa sitwasyon eh. Hindi ka na makakapagisip kung anong tama o mali kasi nawawala ang rason pag kasama mo ang mahal mo.

        Nanatili lang kaming ganoon. Siya nakaupo, nakatingin sa stars. Ako umiiyak.

         “Mahal mo ba si Eula?” biglaang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit, at alam kong masasaktan lang ako sa isasagot niya pero kailangan kong malaman.

         “I do. She was my first love, and she was the girl I’ve been waiting for. She’s the girl I want to protect for all of my life, that’s how I love her. I really do.”

         Bawat salita, parang dinurog yung puso ko. Bawat buka ng bibig niya, parang pinupukpok yung ulo ko. Ginusto mo yan, Hope. Tinanong mo yan eh.

         “I’m sorry that I had to use you. I’m sorry that I thought I liked you. I sincerely thought that I was falling for you… But, she came back and everything between us came back. My feelings for her came back, and the feelings that I had for you, can never compare to what I feel for her.”

Tama na. Tama na sa pagpapamukha na mas siya, na mas mahal mo siya, na mas mahalaga siya at na wala ako kumpara sa kanya.

        Napansin ko ring nageenglish na naman siya. Hay. Noong kami nagtatagalog na siya eh.

         Napangiti na lang ako.

         At least kahit papaano… nakuha ko naman siya. Kahit papaano nagustuhan naman niya ako na umabot na sa puntong niligawan pa niya ako. Sino ba nga naman ako hindi ba?

         “Hope, let’s go in. It’s getting cold outside.” Okay lang dito, mas madaling natutuyo ang luha ko. Pero hindi, pinilit niya akong pumasok sa kotse kasi baka daw magkasakit ako.

Kahit gago talaga ‘to, gentleman pa rin siya. Minsan, hindi ko rin masisi ang sarili ko na nainlove ako sakanya.

         “Enzo… Ano na tayo?”  Natahimik siya bigla.

         “Ang ibig kong sabihin, alam kong wala ng tayo pero… Magkaibigan pa ba tayo?”  Napatingin siya sa akin.

        “You said were still hurting right? Then I can’t be friends with you. There’s a thin line between being friends and being lovers, and somehow we’ve already crossed that line and there’s no going back. We can’t be friends, and we can’t be lovers. We can’t be friends because it will be awkward and someone will get hurt, and we can’t be lovers because if we are, then we wouldn’t be having any problem deciding what ‘we’ are.”

         And it goes back to us being ‘NOTHING’.

        Ang mas malala, hindi na akong pwedeng magfangirl at magpakatanga sa kanya tulad noon, dahil ngayon may meaning na, may laman na, at lahat na ng tungkol sa kanya magiging masakit na. Mas malala pa ‘to sa dati noong hibang na hibang ako sa kanya.

         “I want you to hate me. I want you to despise me, Hope. Kasi kulang pa yun sa ginawa ko sa’yo.”

         But that’s what’s unfair.

         I can never hate you, Enzo. I can only love you more.

         And the more I love you, the more I hurt. And I just want to stop this right now. I just want to erase you from my mind and my heart right now… But I can’t.

“Hope, forget about me please. I can never be good enough for you, and I don’t deserve someone like you. You’ll just hate me, and hate me more. Trust me, I’m not the man for you. So, please… Forget about me.”

         Kung madali lang yan, Enzo matagal ko ng nagawa.

         Pero ang kalimutan ka, parang English eh… Mahirap.

         Mahirap.

_______________

[A/N: Hi for those who are reading, if you have time, go and check out my other stories and click the follow button! It will be very much appreciated! Thank you.]

Continue Reading

You'll Also Like

96.7K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
54.1K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
110K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
761K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.