If You Don't Know Me By Now

By wonderwall23

282K 8K 1.7K

More

Forewords
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 5

12.4K 362 140
By wonderwall23

Naramdaman na ni Daniel na may problema nang iniwasan ni Jasmine ang labi nya nang hahalikan sana nya ang dalaga. Dinalaw nya kasi ito sa opisina pero mukhang masama ang timpla ng nobya.

"Anong problema?" Tanong nya dito.

"At talagang tinanong mo pa ko ha?" Sarcastic na tanong pabalik sa kanya ni Jasmine.

Napakunot ang noo nya. "Anong ginawa kong mali?"

Tiningnan sya nito ng masama. "Nakita ka ng kaibigan ko kasama mo si Kathryn sa bar noong isang gabi. My God, Daniel! Wala ka bang kahihiyan sa katawan?"

"Nagseselos ka ba?"

"Of course not! Kung may isang bagay na hindi makukuha sa akin ni Kathryn ay ikaw yun. She will never have you. Hindi lang ako makapaniwalang nagpunta ka sa bar kasama nya. Nakakahiya! Sabi ng kaibigan ko nagsasayaw kayo ng wild. Daniel, twenty eight ka na, hindi eighteen. Hindi ka na teenager para sumayaw ng ganon. Presidente ka ng isang malaking kumpanya utang na loob naman! Anong sasabihin ng mga kaibigan natin? Pumunta ka sa bar at sumayaw kasama ng... ng... slut na yun!"

Nagdilim ang mukha nya sa galit. Hindi nya nagustuhan na tinatrato sya ng nobya na tila ba isang bagay na pag-aari nito. Hindi sya bagay. He's human at may feeling sya. Isang taong may karapatang magsaya.

"Kathryn is not a slut!" Sita nya sa sinabi ng nobya. Hindi nya gustong tinatawag ng ganoon si Kathryn kahit pa ang taong iyon ay ang pinakamamahal nyang girlfriend.

"Hindi sya slut?" Sagot nito sa kanya. "Anong tawag sa kanya? Whore?"

"Pwede ba tumigil ka na, Jasmine?"

"So bigla ka na lang naging knight in shining armor nya. Bakit? Did she give you one wild ride noong isang gabi? Did you enjoy screwing that expensive whore?"

Binuksan nya ang bibig nya para pagsabihan ng masasakit na salita si Jasmine pero buti na lamang at napigilan nya ang sarili nya. Napailing na lang sya sa pagkadismaya. Hindi sya makapaniwalang ganito ang pinagsasabi ni Jasmine. His pure and demure Jasmine. At kahit na mahal na mahal nya itong babaeng sa harapan nya ay hindi nya pa rin mapigilan ang sarili nyang protektahan si Kathryn. She doesn't deserve those words.

Jasmine honestly acted cheap, malicious, and narrowminded.

Pinagaan ni Kathryn ang nararamdaman nya noong isang gabi. In her odd way, naparealize nito sa kanya na hindi naman ito kagaya ng sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya. Andun si Kathryn nang kinailangan nya ng isang taong makakausap. Pinakinggan sya nito.

May mabuting puso si Kathryn.

Lumabas na lang sya sa opisina ni Jasmine bago pa sya makapagsalita ng kung ano. Sa unang beses simula nang nakilala nya si Jasmine ay nainis sya dito. Hindi nya alam na ganun pala ito kababaw.

Bumalik na sya sa opisina nya. Sinubukan nyang magconcentrate sa trabaho nya dahil sinira na ni Jasmine ang araw nya.

__________

Hinalikan ni Kathryn ang Tita Carla nya sa pisngi. Naabutan nya itong nagluluto sa kusina.

"Hmm... Mukhang masaya at glowing ang prinsesa ko ha. Anong meron?"

Ngumisi sya dito. "I had fun kasama si Daniel noong isang gabi. Sana magstay syang mabait sa akin."

"Masaya ako na nagiging magkaibigan na uli kayo."

"I love him, Tita." Pag-amin nya.

Malambing na ngumiti sa kanya si Carla. "Alam ko. Kung pwede ko lang diktahan ang puso ng anak ko, sinabi ko nang mahalin ka rin nya. Hindi naman nagpakita ng masamang tinapay sa akin si Jasmine. In fact, napakabait nga nya sa kin. Sobrang bait. Pero yun din ang ayaw ko sa kanya. Masyado syang perfect. She's too good to be true. Wala syang flaws. At ang mga kagaya nya ang nakakatakot."

Tumawa sya ng malakas sa sinabi nito. "Mapupunta din sa akin si Daniel, Tita." Determinadong sabi nya. "Kukunin ko sya from Jasmine. Kahit anong mangyari, magiging akin sya. Ulit."

"Binibigay ko sayo ang blessings ko. Andito lang ako pag kailangan mo ng tulong. Kumain ka na ba, nak?"

Umiling sya.

"Mabuti kung ganon. Sabayan mo si Daniel. Maghahanda ako ng pagkain para dalhin mo sa opisina nya. Pilitin mo syang kumain. Hindi na sya masyadong kumakain nitong mga nakaraang araw. Sa tingin ko ito ay dahil kay Sam."

"Andito po si Sam? Akala ko nasa Australia sya?"

"Andun pa rin sya at hindi ko alam kung paano nya nagawang mabili ang shares sa kumpanya ng anak ko. Obsessed ang lalaking iyon. Gusto nyang agawin ang lahat ng gusto ni Daniel."

"Hmm... siguro dapat ko syang tawagan para kunin si Jasmine kay Daniel. Magandang idea yun, diba?"

Tinawanan naman sya ng Tita Carla nya. "Matagal ng alam ni Sam na mahal ni Daniel si Jasmine pero di naman ito nagpakita ng interes. Hindi naman nya ito niligawan man lang."

Tumaas ang kilay nya. "Sigurado po kayo?"

Nagkibit balikat lang ang kausap nya. "Sabagay, pwede rin namang baka patago lang ginawa. Wag na nga natin silang pagusapan. Kailangan mong makarating sa opisina ni Daniel on time. Ayokong magskip na naman sya sa pagkain."

"Sisiguraduhin ko pong kumain sya ng marami, promise. Ay teka! Muntik ko nang makalimutan." May kinuha sya mula sa bag nya. Inabot nya ang tatlong libro sa Tita Carla nya.

"Ay juskopo! Salamat, anak! Paano ka nakakuha ng kopya nito? Hindi na to available sa mga bookstores." Masayang tinanggap nito ang mga libro. Ito ang first 3 novels ni Princess.

"Meron akong isang kaibigan na nagttrabaho sa publication company ni Princess. Humingi ako ng kopya. Complimentary copies nga lang yan."

"Maraming salamat uli. Sabihin mo rin sa kaibigan mo salamat. Kumpleto na ang collection ko."

"Irerelease na din po pala ang bagong novel ni Princess next week. Hihingi uli ako sa kaibigan ko ng kopya para sa inyo."

"Kaya kita mahal na bata ka eh. Alam mo kung pano ako papasayahin."

"Sige po, pupunta na po ako sa opisina ni Daniel."

"Sige, nak."

__________

"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting bati ni Daniel nang pumasok si Kathryn sa opisina nya.

Naiinis pa rin sya pero nang dumating ang dalaga ay parang biglang nawala ang inis nya. Parang biglang lumiwanag ang opisina nya. Napakaganda nito. Nakasuot lang ito ng floral dress at sandals. Naka-pony tail at walang make up.

Tinaas ni Kathryn ang dalawang malaking lunch box na dala nya. "Dinalhan kita ng lunch. Sabay tayong kakain. Hindi ba ang sweet non?"

"Inutusan ka ni Mama na dalhan ako ng pagkain?"

"Oo. Sinabihan nya ko na pakainin ka. Sabi nya hindi ka daw masyadong kumakain nitong mga nakaraang araw. Wag mo na kasing masyadong isipin ang problema. Hayaan mong ang problema ang magisip sayo. Wag mong ipapakita sa kalaban mo na affected ka. Always act cool. Never ever give them the satisfaction na makitang stressed." Sermon ng dalaga sa kanya habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

Tumayo sya para tulungan ito.

"Nag-away kami ni Jasmine dahil sayo." Biglang nasabi nya.

Hindi nya alam kung anong naisip nya at bigla nyang gustong magkwento ng nararamdaman nya kay Kathryn. Gusto nyang ikwento dito ang lahat ng frustrations nya sa buhay. Siguro ay dahil nagagawang pagaanin ni Kathryn ang kalooban nya. He felt peace with her.

"That's great!" Masayang sagot nito sa kanya. "Good news yun para sa akin."

Natawa sya sa inakto nito. Hindi nya maintindihan bakit hindi sya naoffend. Sabagay, naging honest lang naman ito.

"Kumain na nga tayo, nagugutom na ko." Yaya nya kay Kathryn.

Napangiti sya nang makita nyang kumakain na naman na parang construction worker ang dalaga.

"Wag mo akong panoorin, kumain ka." Sita nito sa kanya habang ngumunguya. "Gusto mo subuan pa kita?"

Ngumanga sya imbes na sumagot. Ngumiti naman sa kanya ang dalaga. Sinubuan sya nito. Hindi nya maalala kung kailan sya nag-enjoy ng ganun habang naglulunch. Talagang nag-enjoy syang kumain kasama si Kathryn. Feeling nya nga ay gusto nyang makasabay itong kumain for the rest of his life.

Ipinagtimpla sya ni Kathryn ng kape pagkatapos nilang kumain.

Tinikman nya iyon. "Mmm... Sarap mo magtimpla."

"Kape lang yan, Daniel. Ngayon magkwento ka na. Bakit kayo nag-away ni Jasmine?"

"Hindi nya nagustuhan na nagpunta ako sa bar. Tapos tinawag ka nyang slut at whore. Masakit sa kin na marinig yun. Ayokong tinatawag ka ng ibang tao ng ganun."

"Ang sweet mo naman." Nagulat sya nang bigla syang yakapin ni Kathryn.

Hinagod nya ang buhok ng dalaga. "Alam ko naman namisunderstood kita dati at hindi ako naging kaibigan sayo. Pero hindi pa naman huli ang lahat para bumawi ako sa mga nagawa ko. Hindi ibig sabihin non na kukunsintihin ko na ang mga kalokohan mo. Papagalitan pa rin kita pag naging pasaway ka."

Hinalikan sya ni Kathryn sa lips na talagang ikinabigla nya. Napatikhim sya. Why does he suddenly have the urge to crush those luscious lips with his? Napalunok sya. Bakit ba kasi sya hinalikan ni Kathryn?

Kathryn smiled wickedly. "Friends kiss each other, diba?" Nang-aasar na sabi pa nito.

"Oo, pero di ganung klaseng kiss." Nag-iwas sya ng tingin sa dalaga. Hindi pwedeng makita nito ang pagnanasa sa mga mata nya.

"Anong klaseng kiss ba dapat? Hinahalikan ko ang friends ko sa lips." Tinrace pa nito ang lips ni Daniel gamit ang thumb nya. "Ang lambot ng lips mo, gusto ko ulit i-kiss. Papayagan mo ba ko?"

He groaned. "Wag mo kong itempt, Kathryn!"

Lumaki ang ngisi ni Kathryn at nilapit ang labi nya. Napalunok uli si Daniel habang tinitingnan ang labi ng dalaga. Gusto nya itong halikan. Nang hahalikan nya sana ito ay bigla itong umiwas. He felt so frustrated.

Kathryn is a pro sa pagseseduce ng lalaki.

Iniiisip pa lang nya iyon ay lalo syang naffrustrate. Ilang lalaki na ba ang naseduce nito? Ilang lalaki na ba ang dumaan sa buhay nya? Ilang lalaki na ang naseduce nya?

Hinawakan nya ang batok ng dalaga para di ito makagalaw. Walang sabi sabi'y hinalikan nya ito. Alam nyang mali, pero di nya mapigilan ang sarili nya. Kailangan nya itong halikan kundi ay mababaliw sya. Sabi naman ni Kathryn ay naghahalikan ang mga magkakaibigan.

Naramdaman nyang ngumiti si Kathryn sa gitna ng halikan nila. Nang idilat nya ang mata nya'y nakita nyang nakadilat din ito. Kahit ang mga mata ng dalaga ay nakangiti. Ngumiti sya pabalik. Pumikit sya uli at inanggulo ang ulo nila for better access. His tongue delved into her mouth. Her tongue met his.

Napaungol sya nang lumalim ang halik nila.

Ganito ba talaga naghahalikan ang magkakaibigan?

Madaming beses na nyang nahalikan si Jasmine pero hindi sya ganito kasabik. Hindi sya ganito kaapektado. Siguro ay isang witch si Kathryn at ginayuma sya nito.

Pinakawalan nya ang mga labi ng dalaga nang naubusan na sila ng hangin. Mabibigat ang paghinga nila.

"That was great!" Nakangiting sambit ni Kathryn.

"Yeah, too great parang gusto kong ulitin."

Ngumisi sa kanya ang dalaga. "Now, you're making sense." Sabi nito bago sya halikan uli.

Nag-eenjoy pa sila sa paghahalikan nila nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa niyon ang galit na galit na si Jasmine. Agad syang lumayo kay Kathryn. Nanlaki ang mata nya. Hindi nya alam anong gagawin at sasabihin sa girlfriend nya.

"Ang gandang welcome naman nito sa akin!" Sarcastic na bungad ni Jasmine. Namumula ang mata nito. "And to think na nagpunta ako dito para mag-apologize. Hindi sya slut, sabi mo diba? Hindi ko alam na ang cheap pala ng lalaking mahal ko. Nakikipagmake-out ka sa isang slut sa opisina mo. Shame on you!"

"Hindi ito kagaya ng naiisip mo." Sinubukan nyang magpaliwanag.

"Hindi gaya ng iniisip ko?" Galit na sigaw sa kanya ng nobya. "Tangina, Daniel! Nakita ko kayo ng dalawang mata ko. Nageenjoy kayo sa paghahalikan!"

Desperadong tiningnan nya si Kathryn na mukhang nageenjoy lang sa eksena. "Please help me na magpaliwanag." Pagmamakaawa nya dito.

Umirap lang sa kanya si Kathryn bago nagbuntong hiniga. "Wala lang yung kiss na yun, Jasmine. Spur of the moment lang."

He felt relieved.

"Dapat kasi pag-aralan mo how to satisfy your man, Jasmine. Parang uhaw na uhaw sa halik ang boyfriend mo. Kala ko nga kakainin nya ko ng buhay. You should please him more often para hindi na sya pumunta sa akin. Gusto mo ba bigyan kita ng pointers kung paano sya papaligayahin? Baka makatulong ako." Patuloy ni Kathryn.

"Hayop ka!" Sigaw ni Jasmine kay Kathryn.

Nang-aasar na tinawanan lang sya ni Kathryn. Naglakad pa ito papalapit. "Alagaan mong mabuti si Daniel dahil sinasabi ko sayo, kukunin ko sya sayo. Ay namumula na ang mata mo. Cmon ipakita mo sa kin na tumutulo ang luha mo. Alam mo namang gustong gusto kong nakikita kang umiiyak. Cry baby!"

"Kathryn!" Sita ni Daniel.

Hinarap naman sya nito. "Ah so balik ka na sa pagiging tagapagtanggol nya? Sobrang powerful ng luha nito ni Jasmine noh? I wonder kung saan napunta ang lalaking kahalikan ko kanina?"

Tiningnan nya ito ng masama. Sumusobra na naman si Kathryn. She's being a true blooded bitch again. Nakakaawa tingnan si Jasmine. Hindi nya kayang makita ito sa ganoong kalagayan.

Tatakbo na sana palabas si Jasmine nang yakapin nya ito sa bewang para pigilan. Tiningnan nya si Kathryn. "Umalis ka na." Galit na pagtataboy nya dito.

Inirapan sya ni Kathryn. "Ang tanga tanga mo talaga, alam mo ba yun?"

"Umalis ka na sabi." Ulit nya.

Huminga ito ng malalim saka ngumiti uli. Lumapit pa sa kanya si Kathryn at hinalikan sya ng mabilis sa labi. "Bye. See you."

Sinundan nya ito nang tingin habang nagddramatic exit ito.

"Sorry." Sabi nya kay Jasmine pagkaalis ni Kathryn.

Hinampas sya nito sa dibdib. "I hate you! Gago ka! Gago! Gago!" Patuloy ang pag-iyak ng dalaga habang hinahampas sya. "Bakit mo sya hinalikan? Pwede mong halikan ang lahat ng babae sa mundo except that bitch!"

"Im sorry. I...i...inakit nya ko. Hindi ko naman kasalanan."

Alam nyang mali na sinisisi nya si Kathryn, dahil alam nyang may kasalanan din sya. Bumigay sya sa pang-aakit nito. Pero hindi sya makaisip ng paraan para pakalmahin ang girlfriend nya.

"Alam ko namang hindi mo kasalanan. Hindi ko lang maiwasang masaktan. Aagawin ka nya sa akin at natatakot ako."

"Im so sorry. Hindi na yun mauulit."

Humikbi si Jasmine. "Promise?"

"Promise."

Niyakap sya ng nobya. "Aalis ako."

Napatingin sya dito. "Nagpromise na nga ako na hindi na yun mauulit. Bakit ka aalis?"

"Kailangan kong umattend ng isang linggong seminar sa Cebu. Nagsuggest si Daddy na magbakasyon din ako after. Parang wala ako sa sarili these past few days. Siguro ay stressed ako. Im trusting you, Daniel. Naniniwala ako sa promise mo. Ang tagal na nating mahal ang isa't isa at hindi ako naniniwalang masisira yun dahil sa isang slut. Ayoko nang maulit ito. Maawa ka naman sa akin. Wag ka ng lalapit sa kanya. Please?"

Napabuntong hininga sya. "Nangangako akong hindi na magpapaakit uli sa kanya. I love you so much, Jas. Lagi mo yang tatandaan."

"I love you, too."

Yumuko sya para halikan ang nobya. Hindi nya maintindihan kung bakit hindi nya maramdaman ang sensation na naramdaman nya nang hinahalikan nya si Kathryn kanina.

Nababaliw ka na, Daniel.

__________

Author's Note: Nababaliw na din ako sa kakasulat nito. #LalakiLangSiDaniel

Comment and vote please. Kung bet nyong maging silent reader, medyo bet ko ding maging silent writer. :p

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
324K 17.2K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...