Will it be the same? (COMPLET...

By atemonghailey

58.8K 1.9K 866

Can love lead your heart back to the first one who broke it? More

A/N #1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55 (totoo na to 😂)
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Encounter ✨♥️
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Gratitude
Visual Chapter I
Visual Chapter II
Visual Chapter III
Visual Chapter IV
Visual Chapter V
Visual Chapter VI
Visual Chapter VII
Visual Chapter VIII

Chapter 57

459 22 18
By atemonghailey

3rd Person's POV

"Political boundaries, Area and Land uses.. Climate, Boundaries.. Land Use.. Topography" sambit ni Vhong habang abalang abala sa pagtatype ng kanyang papers. Past lunch time na pero busy pa rin siya sa pag gagawa ng Chapter 2 ng kanyang thesis paper. 3 days straight na rin siyang nagtatrabaho habang gumagawa ng isang madugong thesis.

Ngayong buwan ay hindi na muna siya magmamaneho ng ilang linggo dahil umalis ang boss niya at nasa ibang bansa ito para sa isang business venture. Pero ngayong linggo ay pinakiusapan siya ni Annieka na sa bahay niya muna magstay habang gumagawa ito ng papers dahil bukod sa mabilis ang internet, may aircon maasikaso niya pa ang pagkain at pangangailangan ni Vhong, bagay na hindi na muna tinanggihan ni Vhong dahil paniguradong pagmumulan nanaman ito ng misunderstandings nilang magkasintahan.

"Babe.. merye.." napatigil si Vhong sa pagtatype nang pumasok si Anne, may dala-dala itong tray ng pagkain. 2pm na kaya naisipang dalhan ni Annieka ng merienda si Vhong pero kumunot ang noo niya nang makitang hindi pa halos nagalaw ang dinala niyang tanghalian ni Vhong.

"Baby.. bakit hindi ka pa kumakain? Past 2 na ha?" pinatong ni Anne ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ni Vhong ngunit tumango lang ito at nagpatuloy sa pagta-type sa kanyang laptop. Nang dahil don ay napabuntong hininga nalang si Anne.

"Babe.. Please.." inilapit ni Anne ang kutchara kay Vhong para subuan ito. Saglit siyang tinignan ni Vhong at tska ngumanga nalang ito.

"Very good.." sambit ni Annieka at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain sa busing-busy na kasintahan na halos hindi na maialis ang mata sa screen.

"Babe o.." sa pangatlong subo ni Annieka kay Vhong ay bahagya nitong inilis ang kanyang bibig.

"Maya na.. matatapunan yung papel" sambit ni Vhong

"Sinasahod ko naman ng kamay ko eh.. Past 2 na, malilipasan ka ng gutom. Kanina pa tong pagkain mo, magtatatlong oras na" mahinahon na sambit ni Anne na kanina pa nagpipigil ng kanyang inis.

"Later nalang babe.. kasi nawawala ako sa concentration.. kakainin ko yan, lagay mo lang dyan.. busog pa ko."

"Vhong, pag sinabi kong kainin mo to.. kakainin mo kasi wag mong antayin na mapikon nanaman ako sayo" nang dahil sa sinabi ni Anne na yon ay napilitan si Vhong na itigil muna ang ginagawa niya para kumain. Habang si Annieka naman ay nakapanuod lang sakanya.

"Pwede kumain ka ng maayos? Walang humahabol sayo" Inirapan ni Anne si Vhong, ilang subo lang ay umayaw na ito sa pagkain.

Pagkatapos kumain ni Vhong ay iniligpit na ito ni Anne. Pagkatapos non ay sinunod naman niyang iniligpit ang mga damit ni Vhong, inilipat niya ang mga damit mula sa bag sa cabinet sa kwarto ng guest room.

Habang nagaayos siya ay rinig na rinig niya ang palagiang pagpapalatak ni Vhong, maya't maya ay kamot ito ng kamot ng ulo at maya't maya ay nagmumura, sinyales na naasar na si Vhong sa ginagawa niya.

"Vhong, wag mong kusutin yang mata mo. Mamumula nanaman yan." Puna ni Anne pero hindi siya pinapansin ni Vhong.

"Humiga ka don, papatakan ko yan. Nagda-dry nanaman eh kanina ka pa nakaharap dyan sa screen"

Alas tres na at halos sampung oras nang nag gagawa si Vhong ng paperworks niya na kailangang maipasa sa katapusan ng linggo. Ayaw niyang matambakan ng gawain kaya ginagawa na niya ang mga ito nang mas maaga dahil iniisip niya rin ang kanyang trabaho lalo na sa café. Nagresign na siya sa Shop ni Si Rex, ayon na rin sa advice nito sakanya dahil gusto ng tito niya na mas tutukan niya ang pag gagawa niya ng thesis. Ayaw man ni Vhong pero kalaunan ay pumayag na rin siya dahil masyado nang mabigat ang kanyang workload mula sa tatlo niyang trabaho kaya sa ngayon ay ang café pa rin ang pinag kukunan niya ng pang gastos sa eskwelahan at ang kinikita naman niya sa pagmamaneho ay nakabudget para pangaraw-araw niyang gastusin at para sa mga bills niya kada buwan.

"Baby, ginawan kita ng sandwich ulit o.. tska watermelon shake para marefresh ka naman" this time ay medyo kalmado na si Anne.

"Busog pa ko" sagot ni Vhong, ngayon naman ay inaayos nito ang iba't ibang klase ng mga mapa na kasama sa kanyang thesis. Ang iba dito ay nahirapan siyang kunin dahil hinanap niya pa ang mga ito. Iba ay galing sa city hall at ang iba naman ay sa city library, yung isa naman ay sa mismong admin office na nangangasiwa sa kanyang target area.

"Konti lang yung kinain mo kaninang lunch, yung isang dinala ko naman sayo di mo naman kinain, tumigas tuloy" salita lang nang salita si Anne ngunit masyadong okupado ng ginagawa ni Vhong ang kanyang buong atensyon.

"Annieka! Mababasa yung mga mapa! Isang kopya lang yan!" Singhal ni Vhong, nang dahil don ay napahiya si Anne.

"Kanina pa ako kilos ng kilos dito! Napapagod na ako kakadala sayo ng kakainin mo. Sinasayang mo effort ko!" Sa pikon ni Anne ay lumabas na rin yung inis na kanina niya pa pinipigil.

"Wala naman akong sinabing gawin mo yan" bulong ni Vhong


"Ano kamo? Anong sabi mo?"

"Di ko naman kasi sinabing gawin mo yan" sagot ni Vhong, nang dahil don ay may dumapong palad pisngi niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Di na kita maintindihan, Vhong!!" Umiiyak na saad ni Anne, habang si Vhong naman ay natameme lang sa sampal ni Anne sakanya.

"Anne, anong di mo maintindihan? Diba gumagawa nga ako ng thesis? Alam mong madugo to! Di na nga ako magkanda-ugaga dito!" Maging si Vhong ay nagtaas na rin ng boses.

"Sige.. if that's what you want.. go! Ayaw mo ng pinakikielamanan kita.." isa isang kinuha ni Anne ang mga damit ni Vhong na inayos niya kanina sa cabinet at isinilid ang mga ito sa loob ng bag ni Vhong.

"Bahala ka.. wag kang magpapakita sakin na ganyan ka, pinagaalala mo ako dahil dyan sa katigasan ng ulo mo. Sorry ha kung pinipilit kitang kumain, mukhang napasama pa. Umuwi ka nalang sa unit mo. Bahala ka na" habang iniimpake ni Anne ang mga gamit ni Vhong ay pinapanuod lang siya nito. Napahilamos si Vhong ng mukha at tska kinuha yung mga gamit niya.


"Sinabi ko na sayo, mag leave ka na sa café kahit isang linggo lang para matutukan mo yang pagaaral mo pero ayaw mo, ang tigas tigas ng ulo mo, Vhong!"


"Magli-leave ako tapos ano? San ako kukuha ng pang gastos? Di mo ba naisip kung gaano kalaki yung perang mawawala? Annieka alam mo naman na gipit ako. Maya't maya biyahe ako ng biyahe sa pag gagather palang ng data.. pamasahe ko palang, nasasaid na yung pera ko tapos gusto mo mag leave ako?"

"Ganyan ka kasi.. puro ka nalang pera, Vhong! Inintindihin mo yung katawan mo! Pag ikaw, bumigay nanaman.. mas lalo ka mahihirapan.. nagoffer ako diba? Sabi ko sayo, sasamahan ka namin ni King sa mga errands mo pero ayaw mo! Inuuna mo pa kasi yang ego mo kahit hirap na hirap ka na!" Mas lalong tumaas ang boses ni Anne kaya mas lalo ring napikon si Vhong.

"SIGE GUSTO MO YAN? SIGE IKAW NA MAGBAYAD LAHAT, IKAW NA RIN MAGPAKAIN SAKIN.. LAHAT SIGE, IKAW NA! GANON NAMAN AKO DIBA?! SIMULA'T SAPUL WALANG SILBI... WALANG KWENTA. TANGINA SARILI KO NA NGA LANG DI KO PA KAYANG BUHAYAIN TAPOS BUBUO PA AKO NG PAMILYA? TAPOS ANO AASA TAYO SAYO?" Muling may dumapong palad sa pisngi ni Vhong

"Bastos ka na, Vhong! Nakikipagusap ako sa'yo ng maayos tapos ganyan ka? Bullshit. Wala kang kaaway dito! Di mo ako kalaban. Nagmamagandang loob ako kasi nakikita ko na halos magpakamatay ka na kakatrabaho at kakaaral tapos ako walang ginagawa. Tangina Vhong, mahal kita kaya ayokong nakikita kitang ganyan! Ang simple lang ng sinabi ko pero kung saan saan ka nanaman napunta!"

"Ako na" sambit ni Vhong at tska umalis na bitbit lahat ng kanyang gamit habang si Annieka naman ay naiwan sa kwarto habang umiiyak.

Pagbaba ni Vhong ay tinanong siya ni Nanay Bing kung ano ang nangyari, nakwento niya kung bakit din sila nagkasagutan na nauwi sa isang sampal mula kay Annieka.

"Hindi mo naman masisisi si Annieka e, Ferdinand.. nagaalala lang yon sayo dahil sa sobrang busy mo, maghapon kang hindi kumakain tapos ilang araw ka pang walang tulog.. natural lang na magalala at magalit si Annieka" paliwanag ni Nanay Bing habang napapailing nalang ang matanda.

"Mahal ka lang non kaya ayaw niyang nakikitang pinapabayaan mo ang sarili mo" dagdag pa nito.

Pagkatapos mapaliwanagan ni Nanay Bing ay kumalma na si Vhong. Nakaramdam siya ng guilt sa mga nasabi niya kaya minabuti niyang akyatin si Annieka para humingi ng tawad. Pagpasok niya sa kwarto ay naabutan niyang nakahiga si Annieka sa kama habang nakatalukbong ito. Marahan umupo si Vhong sa may kama, he can hear Annieka's sobs, indikasyon na umiiyak ito.

"Annieka.. uuwi na ako ha? Sorry.. magpahinga ka na" sambit ni Vhong at tska hinalikan ito.

Pagkaalis ni Vhong ay siyang inalis ni Anne ang pagkakatalukbong niya, mas lalo siyang naiyak dahil naalala niyang dalawang beses niya palang nasampal si Vhong, unang beses niyang nagawa yon dahil sa inis simula nang maging sila ulit.

Halos isang oras ulit iniyakan ni Annieka ang mga nangyari dahil naisip niya, habang tumatagal ay palala ng palala ang mga nagiging away nila. Umiiyak siya habang tinitignan ang lockscreen ng telepono niya na litrato ni Vhong. Gusto niyang intindihin si Vhong dahil alam niya ang bigat na pinagdadaanan nito ngunit nasasaktan siya sa mga salitang binitawan nito sakanya kanina. All along pala ay iniisip ni Vhong sa sarili na wala siyang kwenta at hanggang ngayon ay ganon pa rin pala katindi ang gustong patunayan ni Vhong

Ilang minutong nakatayo si Annieka sa labas ng pinto ng unit ni Vhong, iniisip niya kung kakatok ba siya at magpapakita kay Vhong o hahayaan nalang niya munang lumipas ang mga nararamdaman nila.

Marahan niyang pinihit ang doorknob, may dala siyang susi ngunit nagbaka sakali siyang hindi naman naka lock ang pinto. Pagbukas niya ay bumungad si Vhong na nakahiga sa kama at nakaharap sa pader, nakakumot din ito.

"Vhong?" Bulong ni Anne, naupo siya sa may kama kaya nakita niyang may isang basong tubig at wrapper ng gamot sa side table.

"Hmm?" pagharap ni Vhong sakanya ay namumula ang mga mata nito at nangangalumata na. Dahil don ay inilapat ni Annieka ang kamay niya sa noo ni Vhong. Napakagat labi nalang siya tapos ay kinuha ang thermometer sa drawer, marahan niyang inipit ito sa kili-kili ni Vhong habang wala siyang sinasambit ni isang salita.

"Anong nararamdaman mo?" Seryosong tanong niya.

"Ma..masakit ulo ko tska medyo nahihilo ako" sagot ni Vhong at siya namang tunog ng thermometer. May sinat nga ito, tama ang hinala niya.

Agad tumayo si Anne at nagtungo sa kusina, wala siyang ibang pwedeng ipakain kay Vhong kungdi noodles dahil yun lang ang available na mabilis lutuin, ayaw man niyang pinapakain ng ganon si Vhong pero wala siyang choice, kailangan din na mainitan ang sikmura ng kasintahan.

Pagkatapos niyang ayusin ang niluto ay dinala na niya ito kay Vhong na nakahiga nanaman.

"Vhong, bumangon ka. Kumain ka" walang emosyon na sambit ni Anne. Habang sinusubuan niya si Vhong ay tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng kanyang mga luha, habang sinusubuan niya ay nakapikit lang habang ngumunguya ito.

"Anong oras ka uminom ng gamot?" tanong ni Anne

"Ka..kani-kanina lang.. mga.. ilang minuto lang bago ka dumating" sagot ni Vhong habang nakapikit pa rin at nakasandal ang ulo sa pader.

Pagdilat ni Vhong ay nakita niyang nakayuko lang si Annieka habang umiiyak ito ng mahina. Kinuha ni Vhong ang isang kamay ni Anne at hinawakan ito ng marahan.

"Nakakapagod no? Nakakapagod na ko. Pagod na rin ako, Annieka e.. di ko na rin kasi alam kung anong uunahin ko. Napapagod na ako kasi.. masyado na akong maraming sugat, Annieka.. Ubos na ubos na ko... Di mo deserve to.. so..sorry" tuluyan nang umiyak si Vhong.


Sa ilang minuto ay katahimikan lang ang namayani sa buong silid. Tanging mahihinang hikbi lang ang naririnig na nagmumula sa dalawang taong lubos na pinapahirapan ng tadhana.



Isang pagod na.. at isang pagod na umintindi sa isang taong pagod.







A/N

Don't touch me! Charot!

Don't forget to hit that star button and comment your thoughts down below.

Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
1.1K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
1.1K 268 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...