STATUS: Waiting, Hoping and P...

By crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... More

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 25

1.1K 10 0
By crostichan

Ezekiel’s POV

Tok..tok..tok..

Tok.. Tok.. Tok..

Tok.. Tok.. Tok..

Bakit kasi umaasa pa kong sasagot sya? Haay! Di pa ko nasanay.

Binuksan ko na yung pinto. At nakita ko nanaman syang nakatayo dun sa bintana at nakatanaw sa malayo. Di kaya siya napapagod sa pwesto na yan? Bawat araw na lang kasi na ginawa ng Diyos, nakatingin siya lagi dyan. Kala mo naman laging may bago.

“Yannie, eto na yung breakfast mo”

no response. =_=

“Especially made yan ni manang. Alam nya kasing paborito mo yan”

no response =_=

“sige iiwan ko na yan dito ha. Pag tapos ka ng kumaen, babalikan ko na lang yung hugasin”

no response. =_=

Haay! She is really hopeless. 

Nilapag ko lang yung isang tray ng pagkain dun sa side table nya at umalis na kwarto niya. sana naman kahit minsan o kahit isang beses lang, lumabas ako sa kwarto niya na nilingon o kinausap man lang niya ko.

Sinalubong ako ni Manang pagbalik ko sa kusina.

“oh Zeke, kamusta?”

“hahaha. Umaasa pa ba kayo Manang na may pagbabago?”

sumimangot sya sakin at nagsalita.

“sumusuko ka na ba sakanya?”

“Manang naman! For the nth time sasagutin ko yang tanung nyo at last na to. syempre hindi. Hindi ako susuko sa kanya. Peksman. Mamatay man yung aso ng kapitbahay natin” tinaas ko yung kaliwang kamay ko na parang nagpapanatang makabayan.

Ngumiti lang sakin si Manang tapos ginulo yung buhok ko.

“sige Iho. Kumain ka na ng almusal dyan at alam kong kaylangan mo ng lakas para mamaya.”

umupo ako sa lamesa at sinimulang kainin yung mga pagkain dun. Gaya din to nung dinala ko kay Yannie kanina. Special fried rice na hindi na kaylangan ng ulam. Feeling ko nga pag natikman ng mga taga Chowking yung gawa nyang to, magkakandarapa silang kunin si Manang na maging chef nila. Triple kasi yung sarap nito sa chowfan nila. Hindi lang triple. 

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko muna yung hugasin sa kwarto ni Yannie para sabay ko na lang silang huhugasan. Sayang kasi sa tubig. ^_^v

Hindi na ko kakatok. Kahit mapudpod naman kasi yung kamay ko kakakatok di rin naman sya sasagot. Baka color pink na yung uwak di pa sya nagsasalita ng “pasok”

kinuha ko dun sa table yung pinggan na pwede ng itaob sa sobrang linis at yung baso na may kalahati pang laman.

“di mo na ba iinumin tong gatas mo?”

“bibilang ako ng lima. Pag hindi ka pa sumagot—-“

pag di pa sya sumagot, anu nga bang gagawin ko?

“isa .. Dalawa .. Tatlo .. apat .. “ 

Hindi ko na pinaabot pa ng lima, wala talagang pag-asa.

Kung di lang talaga sinabi nila manang na nakakapagsalita si Yannie, iisipin ko talaga na pipi sya. Kahit minsan kasi di ko pa narinig yung boses nya. Di niya ba alam na madaming mga pinanganak na pipi na gustong magsalita pero sya sinasayang nya lang yung blessing na yun.

She is really unbelievable. Hindi ko alam pano sya nagsusurvive dun sa kwarto nya. Ang halaman nga kaylangan ng sunlight para mabuhay e, sya pa kaya? She looks really pale. 

“wow naubos nya yun?” tanung agad sakin ni Manang nung nakita nya yung dala kong plato na wala ng laman.

“nagtaka pa kayo Manang e diba sabi nyo favorite nya yan?” 

biglang nagbago yung expression ng mukha nya. May mali ba sa sinabi ko? 

“Manang?”

“ako na maghuhugas nyan. Ayusin mo na yang sarili mo mamaya dadating na din si Sir Lucio mo”

Bakit kaya ganun yung mga babae? Ang bilis magbago ng mood. Masaya, tapos malungkot tapos ok na ulit. Haay! Ang hirap nilang intindihin.

***

Pinasakay ako ni Sir Lucio sa sasakyan nya dahil may pupuntahan daw kami at hindi ko daw pwedeng sabihin kung saan kahit kanino. E pano ko naman sasabihin kahit kanino, e ni ako nga e hindi ko alam kung san kami pupunta.

“can you keep this trip as a secret Zeke?”

“ummm .. Opo..pero pwede po bang malaman kung san tayo pupunta?”

“malalaman mo din pag nandun na tayo”

huminto kami sa isang building. Isang malaking building na kulay puti. Dito ko unang nakita si Sir Lucio. Teka? Ibabalik na ba nya ko dito?

Pumasok kami sa loob. Tapos pumunta sya dun sa information desk at parang may sinasabi na appointment. Di ako makapagfocus sa pinag-uusapan nila e. Ayoko talaga sa lugar na to kaya parang nahihilo ako.

Pagkatapos nyang kausapin yung nurse dun, umalis na sya kaya sumunod na ko.

Pero nung nandun na kami sa pintuan ng room..

“stay here. I can manage.”

“ok po” pero sa loob loob ko bakit nagpasama pa sya kung iiwan nya din pala ko dito.

Nilibot ko yung paningin ko dun sa ospital. Halos isang taon na simula nung una akong nakapunta dito pero wala pa ring pagbabago. oo isang taon at akala ko hindi na ko ulit babalik dito.

well honestly, it’s a crime to forget this place. sabihin na nating may malaking role to sa pagkatao ko na kaylanman di ko na pwedeng tanggalin. Pero pag bumabalik ako dito, naaalala ko lahat ng sakit.- physically.

“Zeke!”

Paglingon ko kumaway sakin si Monica,

“Monica! kamusta ka na?”

“eto. medyo malakas na ulit. May appointment lang ako dito para payagan na kong bumalik sa Manila. You know super stressful kasi sa Manila e. Maliban sa magulo talamak pa ang polusyon. hehehe”

“e bakit ka pa kasi babalik dun?”

“tanung ba yan Zeke? bumalik nga ako dito sa Pinas para hanapin siya e. Just wish me luck okay?”

“ok. sabi mo e” tapos tumawa lang kaming dalawa.

“Kamusta na to? wala pa rin?” kinatok niya yung ulo ko ng mahina.

umiling lang ako sa kanya.

“Ok lang yan Zeke. Punuin mo na lang ngayon.” tapos ngumiti ulit siya.

Kahit na hindi naman talaga kami magkakilala or close, magaan yung loob namin sa isa’t isa ni Monica. Hindi ko alam e. Pero she resembles someone I know pero hindi ko naman matandaan kung sino.

Nung naconfine kasi ako dito, laging boring. wala akong kausap. bihira lang kasing dumalaw sila Sir Lucio tska si Manang dahil sa mga gawain sa bahay. Minsan nga, magdadala lan sila ng pagkain tapos alis na agad.

Pero isang gabi, nagulat ako nung nagbukas yung pinto. nagtaka ako syempre kasi wala namang dumadalaw sakin ng gabi at imposible din na nurse yun. Tapos pumasok dun si Monica na parang hinihingal pa sya.

“Anung ginagawa mo dito tska sino ka?” 

Pero imbis na sumagot siya, nilagay niya lang yung hintuturo niya sa labi niya as a sign na manahimik ako.

Sumilip lang siya ulit sa labas bago niya sinarado yung pinto at lumapit sakin. 

“Hi! . I’m Monica” inistrech niya yung kamay na parang gusto niyang makipagkamay.

“anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? tska parang hinabol ka ng isang daang toro? galing ka ba sa bull fight?”

“Sa ganda kong to” tapos tinuro niya yung mukha niya. “Mukha akong galing sa bullfight?” sabay simangot. “actually, tumatakas lang ako.”

“Bakit nagnakaw ka ba?” tanung ko ulit s kanya.

” Gusto mo bang dagukan kita?” tinapat niya sa ulo ko yung kamao niya.

“wag. kawawa naman yung brain cells ko. wala na ngang laman e”  tumungo ako kasi hindi naman ako nagsisinungaling.

“Anung ibig mong sabihin?’

“Wala. Bakit ka nga nila hinahabol?”

“hindi nila ko hinahabol. Actually tumakas ako. Nagsasawa na kasi ako sa mga gamot e. Pakiramdam ko hindi ako gumagaling dun. mas lalo lang nila akong pinapatay sa mga yun.  “

“alam ko yung pakiramdam mo. Pero hindi naman nila ibibigay yun kung hindi makakatulong sayo”

“whatever!!” lumingon lingon siya sa kwarto ko. “wala kang kasama?” 

Mukha bang meron? may depekto ata to sa mata e =______=

“wala. ikaw ba?”

“ummm. wala din. :) nsa Europe buong pamilya ko. Umuwi lang ako dito kaso nagkaaksidente pa. Bwiset! Hahaha” ibang klase din to e no. Maaksidente na nga siya, masaya pa siya.

dahil nga parang pareho kaming loner dito, madals siyang nagssneak sa kwarto ko. Ok lang naman sa kanya na siya laging gagawa ng paraan e. Siya naman kasi yung nag-offer.

Kaya yun, marami din akong nalaman tungkol sa kanya like umuwi siya dito kasi hahanapin niya yung first love niya. Ang korni lang. But i guess I need to wish her luck. siya lang naman yung matuturing kong kaibigan sa panahon ngayon e.

“Ui. bukas na pala flight ko papunta ng manila. Eto oh. Kontakin mo ko ha” inabot niya sakin yung isang papel na nakasulat dun yung cellphone number niya.

“ok. Ingat ka sa byahe mo ha. At sana sa susunod na pagkikita natin, aattend na ko ng kasal niyo”

“baliw ka talaga. hahaha. sige aalis na ko.” tapos nag wave bye lang siya sakin.

bumalik na ko dun sa labas ng room na pinasukan ni Sir Lucio kanina at saktong palabas na din siya.

Ngumiti lang siya sakin pero parang may kakaiba sa mga ngiti niya.

“Tapos na po?”

“oo iho tapos na. tara kain muna tayo may mahalaga tayong pag-uusapan”

Ang awkward ng pakiramdam dito sa loob ng sasakyan. Parang may mali kasi. Hindi man lang ako kinikibo o tinitignan man lang ng kasama ko. Tapos parang ang bigat pa ng dinadala nya.

Huminto kami sa isang resturant at dun kumain.

“Zeke” napahinto ako sa pagkain nung binanggit nya yung pangalan ko gamit ang isang malamig na tono which is odd kasi first time ko lang siyang marinig na gamit yun.Madalas kasi sweet lang o kaya kalmado yung boses niya.

“po?”

“simula bukas, hindi ka na tutulong kay Manang Lourdes sa gawaing bahay.” nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya. Pinapalayas na ba nya ko? Wala naman akong natatandaang ginawa kong mali ah.

“I want you to focus on Yannie”

“po? Hindi ko po kayo maintindihan?” sagot ko sa kanya. Di ko kasi talaga magets kung anung ibig sabihin nya na gusto nyang magfocus ako kay Yannie.

“I want you to work on your relationship with my daugther. Gusto kong mapalapit ka sa kanya. I want you to help her go back to her old self again. Alam kong mahirap pero Don’t worry. May kapalit tong pinapagawa ko sayo”

“hindi naman na po kaylangan ng kapalit e. Ready po akong mageffort para kay Yannie. Di ko po sya susukuan pangako.”tinaas ko yung kanang kamay ko na parang magpapanatang makabayan ako.

“sabi ko na tama ako ng desisyon.” binulong niya sa sarili nya pero ang totoo narinig ko naman. =_=

“ano pong sabi nyo?” kunware di ko narinig yung sinabi nya.

“simula din bukas, pag-aaralan mo na yung pagpapatakbo ng bussiness ko.”

Wow ha. Ang connected ng sagot niya sa tanung ko. m(><)m pero teka?

ANO DAAW?

“po?” halos masamid ako sa sinabi nya. Bakit kaylangan kong pag-aralan yun?

“Zeke, sabi ng doktor kanina, wala ng remedyo ang sakit ko. Nakita mo naman yung kundisyon ni Yannie ngayon, panu kung mawala na ko bukas, pano nya papatakbuhin yun? I want you to take over.”

“baka hindi ko po yun kayanin.”

“No Zeke, I believe in your abilities. Kahit di mo ipakita yung talino mo, unconsciously, lumalabas at lumalabas sya. And nakikita ko yung concern mo kay Yannie. Alam kong hindi mo hahayaan yung kumpanya.”

“anu pa nga po bang magagawa ko? E kung hindi naman po dahil sa inyo baka —-“

pinutol nya yung sinasabi ko.

“it is not me. It’s Yannie. You’ll know the whole story pag naging close na kayo ng anak ko. And please Zeke, take care of my daughter. I know someday she will be ok again.  Kaya sya nagkakaganyan Kasi gusto ko syang maprotektahan.”

naguguluhan na talaga ko. Anung ginawa nya kay Yannie. Kung gusto nyang protektahan si Yannie, e bakit napasama pa ata sya. base kasi sa nakikita ko, may emotional at mental breakdown siya.

“wag nyo pong masamain yung sasabihin  ko ha pero parang mas napasama pa ata si Yannie e.”

“hindi nya kasi ako naiiintindihan. Gusto ko lang syang mapabuti. Kung gusto mong malaman kung anung nangyari, gain her trust. Be her friend. Please be the one who will love her and protect like what I always want to do.”

 Nalungkot ako sa sinabi niya. alam kong normal lang yung death. Oo kasing normal siya ng paggising sa umaga at pagtulog sa gabi. Pero nalungkot ako sa fact na nagbibilang na lang siya ng araw niya, pero hindi pa din sila nag-uusap ni Yannie.

Akala ko normal lang yun e kasi lahat naman kami hindi kinakausap ni Yannie pero may another story pa pala dun. Ano kayang ginawa niya at nagkaganun si Yannie?

natapos yung pag-uusap namin na puro question mark yung laman ng utak ko. Na.Si Yannie lang yung nakakapagbigay ng sagot.Sana naman kasi magsalita na siya.

Pagpasok ko sa bahay, saktong paakyat na si Manang para dalhin yung pagkain ni Yannie.

“Manang!”

“oh Zeke, andyan ka na pala. Kamusta naman yung lakad nyo?”

“ok naman po. Dadalhin nyo na po ba yan kay Yannie?” iniba ko agad yung usapan dahil walang dapat makaalam ng mga nangyari ngayong araw.

“ah. Eto ba?” tumingin sya sa hawak nyang tray. “oo sana e”

“ako na po maghahatid”

“oh sige Iho.” binigay sakin ni Manang yung tray ng pagkain ni Yannie.

Nakaready na yung kamao ko na kumatok sa kwarto ni Yannie pero binaba ko na lang ulit. Siguradong wala namang sasagot.

Pag bukas ko nung kwarto niya, unang tinignan ko yung bintana na lagi niyang tambayan pero wala naman siya dun ngayon. ginala ako yung mata ko at nakita kong nakaupo siya sa kama niya hawak yung isang makapal na libro.

Ilang libro na kaya yung natapos niya sa pagkukulong niya dito? tingin ko kasi maliban sa pagtunganga niya sa bintana, e libro lang yung kinakausap niya.

tinignan ko yung cover nung libro. Harry Potter and the Deathly Hallows.

“Maganda ka pa sa gabi Yannie. Eto na nga pala yung dinner mo” binaba ko lang yung pagkain niya dun sa side table niya.

“Ano ba yang binabasa mo? Maganda ba yan?”

“….” -Yannie

” Mukhang maganda yan ah. Pero mas mukhang nakakatamad basahin. ang kapal kasi e. “

“….” -Yannie

” Alam mo pag ako nagbabasa niyan, tama lang yung kapal niya. Pang-unan. HAHAHAHAHAHA”

“….” -Yannie

AISH! . Nakakawalang gana talaga to. Hindi man lang ako tinitignan or anything. Pag ako nainis, sasaktan ko na talaga to e.

“Kung ayaw mong magsalita bahala ka na dyan. Kumain ka na. Tapos magtoothbrush ka para di mamaho yang hininga mo. Tska sana isama ka na ni Harry Potter kay Voldemort. Bagay kayo. Siya walang ilong. Ikaw walang bibig”

Wala pa rin siyang reaksyon. Malapit na kong bumitaw.

“it is not me. It’s Yannie. You’ll know the whole story pag naging close na kayo ng anak ko. And please Zeke, take care of my daughter. I know someday she will be ok again.  Kaya sya nagkakaganyan Kasi gusto ko syang maprotektahan.”

Biglang nagplay yung sinabi ni Sir Lucio sa utak ko. Haaaaaaaay! Paano ba ko makakatagal sa babaeng to?

Bumalik na ko sa kusina tska umupo sa lamesa dun na parang nalugi ng isang daang milyon.

“Zeke, ang lalim ng iniisip mo ha. Hindi ko masisid”  hindi ko napansin na nakabalik na pala siya.

“oo nga Manang e. Kahit ako.”

“anu ba kasi yan anak. Baka matulungan kita” tumabi sakin si Manang.

“gusto ko lang pong malaman kung anung nangyari kay Yannie. Bakit sya nagkaganyan”

“Anung ibig mong sabihin? Tungkol ba to sa attitude niya ngayon?”

“opo”

“nainlove ka na ba Zeke?”

“Manang naman. Ano ba namang klaseng tanung yan?”

“Ay! . OO nga pala. Pasensya ka na anak ha. pero dahil dun kaya nagkakaganyan si Yannie”

Sa pag-ibig? Dahil sa Love?

“wag mo ng isipin yun Zeke. matulog ka na. Mukhang naging masyadong mahaba ang naging araw mo ngayon”

” Manang. Magkwento ka please? “

“Kung gusto mo talagang malaman Zeke, mabuting itanung mo na lang yan kay Yannie. Wala ako sa lugar para magkwento sayo”

Kung kanina nanghihina na ko, ngayon, buo na ang loob ko. Gagawin ko lahat para magsalita sa Yannie. Aakyatin ko ang bundok at sisisirin ang dagat kung yun lang ang paraan. De joke lang. Basta. Magsasalita na sya bago matapos ang linggong to. FIGHTING.

Continue Reading

You'll Also Like

624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
16.7K 926 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...