MY DILEMMA By Syana Jane

By syanajane

61.5K 1.3K 25

She lived almost a perfect life... That was she thought. Sa isang aksidente, mababago ang buhay ni Jane. In t... More

MY DILEMMA By Syana Jane
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FOURTY (FINALE)

CHAPTER ONE

2.6K 38 0
By syanajane

CHAPTER ONE

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Jane. Subalit agad niya rin iyong naipikit dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa kanya. Bumilang siya ng ilang segundo bago muling idilat ang mga mata.

Nilinga niya ang paligid matapos makapag-adjust ng mga mata. Hindi pamilyar sa kanya ang namulatang lugar. Puro puti ang nakikita niya. Malabulak ang kaputian niyon.

"Nasaan ako?"

Bumangon siya sa pagkakasadlak sa malabulak na sa sahig. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Tumanaw siya sa paligid. Ngunit walang hanggan na kaputian at bulak ang nakita niya.

Nag-umpisa siyang maglakad. Saka niya napansin na nakayapak siya at nakablazer na itim at puting bestida. Natatandaan niyang ito ang suot niya kahapon.

"Nasaan ang sandals ko?" Yumuko siya at hinanap ang sandals sa malabulak na tinutuntungan.

Ilang saglit pa at may dumaan sa harapan niya. Nakabarong ito subalit tila may kakaiba sa anyo nito. Wala iyong ekspresyon.

Gayunman ay hinabol niya pa rin ito. Bahagya na siyang nakakaramdam ng pagpapanic kaya kailangan na niyang malaman kung nasaan siya.

"Excuse me, manong. Can you tell me kung nasaan tayo?"

Subalit hindi siya nito pinansin. Para bang hindi siya nakikita.

"Narito tayo sa pintuan ng langit."

Napalingon siya sa pinanggalingan ng malumanay na tinig. Isang lalaking nakasuot ng brown na damit ang nakita niya.

"Langit?" Tumawa siya. "Are you kidding me?"

"Hindi kita niloloko. Patay ka na kaya ka narito."

Napahumindig siya sa sinabi nito. "Ano?! Are you crazy? Sino ka ba para sabihing patay na ako, ha?"

"Ang pangalan ko ay Constantino. Tagasundo ako ng mga kaluluwang kamamatay lang sa lupa."

"Walang sense ang mga pinagsasasabi mo. Saang mental ka ba nakatakas, ha?"

"Mahirap talagang paniwalaan na bigla ka na lang mawawala sa lupa. Tumingin ka doon. Baka sakaling maliwanagan ang isip mo."

Nilingon niya ang itinuro nito.  Mula sa nahawing makapal na ulap, nakita niya ang dalawang malalaking pinto. Sa gitna niyon ay may isang lalaking nakaupo sa likod ng malapad na mesa. May nakaharap ditong malaki at makapal na aklat. Sa harapan ng lalaki ay may pila ng mga tao.

"Ano'ng ginagawa ng mga taong iyon?"

"Mga kaluluwa na lamang sila."

Galit na ibinaling niya ang paningin dito. "Nababaliw ka na talaga! Kung hindi man ito panaginip, isa lang itong lugar sa Enchanted Kingdom o Star City!"

"Jane, bakit hindi mo na lang tanggapin ang katotohanan?"

"B-bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Dahil ako ang sumundo sa'yo sa lupa."

"Oh! Don't give me that crap! Hindi pa ako patay, okey? Hindi pa--"

"Masasabi mo ba sa akin kung ano ang naaalala mo bago ka mawalan ng malay at mapunta dito?"

Natigilan siya. Ang huling naaalala niya ay...

"No, Dennis! Niloko mo lang ako!"

"Please, let me explain!"

"No!"

Beep... Beep...

Bumusina ang puting kotse na papalapit na nanggaling sa kung saan subalit hindi ito tumigil. Tila lalo pang binilisan ng kung sinong nagmamaneho ang pagpapatakbo sa kotse.

Hanggang sa...

BLAG!

... nakita niya na lang ang kanyang sariling dugo habang nakahandusay siya sa gilid ng kalsada pati ang papaalyong kotseng sumagasa sa kanya.

"Jane!!!" ang sigaw na iyon ni Dennis ang huli niyang narinig bago siya tuluyang nawalan ng malay...

Nanlaki ang mga mata niya at napahingal matapos dumagsa ang mga alaala sa kanya.

"Ngayon, alam mo na kung bakit ka narito?" nanatiling kalmado ang boses ng lalaking nasa harapan.

Matigas na napailing siya. "P-pero... H-hindi pwede... A-ang kotseng iyon... Balak niya talaga akong patayin..."

"At ngayon nga ay patay ka na. Kaya tayo na. Oras na para sa paghuhukom sa iyo." Iginiya siya nito sa pila ng mga kaluluwang naroroon.

Nalilitong napasunod na lang siya kay Constantino.

Hindi siya dapat narito. Naiisip niya si Dennis. Kailangan niya pang marinig ang paliwanag nito. Mahal niya ito at gusto niya pang magkaayos sila. Ang daddy niya. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito. Ang kumpanya nila... Hindi siya dapat mamatay. Besides, palaisipan sa kanya ang taong nagmamaneho ng kotse. Sino iyon? Bakit ginusto nitong patayin siya? Para ba makuha ang kompanyang ipinamana sa kanya ng kanyang nagretirong ama? Pero sino ang dapat niyang paghinalaan? Lahat ng nakapaligid sa kanya ay pawang matatapat sa kanya.

Habang lumilipad ang utak ay hindi na niya namalayan na narating na niya ang pinakadulo ng pila. Nasa harapan na niya ngayon ang lalaking nakaupo sa harap ng makapal at malapad na libro.

"Pangalan?"

"H-ha?" saka lang siya natauhan.

Iniangat nito ang maamo nitong mukha. "Pangalan?" ulit nito sa sinabi.

"Ah, eh... J-Jane. Syana Jane Lee."

"Syana Jane Lee..." Muli itong tumingin sa nakabukas na libro. Inilipat nito ang pahina. Pabalik-balik. Hanggang sa mapakunot na ang noo nito. Maya-maya'y nag-angat itong muli ng paningin. "Walang Syana Jane Lee sa listahan."

Nagkaroon siya ng pag-asa sa dibdib.

Bumaling ang lalaki kay Constantino na noon ay nakatayo sa tabi niya. "Constantino?"

"Imposible. Nakita kong tumigil na ang pagtibok ng kanyang puso matapos niyang masagasaan."

"Pero hindi pa ito ang oras niya. Nakasaad sa aklat ng buhay na mamamatay siya sa edad na singkwenta dahil sa sakit sa atay. Hindi sa pagkakadisgrasya sa daan."

Maging siya ay napatingin kay Constantino. Kinakabahan siya sa tindi ng antisipasyon na nadarama. Baka may pag-asa pa'ng makabalik siya sa lupa.

Matagal ito bago makapagsalita.

"M-mahirap kalaban ang isinasaad ng aklat ng buhay kaya't inaamin ko ang aking pagkakamali." Yumukod ito. "Ipagpaumanhin mo, Ginoong Gabriel. At sa'yo din, Jane."

"Kung hindi pa dapat ako patay, nasaan na ang katawan ko? Kung walang kaluluwa ang katawan ko, ibig sabihin ay..."

"Maidedeklara ka na ring patay, Jane," mahinahon ngunit may simpatyang sabi ni Ginoong Gabriel.

Nakadama siya ng panlulumo. Kung ganoon ay baka nasa ataul na siya. Or worst, baka nailibing na siya.

"H-hindi. Hindi pwede." Tumingin siya sa lalaking nakaputi. "Kailangan ko nang bumalik. Kailangan kong isalba ang buhay ko." Hindi pa naman siguro siya nagtatagal ng husto sa pagkakawalay sa katawan?

Tumango ito. Bumaling muli kay Constantino. "Ikaw ang nagdala sa kanya rito. Marapat lang na ikaw ang magbalik sa kanya."

"Opo." Yumukod ito at tumingin sa kanya. "Tayo na. Ihahatid na kita sa lupa."

"BAKIT dito?" nakasimangot at dismayadong bulalas ni Jane.

Nasa harapan sila ngayon ni Constantino ng tatlumpung palapag na Lee Group of Companies main building. Sa lugar kung saan siya nasagasaan.

"Dito kita nakita at kinuha. Kaya dapat lang na dito kita ibalik."

"Pero bakit hindi kung nasaan katawan ko?"

"Hindi ko alam kung nasaan ang katawan mo. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng maaksidente ka at wala na akong balita pa sa katawan mo."

"Ano?! Dalawang linggo? That's ridiculous!" Akala ba niya saglit pa lang siyang nawawala sa lupa? "Kailangan kong mabuhay. Kailangan kong balikan si Dennis at hanapin kung sino ang driver ng kotseng bumundol sa akin!"

"Pasensya na pero wala na akong magagawa sa bagay na iyan. Hindi na kita matutulungang hanapin ang iyong katawan."

"Kasalanan mo kung bakit ako nalayo sa katawan ko!"

"Oo at inaamin ko iyon."

"Pwes, pagsisihan mo iyon at tulungan mo ako sa problemang ito!"

"Marami akong gawain at wala akong oras para tulungan ka."

Gusto niyang mapatili sa tindi ng frustrations.

Marahas na bumuntong hininga siya at nagpabalik-balik ng lakad. Nag-iisip siya kung paano malulusutan ang problema.

"Hindi kita matutulungan para matunton ang katawan mo. Pero masasabi ko sa'yo kung ano ang dapat mong gawin."

Gigil na bumaling siya dito.

"Pwes, sabihin mo na!"

"Kahit magpalakad-lakad ka sa lugar na ito, hindi ka pa rin makakaalis dito. Dito ka namatay at--"

"Hindi pa ako patay!"

Tumango lang ito at ipinagpatuloy na ang sinasabi. "... at dito ka mananatili hanggang sa kunin kita."

"Ano ang dapat kong gawin para makaalis dito? Hindi ako pwedeng manatili dito. Kailangan kong makasigurado na wala pa sa libingan ang katawan ko!"

"Huminahon ka..."

"Paano ako hihinahon? Pinagtaksilan ako ng nobyo ko pero handa pa rin akong patawarin siya. May nagtatangka pala sa buhay ko at naisakatuparan na niya ang binabalak ng sagasaan ako. Dinala mo ako sa langit  para sabihin lang ng lalaking iyon na hindi pa ako nararapat mamatay. Ngayon, narito na nga ako sa lupa pero malayo sa katawan ko. At heto ka sa harapan ko at sinasabing hindi mo ako matutulungan para makitang muli ang katawan ko. Sabihin mo, sinong hindi mawiwindang at magpapanic? Paano ako hihinahon?" Parang gusto na niyang maiyak sa sitwasyong kinasasadlakan.

"Sinabi kong hindi kita matutulungan. Pero hindi ko sinabing pababayaan na lang kita basta."

Napahinto siya at bumaling dito. Kahit paano ay nakalma siya.

"Kailangan mong masiguro na wala pa sa hukay ang iyong katawan kung hindi ay hindi ka na makakabalik."

"Eh, paano ko nga gagawin iyon?"

"Kailangan mo ng medium. Isang tao na makakakita sa'yo. Maaari ka niyang tulungang umalis dito at magpagala-gala. Pero kailangang kasama mo siya sa lahat ng oras. Hindi ka makakarating sa kung saan nang hindi mo siya kasama. Nakasalalay sa kanya ang paghahanap mo sa iyong katawan."

Napakunot ang noo niya. "Kung ganoon sino ang taong ito?"

Nagkibit-balikat lang si Constantino.

Muli sana siyang magtatanong nang maagaw ang pansin niya ng babaeng kabababa lang sa kotse.

Umaga iyon kaya nagsisimula palang pumasok ang mga empleyado.

"Si Ronah iyon! Ang junior accountant ko!" Dali-dali siyang lumapit dito. Malapit sa kanya ang babae. They're not bestfriends pero masasabi niyang close friend niya ito.

"Ronah!"

Sinalubong niya ito at humarang siya sa lalakaran nito. Subalit tila wala itong nakita at narinig na nagpatuloy lang ito sa paglakad hanggang sa lumagos lang siya dito. Nabibiglang tiningnan niya ang sarili. Subalit hindi pa rin siya sumuko.

"Ronah, wait!" Hinabol niya ang napahintong babae at hinawakan ito sa braso. Pero tulad ng paglagos niya dito, hindi rin niya mahawakan ang braso nito.

Multo na nga pala siya.

Tila naman nakaramdam ng kakaiba na tumingin si Ronah sa braso nitong tinangka niyang hawakan. Bakas ang takot sa mukha na nagpalinga-linga ito. Pagkuwa'y nagmamadaling pumasok na sa loob ng kumpanya.

"Hindi niya ako nakita," nanlulumong sambit niya.

"Iilan lang ang taong nakakakita ng kaluluwa."

"Ibig mo bang sabihin, kailangan kong maghanap ng taong bukas ang third eye? That's insane!" palatak niya. Ang totoo ay hindi siya naniniwala sa mga ganoong bagay. Kahit sa multo at hindi siya naniniwala.

Pero ngayong multo na siya, maybe kailangan na rin niyang maniwala. She had no choice but to believe it.

Maybe kailangan na lang niyang tanggapin ang sinapit. Hindi siya matutulungan ng taong malalapit sa kanya kung hindi siya makikita ng mga ito. Kanino siya hihingi ng tulong?

Nanlalambot na napaupo siya sa isang baitang ng hagdan.

"Ang kailangan mo ay maghintay."

"Maghintay? Paano na lang kung sa paghihitay ko dito, unti-unti na palang ipinapasok sa nitso o sinusunog ang katawan ko? I need to do something! Hindi pwedeng manatili ako dito at maghintay."

"Ano'ng magagawa mo, eh, multo ka na nga?"

Lalo siyang nanlumo. Wala talaga siyang magagawa kundi ang maghintay.

"Isa pa pala. Maaari kang sumanib sa katawang ng taong kamamatay pa lang. Pero imposibleng makakita ka noon dito. Bihira ang nasasagasaan dito sa tapat ng kumpanya."

"Yeah. Ako pa lang ang una."

Nakikisimpatyang ngumiti ito sa kanya. Pagkuwa'y tumingin sa orasang nakakwintas dito.

"Oras na. Kailangan na kitang iwan dito."

Napatayo siya. "Ano? T-teka lang. Hindi mo ako pwedeng iwan dito!"

"Pero marami pa akong gagawin. Huwag kang mag-alala, dadalawin naman kita."

Hindi na siya nakapagprotesta pa dahil nawala na lang itong bigla sa harapan niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid sa pag-asam na hindi pa ito nakakalayo. Pero wala talaga! Tuluyan na nga siyang iniwan nito!

Nanghihinang napaupo siyang muli sa baitang ng hagdan sa tapat ng kumpanya niya.

"Ano'ng gagawin ko ngayon? Paano na ako?"

Gusto niyang maiyak sa nararamdamang panlulumo. She felt helpless. Niyakap niya ang mga tuhod at ipinatong doon ang ulo. She sobs.

Continue Reading

You'll Also Like

121K 2K 12
Limang taon na ang nakararaan ay inakit ni Trisha si Zai na kababata niya,Gaya ni Kath at Key. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon at muling mag...
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
25.7K 324 72
Maraming tao ang naghahanap ng kanya kanyang pagibig at kaligayahan. Merong iba na naniniwala sa mga kasabihan na common na para satin tulad ng love...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...