CHAPTER 2

1.8K 39 1
                                    

CHAPTER TWO

"THIS IS it!" muling pinuno ni Khiane ng hangin ang dibdib.

Nasa harapan siya ngayon ng malaki at mataas na gusali, ang main building ng Lee Group of Companies. Ang advertising company ng malaking building na ito ang pakay niya doon.

He waited long enough for this. Kanina nga ay tinawagan siya ng isang sekretarya sa naturang kumpanya at sinabing magreport daw siya ngayon and bring his sample shots.

Inayos niya ang bag na kinalalagyan ng folder at camera sa pagkakasukbit sa leeg niya. Isa pang buntong hininga at lumakad na siya papasok sa kumpanya.

Khiane is a photographer. He was a freelancer. Pero nitong nakaraang buwan ay tila nagsasawa na siya sa ganoong trabaho kaya naisipan niyang mag-apply sa advertising company na ito bilang photographer. Hindi naman siguro masama kung magkakaroon siya ng boss.

"Saan ang punta, sir?" harang ng guard sa kanya.

"I had an appointment with Mr. Lorenzo."

"ID lang po."

Ibinigay niya ang id dito.

Binigyan naman siya nito ng visitor's pass.

"Sa clerk na lang po kayo magtanong."

"Okay, thanks."

Lumapit agad siya sa clerk na nasa likod ng counter.

"Excuse me, miss."

Nag-angat ang babae ng paningin mula sa computer nito. Natigilan ito nang makita siya.

Kinabahan tuloy siya.

"Ah, miss?" untag niya dito nang hindi ito magsalita.

"Ah... yes?" Ngumiti ito ng maluwang habang titig na titig sa kanya. "W-what can I do for you?"

"I have an appointment with Mr. Lorenzo. Pinagrereport niya ako ngayon."

"Okay. I'll just confirm it." Ngumiti ito ng matamis bago inabot ang telepono at nagdial. Kita niyang namumula pa ang pisngi nito.

Lihim na natatawa na lang siya. Laging umaakto ng ganito ang mga babae kapag nakikita siya.

"What's your name again?" baling nito sa kanya.

"Khiane Monteverde."

Muli itong nakipag-usap sa telepono. Maya-maya'y ibinaba nito iyon at bumaling sa kanya.

"The new photographer?"

"Ah, y-yeah. Hopefully matanggap ako."

"I'm sure na tanggap ka. Kailangang-kailangan ng photographer ng kumpanya ngayon dahil dumadami ang projects."

"Thanks. Pwede na ba akong pumunta sa office ni Mr. Lorenzo?"

"Sure! Eighth floor. First door on the right. Welcome here, Khiane."

"Thanks."

Tumango siya at iniwan na ang babaeng tila ba gusto pang makipagkwentuhan sa kanya. Nangingiting napailing na lang siya. Tinungo niya ang elevator at lumulan doon. He pressed the number eight.

Ilang saglit pa at nasa silid na siya na itinuro ng clerk. Malaki ang opisina at puro glass walls ang nakikita niya.

"Mr. Monteverde?"

Napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya.

"I'm Angelica, secretary of Mr. Hans Lorenzo. Ako ang tumawag sa'yo sa phone."

"Oh, hi!" Nakipagkamay siya dito.

"Sir Hans is waiting for you." Iginiya siya nito sa isang opisina.

MY DILEMMA By Syana JaneWhere stories live. Discover now