CHAPTER FOUR

1.5K 34 0
                                    

CHAPTER FOUR

HALOS tumilapon si Jane nang biglang kabigin ni Khiane ang kotse nito sa tabi ng kalsada.

"You-- what?"

"I'm Syana Jane Lee."

Nanlaki ang mga mata nito. Pagkuwa'y sumiksik sa pinto ng kotse.

"What do you want from me? Huwag mo ako'ng guluhin! Wala ako'ng kasalanan sa'yo! Get out of my car!"

Hindi niya alam kung matatawa o maiinis siya sa reaksyon nito. He looked so horrified. Sa ganda niyang iyon, natakot ito sa kanya nang matanggap sa sarili na multo nga siya? Hah! Nakakainsulto!

"Teka, ang sabi mo, hindi ka naniniwala sa multo? Para ngang hindi ka takot sa multo kanina, eh."

"It's too late para bawiin mo ang sinabi mo. Now, get out of my car!"

"And it's too late para itaboy mo ako. I badly need your help!"

"I can't help you!"

"Please, Khiane. Ang gusto ko lang ay mahanap ang katawan ko, ang malaman kung nailibing na ba o hindi pa. B-babayaran kita kapag tinulungan mo ako."

"I don't need money!"

"Kapag nakabalik ako sa katawan ko, gagawin kitang executive."

"Kahit hindi na."

"Ano'ng gusto mong kapalit? Ibibigay ko. Kahit ano."

"Ang gusto ko lang ngayon ay mawala ka sa harapan ko at ibaon sa limot ang mga nangyari ngayong gabi."

"But I can't and you can't! Ang sabi ng lalaking nagbalik sa akin dito sa lupa, kailangan kong makahanap ng taong makakakita sa akin. Matutulungan niya akong makaalis sa tapat ng kumpanya at mahanap ang katawan ko. And that was you."

"It's not me! Ayokong mapasabit sa isang multo!"

Kung nahahawakan niya lang ito ay baka nabatukan na niya ito. At kung hindi niya lang talaga kailangan ng tulong, hindi na niya ito kukulitin.

"Please, Khiane? Please?" Pinagsalikop niya pa ang mga kamay. "Ikaw lang ang makakatulong sa akin."

"But..."

"Bakit ba takut na takot ka sa akin, eh hindi naman ako nananakit?"

"Multo ka pa rin."

"Kalalaki mong tao, takot ka sa multo?"

"Hindi ako takot! Ayaw ko lang guluhin mo ang buhay ko."

Napasimangot siya. "Hindi kita patatahimikin kapag hindi mo ako tinutulungan."

"Maghahanap ako ng magaling na espiritista at ipapataboy kita."

"You're crazy! You wouldn't do such things!"

"Wanna try me?" hamon nito.

She helplessly sigh. "Please naman, Khiane. I need you. Hindi ako basta nasagasaan lang. May pumatay sa akin at gusto kong malaman iyon. Hindi pa ako dapat mamamatay. Nagkamali lang si Constantino, 'yong taga sundo, sa pagsundo sa kaluluwa ko. Kailangan kong masigurong hindi pa naiilibing ang katawan ko. Kailangan kong mabuhay. Besides," napatungo siya. "... kailangan kong balikan si Dennis."

"W-who's Dennis?"

"Boyfriend ko siya. Nagkaroon kami ng pagtatalo bago ako masagasaan."

"I see."

Dinig niya ang simpatya nito sa boses. Nabuhayan tuloy siya ng loob. Umaasam na tumingin siya dito.

"Tutulungan mo na ba ako?"

MY DILEMMA By Syana JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon