Entasia Akademia: The Absolute

By Monami_Pantasya

1.1M 46.6K 5K

Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt... More

THE ABSOLUTE
Entasia Akademia: The Absolute
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30: Ang Huling Kabanata
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III (LAST CHAPTER)
Notice
AUTHOR'S NOTE

Kabanata 12

27.6K 1.3K 18
By Monami_Pantasya

Kabanata 12

Kiro

KASAMA ko ang aking pinsan na si Brino habang nakaupo sa may ilalim ng puno sa likod ng Royal Manor. Ang tawag sa dormitoryo na tinutuluyan namin. Dito kami madalas tumambay at ngayon ay wala si Zernon dahil nga umalis na naman siya ng Akademia ng walang paalam.

"Nasaan na naman kaya ang gagong yon? Grounded na nga tayo tapos hindi pa rin siya nadadala" wika naman ni Brino. Sa aming tatlo siya ang pinakamaloko pero sa pagkakataong ito ay masasabi kong mapapalitan na ni Zernon ang pwesto niya. Ang loko-loko ng lalaking iyon. Hindi na nadala sa kaniyang mga pinagpapagawa. Sabagay, ganon talaga ang ugali ng isang iyon.

"Alam mo ba kung anong importanteng bagay ang hinahanap niya?" tanong ko kay Brino dahil tatlong araw ng hindi bumabalik si Zernon sa Akademia dahil sa 'importanteng' iyon. Hindi ko alam kung gaano iyon kaimportante.

"Kung may ideya man ako ay matagal ko ng sinabi sa'yo"

Tama si Brino. Pati kung alam namin kung nasaan siya malamang kanina pa namin iyon sinundan. Nalalaman lang naman namin kung nasaan siya dahil sa kaniyang ibon na si Sirin na lagi kaming kinakaon para dalhin kung nasaan si Zernon.

"Hoy, dalawang bugok"

Inangat ko ang aking tingin at nagtama ang mata namin ni Lory. Ang  nag-iisang kapatid ni Heros. Lagi nalang kaming nilalapitan ng babaeng ito para tanungin kung nasaan si Zernon.

"Hindi namin alam kung nasaan si Zernon" walang ganang usal ko dahil expected na namin ni Brino na iyon ang kaniyang itatanong.

"Alam kong hindi niyo alam. Kaya nga kayo nandito diba?" mataray nitong saad at humalukipkip pa sa harapan namin. Kita ko ang pag-ngisi ni Brino kay Lory.

"Kung alam mo naman pala bakit nandito ka pa? Huwag mong sabihin na isa na sa amin ngayon ang gusto mo?" malokong saad ni Brino kaya naman sinamaan siya ng Tingin ni Lory.

"Asa ka Brino. Hindi mapapalitan sa puso ko si Zernon kahit ano pang sabihin niyo" umirap pa ito sa ere. Hindi naman nawala ang ngisi sa labi ng aking pinsan.

"Kahit sabihin kong nakatakdang ikasal si Zernon at Xyvelle?" nang-aasar na wika ni Brino habang nakangisi. Namula naman sa inis si Lory. Alam namin na iyon ang kaniyang kahinaan. Ayaw na ayaw niyang mababanggit si Zernon kasama ang pangalan ni Xyvelle.

Iyon din ang alam naming dalawa ni Brino. Ngunit kung pagmamasdan ko ang kilos ni Zernon ay wala itong pakealam. Hindi ko alam kung gusto niya bang matali kay Xyvelle o hindi. Hindi naman namin napapag-usapan ang bagay na iyon.

Ang alam namin ni Brino ay si Xyvelle ang humiling sa Emperor na kaniyang ama na magpakasal kay Zernon. Hindi naman daw umangal ang Emperor dahil malakas na binata si Zernon at galing sa isang kilalang pamilya at ito pa ang namumuno sa Pyros.

Kung pagbabasihan naman ang kilos ni Zernon kapag kasama niya si Xyvelle ay wala rin akong masasabi. Bukod sa lagi siyang may sariling mundo ay hindi rin niya iniimikan si Xyvelle. Kung ako ang tatanungin ay masasabi kong walang kahit na anong interes ang kaibigan kong si Zernon kay Xyvelle.

Bata palang kami ay magkakasama na kaming tatlo. Alam ko na ang ugali ni Zernon kahit hindi niya ilabas ang totoong ugali niya. Maging si Brino ay saulo na din ang ugali ni Zernon. Masyado itong mailap sa ibang tao.

Halos lahat ng babae ay patay na patay sa kaniya. Kung lahat nga ata ng babae ay anak ng Emperor, sigurado akong pag-aagawan siya. Maswerte nalang din si Xyvelle dahil siya ang anak ng emperor. Isang sabi niya lang ay masusunod agad kaya walang nagtatangkang lumaban sa kaniya. Malaking tao ang Emperor kaya mahirap kalabanin. Ang sabi-sabi din ay nakakatakot ang presensya nito kaya naman lahat ng tao napapasunod niya.

"Huwag nga niyong iwan si Zernon kasama ang babaeng iyon" pagalit na sabi ni Lory. Ako naman ang napangisi dahil sino ba siya para sundin namin.

"Alam mo Lory, sabihin mo yan sa amin kapag anak ka na ng Emperor" halos umusok ang ilong ni Lory sa galit dahil sa aking sinabi. Totoo nmn ang sinabi ko. Hindi niya kami mapapasunod kahit isa pa siyang Prinsesa ng Aeryos. Galing kami sa Kontinente ng Pyros kaya naman ang aming paglilingkuran lang ay ang prinsipe nito na si Zernon at ang prinsesa ng buong Entasia na si Xyvelle.

Kung may makapangyarihan na tao man sa Entasia ay iyon ay walang iba kun'di ang Emperor at Empress. Sila ang namamahala sa buong entasia kasama na rin ang limang ministro ng Entayos. Hindi lang kontinente ng Entayos ang hawak ng Emperor dahil maging ang buong Entasia ay nasa kamay ng Emperor. Kaya niyang pasunudin lahat ng tao na nagmula sa iba't ibang kontinente.

Maging ang hari at reyna ng apat na kontinente ay lumuluhod sa kaniyang harapan. Ganon siya makapangyarihan. Kaya bilang anak ng Emperor ay ilag lahat ng estudyante dito kay Xyvelle dahil isang maliit na pagkakamali lang nila ay buhay ang kapalit.

"Porket anak ng Emperor ang lakas na ng loob. Wala namang gusto sa kaniya si Zernon" singhal sa amin ni Lory. Hindi ko alam kung bakit sa amin siya naglalabas ng kaniyang hinanakit sa buhay.

"Sabihin mo yan sa harap ni Xyvelle. Wag sa amin" sabi ko dito dahil wala siyang mapapala sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit nandito pa siya.

"Talagang kinakampihan niyo si Xyvelle dahil anak lang siya ng Emperor ganon ba?" galit nitong pahayag. Napailing naman ako dahil pakiramdam ko ay hindi na matatapos pa ang pagbubunganga niya.

"Oo. May problema ka don? Kung gusto mong kampihan ka namin mag paampon ka sa emperor. Kakaibigan ka pa namin" malokong wika ni Brino. Isa pa ang lokong 'to. Imbis na huwag ng pansinin ay pinapatulan pa.

Tumayo naman ako. Mabuti pang umalis nalang ako sa lugar na iyon. Hindi matatapos si Lory hangga't hindi niya nailalabas ng hinanakit niya sa buhay.

Napatingin naman ako kay Brino. Hindi ko alam na sumunod pala siya. Akala ko ay patuloy siyang makikipag-asaran sa babaeng iyon.

"Ang sikat talaga ng ating kaibigan Insan. Biruin mo may Xyvelle na, may naghahabol pang Lory. Iba talaga ang kamandag ng mga taga Pyros" proud na sabi ni Brino habang nakangisi.

Napailing nalang ako sa tinuran niya. Alam naming dalawa na malakas talaga ang charisma ng aming kaibigan na iyon. Hindi naman namin itatanggi yon kahit lalaki kami.

"Kaso mukhang walang interes sa babae ang isang iyon" sabi pa nito.

"Sabihin mo walang interes ang lalaking iyon sa kahit na sino at ano. Kung wala nga tayong dalawa ay sigurado akong wala iyon magiging kaibigan" tumango naman si Brino sa aking sinabi.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang bago naming kaklase. Bago nga ba? Ang alam namin ay matagal na siyang nakalista sa mga mag-aaral dito pero ngayon lang pumasok.

"Nakakatawa talaga ang itsura ng babaeng iyon. Hindi ba niya alam na laging tumutulo ang laway niya?" tumatawang saad ni Brino ng makalampas sa amin ang babaeng tinutukoy ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Seri Dalla ang kaniyang pangalan.

"Hindi ka ba nagtataka?" tanong ko kay Brino. Kumunot naman ang kaniyang noo.

Naupo kami sa may bench. Madaming mga estudyanteng naglalakad dahil tapos na ang klase isang oras na ang nakalipas. Tumabi naman sa akin si Brino.

"Nagtataka saan?" kuryosong tanong nito sa akin. Bumuntong-hininga naman ako. Wala talaga akong mapapala sa kay Brino. Minsan talaga ay napapaisip ako kung bakit ko ba siya naging pinsan at kaibigan.

"Kay Seri Dalla" sagot ko sa kaniya. Lalong nangunot ang kaniyang sinabi.

"Anong meron sa babaeng iyon?" tanong niya. Halos matampal ko ang noo ko sa pagkadismaya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganon ang itsura niya? Tuwing nakakasalubong natin siya ay mga enerhiya ang bumabalot sa kaniya. Para bang nasa gitna siya ng isang mahika" pagpapaliwanag ko dito. Mukha naman siyang natauhan sa aking sinabi dahil nanlaki ang kaniyang mata bago tumango-tango.

"Akala ko ako lang ang nakakaramdam nung enerhiya na iyon. Mukhang ginamitan siya ng malakas na enerhiya kaya kumakawala ito sa kaniyang katawan"

Ako naman ang napatango sa kaniyang sinabi. Akala ko ay hindi niya makukuha ang aking sinasabi. Masyadong malakas ang enerhiyang iyon. Ang abilidad ng bawat isa sa amin ay lumalakas katumbas ng inalalabas naming enerhiya. Kapag mas malakas na enerhiya ay malakas din na abilidad. Kung ganon, may kakaiba nga talaga sa Seri Dalla na iyon.

"Tara, imbistihahan natin ang meron sa babaeng iyon"

Tumayo naman kami at mabilis na tinahak ang daan kung saan dumaan si Seri kanina. Kinakain na din ako ng kuryosidad ko kaya naman sang-ayon ako sa kalokohan ni Brino. Wala rin naman akong magagawa dahil magkasama na talaga kami sa kalokohan simula bata palang. Hindi ko naman masasabing matino ako dahil kapag nakapag isip ako ng kalokohan ay mas malala pa kay Brino.

Naabutan namin si Seri sa loob ng library. Mabilis siyang nagtungo sa mga dulo ng library kung saan may mga upuan at lamesa rin. Hanggang bubuong ang shelves ng library na ito at madami iyon. Iyon ang ginawa naming taguan upang hindi niya kami mapansin. Nagtatago kami sa shelf na madadaanan namin habang ang mata namin ay nakatutok kay Seri.

Umupo siya at luminga-linga sa paligid. Agad kaming upo ni Brino at sumandal sa shelf dahil malapit lang ang pwesto namin sa kaniya at muntik ng magtama ang aming mga mata kanina.

Tumayo na kami ni Brino at tinanggal ko naman ang isang libro para makita ko kung anong ginagawa niya. Wala naman siyang dalang kahit na anong babasahin. Anong ginagawa niya sa dulo ng silid-aklatan.

Natanong ang sagot ko ng may parang dinudukot siya sa kaniyang bulsa. May inilabas siyang isang maliit na bagay. Lion? Nanlaki ang mga mata ko ng ibaba niya ang maliit na Lion sa lamesang nasa harap niya. Ang laki niyo ay wala pang isang dangkal. Sobrang liit nito. Gumalaw ang lion at nilalaro naman niya ito ng kaniyang daliri.

"What the hell is that?" hindi makapaniwalang tanong ni Brino habang pinagmamasdan ang maliit na lion.

"Lion, obviously" sagot ko naman sa kaniya gamit ang mahinang boses dahil baka mabuking kami sa aming ginagawa.

"I mean is, bakit sobrang liit?"

Hindi ko na pinansin pa si Brino. Hindi na rin naman siya nagsalita.

"Tatlong araw na ako dito Roar. Gusto ko ng umuwi" rinig kong sabi ni Seri. Pinapalibutan talaga siya ng enerhiya.   May kakaiba talaga sa kaniya.

Bukod sa sobrang gulo ng buhok niya ay magkaiba ito sa kulay ng kaniyang mata. Pula ang buhok niya at kulay asul naman ang mata niya. Malabong mangyari yon dahil ang mga taga Akwaryos lang ang nagkakaroon ng asul na mata.

Ang alam ko ay isa siyang Pyros kaya pula din ang buhok niya. Hindi iyon bago sa aming mga Pyros dahil karaniwan na sa amin ang may pulang buhok. Sa akin naman ay magkahalong itim at pula katulad ng kay Brino. Si Zernon lang ang tanging pula ang kulay ng buong buhok sa aming tatlo. Bilang isang maharlika ay nagkakaroon ng highlight na gitno ang buhok nila kapag ginagamit nila ang kanilang buong kakayahan. Ang tanging pamilya ng Emperor lang ang may kayang magbago ng kulay gitnong buhok ng buo. Ito ay nanalaytay sa kanilang dugo.

"Kailangan ko ng makausap si Maestro Ron. Hanggang ngayon ay wala pa akong nalalaman sa pagkatao ng magulang ko"

Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Bakit nakasama si Maetro Ron?  Nagtataka man ay patuloy pa rin ako sa pakikinig.

Nanlalaki ang mga mata ko ng humarap sa amin ang lion. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang gitnong balahibo na kumikinang. Ang kulay din ng kaniyang mga mata ay gitno.

"Roar, anong meron?"

Sabay kaming napaupo ni Brino ng bumaling sa gawi namin si Seri. Mabilis kong tinulak si Brino upang umalis na. Nang makapunta kami sa harap ng library na may iilang estudyante ay agad akong napaisip. Parang nakita ko ng ang lion na iyon. Hindi ko lang alam kung saan.

Napatingin naman ako kay Brino ng magsimula siyang maghanap ng libro. Kumunot naman ang noo ko.

"Huwag mong sabihin na magbabasa ka Bri? Anong masamang kaluluwa ang sumapi sayo?" takang tanong ko dito. Hindi naman niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghahanap ng kung anong libro.

"Huy. Seryoso ka ba? Magbabasa ka talaga?" sinundan ko ito sa pangalwang shelves ng libro.

"Tulungan mo nalang akong hanapin ang Books of Guardian" seryoso nitong usal kaya naman ginagawa ko nalang ang sinabi niya dahil minsan lang siya magseryoso.

"Nakita ko na" sabi ko ng mahagip ng paningin ko ang librong hinahanap niya. Kinuha ko naman ito at ibinigay sa kanita.

Nagsimula na siyang buklatin ang pahina na para bang may hinahanap. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa kahit ako ay nagtataka.

"Nandito lang yon. Sigurado ako" pagkausap niya sa kaniyang sarili kaya naman binatukan ko na siya.

"Ano ba yon?" tanong ko dito. Tiningnan niya naman ako at parang hindi mapakali ang kaniyang mukha.

"Naalala mo nung naparusahan ako dahil nasunog ko ang isang shelf ng mga libro? Ang parusa ko ay kopyahin ang sampong makakapal na libro kabilang na ang 'Books of Guardian'. Yung lion kanina. Sigurado ako, nakita ko na yon. Hindi ako pwedeng magkama--"

"What are you doing?" bigla kaming napatingin sa pinanggalingan ng kilala naming boses.

"Zernon" tawag ni Brino dito. Tinaasan naman siya ng kilay ni Zernon at napatingin sa kaniyang hawak na libro.

"Books of Guardian? Ano na naman ang kalokohan niyonh dalawa?" tanong nito sa amin. Agad naman na umiling si Brino.

"Wala kaming kalokohan na binabalak. Hinahanap ko lang yung guardian na kasama ni Seri. Sigurado akong guardian yon" pagpapaliwanag ni Brino. Tumango naman ako.

"Seri" bakas ang pagtataka sa mukha ni Zernon. Hindi niya siguro kilala si Seri.

"Yung kaklase natin na magulo ang buhok at may kakaibang mukha"

Halata naman sa mukha ni Zernon na hindi siya interesado sa kung sino man iyon. Nagtataka lang siguro siya kung sino yung babae dahil sa inaakto naming dalawa ni Brino.

"Tara don" usal ni Brino kaya naman sumunod nalang kaming dalawa ni Zernon. Papunta kami kung nasaan si Seri.

Napatigil kami sa paglalakad ng may tumatakbong babae na papasalubong sa amin. Halos manlaki naman ang mata at natigilan ako dahil sa mukha ng babae.

Sobrang itim ng kaniyang mata. Mapupula ang kaniyang labi at matangos ang ilong. Meron siyang palaporcelanang balat. Katulad ng kaniyang mata ay itim na itim ang kaniyang buhok.

Who is she? Ngayon ko lamang siya nakita. Mas maganda pa siya kaysa kay Xyvelle. Sigurado akong hindi ko malilimutan ang mukha niyang walang kasing ganda.

Nang makalampas siya amin ay duon lang ako natauhan. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras. Napatingin naman ako kay Brino na natulala rin. Bumaling ang aking paningin kay Zernon. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang expression sa mukha niya.

"Faneya" usal nito habang sinusundan ang tingin ang babae.

Dun lang rumehistro sa akin ang kaniyang sinabi. Kilala niya ang babaeng iyon. Walang duda.


Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

52.6K 2.8K 43
CHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a...
124K 4.6K 65
✔COMPLETED (New Version) | Axphain Academy: School for Divine Angels (Metanoia Series 3) Axphain is a nation of divine winged mythical creatures. Th...
105K 5.3K 80
People in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful i...
48.5K 3.3K 52
Every human is sinful. We were born destroyers and killers. God gave us the resources we needed to survive but being a congenital ungrateful skunks...