Entasia Akademia: The Absolute

By Monami_Pantasya

1.1M 46.6K 5K

Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt... More

THE ABSOLUTE
Entasia Akademia: The Absolute
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30: Ang Huling Kabanata
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III (LAST CHAPTER)
Notice
AUTHOR'S NOTE

Kabanata 2

42.7K 1.4K 117
By Monami_Pantasya

Kabanata 2

NAGISING ako dahil sa isang malakas na paghampas ng isang bagay kaya lumikha ito ng ingay. Napatingin naman ako sa bintana ng aking kwarto. Basag ang salamin at nakabukas na ito. Madilim pa sa labas at hinuha ko ay madaling araw pa lamang.

Bumukas ang aking kwarto at pumasok si Lola na mukhang nagising din dahil sa ingay. Napatingin siya agad sa basag na salamin ng aking bintana.

"Kumukha ka ng dustpan at walis. Bilisan mo"

Kahit hindi naman sabihin ni Lola ay iyon naman talaga ang gagawin ko. Mabilis akong tumungo kung saan nakalagay ang aking kukuhanin. Agad akong dumeretso sa kwarto at mabilis na winalis ang nagkalat na bubog.

"La, bumalik na kayo sa kwarto niyo. Ako na ang bahala dito" sabi ko habang nagwawalis pa rin.

Hindi kumibo si Lola at parang walang narinig. Nanatili lang itong nakatingin sa may bintana na animo'y nakikipagtitigan sa kung saan.

Huminga ako ng malalim at binitawan ang hawak ko. Lumapit ako kay Lola upang sana ay dalhin siya sa kaniyang kwarto ng makita kong kulay puti at nagliliwanag ang kaniyang mga mata.

"Lola" tawag ko dito at inalog-alog ko pa ang kaniyang balikat.

"La!" malakas na bulyaw ko upang matauhan ang nawawala sa sariling si Lola.

"Heart without it's owner,
Owned but shall perish,
Heart with two owners,
Shall merge as one"

Nabitawan ko ang balikat ni Lola at bumagsak ang kamay ko sa aking magkabilang tagiliran. Natatandaan ko. Iyon ang boses na nagsalita sa mapunong lugar kung saan ko natagpuan ang dyamante. Ngayon naman ay parang sinapian niya si Lola. Hindi ko man maintindihan ang kaniyang sinasabi ay alam kong may kahulugan ito.

"Lola" pagtawag ko ng bigla nalang itong nawalan ng malay.

Dinala ko agad siya sa kaniyang kwarto at inihiga. Masyadong mahangin at malamig ang aking kwarto dahil sa sirang bintana kaya mas mabuting dito na rin ako sa kwarto ni Lola habang binabantayan siya.

Napahawak naman ako sa may taas at gitnang bahagi ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam pero nararamdaman kong mayroon kakaibang nangyayari. Pakiramdan ko ay may tinatago din na kakaiba si Lola sa akin. Alam kong lahat ng bagay ay sinasabi niya sa akin pero sigurado ako na hindi pa lahat iyon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Lola. Nagising nalang ako dahil sa malambing na paghagod ng buhok ko ng kung sino.

Napalingon ako kay Lola na mukhang kanina pa nagising. Agad akong bumangon at naupo sa kama.

"La, natatandaan mo ba ang mga sinabi mo kaninang madaling araw?" bungad ko sa kaniya kaya naman tumaas ang kilay niya at tila naasar sa akin.

"Magandang umaga din Faneng"

Sumimangot naman ako dahil sa sarkastikong sinabi ni Lola. Kung magsalita siya ay parang hindi siya uugod-ugod na matanda. Umirap naman ako.

"Ano nga La?" hindi talaga ako pasensyosong tao. Masyado akong mainipin at madaling maasar sa mga bagay na katulad nito.

"Ano bang sinasabi mo? Ang alam ko lang ay nahimatay ako" sabi nito kaya naman napasimangot ako.

"Sigurado ka La?"

Tumango naman siya bilang sagot. Hindi na lang ako nagsalita pa at lumabas na ng kaniyang silid. Dumeretso ako sa aking kwarto upang kumuha ng damit pampalit sa suot kong pantulog.

Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin. Hanggang bewang ang itim na itim kong buhok. Tuwid na tuwid ito na para bang inunat. Itim na itim din ang aking mga mata na para bang madilim na kalangitan na pinagkaitan ng buwan at bituin. Matangos na ilong at mapupulang labi. Makapal na kilay at magandang hugis ng mukha. Hindi rin maipagkakaila ang mala gatas kong kutis at puti. Para bang hindi nalalapatan ng kahit na anong dumi ang aking katawan dahil sa sobrang kinis at puti nito.

Matapos kong maligo ay naabutan ko si Lola na nakaupo sa may sofa habang kumakain ng pandesal. Tumabi ako sa kaniya kaya naman inabutan niya ako ng pagkain.

"La, Ano bang meron sa mundo niyo?" pag-uusisa ko. Hindi naman talaga ako interesado sa bagay na iyon kung hindi lang nangyari ang nangyari kahapon at kanina.

"Hindi ka talaga nakikinig Faneng. Bata pa lang ay sinabi ko na sayo na kakaiba ang mundo namin. Natin"

Sumimangot naman ako dahil sa sinabi ni Lola. She didn't answer my question.

"Hindi yan ang tinatanong ko La" hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at inis na humalukipkip.

"Kaya ka walang kaibigan dahil napakasuplada at maldita mo. Ang taray mo pa at napakamainipin"

Halos umusok ang aking ilong. Minsan na nga lang ako magtanong tapos hindi niya pa papansinin. Ugh.

"La naman" naiinis kong singhal kaya naman tinawanan ako ni Lola habang umiiling-iling.

"Nasabi ko na kasi uulitin ko pa"

Sa inis ko ay muntik ko ng maihagis lahat ng pandesal na nasa mesang nasa harap ng sofa.

"Fine. Kung ayaw niyong sabihin di'wag"

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Lola habang nakangiti sa akin. Napasimangot naman ako at nanatili sa aking pagkakaupo.

"Eto naman. Di ka na mabiro"

Napairap nalang ako sa ere dahil sa sinabi sa akin ni Lola. Ayoko talaga sa lahat ay yung binibiro ako na hindi naman nakakatuwa. Alam kong iniinis lang talaga ako ni Lola. Kilalang-kilala niya ang ugali ko.

"Itaas mo ang kamay mo at pakiramdaman mo ang iyong sarili"

Nagtataka man ay ginawa ko ang sinabi ni Lola. She's supposed to answer my question. Damn old woman.

Nang wala naman akong ibang nararamdaman ay agad kong ibinaba ang aking kamay at nanlilisik ang mga matang tumingin ako kay Lola.

"Answer my question first" inis kong atungal kay Lola na kanina pa ako pinaglalaruan.

"Ano bang tanong mo?" patay malisyang wika ni Lola kaya naman halos sabunutan ko na ang aking sarili sa asar. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ni Lola.

"Anong kakaiba sa mundo niyo?" pagalit kong tanong kaya naman tumawa si Lola na para bang baliw at takas sa mental.

"Kaya namin na gawin to"

"Woah"

Mangha akong napatingin sa kamay ni Lola na mayroong ipo-ipo sa kamay. Kung hindi ko alam na kakaiba si Lola ay malamang nahimatay na agad ako sa gulat dahil sa kaniyang ginawa. It's not normal after all.

Agad kong inangat ang aking kamay at  ginawa ang utos ni Lola kanina. Kaya pala pinapagawa niya sa akin yon. Iyon pala ang purpose non. Tsk.

Pinikit ko ang aking mata at pinakiramdaman ang aking sarili. Nakaramdam ako ng malamig na bagay sa aking katawan na tila ba gustong kumawala. Hinayaan ko lang itong lumabas sa aking katawan kaya naman napamulat ako ng mabasa ako ng tubig.

"What the fvck is that?" gulat kong tanong dahil basang basang ako at hindi ko alam kung saan galing iyon.

Napalingon ako sa aking paligid at bumaba na sa loob ng bahay namin. Nakita ko si Lola na kalmang nakaupo at para bang walang nangyari.

"Congrats Faneng. Namana mo ang kakayahan ng iyong ina" Nakangiting usal ni Lola sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Kakayahan?" wala sa sariling tanong ko.

"Kakayahan na magpalabas ng tubig sa iyong katawan Faneng. Isa iyong mahika at hindi rin tatagal ay lalabas na ang iyong abilidad"

Hindi ko man masyadong naintindihan ay tumango na lamang ako.

Buong araw akong tinuruan ni Lola na kontrolin ang aking kakayahan. Masyado kasing maraming tubig ang lumalabas sa aking katawan. Hindi ko akalain na sa kalahating araw ay alam ko na kung paano gumawa ng katulad ng ginawa ni Lola kanina sa palad niya.

Natuto agad akong magpakawala ng ipo-ipong gawa sa tubig, water blades, water daggers, bow and arrows, water ball, water cage, barrier at iba pa. Hindi nga rin makapaniwala si Lola na sa kalahating araw ay nakaya kong matutunan lahat ng kaniyang tinuro. Para bang normal na iyon sa akin at matagal ko ng ginagawa.

Kaya naman buong maghapon ay iyon lang ang aking pinagkakaabalahan. Hindi naman ako sinusuway ni Lola at hinahayaan niya lang ako. Sa bawat paglabas ng tubig sa kamay ko ay kumikinang ito na para bang isang malinaw na tubig sa isang lake. Ang gandang pagmasdan.

Nakakatuwang isipin na ang imposibleng bagay sa karamihan ay nagawa kong posible. Hindi man sila naniniwala sa mahika ay alam kong dahil iyon sa hindi nila alam na tunay itong nag eexist. Ang kaibahan ko lang sa kanila ay kahit hindi ko alam na nageexist ito ay naniwala pa rin ako. Pasalamat nalang ako kay Lola na siyang nagpapaalala lagi sa akin na walang imposible.

Dahil sa pagod buong araw ay mabilis akong nakatulog nang mag gabi na. Nagising lang ako sa ingay na para bang may kumakalampag sa kung saan.

Mabilis akong tumayo at tumakbo sa labas. Naabutan ko si Lola sa may mini library namin. Kumunot ang noo ko ng masilayan ko kung anong ginagawa niya.

May mga salita siyang binibigkas habang may lumang libro na nakabukas sa kaniyang harapan. Nakamulat si Lola at katulad ng nangyari noong madaling araw. Ang kaniyang mga mata ay kulay puti at nagliliwanag. Nakatapat ang kamay niya sa may libro habang may binabanggit na salitang hindi pamilyar sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung pipigilan ko ba si Lola sa ginagawa niya o hindi. Hindi rin ako sigurado kung si Lola pa rin ba siya o nasapian ulit.

Lumakas ang hangin sa maliit na silid na ito kaya naman nagsiliparan ang mga libro at ang iba'y mukhang nasira pa dahil sa pagbagsak.

"Lola" pagtawag ko sa kaniyang pansin pero parang nabingi ata si Lola at hindi ako pinansin.

Patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa at patuloy naman ang paglabas ng hangin sa kaniyang kamay at katawan na nagdulot ng malakas na hangin. Masyado ng malakas kaya naman napapapikit nalang ako dahil tumatama na sa mata ko ang hangin.

"Lola!" sigaw ko habang mariin na hinaharangan ang hangin papunta sa aking mga mata.

Patuloy sa pagchachant ng mga salita si Lola kaya hindi ko magawang makuha ang atensyon niya.

Napatingin naman ako sa dibdib ko ng lumiwanag ito. Ang dyamanteng nakakabit sa bandang taas at gitna ng dibdib ko ay nagsilbing palamuti. Nakabaon ito sa aking dibdib ngunit kita parin ito. Lumampas sa damit ko ang nakakabulag na liwanag. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga oras na ito at wala akong ideya.

"Knees shall kneel,
Head shall bow,
Look into eyes,
You shall die"

Iyon na naman ang boses. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Boses babae iyon na para bang may isinusumpa. Naririnig ko iyon sa loob ng aking utak at hindi ko alam kung bakit at kaninong boses ba iyon.

Tumigil sa pag-ilaw ang dyamante sa aking dibdib at tumigil na rin ang malakas na hangin. Napatingin naman ako kay Lola na mukhang nasa wisyo na rin.

Agad akong lumapit sa kaniya upang tukuyin kung nasapian ba siya o siya talaga iyon kanina.

"La, okay ka lang ba? Anong ginawa mo kanina?" tanong ko dito.

Nabaling ang atensyon ko sa librong nakalapag sa lamesa. Lumang-luma na ito at may mga kakaibang letra na mukhang hindi sa mundong ito galing.

"Okay lang ako. May sinubukan lang ako" sabi nito habang palinga-linga.

"Anong meron La?" tanong ko sa kaniya dahil mukha siyang hindi mapakali sa kaniyang ikinikilos kaya naman bumabaha ang pagtataka ko.

"Naramdaman ko kasing bukas ang dimension patungo sa mundo natin. Ang kailangan ko lang gawin ay gumawa ng portal upang makarating tayo sa ating tunay na tahanan" pagpapaliwanag sa akin ni Lola kaya naman tumango ako.

"Nasaan na ang portal?" Tanong ko kay Lola kaya naman napakamot ito sa kaniyang batok.

"Inabala mo kasi ako kanina kaya naman hindi ko sigurado kung nabuksan ko ba o hindi lalo na't wala pa ring lumalabas hanggang ngayon"

Napasimangot naman ako sa sinabi sa akin ni Lola. Hindi naman niya kasi sinabing magbubukas siya ng portal. Kung sinabi niya ay hindi ko siya aabalahin sa ginagawa niya.

"Bakit ba kasi bigla-bigla nalang kayong gagawa ng portal ng di ko nalalaman? Malay ko ba kung sinasapian na kayo o ano" humalukipkip ako habang nakasimangot.

"Dahil magsasarang muli ang bukas na dimension sa pagsapit ng umaga. Hindi na kita inabalang sabihan"

Magsasalita na sana ako ng mapansin ko ang unti-unting nagkakaroon ng itim na bagay sa may pinto hanggang sa lumaki ito na kasing laki ng pinto. Itim na itim ito na para bang pagpumasok ka ay hindi kana makakabalik.

"Yan na pala ang portal Faneng" masayang wika ni Lola kaya naman hindi makapaniwalang napatingin ako sa pintong nababalutan na ng kulay itim na pumapaikot-ikot na tila kapag lumapit ka dito ay hihigupin ka ng walang pasabi.

"Tara na bago pa magsara ang lagusan"

Magsasalita pa sana ako nang higitin ako ni Lola at hinigop nalang basta kami ng portal at sa sobrang pagkahilo ay naramdaman ko nalang na unti-unti na akong nawalan ng malay.

wtf.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

124K 4.6K 65
✔COMPLETED (New Version) | Axphain Academy: School for Divine Angels (Metanoia Series 3) Axphain is a nation of divine winged mythical creatures. Th...
102K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
3.9K 206 46
Seven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven se...
371K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...