STATUS: Waiting, Hoping and P...

By crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... More

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 24

1K 14 7
By crostichan

Pagmulat ko ng mata ko, isang puting kisame nanaman yung nakita ko.

“gising na sya.” pamilyar yung boses pero hindi yun yung boses na gustong marinig. Hindi yun yung boses na hinihintay ko para maniwala akong panaginip lang ang lahat.

“Trixie, anak. Ok ka lang?”

gusto kong magsalita pero wala akong maisip na sasabihin. Ni ayaw gumalaw ng buong pagkatao ko. Wala akong maramdamang kahit ano pero paulit ulit naglalaro yung mga nangyari sa utak ko. I can see it living in my head. Yung sweetness namin kanina, yung paparating na sasakyan ni Lance, yung pagsabog.

“Trixie, magsalita ka naman oh”

“trixie may masakit ba sayo”

Utang na loob, hindi yung boses nila yung gusto kong marinig ngayon. Gusto ko ng marinig yung boses nya.

“trixie”

“trixie”

“trixie”

wala pa yung  tatawag sakin na Myrtle. At natatakot akong malaman na hindi ko na maririnig yun.

“maybe she use this as her temporary escape. Gaya nga ng sabi nyo, nakita nya kung panu sumabog yung kotse” narinig kong sabi nung I assume doktor.

“she became mentally mute”

“trixie please respond!” sabi sakin ni Mama pero di ako makasagot sa kanya.

“give her time. Baka hindi kinaya ng utak nya yung mga nangyari” sabi nung doktor.

Lumabas sila ng kwarto kaya si Seth na lang yung natira.

Hinawakan nya yung kamay ko.

“trixie, bilisan mong gumaling. Kakanta ka pa para kay Lance. That will be the last time na tutugtog tayo na buo yung banda natin”

di ko maintindihan. Buo pa yung banda namin? Wala na si Lance. At hindi na sya babalik.

“Seth” pinilit kong magsalita.

“Trixie,”

natatakot akong magtanung. Kasi di ko kayang malaman yung sagot.

“nasan si Lance?”

“trixie”

“sagutin mo yung tanung ko.” 

“Trixie” i heard his voice broke and I already know the answer. Hindi artista si Seth para umiyak sya ng walang dahilan.

Di ko na napigilan yung sarili ko. I cried harder than him. Andun ako, nakita ko yung pangyayari. Pero wala akong nagawa. Hinayaan ko syang mamatay ng ganun na lang. Wala akong nagawa para tulungan sya.

“Trixie”

He hugged me again. and i felt so vulnerable in his arms.

***

Nandito ako ngayon para magbigay ng last respect kay Lance. Pero di ko alam kung anung sasabihin ko. Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na wala na si Lance at parang pinupukpok ko sa utak ko na wala na talaga sya pag nagbigay ako ng last respect.

Marami ng tao nung dumating kami ni Seth. As in kulang yung space ng simbahan. yung iba nasa labas na. MAy mga nakita akong pamilyar na mukha. Mga kaklase ko nung high school at yung iba mga kaklse niya. Andito din sila Jannah, Jannine, Rachel at Leslie.

Nung nakita nila ko, yayakapin sana nila ako pero pinigilan ko sila.

“I’m fine”

I’m afraid na baka pag naramdaman ko yung mga yakap nila, hindi ko mapigilang umiyak.

At nakita ko yung puting bagay sa harapan. At kahit di ko tignan yung loob nun, alam kong nasa loob nun ang walang buhay na katawan ni Lance. Sa totoo lang, ngayon ko lang yun nakita. Di kasi ako nakaattend kahit isang lamay. wala naman daw kaso kung hindi ako pumunta dahil hindi rin binuksan yun dahil nga daw hindi maganda yung lagay. 

tinignan ko lang yun.

Parang nagsasalita yun at sinasabing. “wag mo ng lokohin yung sarili mo. Wala na si Lance. Wala na. Hindi na sya babalik.”

Nagsimula na yung seremonya.

bago ako magsalita, marami pang nauna sakin. Yung mama niya, yung papa niya. Si Ate Ianne. Si Kirby, Si Seth, tapos marami pang iba na di ko kilala.

“di magsasalita si Christian?” bulong ko kay Seth.

“hindi ko alam kung nasan si Christian”

Tinawag na nila ako bilang pinakahuli. they even addressed me as Lance’s girlfriend, which hurts me more. But I did my best not to cry. I’m strong at yun yung Trixie na kilala ni Lance na dapat ipakita ko sa kanya ngayon.

“Good morning everyone. Sa totoo lang, wala talaga akong nakahandang sasabihin. Kakalabas ko lang ng ospital kahapon and up to now, hindi pa rin nag sisink-in sakin yung nangyari. But to tell you honestly, hindi talaga ako nagprepare. Kasi gusto ko, hindi ko pag-iisipan yung sasabihin ko. Lalabas na lang yung mga salita kasi yun yung nararamdaman ko.

Lance is my childhood friend. I met him when we were first year high school. Pero parang kilala na namin yung isa’t isa. He knows my mistakes, my secrets, my everything. Siya yung kasama ko sa bawat laban ko sa buhay. Pag may kaylangan ako, hindi siya nagdadalawang isip na ibigay yun.

we build our dreams together. gusto kong maging engineer at siya naman yung architect. But he laughed. Kasi daw hindi ko kakayanin. like what i’ve said, he knows everything about me. He knows my weakness. then suddenly, i want to be a broadcaster, i want to be teacher, a singer, a lawyer. lahat na ata ng profession gusto ko na but one thing is for sure, I want to marry a guy and his name is Lance Michael Gallano.

Lance is the sweetest guy i’ve ever met. Kung nakita niyo kung pano niya inamin yung feelings niya para sakin, you will know why I said so. he never failed to make me feel loved. Laging magigising ako sa mga text niya na wag akong papalate, na gumising na ko at madami pang iba. He even go to school early para lang sabay kaming magbreakfast/  Kahit na nsaktan ko siya ng todo, still nandun yung concern niya. He have his own ways. Sa totoo lang, bonus na lang yung physical appearance niya e. Coz everything about him, perfect.his smile can make your day complete. his moves canmake you realized that life must go on.

Lance is not my boyfriend but he is willing to wait until we finished college. pero hindi na kami nahintay ng panahon e. At masakit na sabihin na wala na lahat ng pangarap namin. Kasama niya yung mga yun na nilamon ng apoy na hanggang ngayon, di natin alam kung san galing. Na kaylangan kong mabuhay na wala siya sa tabi ko.

He made me so happy. At kahit sa huling sandali ng maikli niyang buhay, he made me feel like I’m the only girl in the world. alam ko hindi magiging madali yung mga susunod na araw.

Lance. he’s gone but never forgotten. Kahit na hindi nabigyan ng happy ending yung kwento namin, still, I feel blessed. coz once in my life, I’ve met Lance.

To Lance, best.. you will be forever loved. you will always be in my heart. and I’m going to miss you every single day in my life. Thankyou for making me happy. And thankyou for loving me.”

After I said the last words, tumayo na si Kirby at Seth. I know this will be the last. Last na buo kami though wala si LAnce para tumugtog. his presence counts. 

Hey there now

Where’d you go

You left me here so unexpected

You changed my life

I hope you know

cause now I’m lost

So unprotected

In a blink of an eye

I never got to say goodbye

Like a shooting star

Flyin’ across the room

So fast so far

You were gone too soon

You’re part of me

And I’ll never be

The same here without you

You were gone too soon

You were always there

and like shining light

on my darkest days

you were there to guide me

Oh I miss you now 

I wish you could see 

Just how much your memory 

Will always mean to me

In a blink of an eye

I never got to say goodbye

Like a shooting star

Flyin’ across the room

So fast so far

You were gone too soon

You’re part of me

And I’ll never be

The same here without you

You were gone too soon

Shine on! Shine on!

To a better place

Shine on! Shine on!

Will never be the same

Like a shooting star

Flyin’ across the room

So fast so far

You were gone too soon

You’re part of me

And I’ll never be

The same here without you

You were gone too soon

Shine on! Shine on!

You were gone too soon

Shine on! Shine on!

You were gone too soon

Shine on! Shine on!

You were gone too soon

Di ko alam kong saan ako nakakuha ng tatag na kantahin yun kay Lance but … stupid tears. why can’t I stop you from falling.

Pagkatapos nung kanta, binuhat na nila yung coffin.

Tapos dinala sa dapat pagdalhan.

Hinulog na nilang lahat yung puting rosas nila pero ako, ayoko.

“ihulog mo na yan” bulong sakin ni Seth

“ayoko”

“Trixie!”

pero wala akong nagawa kundi bitawan yung rose . Dahil hinawakan niya yung kamay ko.

Pagkatapos nung libing, nagstay lang kami ni Seth. “bakit mo ginawa yun?” tanung ko sa kanya.

“Trixie, let go and move on. Yung rose na yun. Habang hawak mo siya pakiramdam ko yun yung hope mo. Trixie kung hindi mo bibitawan yang hope sa puso na buhay pa si Lance. Masasaktan ka lang Kasi pinapaniwala mo yung sarili mo sa isang bagay na hindi na mangyayari “

pagkasabi niya nun, parang binuhusan ako ng isang balde ng tubig na punung puno ng yelo. Kasabay ng pagsaksak sa puso ko. Di ko mapigilan yung mga luha ko parang may sarili silang utak na bumababa sa pisngi ko.

Ang sakit sakit. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Lance. Pakiramdam ko sa bawat salita na ginagamit nila para ipamuka sakin na hindi na babalik si Lance parang unti unting winawasak yung buong mundo ko. Hindi ko makita ang mga susunod na araw na walang Lance sa tabi ko. Walang Lance na magtetext sakin ng gumising na ko. Walang Lance na sasabay sakin sa LRT para protektahan ako sa mga manyak. walang Lance na tatawag sakin na Myrtle.

At wala ng Lance na dahilan kung bakit gusto ko ng grumaduate. 

Andami dami kong gusto gawin na kasama siya. Ilang buwan na lang, gagraduate na ko. Plano kong sagutin sya pagkatapos kong kunin yung diploma ko. Gusto kong magtop sa board exam para maipagmalaki niya ko. Gusto kong tuparin lahat ng pangarap ko kasama siya .At huli sa lahat, gusto ko ng kunin yung apelyido niya. 

Lahat ng yun wala na. ang hirap tanggapin.

I hate to say this but …

Lance, I love you and goodbye.

2 months later

“Hi Lance, pasensya ka na ha. Ngayon lang ako nakadalaw sayo.” Nilagay ko sa puntod niya yung dala kong mga bulaklak.

“Sorry ha. Di ko kasi alam kong anong paborito mong bulaklak. Pero sabi ni Mommy Lily, natutuwa ka daw dito sa mga white roses. Ikaw ha. Gaya-gaya ka. ay kuya jerome, pinapabigay din pala sayo ni Mommy Lily” nilapag ko yung mga bulaklak sa mga puntod nila. pinagtabi kasi sila.

“Lance, miss na miss na kita. Hindi mo lang alam kung pano pero sobrang miss na talaga kita. Hindi mo man lang ba ko babatiin? Birthday ko ngayon oh. Please, let me feel your presence.” umaasa akong hahangin ng malakas pero walang nangyari. Hay! masyado na kong nagiging fanatic ng mga love stories kaya siguro ganito.

umupo ako sa mga damo dun.

“alam mo, gusto kong icelebrate yung birthday ko dito. at the same time, gusto ko na ding magmove-on. wag kang magagalit sakin ha. Pero diba sabi nila, gusto mo kong maging masaya? kaya siguro hindi ka nanaman magagalit.

Sa totoo lang, naiinis ako sayo. Nung umaga nun ang sweet mo pero pagtapos nun, ano na? iniwan mo na lang ako bigla sa ere. ni wala ka man lang pasabi. Hindi mo man lang sinabi na kaya mo pala ako sinundo, kasi sinusulit mo na yung mga huling oras mo.

Pero alam mo, mas naiinis ako sa sarili ko. sana hinayaan ko na lang yung pride ko. Sana sinagot na kita. sana nabigyan pa natin ng oras yung isa’t isa. alam mo ba, punong puno ako ng panghihinayang. Kasi andami nating sinayang na oras sa immaturity natin.

Hirap na hirap akong maging totoong masaya. Kasi nasanay ako na kasama ka e. Parang sumama dyan sa libingan mo yung puso ko.  Par akong katawan na walang buhay. kumikilos ako hindi dahil gusto ko pero dahil kailangan.

Tignan mo nga pala to” nilabas ko yung isang papel sa bag ko. “alam mo bang ako yung top 1 sa midterm? pinamana mo na ba sakin yung utak mo? hahahaha”

Lance, kahit wala ka na sa tabi ko, mahal na mahal na mahal pa din kita.”

hinawakan ko yung necklace na nasa leeg ko. di ko pa kayang basahin yung nasa loob nito. 

***

Pag-alis ko sa puntod ni Lance, dumiretso na ko sa studio dahil pinapapunta ako dun ni Ate Ianne.

“Ate Ianne” lumingon siya sakin.

“Trixie, long time no see” bati niya sakin.

“Busy po e” sabi ko sakanya.

“I can’t blame you. sobrang focus ka sa studies ha. Mamaya ikaw na maging summa cum laude niyan”

tumawa lang ako kasi alam kong impossible na yun.

“Anyways, this is my birthday gift” inabot niya sakin yung isang parang scrapbook.

“Ano  po to?” tanung ko sa kanya.

“If there is one person na dapat mag may-ari niyan, ikaw yun trixie. ” sabi niya. “Ingatan mo yan ha. Pinaghirapan niya yan” then she smiled.

“Ate Ianne, umiiyak ka.” sabi ko sa kanya.

“yeah! Matagal kasi bago kita makikita ulit”

“bakit po?”

“nagdecide na kasi si Mama e. Hindi na niya kayang tumira sa bahay ng di naaalala si Lance. you know, super close sila kaya ganun. Mamaya na yung flight namin to U.S. Mamimiss kita trixie” niyaka ako ni Ate Ianne. Sobrang higpit.

“Mamimiss din kita Ate. “

“Ingatan mo sarili mo ha. Malulungkot si Lance pag pinabayaan mo yung sarili mo”

Pain na lang ba lagi kong kasama? Masakit!. 2 months pa lang nawawala si Lance tapos ngayon aalis si Ate Ianne. Who’s next?

umuwi na ko sa bahay pagkatapos kong kitain si Ate Ianne. wlaa kaming handa ngayon o kahit celebration . sinabi ko kasi sa mga kaibigan ko na kung ano man yung gagawin nila kalimutan na lang nila. I just want to be alone. Ganun din kilala Mama.

Pumasok ako ng kwarto ko at tinignan yung binigay ni Ate Ianne.

Pag flip ko nung first page.

“I WANT YOU TO MEET MY PRINCESS”

no doubt na si Lance gumawa nito. Lalaki si Lance pero ang galing niya sa mga ganitong bagay.

nung nilipat ko sa next page, may mga nakita akong pictures. Andame actually, kasi super kapal nito. May picture na ako lang. Mayroon din na kaming dalawa. Andito yung mga cookies na binake namin. Natatawa ako pero tumutulo na yung mga luha ko. Memories na lang lahat to. Hindi na pwdeng maulit. Andito din yung mga picture ng mga naging regalo ko sa kanya. Even the chocolate cake

“this is the best cake ever”

andun din yung pictures ng mga box at tulips na binigay niya sakin. Pati si Mirmo

but the page where I cried the most is yung page na nadun yung picture namin na naka wedding gown ako tapos naka tuxedo siya. ang sakit. ang sakit sakit kasi hindi na yun mangyayari sa totoong buhay. Baka makapagsuot pa ko ng wedding gown pero hindi na siya yung sasabihan ko ng I DO sa altar. At ang sakit sakit isipin nun. Para akong mamamatay with that thought

i brushed my tears with my fingers. Parang nadudurog yung puso ko sa sobrang sakit.

“like anybody else, she’s not perfect. But she’s my perfect bride to be. If it’s God’s will, we’ll make it happen for real.”

Lance, hindi ata tayo will ni Lord, Kinuha ka na niya agad sakin e. ang ang masakit pa, di na to magkakatotoo.

Naggising na lang ako nung sumunod na araw. Nakatulog pala ko kakaiyak. DI ko man lang napansin.

Chineck ko yung phone ko halos mapatalon ako sa tuwa nung nakita kong may text si Christian. Two days bago mamatay si Lamce hanggang ngayon, di pa kami nakakapag-usap

From: Christian

trix, kita tayo after class mo. Please, I need a company right now.

nireplyan ko siya ng ok tapos dumiretso na ko sa banyo para maligo.

[after class]

“sabay ba tayo trixie?” tanung sakin ni Leslie

“mauna ka na. May pupunta pa kasi ako e” sabi ko sa kanya.

Tinext ko si Christian kung saan kami magkikita tapos sinabi niya sa playground na lang. ano kayang problema nun? Hindi magpapakita sakin ng ilang araw tapos ngayon magpapakita,

nung makarating ako sa playground, walang tao kasi gabi na. pero may isa dun, hindi ko alam kung si Christian yun. Naka-hood kasi.

Nung nilapitan ko siya, kitang kita ko yung pagbabago sa mukha niya. pumayat siya. tapos humaba yung buhok niya then parang nakalimutan niya na usong mag-ahit. Ang laki din ng eyebags niya.

“Christian”

“Trixie” pagkasabi niya nung pangalan ko, bigla niya kong niyakap.At nagsimula siyang umiyak. Swear! nagulat ako sa ginawa niya. Tska hindi normal sa lalaki ang umiyak.

“Christian. Anung problema?”

“Trixie.. wala na siya.. yung babaeng sinasabi ko sayo na dahilan lahat ng pagsisikap ko, wala na siya. “

//end of part one. 

thanks for reading . =))) 

Continue Reading

You'll Also Like

79.9K 5.2K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...