Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
83
84
85
86
87

82 (beaddie moments)

2.8K 49 11
By septemberoyal


MADDIE


"Ayoko." tipid na sagot ni bea sa kin. Tas tumagilid sa kin at nagtakip ng unan sa mukha.


Nasa room ako ni bea sa bahay nila. Kinukulit ko syang lumabas, nagpapasama kase ako sa kanya na gumala. Pero ayaw talaga ng damulag na itong tumayo man lang sa pagkakahiga sa kama nya.


"Sige na bei." pinalambing ko pa ang boses ko. Di pa ako nakuntento kaya umupo ako kung san sya nakabaling at kinalabit ko sya. "Samahan mo naman ako."


"Ayoko nga mads." si bea na di man lang ako tiningnan.


"Di ka ba naaawa sa kin?" ako. "Mag isa lang ako aalis. Pano na lang pag mangyare sa kin? Pag nabastos ako?"


"Sa taray mong yan? Kayang kaya mo yung babastos sayo." si bea na nakasubsob pa rin sa kama nya at nakatakip pa rin ang unan sa mukha. "At saka marunong ka naman ng wushu eh. Kayang kaya mo ang sarili mo."


Nahampas ko tuloy ang braso ni bea sa sinabe nyang yun. "Ang sama mo!"


Sa paghampas ko sa braso nya ay napa alis ang pagkakatakip ng unan nya sa mukha. "Aray ha." si bea at sinamaan ako ng tingin.


"Ang bad mo kase." ako at nagpout sa kanya. "Wala ka talagang pakelam sa kin kahit mabastos ako?" na may halong pagtatampo ang boses.


Itinukod ni bea ang isang siko neto sa higaan nya at ang mannerism nyang paghawi ng buhok nya ay muli kong nakita ngayon.  Hindi ko alam pero ang hot nyang tingnan pag ginagawa nyang yun. Napatulala na lang ako sa kanya at hindi ko namalayan na nakasandal na pala sya sa headboard ng kama nya. Kung di pa nag snap ng fingers nya sa harapan ko.


"Uulitin ko na lang kase mukhang natulala ka sa kin." si bea.


At sa tinurang yun ni bea ay naramdaman kong nag init ang mga pisngi ko. Alam kong pinamulahan ako ng mukha. At alam kong wala lang yun sa kanya. Ganon naman talaga sya madalas may banat sya sa mga sinasabe nya. Ikaw na lang ang magtatansya kung seseryosohin mo o hindi.


"Bat ako ang napagtripan mong bulabugin ha?" seryosong tanong neto sa kin.


"Duh...Alangan naman si kat? Eh nasa canada pa yun?" mabilis kong sagot. " Si deans nasa cebu pa. Si ponggay nasa bakasyon pa rin---"


"Isa pa yan." putol ni bea sa kin. "Bakasyon pa naten ah. Bakit ang aga mo yatang bumalik ng manila?"


Oo nga. Bakasyon pa nga namen hanggang ngayon pero maaga kong pinutol ang pagbabakasyon ko, panay ang sumbong ni tita det sa kin. Nagpapatulong sya. Natatakot daw si tita, ibang bea na daw kase ang nakikita nya. Naging tahimik na daw ito, mainitin ang ulo at ngayon daw ay di na nalabas ng room nya.


Hindi daw alam ni tita kung pano approach ang gagawin nya para makausap si bea. Mahina ang loob ni tita pagdating sa mga ganto. Kaya hinahayaan nya si tito elmer at kay tito lang rin nakikinig si bea. Yun nga lang nasa bussiness trip pa rin ito hanggang ngayon.


Hindi ko mahindian si tita ng magsabe ito sa kin. Wala rin kase sina maki at cel ngayon, parehong out of the country ang bakasyon nung dalawa. Gusto kong matulungan si tita at syempre miss ko na rin ang babaeng yun. Di kase nasagot yun sa mga chat at text ko sa kanya kaya nga nag alala rin ako nung malaman ko ang mga nangyayare sa kanya.


Nag alibi na lang ako kay mama na kesyo maagang pinatatawag ang buong team para makapagtraining na. Sabe ko nagpatawag na ang coaching staff dahil may off season kameng competition kameng sasalihan. Buti na lang naniwala si mama kaya eto ako ngayon nasa de leon residence at nasa loob mismo ng room ng pasaway na damulag na to.


"Eh sa gusto ko eh." mataray kong sagot. "Saka wala ngayon si mama at yung kapatid ko sa min. Pupunta daw sila sa cdo." semi pagsisinungaling ko.


Totoo ring aalis talaga ang buong family pa cagayan de oro pero next week pa yun. At ginive up ko yun para nga sa babaeng to.


"Sige na kase, samahan mo lang ako." balik ko sa topic talaga namen.


Nakatitig sya sa kin. Inaarok kung nagsasabe ba ako ng totoo. Kaya kahit naiilang ako na makipag titigan sa kanya eh ginawa ko. Kahit feeling ko nalulusaw ako sa mga tingin nyang yun sa kin.


Para di masyadong halatang ilang ako eh nag puppy eyes ako sa kanya at nag make face pa sa harapan nya.


"Mag eenjoy ka rin for sure." dagdag ko.


Napabuntong hininga si bea at tumayo. Sinundan ko lang sya ng tingin, tumungo sya sa bathroom nya.


"Bei---"


"Stop." putol sa kin ni bea. Nilingon nya ko. "Eto na nga oh, maliligo na ko. Para masamahan ka na po."


























"Lets go." excited kong sabe sa kanya. At saka bumaba sa sasakyan nya.


Ilang segundo din akong nakatayo na sa labas pero di pa rin bumababa sa kotse nya si bea. Kaya umikot ako at kinatok ang salamin neto. Binaba naman ni bea ang salamin.


Sumungaw ako. "Tara na." aya ko sa kanya.


"Kala ko naman sa mall lang tayo." si bea.


"Naisip ko kase na wala tayong masyadong magagawa pag sa mall tayo gagala kaya naisip ko...." naeexcite kong ani. "Sa amusement park na lang tayo para mas masayaaaaa..."


Nilingon ako ni bea at binigyan ako ng poker face look.


Unti unting nawala ang pagkakangiti ko. "Ayaw mo?"


"Mads ang init." si bea.


Past 10 am na ng makarating  kame dito sa enchanted kingdom.  Mataas na ang araw at tirik na tirik na to. Knowing bea, ayaw na ayaw netong nabibilad sa arawan. Madali itong mairita.


"Alam mo minsan, kelangan mong magpa araw." ako. "Hindi rin kaya maganda yung lage mong tinataguan si haring araw ah. Tingnan mo nga balat mo, hindi ka na maituturing maputi talaga, maputla ka na."


Hindi kumibo si bea at tumingin na lang sa ibang direksyon.


"Okay. Sabe ko nga." at napabuntong hininga ako.


Mukhang di ko mapipilit si bea kaya umikot ako hanggang sa driver seat ng sasakyan nya. Malungkot akong sumakay muli, nagseatbelt na ko at bubuhayin ko na sana ang makina ng kotse ng magsalita si bea.


"Anong ginagawa mo?" si bea.


"Eh di magsstart ng makina at aalis na." nilingon ko sya saglit at muling itinuon sa pag on ng makina ng sasakyan.


Mabilis na kinuha ni bea ang susi sa kin. Napakunot noo naman ako sa ginawang yun mg babaeng ito. Nakatingin lang ako ngayon sa kanya na seryosong nakatingin ng diretso sa harapan ng sasakyan.


Gusto kong basahin ang nasa utak neto pero di ko sya mabasa talaga. Maya maya ay may kinuha sya sa harapan nya. Pinagmamasdan ko lang sya sa mga ginagawa nya, hanggang sa makuha nya ang sunglasses at isinuot agad.


Lalo akong napakunot noo ng lumabas sya sa kotse. Di pa nya tuluyang isinasara ang pinto kaya nagawa pa netong silipin ako sa loob.


"Ano pang hinihintay mo dyan mads?" si bea. "Tara na."


Biglang napunit ang labe ko sa pagngiti. Di na ko nagtanong pa sa kanya. Dali dali akong lumabas na rin ng sasakyan.


Hindi na ko nag aksaya pa ng oras, hinila ko sya kung san san. Nagtry din kameng sumakay ng mga rides, kahit natanggi si bea ay di ako tumigil na pilitin sya hanggang sa pumayag na lang dahil sa kakakulit ko or ginagamitan ko sya ng pagddrama ko. Effective naman eh.😜😊


"Ano?" ako ng makaupo kame sa isang bench dito. Katatapos lang namen sumakay sa roller coaster. "Di ba sabe ko naman sayo na mag eenjoy ka."


Nilingon ko sya sa tabe ko at natawa ako dahil di maipinta ang mukha neto. Parang masusuka pa nga eh. 😂😂😂


"Anong mukha yan?" tas natawa na kong tuluyan.


Nilingon din ako ni bea at sinamaan ng tingin. "Sige tawa pa." tas inirapan ako. "Sabe ko naman sayo na ayokong sumakay sa roller coaster."


"Pero sumakay ka pa rin." ako at nginitian ko lang.


"Duh...Pano ako di sasakay eh hinila mo kaya ako." si bea.


"Nagpahila ka naman." sagot ko sa kanya.


"Pini pilit mo kaya ako." sagot naman ni bea sa kin.


"Okay. Sige na." pagtatapos ko ng usapan namen ng damulag na to. "Para di ka na mabadtrip sa kin....." tumayo ako at humarap sa kanya. "Tara. Kain tayo."


"Tingin mo makakakain ako ngayon?" si bea.


"Ang sungiiiiittt!" ako.



















"Oh okay na ba yan?" tanong ko sa kanya.


Tulad ng sabe ni bea kanina hindi nga naman sya makakakain ng maayos. Kaya naisip kong mag ice cream na lang kame, saka maapula ng maaga ang nag sisimula ng maginit ng ulo ang damulag na to.


Hindi kumibo ito, panay lang ang kain ng ice cream neto. At sa tingin ko, success yung naisip ko. Hindi man sya kumibo, ramdam kong lumalamig na ang ulo neto.


"Nag bago ka no?" wala sa loob kong naitanong sa kanya.


"Hmm?" si bea at nilingon ako.


Nilingon ko din sya. "Nag iba ka. Hindi ka na tulad ng dati."


Natawa ng onte ito. "Ang issue mo no?" at napailing iling ito.


"Alam mo bang nakiusap sa kin si tita det...." sa tinuran kong yun ay nakita ko sa peripheral view ko ang muling pag lingon nya sa kin. Nagpatuloy lang ako. "Nag aalala na masyado si tita sa mga nakikita nyang pagbabago sayo. Kaya nga di ako nagdalawang isip na bumalik dito kase gusto kitang tulungan."


"I knew it!" si bea. "Si mommy talaga." nailing pa.



"Nag aalala lang si tita sayo." depensa ko kay tita det. "Nag iba ka na raw eh. And tama nga si tita, may nag iba sayo."



"Okay lang ako." tipid na sagot ni bea sa kin.



"No. Hindi ka okay, bei." mabilis at maingat kong sagot. "May iniinda ka."


"Wala akong sakit, mads." sagot naman nyang ulit sa kin. 


"Meron." mabilis kong pag salungat sa kanya. "May masakit sayo...."


Natawa ito na alam kong peke naman at muling nagpaka busy sa pagkain ng ice cream nya. "Ewan ko sayo mads." tas nailing pa. "Issue ka na naman eh."


Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at ipinihit paharap sa kin. Medyo gulat pa nga s bea sa ginawa ko. Tinuro ko ang kaliwang dibdib nya kung asan ang puso nya. Sinundan naman nya ng tingin ang itinuturo ko at muling tumingin sa kin ng diretso.


"Ito ang masakit sayo...." nakatitig ako sa mga mata nya. "Ito ang sumasakit sayo."


Hindi kumibo si bea. Alam kong nasapol ko na yung talagang dahilan kung bakit ganyan sya ngayon.


"Bei, mas maganda kung may nakakausap ka...May nahihingahan ka at nasasabihan ka ng mga problema mo. Wag mong solohin. Andito kame...Alam kong alam mong andito lang kame kaya wag kang mahiya na magsabe sa min."


Lumamlam ang mga tingin ni bea sa kin. Parang may gusto na itong sabihin ngunit nangingimi pa rin ito. Ayoko muna syang pilitin ngayon, lam kong darating ang time na magsasalita na sya. Ang mahalaga naman ngayon eh, lam nyang andito lang kame. Pinaalala ko lang sa kanya.


"Ang seryoso mo." si bea at nilagyan ako ng ice cream sa ilong ko.


Pagkatapos nyang gawin yun ay tumawa mg tumawa ito sa kin. Hindi ko magawang mainis sa ginawa nyang yun lalo na nakikita at naririnig ko ang malutong nyang pagtawa. Ang tawang yun na ang sarap sarap pakinggan.


Pinanood ko lang syang tumawa ng tumawa ng tumawa. Ewan ko pero masaya ako na kahit papano nabawasan ko sana yung mga bigat na dinadala ni bea sa dibdib nya.


May lumapit sa min na mag ina, yung batang babae na parang 12 years old na at humingi sa min ng selfie. Pinagbigyan agad yun ni bea. Hindi namen akalain na pati pala dito sa amusement park ay may iilang fans kameng maeencounter. Lahat ay humingi ng selfie and autograph, At lahat ng yun ay pinagbigyan namen.


"Hala! Sina bea de leon at si maddie madayag!" Tili nung isang babae kaya napalingon ang lahat ng nakarinig nun.


"Beaddie!!!" tili naman nung isa na kasama ng unang babaeng tumili sa name namen.


Nginitian naman namen sila kasabay nun ang pag sungkab nila  sa min dalawa ni bea. Pero hindi naman namen akalain na dadagsain kame. Dumame ng dumame ang nakapalibot na sa ming dalawa. Tulad ng mga nakakaencounter namen na fans sa manila eh inentertain naman namen sila. Napalingon nga ako kay bea na halos kuyugin talaga at may isang babae na sobra kung makayakap sa kanya. Kita mo na ang pilit na ngiti ni bea dahil halos masakal na sya sa pagkakayakap neto.


Napahinto ako ng maramdaman kong may humihila sa buhok ko kasabay ng pagkurot nun sa braso ko. Hinayaan ko lang, patuloy lang ako sa pakikipag selfie sa kanila. Halos di na kame makakilos dahil nag uunahan na sila na makapag paselfie. May mga fans na sa sobra kung makapang gigil sa min na nakakapanakit na. Nakakailang ulit na kase yung paghihila sa buhok ko at yung pangungurot nila.


"Aray!" di ko na kase mapigilan. Masakit na sya.


Maya maya may humawak sa kamay ko at ng lingunin ko ay si bea lang pala.


"Okay ka lang?" si bea ng makatabe sya sa kin.


Nagsitilian ang mga nakapalibot sa min na halos ikabingi ko. Panay ang sigaw ng "beaddie". Aware kameng pareho na may nagsship sa min tulad ng pagship nila sa kanya at kay jho.


Honestly, nung marinig at malaman ko yun. Kinilig ako. Hahaha....May mga tao palang nakakapansin na may "future?" (heheheh...Ilusyonada ako!) kame ni bea. Na bagay din pala kame.


Naputol ang pagpapantasya ko ng pasimple akong bulungan neto. "Hawakan mo lang kamay ko." Napatingin ako sa kanya at binigyan nya ako ng isang kindat. "Wag mong bibitawan."


Napatulala ako sa ginawang yun ni bea. Parang nagmute ang paligid at nagblurred ang lahat ng nakapaligid sa min ni bea. Kasabay nun ang parang pag slow mo ng bawat kilos nya. Nakatingin lang ako sa kanya na parang nagniningning sya sa paningin ko.


Muli syang lumingon sa kin at ngumiti, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak neto sa kamay ko. Tiningnan ko pa nga ang aming mga kamay na magkahawak.


"Bat ang gandang tingnan ng mga kamay namen sa isat isa?" tanong ko sa sarili ko. "Fit sila oh!"


"Mads?" narinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko kaya nag angat ako ng paningin. Sinalubong naman ako ng kanyang mga mata. "Ready ka na?" malamyos na tanong neto.


Marahan akong tumango. "Yes." at saka ngumiti ako sa kanya. Isang matamis na ngiti.


Ngumiti rin si bea sa kin. "Bilisan mo ha?" sabe pa nya.


Kahit di ko gets ay tumango ako.


"Bibilang ako hanggang tatlo. Pag sinabe ko "lets go" sumabay ka na sa kin. Wag na wag mong bitawan kamay ko ha?" si bea pa rin.


Tango pa rin ang isinagot ko sa kanya. Para akong nahihipnotismo sa mga tinginan nya at malamyos nyang pagsasalita sa kin.


"1......2....."


Ano ba ang gagawin namen?


".....3!....Lets go!" pagkasabe nyang yun ay bigla nya akong hinaltak.


"Ay pusang gala!" pasigaw kong ani.


Bigla akong nagising sa pagpapantasya ko sa ginawang yun ni bea. Kala kung ano na yung pinagsasabe ni bea sa kin kanina yun naman pala ay tatakas kame sa mga fans na makukulit.


Feeling ko parang makakalas ang braso ko sa balikat ko sa paghaltak nya sa kin kanina. Tumakbo kame ng tumakbo palayo sa mga yun. And guess what huh? May mga sumusunod din sa min kaya napatakbo talaga kame ng mabilis. Mapapractice namen yung pag takbo namen ni bea na always pinagagawa sa min ni coach tai.


Super hingal na hingal kame ni bea ng makapagtago kame sa isang stall. Halos magka yakap na kame ni bea dahil sa pagtatago namen sa kanila. Napahigit ako ng aking hininga dahil magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha. Samyo ko ang kanyang mabangong hininga, di ako makagalaw dahil sa pagkakayapos nya sa kin.


"Wala na sila." si bea at lumingon lingon pa.


Nang makumpirmang wala na nga yung mga makukulit na nanghabol sa min ay saka lang sya lumayo ng onte


"Okay ka lang ba?" muli nyang tanong.


Napalunok ako ng laway dahil parang nanuyo ang lalamunan ko kasunod nun inayos ko ang sarili ko. "Okay lang naman ako."


Lumapit si bea sa kin at sinipat sipat ang braso ko. "Tsk. Pinagkukurot ka nila." si bea na busy sa kakatingin ng mga pinagkurutan ng mga fans kanina.


"Dapat malaman nila na---"


"Hindi na nu kaba?" putol ko sa kanya. "Ang issue mo de leon." ako ang tumawa ng mahina.


"Ang dame mong kurot oh. Tas kanina nakita ko ang paghablot ng buhok sayo nung isang babae sa likuran mo. Kaya nga nilapitan kita agad eh." si bea.


"Masyado lang silang excited kanina sa tin." ako. "Pupusta ako, trending na naman po ikaw sa twitter hahahaha..."


"Ako lang ba?" banat ni bea sa kin. "Baka tayong dalawa kamo." pag kokorek ko. "And kanina pang nasa ig story na nila yung kanina."


Napatahimik ako sandali. Oo nga no.


"Beaddie daw eh." si bea at tumingin sa kin ng mapang asar. "Buhay na buhay na naman mga shippers naten mads."


Ngayon ko lang naisip, pag nakita nila mama ang mga i uupload na photos namen kanina ng mga fans namen ay siguradong sasabunin nya ko. Iba kase ang ipinag paalam konsa kanila. Ay naloko na po. Gagawan ko na lang ng isang magandang alibi.


"Huy! natulala ka na naman. hahahha..." si bea.


Di ko namalayan na nasa tabe ko na naman sya at ngayon at naka akbay na rin sa kin.


"Ano? Uwi na tayo?" si bea.


Hindi pwede. Hindi kame pedeng umalis dito na di namen nasasakyan ang ferris wheel. Isa yun sa mga fave kong sakyan.


"Hindi pa." sagot ko. At dahan dahan kong inialis sa pagkaka akbay ang kanyang braso.


"Huh? Bakit naman?" si bea na nakatingin sa kin. "Gagabihin tayo pabalik ng manila mads."


Hindi na ko nahiya, kinuha ko kamay nya at hinila sya.


"San mo na naman ba ako dadalhin ha?" si bea.



Nilingon ko habang hila hila ko sya. "Promise magugustuhan mo yun."





























"Oh di ba?" ako at siniko ko sya ng bahagya.



"Tss....Oo na." si bea.



Salamat talaga na nakaabot pa kame at nakasakay sa tamang oras na gusto ko. Hinahabol ko kase na makasakay kame bago lumubog ang araw.



Nakadungaw kame sa labas. Medyo nasa kalagitnaan na kame, kita na namen halos ang buong lugar ng amusement park. Kahit pagabe na ay marame pa rin ang nandito. Wala kameng kibuan ni bea pareho kameng nakatingin lang sa labas.



Kung sinuswerte ka nga naman nasaktong nasa tutok na kame ng inihinto muna ang pag papa andar ng ferris wheel. Ito talaga ang hinahabol ko, sunset sa tutok ng ferris wheel.



Magkaharapan kameng nakaupo ngayon sa loob. Nilingon ko si bea na nakatingin pa rin sa papalubog na araw. Napansin ko paglungkot ng mukha nya.



"Alam kong mahilig ka ring manood ng sunset....Naisip ko lang, gusto kong ipakita sayo na maganda rin manood ng sunset sa gantong lugar." basag ko sa katahimikan namen. "Magkaiba pero halos magkasing ganda rin naman."



"Salamat mads ha." si bea na nakatingin pa rin sa labas. "Matagal na rin yung huli akong nakapanood ng sunset." sandaling tumigil ito at may inaalala. ".....About 2 months na ata yung huli. Kala ko di ka mahilig manood ng ganto?"



"Anong hindi ah?" ako. "Hindi mo naman ako tinatanong eh"



"Akala ko nga, di ba?" si bea at bahagyang ngumiti.



"Pano mo malalaman? Eh always kang busy....Busy sa iba....." pagbibiro ko sa kanya.



"Kung alam ko lang eh di sana inaya na kita mag sunset date." si bea.



"Hmm....Parang hindi naman." ako. "Hindi mo maiisipan tanungin ako, dahil iisa lang naman ang gusto mong makasama sa isang sunset date."



Napahinto ako bigla at napakagat labe pa. Hindi ko na naman naprenuhan ang bibig ko. Alanganin akong tumingin sa kanya at napansin kong unti unting nawala ang pagkakangiti nya hanggang sa mag seryoso ito.



Magsasalita na sana ako pero naunahan nya ako.



"Oo nga no" si bea na napakamot sa ulo at tumawa ng peke. "Sorry mads ha, hindi ko kayo nabibigyan ng oras..... naitsapwera kayo, ikaw sa kin...."



"Naiintindihan ko naman." tas nginitian ko sya. "Lahat naman tayo pag naiinlove, ginagawa ang lahat.....binibigay naten yung halos lahat ng oras para dun sa taong mahal naten."



"Yun na nga eh." bea at sandaling huminto. "Halos ibigay mo na nga ang oras mo.....ang lahat, nagagawa ka pa ring iwan...." may hugot nyang dagdag.



"Nanghihinayang ka ba sa panahong ibinigay mo sa kanya?" tanong ko na di inaalis ang tingin sa kanya.



Nakatingin pa rin si bea sa papalubog na araw. "Nanghihinayang ako
sa ming dalawa..." halos pabulong na nyang sinabe yun. "Sa mga panahon pang pwede nameng pagsamahan...."



Napansin ko ang pangingilid ng luha nya sa kanyang mga mata. Ang madalas netong pag buntong hininga na kahit patawa tawa pa sya sa kin. Lam kong sa ginawa kong to naipa alala ko na naman "sya" sa kanya. Sana pala hindi ko na lang ginawa. Nasaktan ko si bea at ayokong nakikita syang nasasaktan.



"Alam kong di madali ang lahat lalo na at ang tagal ng pinagsamahan nyo....." pauna ko. "Pero bei, kelangan mo ng tanggapin ang lahat. Kelangan mo ng move on."



Humugot ng malalim na hininga si bea. "Ang hirap hirap mads....parang nawalan ako ng gana sa lahat ng iwan nya ako.....Ng piliin nya ang lalakeng yun...." si bea. "Nung iwan nya akong wasak, nawasak din ang mundo ko...."



"Andito kame..." sabe ko ng muli syang tumahimik. "Marame kameng nagmamahal sayo....Andyan ang family mo, sina maki and cel and yun iba mo pang friends, kame....Mga teammates mo....A-ako.....Andito ako bea....Lahat kame andito lang sa tabe mo....M-mahal ka namen."



Nang tuluyang kainin na ng dilim si haring araw ay sya namang pag andar muli ng ferris wheel. Napatingin ako sa kamay kong hawak na pala ni bea ngayon, nag angat ako ng paningin.



Ipinatong ko ang isa kong kamay sa kamay na nakahawak sa kin at nag angat ako ng tingin. Nasalubong ko naman ang tinging yun ni bea.



"Hindi kita iiwan....Mananatili ako sa tabe mo...." ako. "Kaya please, ayusin mo ulit buhay mo. Tutulungan kita."



"Mapag tyatyagaan mo kaya ako?" tanong diretso sa mata ni bea sa kin.


Confident akong tumango. "Oo naman. Napagtyagaan nga kita dati eh. Lam ko na katopakan mo no. Pero magpromise ka ring gagawin mo rin ah. Tulungan mo rin sarili mo."


Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labe. "Sige. Try ko."


"Dahan dahan lang muna. Wag mong biglain ang lahat." dagdag ko pa.


"OKay." si bea at nagsmile sa kin.































AN:

Sorry natagalan na naman ako bago nakapag ud.

And dahil champions ang ating fave team sa uaap and last playing year na nina maddie and bea, naisip kong bigyan din espasyo ang ship nila. Hehehe...

Pahinga na muna ang jhobea kahit may ganap sila 😍😍😍
Labas muna mga beaddie shippers dyan! hahahah....

Tribute ko na rin sa kanilang dalawa ang chapter na to.
No more beaddie na next season huhuhu...😭😭😭

Atleast naging magandang natapos ang uaap career nila (bea, maddie, kim at pati na rin si kat). And may bonus pang mga individual awards sila and kahit walang natanggap si kimmy. Well appreciated ang hardwork and efforts nya sa bagong position nya sa team. 👍👍👍

Thank you for the one big fight seniors!!! 💙💙💙















Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.6K 25
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
289K 11.7K 41
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹
581K 13K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
906K 41.4K 175
๐’Š๐’ ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ the boy who lived falls for the girl who had no one