STATUS: Waiting, Hoping and P...

Oleh crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... Lebih Banyak

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 23

1K 13 2
Oleh crostichan

ang gaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko nabunutan na ko ng malaking tinik sa lalamunan ko. At last, ok na kami ulit ni Lance.

Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko.anu ba yan, sinusulit ko pa yung tulog ko e. Namiss ko kayang matulog sa kama ko.

From: +63905*******

bumangon ka na. Hihintayin kita sa gate niyo.

Si superman to ah.

Bahala ka dyan. Mamaya pinagtitripan lang ako nito e.

Inayos ko lang yung sarili ko kasi babalik na ko ulit sa school. at pakiramdam ko, normal na ulit yung buhay ko.

paglabas ko ng gate, nakapark dun yung kotse ni Lance? bakit siya nandito.

“Hop in” sabi niya nung makalapit ako dun sa bintana nung sasakyan,

“Bakit antagal mo? Kanina pa yung text ko ah.” sabi niya pagpasok ko nung sasakyan.

“DI ka naman nagtext e” sabi ko sa kanya.

“Nagtext ako.” sabi niya.

NIlabas ko yung cellphone ko.

“oh, tignan mo walang kang text dito.”

“akin na nga.” may pinindot pindot siya dun sa cellphone ko.

‘Ayan oh.” tapos hinarap niya sakin yung text.

From: Lance <3

bumangon ka na. Hihintayin kita sa gate niyo.

“Ikaw yun?”tanung ko sa kanya. siya si Superman?

“yeah!. see, kahit galit ako sayo, I still care.”

Naramdaman ko nanamang may nagtatsmbol sa loob ng puso ko. geeez. If only I can stop them.

“E bakit mo pinalitan yung pangalan? “

“Hindi ko pinalitan, sinave ko lang. Ayaw kasing masave pag Lance lang e”

“sus! palusot dot com. Peram ng cellphone mo.”

“bakit?”

“basta. “

“bakit nga?”

“bakit may tinatago ka dyan no? may porn jan no? o baka naman may picture dyan ng ibang babae” sabi ko sa kanya,

“wala no. Baliw ka. kung anu ano iniisip mo” tapos inabot niya sakin yung cellphone niya.

“wow, ang ganda naman ng wallpaper mo. Sinong artista to.” 

“hindi siya artista. She’s my future wife” then he smirked.

Nasppechless ako sa sinabi niya. Pano ba naman yung picture namin nung kasal ni Ate Ianne yung wallpaper niya.

Binrowse ko lang yun phone niya. ang gagawin ko lang naman dito kasi papalitan ko yung pangalan ko.

“anong pangalan ko dito?”

“hanapin mo”

Nakakainis. wala kasing Trixie dito. ah! alam ko na

Tinext ko yung number niya tapos nagflash sa cellphone niya.

1 message received

Myrtle <3 <3 <3

MYRTLE?

“hoy ! bakit Myrtle to?”

“Bakit pangalan mo naman yun ah. Ms. MYRTLE TRIXIE SALCEDO? “

“palitan mo.”

“ayoko nga. Kahapon ko nga lang pinalitan yan e.”

“e bakit mo pa pinalitan?”

” e kasi lahat sila tawag sayo trixie. Para lang maiba. Kaya wag kang papatawag na Myrtle sa iba ha.”

“e bakit may tatlong heart pa? “

” tatlo para I LOVE YOU”

Aneeebeee! Kinikilig na talaga ako super. Hindi alam ng lalaking to kung ano yung ginagawa niya sakin.

“wag ka ngang ngumiti ng ganyan”

Tinanggal ko yung ngiti ko. Nakangiti ba ko? Hindi naman ah.

“kasi pag ngumingiti ka ng ganyan, alam kong kahit ilang beses mo kong talikuran at saktan, sayo pa din ako babalik.”

nagsimula nanaman yung fiesta sa puso ko. O baka naman karpintero to? Para kasing may pinupukpok. Under construction ata yung puso ko ngayon. Basta parehas silang nasa puso ko ngayon. akakainis naman kasi e. Bakit ganyan magsalita yung lalaking nasa tabi ko ngayon.

“Dapat makita mo yung mukha mo. Ang epic! Mukha ka ng strawberry.”

“whatever!” yun na lang yung nasabi ko. Hindi ko alam kung mukha na ba talaga akong strawberry.

“ui, susunduin kita mamaya ha.” sabi ni Lance.

Aba hindi naman halata na namiss niya ko no?

“ok.”

“san mo gustong kumain? My treat”

“uhm. Ayoko sa mga fastfoods. Bili ka nalang ng kimbap. Tapos kain na lang tayo kahit saan.” sabi ko. Ayoko sa fastfood kasi maraming tao dun sigurado.

“ok”

hinatid nya muna ako sa school bago dumiretso sa school nya.

[school]

“hey guess what?” sabi ko sabay hampas kay Leslie na busy sa pagrurush ng homework niya.

“let me guess” tapos tinignan nya ko. “kasabay mo pumasok si Lance”

“tumpak! Bati na kami. ” ngumiti ako sa kanya ng abot tenga.

“ang landi landi mo” tapos winalis nanaman niya ko sa mukha gamit yung buhok niya.

“ano ba yan puro buhok.”

Bago magsimula yung kLase, kinondisyon ko muna yung sarili ko. Ayoko namang maapektuhan yung klase ko. Kahit alam kong apektado na talaga.

Lumipas yung maraming oras. 6hours straight kasi yung klase namin ngayon as in walang break. Kaya pagtapos lahat kami mukha ng zombie.

Tinext ko si Lance.

“hoy dismiss na ko. Ikaw ba?”

Nagreply naman sya agad.

“oo. Kakatapos lang ng klase ko, hintayin mo ko dyan ah”

hinintay ko lang sya sa labas ng school. Mga 20 minutes siguro nandito na yun.

30 minutes

40 minutes

Kinokontak ko si Lance pero unattended na yung phone niya e. Anu kayang nangyari dun?

50minutes

“the number you have dialled is either unattended or out of coverage area please try your call later”

1hour

1 hour and 10 minutes

andaya nun ah. Asan na kaya yun.

Itatanung ko na lang sa classmates niya.

“hello Seth, nakita mo ba si Lance?”

“oo. Di pa ba kayo magkasama? Nagmamadali kasi sya kaninang umalis e. Magkikita daw kasi kayo” sabi ni Seth sa kabilang linya.

“ah ganun ba ok.”

1 hour and 20minutes

1 hour and 30minutes

1hour and 40 minutes

1hour and 50 minutes

2hours

Tinawagan ko ulit si Seth.

“seth asan ka?”

“nandito pa ko sa school. May inayos pa kasi ako sa publication. Bakit?”

“pwede bang samahan mo ko. Dyan sa bilihan ng kimbap malapit sa school nyo. Nagaalala na kasi ako kay Lance e”

“ok. Hintayin kita sa gate”

Pumunta na ko sa school nila. Hindi ako makaramdam ng galit kay Lance. kinakabahan talaga ako. Imposibleng iinjanin niya ko ng ganun na lang.

“Trixie!”

Nakita kong kumaway si Seth kaya nilapitan ko na siya.

“May problema ba?”

“Kinakabahan ako”

pumunta kami ni Seth dun sa korean resturant malapit sa school nila.

“ay Sir, good evening! May pumunta ba ditong lalaki na bumili ng kimbap? Matangkad, medyo maputi, tapos jansport yung bag na nakasalamin?” tanung ni Seth dun sa may counter.

“ah, si kuyang gwapo? Oo pumunta sya dito kanina pero kanina pa yun e. May araw pa.” sabi nung babae.

“ah. Ok po. “

paglabas namin ng resto, ms lalo akong kinabahan.

“let’s take a walk. para mabawasan yang kaba na nararamdaman mo. Mamaya tatawag din yun” sabi ni Seth

naglakad lang kami ni Seth. Di ko alam kung saan kami papunta pero sigurado alam niya to.

“Dito na lang tayo dumaan. Wala kasing dumadaan na sasakyan dito kaya mas magandang maglakad” 

habang naglalakad ako, may nakita akong sasakyan na medyo malayo pa samin.

“seth sasakyan ni Lance yun di ba?”

“oo nga”

naglakad kami palapit dun sa sasakyan pero sa di inaasahang pangyayari,

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!

tumilapon kami ni Seth palayo.

“Trixie ok ka lang?” tanung sakin ni Seth.

Parang nabingi ako sa lakas nung narinig kong pagsabog.

Tinignan ko yung pinagmulan nung tunog na  yun.

No! Mali yung nakita ko. Hindi si Lance yun. Hindi kay Lance yun. Magkamuka lang yung sasakyan nila.

Pinilit kong tumayo pero parang may masakit sa paa ko, and i saw it bleeding.

“Trixie, wag ka ng lumapit”

“Seth, hindi si Lance yung laman nun di ba? Tell me Seth. Hindi si Lance yun. Seth. Sabihin mo sakin. Hindi yun si Lance” sinusuntok ko na yung dibdib nya para magsalita sya. Basang basa na yung mga pisngi ko ng mga luha.

Hinawakan nya yung dalawa kong kamay para pigilan yung pagsuntok sa kanya.

Tinignan ko sya sa mukha at nakita kong umiiyak na din sya.

“Trixie, alam natin pareho na hindi pinapadrive sa iba ni Lance yung sasakyan nya”

sa mga salitang binitawan nya, parang bumitaw na din ako sa pag-asang hindi si Lance yung nasa loob nung sasakyan na ngayon ay nilalamon na ng apoy.

“Lance!” tinangka kong lumapit ulit dun sa sasakyan.

“LANCE!!” i’m feeling so desperate to save him.

“TRIXIE STOP IT”

“no Seth! No. I’ll catch every drop of hope na maligtas si Lance.” pinilit kong tumayo but my wound wont permit me again. 

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!

Kasabay nun, naramdaman ko ng niyakap ako ni Seth.

“i’m afraid that you’ll end up with an empty hand”

i saw his car burning. No, hindi si Lance yung nasa loob nun. It’s not Lance. I believe hini yun si Lance. 

Para akong sinasaksak sa puso. Parang gusto kong masiraan ng bait.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...