STATUS: Waiting, Hoping and P...

By crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... More

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 22

1K 14 3
By crostichan

Trixie’s POV

“Les! Matagal ka pa ba?” sabi ko sa kanya habang ginugulo siya sa ginagawa niya.

30 minutes na kasi akong naghihintay sa kanya. Nakakainis naman kasi, nagprisinta pa syang magcheck ng mga test papers. 

“saglit na lang to. 20 na lang.” sabi nya.

WHAT THE? Andami pa kaya nun!

“oi mauuna na ko!” sigaw ko sa kanya. Ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko kaya di din ako nagcheck ng papel. 

“sige sanay na ko” sabi naman niya kaya parang naguilty naman ako kaya nag-stay pa ulit ako.

“Miss Salcedo, please come over” 

naku po! Papagalitan ba ko nito dahil ginugulo ko si Leslie?

“Mam bakit po?”

“what happened?” tanung niya sakin na parang dismayado habang hawak yung papel ko na parang kulang na lang dumikit yung ilong ko sa papel.

“anu pong problema? Pasado naman ah?” sagot ko naman sa kanya habang ilalayo yung papel sa mukha ko.

“you got 15mistakes sa exam. That’s so no you. ” mahinahon na yung boses nya ngayon.

Promise ko sa sarili ko no failing exam, malay ko bang dahil sa rule ko na yun, laging one mistake or two yung mga exams ko.

“masama lang po yung pakiramdam ko while taking the exam.”

nilagay niya lang yung kamay niya sa noo ko.

“ang init mo. Sana sinabi mo agad.”

mainit ako? I know I’m hot but not sick. Hahaha. Joke.

Hinipo ko din yung noo ko at mainit nga ko literally. Akala ko masama lang pakiramdam ko dahil sa side effects nung mga pinaggagawa ko sa buhay. 

“umuwi ka na. Wag mo ng hintayin si Leslie” i have no choicebut to go. kasi sinarhan niya ko ng pinto. Sumilip naman ako sa bintana then nag wave kay Leslie.

Nakita ko naman na nagmOuth si Leslie. Na wag akong magLRT. Simula nung gumawa akong ng kahihiyan sa LRT, di na sya pumapayag na ako lang mag-isa.

Nasa 2nd floor na ko nung tinext ko sya ulit.

“hintayin kita platform. I’m serious” tapos nagreply din naman agad sya.

“k.”

Lance’s POV

“bianca, ayoko na”

hay salamat lumabas din sa bibig ko. Pinili ko talagang dito sa loob ng tren ako makikipaghiwalay sa kanya para hindi sya magiskandalo.

“WHAT? You can’t do that to me Lance. Are you breaking up with me?” galit nyang sabi pero hindi pasigaw.

“yes i do. After all, wala namang tayo e.” sabi ko sa kanya.

Lahat ng to planado. After nyang sabihin sakin yung tungkol kay Seth at Trixie, nag advice sya na papalabasin namin na kami para masaktan si Trixie at malaman nya na ganun lang sya kadaling palitan. na hindi siya kawalan which is not true. 

“anung walang tayo? Lance I love you. Ok lang sakin na hindi pa ako yung laman nyan sa ngayon. Let’s make this relationship work out baka sakaling mapalitan ko sya dyan”. she said habang umiiyak at tinuturo yung puso ko.

“you can never replace her” 

“I CAN!” she said with confidence.

“YOU CAN’T” I said with full authority.

“then at least I can make her suffer!” pagkasabi nya nun, biglang bumukas na yung pinto ng LRT. Nasa Santolan na pala kami.

Lumabas sya pero hindi bumaba. Nakatingin lang sya sa isang direksyon at nandun si Trixie.

Nung nakababa na halos lahat ng tao, sumigaw sya.

“hey! Bitch. Long time no see” nagsimula syang lumapit kay Trixie na malapit sa hagdan. Pero hindi pinansin ni Trixie yung paglapit nya.

“wag mo kong tinatalikuran pag kinakausap kita” hawak na niya ngayon yung kamay ni Trixie.

“ano bang problema mo ha? Inaano ba kita?”

“anung ginagawa mo dito? Hinihintay mo yung boyfriend ko? Ha! You’re so desperate!” sabi ni Bianca na namimilog na yung singkit niyang mata.

“bakit natatakot ka ba na baka pag nakita niya ko hindi sya magdalawang isip na bumalik sakin?” mataray na pagkakasabi ni Trixie.

Pinanuod ko lang silang nagsasagutan. Hindi dahil sa gusto ko yung nangyayari pero parang shock ako kasi first time kong nakitang ganito ka war freak si Trixie.



“HOW DARE YOU SAY THAT!” she grabbed Trixie tapos hinawakan niya ito sa buhok.

Sinabunutan nya si Trixie pero hindi sya lumalaban? What’s wrong with her?

Pinigilan ko si Bianca sa ginagawa nya. Hinawakan ko sya para makaalis na si Trixie sa pagkakasabunot nya pero parang may mali kay Trixie. Para siyang lasing. Nung nabitawan sya ni Bianca, parang wala na syang lakas na tumayo sa sarili niyang paa. 

The next thing I know is, I grabbed her and get her protected in my body. Masyadong mabilis yung mga pangyayari kaya huli na para isave ko sya sa pagkakahulog sa hagdan. Instead gumulong na lang kami pababa na yakap ko sya. That’s the least thing I can do. I protected her head by placing it in my chest. Hindi ko alam kung makakatulong ba yun.

Para siyang tinapay na kakaahon lang sa oven. Nakakapaso. Ngayon alam ko na kung bakit sa ginawa ni Bianca sa kanya, nagkaganun na sya. She’s hot. Hindi ako pervert ha. Mainit sya kasi nilalagnat sya.

Nung nareach namin yung baba ng hagdan, naramdaman ko andami ng mga chismosa. Tapos ganito pa ka awkward yung posisyon namin. Nahihiya na ko kaya pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa because Trixie is in the top of me .. Unconscious.

Kinabahan ako nung nakita ko yun. Kaya hinawakan ko yung wrist nya and glad na may pulso pa sya.


Her elbows are also bleeding. Kahit anung gawin ko, di ko pa rin sya naprotektahan.

“TRIXIE!” may lumapit saming babae at hindi ko nasurprise na makita si Leslie.

Pagkatapos niyang lumapit samin, may mga dumating na. Mga medic. Then all went black.

***

Nagising na lang ako sa isang higaan na mas malambot pa yung kama ko.

Umupo ako sa kama at naramdaman kong parang binabarena yung ulo ko na ang bigat. Nahihilo ako pag parang nagiging dalawa na yung paningin ko.

Hinawakan ko kung anu yung mabigat sa ulo ko at naramdaman ko yung tela. 

Lahat ng parte ng katawan ko masakit lalo na sa ulo at braso.

“oh gising ka na pala” pumasok si Ate Ianne sa kwarto.

“nasan si Trixie?” tanung ko sa kanya.

“Don’t worry. She’ll be fine”

“she’ll be fine? Ibig sabihin di pa sya ok.”

“to tell you honestly, di pa sya nagigising. Nagtataka nga sila e. Mas marami kang damage sa kanya pero mas nauna kang nagising.

“nasan sya ngayon?”

“she’s still under observation. Sabi kasi ni Leslie nilalagnat na si Trixie bago kayo nahulog. May mga nagsasabi naman na baka nangyayari sa kanya yung ayaw niya ng gumising”

Ayaw na niyang gumising? pero bakit? 

“magpahinga ka na Lance, sabi ng doktor pwede ka ng umuwi pag nagising ka na.”

***

akala ko hindi na magigising si Trixie pero sakto daw nung pagdischarge sakin saka sya nagising. Ok na din yun kaysa naman forever ng hindi.

Nasa harap na ko ng pintuan nya ngayon. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya pag nakita niya ko dito ngayon.

Pagbukas ko nung pinto, nakaupo lang sya kama niya, nakatalikod sa direksyon ko at nakatingin sa kawalan.

Lumapit ako sa kanya kaya napansin na din nya na nandito ako. Pero binalik niya lang ulit niya yung tingin sa tinitignan niya kanina.

” sorry” andami kong pinraktice sa sasabihin pero anung nangyari? Bakit yun lang yung nasabi ko?

” alam mo ba kung sino yung first love ni Romeo?” tanung niya sakin.

“Hindi ba si Juliet?” sagot ko sa kanya.

Hindi pa rin siya tumitingin sakin pero kinakausap niya ko.

“no. it’s not Juliet. Hindi first love ni Romeo si Juliet. it was Rosaline.” 

Bakit kaylangan niyang sabihin sakin to?

“Naging one sided lang yung pagmamahal ni Romeo kay Rosaline. She express her cruelty for not loving him back. in short, she rejected Romeo at yun yung naging dahilan para makita niya si Juliet. Everyone knows about the great love of Romeo and Juliet pero hindi si Rosaline”

Parang nakukuha ko na yung gusto niyang sabihin.

“for me she played the best role ever. kung hindi dahil sa kanya, walang Romeo and Juliet. “

then she walked out the room. and leave me frozen.

Hindi ko alam kung totoo yung sinabi ni trixie tungkol kay Rosaline pero isa lang ang malinaw sakin ngayon.

she sees herself as Rosaline. At kami ni Bianca si Romeo and Juliet.

How stupid! there’s a great difference in our story.

Nawala yung pagmamahal ni Romeo kay Rosaline nung nakilala niya si Juliet. Pero ako, mahal na mahal ko pa rin yung first love ko kahit umeksena na si Bianca.

***

“Lance, mag-usap daw kayo ni Seth ngayon sa studio nyo. May sasabihin daw syang importante sayo.”



kausap ko ngayon sa cellphone si Ate Ianne.

“ano namang pag-uusapan namin?” tanung ko sa kanya.

“aba malay ko. Pinapasabi niya lang. 6pm sharp ha. Sige Lance, baba ko na to”

ano naman kayang pag-uusapan namin ni Seth? Bakit biglaan. Sasapakin nanaman siguro nya ko dahil nasaktan yung girlfriend niya.

[studio]

pagpasok ko ng studio, nandun na si Seth.

“tungkol san yung pag-uusapan natin?” tanung niya sakin tapos inabot yung isang can. Hindi beer ah. Kundi coke.

“huh? Di ba dapat ikaw tinatanung ko nyan?” sabi ko sa kanya.

“bakit ako? Sabi sakin ng ate mo may pag-uusapan daw tayo. Ano ba yun? Si Trixie ba?”

sa sinabing yun ni Seth parang alam ko na kung anong ginawa ni ate. Mga babae talaga. Ang hilig sa mga set-up.

“si ate may pakana nito. Pero dahil nandito na to, Seth bakit mo nagawa sakin yun? Akala ko ba kaibigan kita”

“ano bang sinasabi mo Lance?”

“Seth bakit nyo ko pinagmukhang tanga ni Trixie?” tanung ko ulit sa kanya.

“kasi di ko alam kung kaya mong tanggapin yung nararamdaman nya” -Seth.

“Sana sinabi mo na lang nung nag-usap tayo. Una di ko maintindihan kung bakit sinabi mong masasaktan lang ako. Ang tanga ko para di ko makita na gusto nyo ang isa’t isa. Pero sana diniretso mo na ko.”

“Nakakatawa yang mga sinasabi mo Lance. Iniisip mo ba na niloko ka namin ni Trixie? HAHAHAHAHAHA! Nauna tayong nag-usap bago ko nalaman yung totoong feelings ni Trixie. Kaya ba ang laki ng galit mo sa kanya kasi hinayaan ka pa namin na magmukhang tanga sa proposal mo. Akala ko pa naman matalino ka Lance.”

“mahalin mo na lang si Trixie ng buong buo. Make her the happiest person on earth” -Lance.

“hindi ko pwedeng gawin yun. Kaya ko syang mahalin ng higit pa sa kaya mo Lance. Pero hindi ako yung taong makakapagpasaya sa kanya” -Seth

“bakit hindi? Pinili ka na nya. Tska di ba sabi mo na kung ano yung totoong feelings niya? Bago yung proposal ko sa kanya, may nakakita sa inyo. Kaya wag ka ng magdeny. Kaya nga sinabihan mo ko na masasaktan lang ako di ba?”

“Sinabi ko yun para di mo ligawan si Trixie. Kasi ayoko. Pero pagkatapos nung pag-uusap natin, pumunta dito si Trixie para kunin yung drumsticks niya. yung nakakita siguro samin ay yung nakatabig ng vase.” -Seth.

“hindi na mahalaga kung sino sya.” -Lance.

“mahalaga Lance. Kung hindi siguro siya chismosa, kayo na sana ni trixie ngayon.” -Seth

“Anong ibig mong sabihin na kami na sana?”

“Umamin sakin si Trixie na matagal na siyang may gusto sayo. Pero biglang may nahulog na vase kaya tinignan niya baka may makarinig kasi natatakot siyang malaman mo. wala siyang taong nakita pero nandun yung basag na vase at yung relo mo. Akala niya narinig mo lahat. she thought na liligawan mo lang siya kasi alam mong sasagutin ka nya.”

“Hindi ko alam na may gusto na siya sakin non. Tska nagpeprepare na tayo one month before kahit narinig ko yun o hindi, lliligawan ko siya kasi mahal ko siya” dipensa ko.

“Late na nung nalaman niya yung totoo. Kaya nga gumagawa siya ng paran para magkausap kayo e. Tska bakit mo ba ko pinagseselosan Lance? May sinabi nanaman ba sayo yung nakakita samin?”

 Bumalik sakin lahat ng sinabi ni Bianca tungkol kay Seth at Trixie. Gawa-gawa lang ba niya yun?

Alam kong marami pang gusto sabihin si Seth pero natigil sya nung tumunog yung cellphone ko. Istorbo. Nireject ko yung tawag pero tawag pa din ng tawag si Lester.

“ano ba? Busy ako.” pagalit kong sabi. Nakakairita na kasi e.

“mas mahalaga pa ba yan kaysa kay Bianca?”

di ko masyadong maintindihan si Lester dahil ang ingay sa linya niya. Parang may mga nag-aaway kasi may sumisigaw na babae tapos parang may mga backer sya.

“bakit? Ano bang meron?”

“pinagtutulungan ng mga kaibigan ni Trixie si Bianca” sabi ni Lester.

“WHAT? Asan ba kayo?”

“sa ospital. Dadalawin sana namin si Tri—”

Binaba ko na yung cellphone ko tapos nagmadaling lumabas. Hindi to para isalba si Bianca kundi marami syang kaylangang ipaliwanag sakin. Gulong gulo na ko. Ayoko sanang isipin na sya yung dahilan ng lahat. Kung bakit kaylangan kong saktan si Trixie. Kung bakit nasaktan ko si Trixie at bakit nagkanda loko loko yung takbo ng buhay namin pareho.

Inistart ko yung engine ng sasakyan ko at pinatakbo ng mabilis. Kaya wala pang 15minutes nandun na ko.

Tinawagan ko si Lester para tanungin kung nasan sila. Nasa likod daw sila.

Pagdating ko dun, nakita kong hawak pa din nila si Bianca pero mukhang hindi naman nila sya sinaktan physically. Nila referring to Jannah, Jannine, Leslie at Rachel. Nakaupo lang si Bianca sa sahig, umiiyak pero di naman magulo yung buhok nya, wala syang sugat o kahit pasa.

“Anong nangyayari dito?” lahat sila tumingin sa direction ko.

“HOY! Babaeng mukhang Bratz. Ayan na pala yung tagapagligtas mo” sigaw ni Leslie.

“LANCE!” nagsimulang gumapang palapit sakin si Bianca habang umiiyak. Kaya nung makalapit sya sakin, tinulungan ko syang tumayo , hinawakan yung wrist nya at hinila sya.

“Lance, saan tayo pupunta?” tanung nya sakin.

“marami kang ipapaliwanag sakin” matigas na sabi ko sa kanya.

“Lance, nasasaktan na ko.”

hindi ako nagsalita. Walang puwang yung awa sa puso ko ngayon lalo na pag napatunayan ko yung mga ginawa niya.

Nung nasa rooftop na kami, saka ko lang binitawan yung kamay niya.

“NOW EXPLAIN” hindi ko maiwasang magtaas ng boses dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya.

“Lance I can’t understand you. I was just angry that time kaya nagawa ko yung sa LRT” sabi niya.

Nakalimutan ko isa pa pala yun. Walang hiya! Patong patong na yung kasalanan niya ngayon.


Trixie’s POV

Super bored na talaga ako. Ngayon alam ko na kung bakit yung mga tao sa pelikula sinasabing mas magkakasakit sila pag nasa ospital. Maliban kasi sa ampangit ng ambiance kahit na nasa private room ka, mabaho pa. Hindi ko alam kung maarte lang talaga ako o totoo yung sinasabi ko. Basta, gusto ko ng lumabas dito as soon as possible, Pakiramdam ko every minute na nandito ako, parang unti-unti akong binabawian ng buhay.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko ngayon.

Keypad locked.

Keypad unlocked

keypad locked

keypad unlocked

keypad locked

Keypad unlocked

keypad locked

Keypad unlocked

keypad locked


1 message received

halos mapatalon ako sa tuwa nung nakita ko yun. Buti na lang may nakaalalang magtext sakin.

From: Leslie
hey pretty, andto kmi ngaun sa rooftop. Akyat ka dali.

Baliw talaga tong mga to, anu naman kaya yung ginagawa nila sa rooftop?Mas inuna pa nilang pumunta dun kaysa puntahan ako sa kwarto ko?

Kung ano mang meron sa rooftop na yun, feeling ko it’s really something special.

Pumunta ako sa elevator tapos naghagdan na paakyat sa rooftop.

“SSSSSSHHHH! Buhatin mo naman yang paa mo,” sabi sakin ni Jannah na pabulnog.

“ano ba kasing ginagawa niyo dito?” tanung ko sa kanila.

Hindi sila sumagot. instead pinoint lang nila yung lips nila dun sa isang direksyon. At ang nakita ko lang ay pintuan.

“Anung meron dyan?” tanung ko

“tignan mo na lang”

sumilip ako dun sa may awang nung pinto. dahil mas malapit na ko ngayon kaysa kanina, mas naririnig ko ng maayos yung usapan ng dalawang tao.

“I WANT YOU TO EXPLAIN EVERYTHING!!” kahit boses lang alam ko kung sinong may-ari nun. Pero pwede namang katulad diba? After niyang sabihin yun, may narinig naman akong iyak ng babae.

Sa totoo lang, natatawa ako. alam talaga ng mga kaibigan ko kung kaylan ako bored. Imagine, pinapunta nila ako sa rooftop para lang makarinig ng eksena na parang sa mga pelikula? HAAHHAHA. And sorry to them, hindi ako makukuntento sa boses lang. Kaylangan makita ko yung buong scene

Dahan dahan akong pumasok dun sa pinto. At nagtago dun sa isang drum na nandun.

“Lance!. Please forgive me” sabi nung umiiyak na babae.

So tama nga ako, si Lance nga yun. Tinignan ko maigi yung mukha nung babae.

O_O

Si bianca? Mag-aaway na nga lang sila, bakit dito pa?

“Sabihin mo sakin, ikaw ba yung nakatabig ng vase?” narinig kong sabi ni Lance.

JUSMIYO MARIMAR!! Dahil lang sa nabasag na vase? O.a ha.

“Lance, I don’t know what your talking about” sabi ni Bianca between her sobs.

“YOU KNOW! YOU HEARD EVERYTHING RIGHT?” grabe super nakakatakot na si Lance ngayon. Kahit na malayo ako nakikita kong at any minute now, magtatransform na siya.

“WHAT’S THE BIG DEAL? OO ako yung nakatabig dun vase! But it won’t change a thing!”

“YOU CHANGE EVERYTHING! SABI MO SAKIN MAY SOMETHING SPECIAL KAY TRIXIE AT KAY SETH. WHEN THE TRUTH IS SHE IS CONFESSING HER LOVE FOR ME”

Nanlamig ako sa sinabi ni Lance. Ibig sabihin yung vase na nahulog, si Bianca yun? Narinig niya lahat ng sinabi ko kay Seth.

“Yun na nga Lance e. I hate it to hear that she loves you back. ayokong maging kayo. I didn’t mean na mabasag yung vase. and the hell I care about that stuff. Bakit ba sobrang halaga nun sayo ha? !”

“BECAUSE YOU AND THAT THING RUINED EVERYTHING”

“Lance! Please. I want you back! Lance tayo na lang ulit. ayaw na niya sayo. Hayaan mo na lang siyang maging masaya kay Seth.” narinig kong sabi ni Bianca at akmang hahalikan niya si Lance.

“DON’T YOU DARE KISS HIM! HE’S MINE”  lumingon sila sa pwesto ko.


Hindi naman siguro masamang lumaban ngayon di ba? Kasi alam kong lumalaban na siya kasama ko.Tska as if papayag akong mahalikan si Lance ng ibang babae.

“Trixie.” sabi ni Lance.

“What are you doing here?” tanung sakin ni Bianca

Lumapit ako sa direksyon nila. Hindi pa malinaw sakin lahat. Pero alam ko, she ruined almost everything.

“nag-iisip ka ba? pagkatapos mo kong itulak sa hagdan tatanungin mo ko kung anong ginagawa ko dito? ” lumapit pa ko lalo sa kanya then I pointed her head “Ang utak ginagamit, hindi pinandidisplay lang. o baka naman sadyang wala ka talagang pwedeng gamitin kasi wala kang utak” sabi ko sa kanya

Sasampalin niya sana ako kaso nasalo ko yung kamay niya.then yun yung isinampal ko sa mukha niya.

“oooopppsss!! Hindi kasi pantay yung blush on mo e. pinantay ko lang” sabi ko sa kanya.

pero tinulak niya ko kaya napaupo na ko sa sahig. Tsk! Hindi talaga siya papatalo,


tumayo ako at sasabunutan sana siya pero pinigilan ako ni Lance. hinawakan niya yung dalawa kong kamay 

"I don't want you to hurt someone. Alam ko epekto niyan sayo" and with that, he released my hands. Kung meron mang isang taong super kilala ako, it will be Lance. I smile with the thought that he remembered na kapag may nasasaktan ako physically, di ako nakakatulog ng maayos.

“The scene is over. you can go now LOSER!” maldita na kung maldita.

kaya yun , umalis na lang siya. Nakakaawa naman siya. hahahahahahah. Ako pa kinalaban niya ah.

Tinignan ko lang si Lance at nakatingin lang siya sakin ng walang emosyon. as in di ko mabasa yung emosyon niya sa ginawa ko.

“What?” tanung ko sa kanya.

he grabbed me by my waist at ngayon nakaharap na ko sa kanya. isang maling galaw ko, mahahalikan ko na siya. *gulp

“bakit mo ginawa yun?” dahil sa sobrang lapit namin, I can smell his breath. Honestly mabango. Parang minty siya. Basta nakakainlove.

“Gus..to ko …Lang siyang gantihan” sabi ko sa kanya na nauutal kasi naman e. Sobrang lapit niya.

nung mga sumunod na segundo was the best seconds in my life I guess.

He enveloped me in his arms and make me feel secured. sa totoo lang, normal na yung yayakapin niya ko, pero ito, may special sa yakap na to. and I know it's the end of the war.

 biglang bumuhos yung malakas na ulan. then we parted .

“Alam mo bang tinupad mo yung pangarap ko.” sabi ko sa kanya.

“I know. to be hugged by your prince under the rain? Pag ganun na yung mga eksena sa mga napapanuod natin, I can tell, naiinggit ka” he laughed. "next time yung part two naman."

part two? 

"Anong part two?" 

"Saka na. I will give it to you pero hindi dito." 

Naguguluhan na ko

"Bakit hindi pa dito?"

"So unromantic. ayokong dito magaganap ang first kiss ko. ang cheap."

"first kiss?"

“hindi ka naniniwala?” tanung sakin ni Lance. Nasa rooftop pa din kami habang bumubuhos yung malakas na ulan.

“syempre hindi. Nagkagirlfriend ka na kaya imposible yung sinasabi mo” sagot ko naman sa kanya.

“nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo? Ayokong babae yung unang hahalik sakin. Gusto ko ako yung hahalik sa kanya. Wala akong gusto kay Bianca kaya walang posibility na halikan ko sya at pumayag ako na halikan nya”

nabato ako sa sinabi niya. 

“i never let any girl kissed me unless it was you. Matagal na tong nakareserved sayo” tapos tinuro nya yung labi nya.

“Tara pasok na tayo” pag iiba ko ng usapan. kasi pakiramdam ko mukha na kong strawberry. 

PUmasok na kami ulit ng ospital. Bago ako pumasok sa room ko

“Umuwi ka na. Para makapagbihis ka na. Tapos bumalik ka. marami tayong pag-uusapan”

hindi ko na siya hinayaang magsalita kasi pumasok na ko ng kwarto at sinarado yung pinto.

tuktok sa ulo. Hay! Trixie ano bang ginawa mo. Nakakainis ka.

Eto napapala mo pag hindi mo pinag-iisipan yung mga ginagawa mo e. Masisisi niyo ba ko? Wala naman talaga akong planong manggulo sa usapan nila e. Pero hahalikan niya si Lance sa harap ko? aba! Ibang usapan na yun no.  Di ako papayag.

Humiga na lang ako ulit sa kama nung nakapagbihis na ko.tapsokinuha ulit yung cellphone ko.

To: Jannah;Jannine;Leslie;Rachel

asan na kayo mga kaibigan? punta na kayo sa kwarto ko pls? mamamatay na ko sa super bored!.

From: Jannah

pauwi na kami. kamusta? anung pinag-uusapan nila sa rooftop?


From: Jannine

pauwi na kami e. anung nangyari? positive or negative?

From: leslie

nakauwi na ko. kmusta? sinong kinampihan ni Lance?

From: Rachel

ano patay na ba si bianca? sa mukha nung Lance mo kanina parang pwede na siyang pumtay ng tao e. hahaha,

ENEBEYEN!! Iniwan pala nila ko. akala ko pa naman. TSk! Pero at least di ba? Hindi ko nila nakita yun. Sigurado bubungangaan nanaman ako gn mga yun.

“Pwdeng pumasok?”

paglingon ko sa pinto, nandun si Lance.

“Bakit bumalik ka pa? malakas yun ulan oh” sabi ko naman sa kanya.

“Sabi mo bumalik ako diba. Bakit nakakawala ba ng memory yun —-“ 

“oo kasi virus ka.” sinagot ko siya ng mbilis kasi ayokong ituloy niya yung sinasabi niya.

“Wow ha. Ikaw nga yung nauna dyan e. well, moving on. Ano narinig mo kanina?”

“Marami.”

“Mind to explain yourself first?” sabi niya naman sakin. tumabi siya sa gild ng kama ko kaya nakaharap na siya ngayon sakin. KYAAAAA!! Nakakatunaw siyang tumingin. Swear. Pakiramdam ko para akong natutunaw na yelo.

“anong ieexplain ko sayo?”

“Bakit mo ko binasted?”

“Akala ko kagaya ka din nila. Liligawan mo lang ako dahil alam mong gusto kita. Nung sinabi ko yun kay Seth, akala ko kasi narinig mo. Kasi andun yung relo mo. “

“Lame excuse. Nandun yun kasi tinanggal ko. Tapos nakalimutan ko ng kunin ulit kasi nagemergency na si Mommy Lily. Di ka ba nagtaka bakit hindi white rose yung dala ko e alam kong favorite mo yun?” -Lance

“Hindi. Kasi ang gagaling nung mga kinontsaba mo. I find it sweet honestly. San mo nakuha yung mga sinabi nila?”

“Dito.” tapos tinuro niya yung chest niya.


“Ang keso mo. dagain tayo dito e. anyways. halatang guilty na guilty si Mommy Lily mo kasi hindi white rose yung naibigay niya sayo” 

“ha? Pano mo nalaman? “

“nagpunta ako dun.”

” at alam mo na na mali yung hinala mo?”

“oo. Sorry Lance. “

“Dapat nga ako yung magsorry sayo e.”

“OO nga. bakit ba kasi ang laki ng galit mo sakin?” - Trixie

“akala ko may something kayo ni Seth.” 

“hahahahaha!!. Lame excuse too. Si bianca ba nagsabi niyan?” 

“oo. siya din yung nakatabig nung vase na pinakakalaan mo na ako. Sorry trixie. andami kong kasa—-“ 

nilagay ko yung isang dliri ko sa labi niya para hindi na siya nakapagsalita.

“Tapos na yun. Ang mahalaga, ok na tayo ulit. ” I smiled at him.

he smiled back.

“Ako pa rin ba?” tanung ko sa kanya.

“Wala namang pumalit sayo e.”

” then you should wait. Feeling ko kasi, sa mga mistakes na nagawa natin, di pa tayo ready sa commitment. Pwede bang maging bestfriend mo ulit?”

“I can wait until forever. at oo ready akong maging bestfriend mo ulit”

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
317K 21.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
14.8K 864 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...