STATUS: Waiting, Hoping and P...

By crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... More

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 21

979 14 1
By crostichan

Trixie’s POV

Pagkatapos ng madamdaming ending namin ni Lance, syempre ano ba ang dapat kong gawin? Edi magmove-on. Magpakasaya at enjoyin ang buhay. Life is short. Life is uncertain. Sayang naman kung magmumukmok lang ako di ba.

Isa lang ang buhay kaya pag nasayang, sayang na talaga. Ayokong waldasin yung mga oras sa buhay ko dahil lang hindi nangyari yung mga bagay na gusto kong mangyari. o dahil lang nabasag yung puso ko. ang puso, it will heal in the proper time pero ang oras, hindi na natin yan maibabalik.

Oo first love ko si Lance. First heartbreak din. Masakit oo pero di ba every heartbreak will lead you to the right person? 

Pero bago ako tuluyang magmove-on, may isang bagay pa kong gustong gawin para kay Lance. 

Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext.

To: annia.

gudmorning po. :) ttnung q lng pu sna kng anu ung mga gagmitin ntn mamaya?

Mabilis sa alas kwatro pa sya nagreply

From: Annia

flour, sugar, salt, baking soda, cocoa, vinegar, oil, vanilla essence and extract, tapos eggs. :) 

pagkareceived ko ng text niya, inayos ko lang yung sarili ko bago ako umalis ng bahay. Ok na din pala yung paa ko kaya hassle free na.

Yung gagastusin ko yung pinagtrabahuan ko kay Annia ng dalawang araw. Counted pa din daw kasi yung araw na nag-away kami ni Bianca.

Pagdating ko sa grocery, nakita kong nandun din si Ate Ianne kasama si Kuya Jake.

“Ate Ianne!” lumingon naman siya sakin tapos hinalikan ako sa pisngi.

“Kamusta ka na Trixie?”

“Ok naman po . Ikaw kamusta ka na? Ay hello po Kuya Jake.” pagkasabi ko nun, ngumiti lang sakin si Kuya Jake,

“ok din. Ok na ok . hehehe. Birthday ni Lance ngayon ah. Di pa rin kayo ok?”

tumungo na lang ako dun sa pagkakasabi niya nun. Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sa kanya na wala na talaga.

“Do you have something for him?” dagdag na tanung niya.

tinaas ko lang yung basket na dala ko na may laman na mga ingredients na gagamitin namin ni annia mamaya.

“Wow, a chocolate cake? tama ba ko” sabi niya with amusement.

“Actually, oo e. hehehe. sana maging ok .” sagot ko naman.

“Sino nga palang katulong mo sa pagbebake?”

“Si Annia po. “ 

“Ah. yung kapatid ni Seth.”

“Kaso may problema pa po e.” sabi ko agad . Sana matulungan niya ko .

“Ano?”

“Hindi ko po alam panu ko to ibibigay sa kanya” sabi ko sa kanya.

“I think I need to play my role as your bestfriend?” tapos ngumiti siya sakin.

Sinabihan niya ko na pumunta sa kanila ng 6PM. Ewan ko kung anung plano niya, pero nagtitiwala naman ako sa kanya e. alam kong hindi niya ko ilalagay sa alanganin.

Chineck ko lang kung nabili ko na lahat ng mga dapat bilhin bago ako dumiretso sa resto ni Ate Annia. Ay! annia lang pala.

“Annia. nandito na ko”

Lumabas na si annia ng pinto tapos sabi dun kami sa kusina.

Inabutan niya ko ng apron tapos sinimulan na namin yung cake. Sana talaga maging maayos yung kakalabasan nito.

Sabi ni Annia, ituturo niya lang daw sakin yung instructions tapos ako na bahalang gumalaw kasi what’s the sense daw na ako yung gumastos kung hindi din naman kamay ko yung gagawa.

Tapos yun nga, sinumulan ko ng pagsamasamahan yung mga solid na ingredients.. tapos yung mga liquids. nung nahalo na lahat lahat binake namin siya sa oven with 175 celsius na temperature for 30 minutes.

Pagkatapos, ngayon mukha na siyang tinapay. :)

Inabot sakin ni Annia yung maliit na portion nung binake namin. Naghiwalay kasi kami para matikman din namin kung ok na yung lasa .

pagkasubo niya nung cake, antagal niya bago nagsalita. Kaya kinabahan ako. Fail ata.

After 5 minutes

“Look at your face. EPIC!. HAHAHAHAHAHA” sabi niya sakin tapos tinawanan niya ko ng parang walang bukas,

” kamusta? Ok lang ba?” natatakot na tanung ko sa kanya. natatakot kasi akong malaman yung sagot.

tapos nag ok sign naman siya. yung nakataas yung thumb.

HAYYY! Parang nabunutan ako ng malaking tinik dun ah.

may binigay lang sakin si Annia.

“Ikaw na bahalang magdesign niyan.”

kaya ginamit ko na yung skills ko sa paglalagay ng frosting tska icing.

NIlagay ko yung ginawa naming pang frosting dun sa cake.

wow, ang sarap na niyang tignan. tpos last yung

“happy birthday Lance”

May mga nilagay din kaming ibang design.

“Halatang babae yung gumawa ah” sabi niya sakin.

Oo nga babae yung gumawa pero lalaki naman yung pagbibigyan. Hindi ata suitable.

NIlagay lang namin ni annia sa ref yung cake na nagawa namin. at tinignan ko yung relo ko.

4:30.

“Annia. babalikan ko na lang yan dito ha. magbibihis lang ako”

umuwi muna ako saglit bago ako dumiretso kila Lance.

Nung makarating ako sa gate nila, tinext ko lang si Ate Ianne.

To: ate Ianne

Ate, andto na ko sa gate nyo.

Maya maya may narinig na kong naglalakad palabas kaya nagtago ako sa isang halaman sa gilid.

“Trixie, asan ka?” boses ni Ate Ianne yun kaya lumabas na ko.

Pagpasok namin sa kanila, halatang maraming tao. Ibig sabihin may party pala silang pinrepare kay Lance.

“Don’t be sad kung di ka invited. surprise party kasi yan kay Lance. wala siyang idea na nagpaparty si Mommy” bulong akin ni Ate Ianne.

Dinala niya lang ako sa garden nila. Tapos pinaupo dun sa upuan dun.

“Dyan ka lang muna ha” sabi niya sakin tapos umalis na siya.

ok I/m all alone here. nilibot ko yung mga mata ko sa garden nila. Medyo maliit lang siya pero halata mong alagang alaga yung mga bulaklak dito.

“What are you doing here? ” napatayo ako sa boses na yun. ang masculine pero walang kaemosyon emosyon.

Lumingon ako sa kanya pero yung mga mata ko, hindi sa mukha niya lumanding kundi sa leeg niya.

Hindi niya suot yung kwintas.

” E basta, wag kang magpapakita sakin na hindi yan suot ah. Pag ginawa mo yun, ibig sabihin ayaw mo na kong maging bestfriend”

Naalala ko yung usapan namin sa playground.  Ayaw na nga niya.Baka tinapon na niya. Excited pa naman ako kasi usapan birthday namin bubuksan yung necklace para basahin yung message.

Lance’s POV

Hindi ko alam may surprise party pala sakin si Mommy. Kaya nagulat ako pag-uwi ko ng bahay may mga bisita na kami. galing kasi ako sa isang tahimik na lugar e. Dun sa lugar malapit sa puntod ni Kuya Jerome. ang plano ko kasi peaceful birthday lang. Sa dami ng mga nangyari sakin, parang ang hirap magsaya.

Kaya gusto ko din ng peaceful kasi may gusto akong kausapin.

” Every night, hindi nawawala sa prayers ko si Trixie. Lagi kong hinihiling na sana siya na lang. Lagi ko siyang hinihingi sayo. Di ba mas ok yun? Tatay ka niya so dapat lang na sayo ko siya hingiin. Pero bakit po nangyayari to, bakit parang gumulo lahat nung umamin ako sa kanya. Hindi ko naman po kayo sinisisi e. Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong gusto niyong mangyari at kung ano yung rason niyo sa mga bagay bagay. Ayaw po kitang pangunahan. Alam kong alam mo kung panu mo papatakbuhin yung buhay ko. Pero gusto ko pong malaman na nasasaktan ako. Can you give me a hug? Kasi kung meron pong makakaintindi ng nararamdaman ko ngayon, it will be you. Wala na pong iba.

I’m trusting you. One day malalaman ko yung sagot niyo sa mga nangyayari ngayon. Please, wag mo kong bitawan. Wag mo pong hayaan na mawala yung faith ko sayo. hawakan niyo po akong mabuti kasi baka pag ako lang yung humawak, baka bumitaw ako.

sa ngayon po, please prepare me for someone na hinahanda niyo sakin. Baka hindi pa ko ready sa relationship kaya to nangyayari. “

Bago ako tuluyang umalis, nagpahabol ako sa kanya. ” salamat po sa oras niyo”

sa ginawa ko ngayon, eto lang masasabi ko, REAL MAN PRAY.

Pagdating ko sa bahay yun nga, nandito na yung mga kaibigan ko. Tapos binati lang nila ko. Hindi na kasi uso yun kakantahan pa ng happy birthday tapos blow the candle.

Umupo na lang ako sa sofa kasi dun sila nagkakantahan.

“Lance, punta ka sa garden. Ngayon na.”  Bulong sakin ni Ate Ianne.

“Bakit? anung meron?” tanung ko sa kanya

pero umalis na siya agad. Ano kayang mayroon sa garden?

Pag punta ko dun, nakita ko yung likod ng isang babae. Kahit nakatalikod siya alam kong siya yun.

“Anong ginagawa mo dito?” tanung ko sa kanya

humarap naman siya sakin pero hindi siya nakatingin sa mata ko. Sa leeg ko lang.

oooopss. tinanggal ko nga pala kanina yung kwintas habang naliligo ako. swear! Kahit na may away kami, hindi ko tinanggal yung kwintas. pwera na lang pag maliligo ako.

Nakita kong namumuo yung  luha sa mga mata niya kaya tumingala lang siya saglit sa langit bago nagsalita.

“Gusto ko lang sanag ibigay sayo to” inabot niya sakin yun isang box. “Promise, last na talaga to. Gusto ko lang malaman mo na hindi ko nakalimutan yung birthday mo at tingin ko hindi ko na yun makakalimutan, Happy Birthday Bes- Lance”

Hindi ko pa rin tinatanggap yung binibigay niya.

“Tanggapin mo na please, pinaghirapan ko kasi yan e” 

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi pero dahil pinaghirapan niya tatanggapin ko.

Pero nung kukunin ko na, binaba na niya. Nilagay niya lang dun sa upuan tapos umalis.

Kinuha ko lang yung box tapos pumasok ako sa kwarto ko.

pagbukas ko nung box, at nakita ko yung isang chocolate cake. Tama lang yung laki niya. Pang dalawang tao.

Biglang umilaw yung light bulb sa utak ko . Tama.

Kinuha ko yung cellphone ko tapos dinial ko yung number niya.

“the number you have dialled is either unattended or out of coverage area, please try your call later”

nagpalit ba siya ng number o nakapatay lang yung cellphone niya?

Dun sa ilalim ng cake my nakalagay na note.

“happy birthday Lance. don’t forget to open the necklace. Sabi mo sakin di ba birthday ko na buksan yung akin? yung sayo pwede na. birthday mo na e”

Sa pagkakasulat nito, parang walang nangyari samin. Parang ok na kami ulit kahit ang totoo, hindi naman talaga.

Kinuha ko yung necklace sa CR. At binuksan. Nakita ko yung naka roll na pink na papel sa loob tapos yung nakasulat

“I can live without you but believe me it will never be the same. Please stay close don’t go. I love you best bigtime. I promise, I will always be your best girl bestfriend”

nagsisimula nanaman akong maguilty ng may pumasok ng kwarto ko.

“WOW! Parang ang sarap nitong chocolate cake na to ah. Penge ha” boses ni ate Ianne ko.

Nagmadali akong lumabas gn CR.

“subukan mo lang. baka makalimutan kong kapatid kita” biniro ko siya.

“Wow ha, ayaw talagang ishare ang gawa ng kanyang iniirog. hahahaha. tikman mo na. pinaghirapan niya yan” sabi niya sakin tapos nagbigay ng tinidor.

“Forgive her. hindi mo alam kung anong totoong nangyari” sabi niya sakin.

“I know what happen. Gusto niya si Seth. Niloko nila ko”

“If I were you, kakausapin ko si seth” tapos lumbas na siya ng kwarto.

Pero bago niya sinara yung pinto.

“Lance, si trixie parang si Cinderella. Pagdating ng 12am mawawala na siya. so boy, don’t miss your chance. make her your princess

Para saan pa? kinain ko na lang yung portion nung cake and masarap siya. Halatang binake ng maayos. kung siya nga yung gumawa nito, she is too good for a first timer.

I think I received the best gift so far. Pag birthday ko kasi lagi na lang ready made yung mga regalo nya sakin.

T-shirt na hindi naman sya yung nagtahi.

Sumbrero na may pangalan ko pero di naman sya yung nagburda,

keychain na hindi naman sya yung nagdesign,

libro na hindi naman sya yung nagsulat at greeting card na gawa naman ng hallmark. 

Ang nakakatawa pa, she baked a cake e hindi nga sya marunong magluto e. Di ko tuloy maiwasang isipin kung anung itsura niya habang ginagawa yung cake. 

Hindi naman sa minamaliit ko yung skills nya kasi masarap yung cake, pero siya ba talaga gumawa nun?

I caught myself smiling alone. Gusto na kasi ng puso kong sumabog dahil sa tuwa. akala ko papalagpasin niya lang yung birthday ko ng ganun ganun lang. 

Trixie you made my day

Continue Reading

You'll Also Like

619K 39K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...