Inside Her Mind (GirlxGirl)

By dark19

234K 8.8K 333

Can you love the person that everyone hated the most? This a Lesbian Love Story. (Cyrll and Roian story) More

Prologue
The Beast's Nightmare
Art of Scar
FEAR
Dark
Rose
EX
Gale
Sense
Hint
Devil beside me
Answer
The Good One
Wish
Paradise
Like
Did It
Mad
Sleep
Sweet Fever
Experimental Feelings
Through her eyes
Journal
Secret Code
Weak Point
Truth
To Stay
New Start
Other Side
Knew
Perception
Half
Her Like
Destruction
Sweet Wine
Home
Two Worlds
Promise
Deception
Hunter's Show
Master of Sanity
Art of Betrayal
Kite
Itself
Behind Illusion
That kid!
Knife
One Step
Concern
A Paper
Starting In Her Mind
Mind of it's own
Inside Her Mind
Epilogue

Capacity

3.5K 154 10
By dark19

Gale's POV

"Beg for your life, sister..." natatawang saad ko at dahan dahan akong lumapit sa kanya habang hawak ko yung patalim na binigay nila. Sa sobrang excited kong mawala sya hindi ko maramdaman yung masasakit sa buong katawan ko.

"Dalawang hakbang mula sakin luluhod ka." Kampanteng saad nya at napangisi ako. It will never happen!

"Really?" Sarkastikong tanong ko.

"Trust me...I'm your fucking half sister right?" Natatawang saad nya.

Nang malapit na ko. Parang naliyo ako. Hindi ako makahinga! Lahat ng memorya nung araw na iyon bumalik sa isip ko....sinong nagpapatugtog ng musikang yun! Napaluhod ako at nanlalamig ang sikmura ko at parang nilalamon ako ng kadiliman.

"Turkish March....bakit hindi mo sinabing paborito mo ito Gale?" Nang uuyam nyang tanong.

Lahat! Lahat ng ala alang binaon ko sa limot bumabalik sa isip ko. Nanginginig ako. Napaluhod akong maigi at hindi ako makatayo sa takot. Hawak ko ang pulso nya at tinulungan ko sya para hindi na huminga. Dad look at me intently habang hinahabol nya yung hininga nya, Mom cheering me up while I'm doing it. Yung music na pinapakinggan ni Dad kagaya din ng tumutug ngayon habang dahan dahan kong dinidiin yung patalim sa pulso nya. Hatred, anger and feeling Numb this things....it kills my emotion and my heart.
Yung pagsirit ng dugo nya sa pulso nya ay sumasabay sa saliw ng tugtog ni Mozart. Ibang saya yung nararamdaman ko pero nung pinilit ng nakagisnang ama ko na magsalita....my world crashed down...
'I....hate you...' yan yung huling salita na binitawan nya sakin bago sya nalagutan ng hininga at yung musikang yon nilalamon yung ulirat ko. At di ko nakayanan.Natutuyo na yung lalamunan ko.....

"Bangon Gale...wag kang mahina..." boses ni Cyrll.

Lumapit sya sakin at yumukod.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may melophobia ka? Napakahina mo Gale...." natatawang saad nya. Parang lumalakas yung tugtog sa buong paligid...Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko na kaya........nagdilim na yung paligid ko.

Hunter's POV

Wala ng malay si Gale at dumudugo na yung ilong nya. Torture tong ginagawa ni Cy sa kanya. Pero mas grabe pa din yung ginawa nya sa kaibigan ko.

"Iwan mo yang si Gale sa harap ng bahay ni Raffy....Introduction lang ito at sigurado ako di nya malilimutan itong araw na nagpakilala ako bilang kapatid nya..." nakangising saad ni Cy.

"Ang hina naman nito para maging kapatid mo...." saad ko at sinenyasan ko yung tauhan ko na buhatin si Gale.
"Pupunta na kong Singapore....isusunod ko ang tatay ko."

Walang ganang saad nya at humakbang palayo. Sobra yung sakit yung naipon sa isip at dibdib nya at nilalabanan nyang sumabog. Goodluck kay Roian kung magagamot ba nya itong si Cy.
Ang galing din nyang magpanggap na magaling na sa harap ng lahat....

Roian's POV

Bandang 7pm ay tumawag si Cy na nasa Singapore na sya. Alam ko na hindi sya makakapagwalangya doon kapag kasama nya yung pamilya nya.
Napaigtad ako sa gulat ng makita ko na tahimik na nakaupo si Hunter malapit sa plantbox ng resturant ko.

"Hunter...." tawag ko at masaya syang ngumiti sakin.

"Roian!" Para syang batang lumapit sa akin kaya napatawa ako. Ang cute nya.

"Why are you here? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Takang tanong ko at inagaw nya sa isang kamay ko yung dala dalahan ko.

"Binilin ka sakin ni Cy...sunduin daw kita habang wala sya." Masayang saad nya.

Parang di naman ako mananalo sa isang 'to kapag sinabi kong wag na kase sobrang loyal nito kay Cyrll.

"Tara na...sa bahay ka na din magdinner para mameet mo din yung anak ko." Nakangiting saad ko.

Parang nagliwanag yung mukha nya nung sinabi ko yun.

"Really? Nakakatuwa....pangarap ko kase na magkaroon ng bunsong kapatid..." nakangiting saad nya.

"Matutuwa din yung anak ko...pero ngayon palang magpapasensya na ko napakakulit nun kaya humanda ka na..." natatawang sabi ko.

Ngumiti sya at parang nasasabik sya sa ideyang makikila nya yung anak ko.

Habang daan ay nagkukwentuhan kami, kakagraduate lang daw nya nung college nung nagkasakit sya pero ngayon nag uunder trainning sya sa kumpanya nila para makatulong daw sya sa pamilya nila.

"Kahit anong mangyare wag mo ng iiwan si Cy....ikaw kase yung buhay nya. At sa mga darating ang kailangan mo lang eh malawak na pang unawa at buong pagmamahal sa kanya. Did Yuri told you na isang breakdown pa ni Cy eh hindi na sya makakabalik?" Seryosong tanong nya sa akin habang nagmamaneho. Biglang bumigat yung pakiramdam ko...napabuga ako ng hangin at napailing. Hindi ko alam...

"Gagawin ko ang lahat para magtuloy tuloy ang pag galing ni Cy...ayaw ko na din kase na mapahiwalay sa kanya..." sabi ko. Ngumiti si Hunter sa akin.

"Kailan kaya ako makakakilala ng isa pang 'Roian', Cyrll is lucky to have you..." masayang saad nya.

Natutuwa ako dito kay Hunter kase ramdam ko na kapatid ang turing nya kay Cy at sobra nya itong protektahan.

"Aba, malay mo malapit mo na syang makilala...." nakangiting saad ko.

Pagkarating namin sa Condo ay tinulungan nya ko buhatin nya yung dala dalahan ko. Nakasakay kami sa elevator. Hinila nya ko sa gilid ko ng may mga pumasok pa na iba. Pinagtitinginan nila kami. Pero si Hunter tahimik na ulit ilang saglit.

"Anong gagawin mo bukas?" Tanong nya sakin.

"Maggogrocery..." saad ko at napatango sya.

Nang makarating kami sa floor ng unit ko ay halatang excited sya kaya natatawa ako.

"We are here...pasok ka." Saad ko.
Sinalubong ako ng yakap ng anak ko.

"May nakamiss sakin..." natatawang sabi ko at pinugpog ko sya ng halik sa pisngi.

"Me!" Masiglang saad ng anak ko at mayamaya ay natahimik sya at parang nakatingin sya sa likuran ko.

"Anak...meet my friend....Hunter...Hunter si Yuan anak ko." Saad ko at napangiti ako sa itsura nila.

"Ang cute ng anak mo Roian...." masayang saad ni Hunter.

"Mana sakin..." proud kong sabi.

"Marami na kong matatanggap na regalo sa pasko Mommy...ang dami ko ng ninang..." masayang  saad  ng anak.

"Anak...wala sya nung binyag mo..." bulong ko sa anak ko napaka self proclaim talaga.

"Eiiii! Tita Cy told me, if I met Hunter sabihin ko daw sa kanya na ninang ko sya..." natatawang sabi ng anak ko. Loko ka Cy!

"Ang bait nyo ng Tita mo..." nakakainis sobrang iisa ang kalokohan nila. Hunter is laughing.

"You know what Roian...Ninang na nya ko...that's good idea.." masayang saad ni Hunter at patakbong lumapit sa kanya yung anak ko para yumakap. Tuwang tuwa si Hunter na kinarga ang anak ko at sinabi ko na sa salas muna sila.

Magkasundo agad yung anak ko at si Hunter....mukhang madaming  naikwento si Cy kay Yuan about Hunter.

Nung bandang 9:30pm ay nagpaalam na sya. Hinatid ko sya hanggang elevator.

"Wag ka ng tatanggap ng bisita maliban sa pamilya mo...mag ingat kayo." Saad ni Hunter bago pumasok sa elevator at ngumiti ako bago tumango.

"Ingat sa pagdadrive," at ngumiti sya sakin bago tululayang lumulan sa loob ng elevator.

Sobra yata pagod ng anak ko at ang maaga syang nakatulog sa tabi ko. Mayamaya ay nagring yung phone ko.

"Babe..." mahina pero masiglang saad ko baka kase magising si Yuan.

She chuckled to the next line.

"I miss you.." malambing na saad nya at napangiti ako.

"Miss na miss na din kita....kumain ka na?" Tanong ko.

"Oo, nagluto si Mommy ng mga paborito ko ang OA nagmukhang birthday yung hapunan namin....kumain ka na?" Saad nya at napatawa ako.

"Namiss ka ni Tita...oo kumain na ko kasalo namin si Hunter dito ko na sya pinakain." Kwento ko.

"Nameet na pala nya yung inaanak nya..." natatawang sabi nya

"Puro kamo kayo kalokohan ni Yuan...wala ng nagawa si Hunter ng ideklara syang ninang ni Yuan kanina..." natatawang sabi ko.

"Sobrang sabik din kase si Hunter sa bata kaya okay lang yon. Nakita mo yung card na iniwan ko sa side table?" Tanong nya at tiningnan ko. Naiwan nya?

"Oo...andito naiwan mo." Saad ko.

"Iniwan ko talaga yan...the next day uuwi si Mommy, tutulungan ka nyang bumili ng furnitures sa bahay natin...ikaw na bahala sa pag aayos dun." Saad nya. Bigla naman akong kinabahan. Ngayon na lang ulit kami magkikita ng nanay nya. Nakakahiya.

"Masaya si Mommy na nagkaayos tayo wag kang mapraning." Natatawang sabi nya.

"Hindi ako napapapraning..." saad ko at lalo syang natawa.

"Excited nga si Mommy sa date nyo daw." Sa totoo lang ninenerbyos nga ako sa ideya nya.

Hanggang 10:30pm ay magkausap kami, kung hindi ko lang pinagbawalang magpuyat 'to malamang aabutin kami ng madaling araw nito.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil nagulat ako sa pagvibrate ng cellphone ko sa side table.

Nakasiksik yung mukha ng anak ko sa bandang leeg ko at para syang stuff toy habang yakap yakap ko. Parang ayaw ko na syang lumaki....kinuha ko yung cellphone ko at muli kong Yinakap si Yuan.

Hindi ko alam bakit dumaloy yung kaba sa dibdib ko ng mabasa ko kung sino yung sender.

Si Joseph, kapatid ni Alvin at tiyuhin ng anak ko.
Alangan ako dahil hinihiram nya yung anak ko para gumala. Ayoko pero hindi ako makakatanggi dahil kapatid nya ang ama ni Yuan.
Nagreplay ako na kung pupwede ay sa makalawa na lang dahil may test si Yuan sa school. Kahit papaano nakahinga ako ng pumayag sya. Hindi kami close nitong si Joseph at mula pa noon hindi ako komportable sa kanya kapag nasa paligid sya.
Mayamaya ay nagring yung phone ko hindi ko pa naman naibababa. Uknown number.

"Hello?"

"Tara grocery na tayo. Nasa labas ako."

"Hunter?"

Pagtingin ko sa wallclock 7:30am palang. Bwiset! Wala pang bukas na grocery ng ganitong oras kaloka!

Jayson's POV

Magkakaharap kaming buong pamilya sa hapagkainan. Cy is doing great. Ang laking improvements ng magkabalikan sila ni Roian. Natutuwa ako sana magtuloy tuloy na yung pag galing ng kapatid ko. Si Daddy nandito lang para magpanggap sa harap ni Cy na okay yung pamilya namin. Dahil sa takot nya na magwala si Cy gaya dati. Hindi lang kase si Roian yung kamuntikan nyang mapatay. Ang malala sa harap namin nya yun ginawa dati.

"Mommy, sasamahan mo talaga si Roian bukas?" Parang excited na tanong ng kapatid ko sa nanay namin. Si Daddy nakatingin lang sa kanila.

"Syempre naman. Ang tagal din namin di nagkita na.Ipapaiba ko din yung pintura ng bahay nyo." Masayang saad ni Mommy.

"Abay ko yung anak nya sa kasal ko..." diklera ko naman.

"Really? Aww! That's cute." Natutuwang saad ng kapatid ko.

Yuan is accepted to our family dahil napamahal na ito kay Cy. At pamangkin din sya ng mapapangasawa ko.

"Kailan ang balik mo ng Tower?" Seryosong tanong ni Dad kaya natahimik kami ni Mommy. Pagtingin ko kay Cy. Biglang may nagbago sa mga mata nya ng kausapin sya ng tatay namin.

Pinunasan ni Cy ang labi nya gamit ang table napkin.

"Soon as posible....at nga pala." Binaba ni Cy yung kubyertos nya at direktang tumingin kay Dad. Biglang nakaramdam ka ng tensyon kahit hindi pa sila nagsasalita.

"I have a business proposal with you Dad, alam ko hindi mo ko matatanggihan this time." Saad ng kapatid ko. Si Mommy kagaya ko pinapanuod lang sina Cy na mag usap.

"Ano yun..." Si Daddy at binaba na din nya yung kubyertos.

"Alam ko na alam mo na Dad na ibinigay na saakin ni Mommy ang share nya. At nakuha ko na ulit yung share na pinamana ni Lolo sakin at ganun din si Kuya. Mabubuhay na kami...." natawa si Cy ng mahina ng bigkasin nya yung huling salita.

"Okay na kami, sign the divorce paper na natengga ng halos anim na taon. You can live you life to the finest. "
Lahat kami nagulat sa deklarasyon ni Cyrll.

"Cyrll..." nag aalalang tawag sa kanya ni Mommy at hinawakan sya sa kamay nito. Cy look at our mother lovingly.

"I know what I'm doing...Yuri is right let go the person who dont want to be with you because it's not healthy and stick to the people who really love you. That's the good start to heal your heart from pain." Saad ng kapatid ko.
Yung tatay namin heto at namumutla.
Sinenyasan nya yung secretary ng nanay namin at lumapit ito kay Daddy at nilapag yung brown envelope sa harap nya.

Tahimik na ulit si Mommy. Para akong sinasakal sa ginagawa ng kapatid ko.

"I want you to sign it today in front of us...I know who is Gale in your life, in my life and everyone in this room....don't worry, Tanggap ko na. Ewan ko lang sa inyo Kuya Jayson."  Natatawang saad ng kapatid ko. Hindi ko makapa kung anong emosyon ang nararamdaman nya ngayon.

"I'm allowing you to be with them just in one condition....." tumayo si Cy at tumabi kay Mommy at pinatong nya yung isang braso nya sa balikat ng nanay namin.

"Leave the Tower, Kay mommy yun pinamana...kami na ang bagong henerasyon ng company. Kami ni Kuya. I know everything....I know what are you doing. Gale dont have any chance to be part of what are mine....remember that Dad." Nakangiting saad ng kapatid ko.
Si Daddy parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sobrang putla nya.

"Hindi ka pipirma?.......alam nyong lahat yung kapasidad kong mangwasak.....wag nyo kong pilitin na gawin yung mga nakakabaliw na bagay na ginawa ko sa ibang tao dito sa loob ng pamilyang ito at  sa pamilya ni Gale." At blangko na ulit yung mga mata nya.

Ni isa sa amin ang hindi na makakibo sa kanya.

...............
Thanks for Reading
Vote and Comment kayo guys
~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

178K 10.1K 40
Lesbian Love Story Santillan Series
175K 905 5
this is a lesbian story. (Yvie and Andrea Story)
88K 2.7K 57
Sa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'P...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022