[LWTCB: The 5 fiancé]
Denzerie Ramirez Pov
Nakuha ko na ang sweldo ko at napangiti.
Kasabay nang paglakad ko ay ang pagtunog nang cellphone ko.
*Mrs. Contejo calling...*
Bakit kaya napatawag si Mrs. Contejo? Agad ko itong sinagot .
"Denzerie? Ija." Bungad ni Mrs. Contejo. "Bakit po?" Tanong ko.
"Uuwi kasi ako sa mansyon ngayong gabi. Pwede bang maghanda ka nang pagkain? Gusto kong masorpresa sila sa pagdating ko." Sambit ni Mrs. Contejo
"Makakaasa po kayo." Masaya kong sambit. "Salamat ija. Oo nga pala, natanggap mo na ba yung sweldo mo?" Tanong ni Mrs. Contejo.
"Opo. Maraming salamat po." Sambit ko. "Sige ija, magkita tayo mamaya." Sabay patay niya nang cellphone.
Inayos ko ang sarili ko at bumuntong hininga. A way to relieve my boredom...
Nang makauwi ako sa bahay ay wala parin ang Contejo. Nakapagtataka naman ata?
Dumiretso ako sa kwarto at nilapag ang bag ko bago nagbihis at nagtali nang buhok.
"Ano namang iluluto ko?" Bulong ko at napahawak sa pisnge ko.
Napangiti ako saglit. Alam ko na!
Bumaba ako at naghanap nang manok. Tamang-tama!
Nakangiti akong inihanda lahat nang dish na lulutuin ko. May silbi din pala ang pagiging mag-isa sa mansyon.
Sa kalagitnaan nang pagluluto ko ay nakarinig ako nang pagbukas nang pinto.
Ngayon palang sila nakauwi? Nagpunas ako nang kamay at sinalubong sila sa sala. Tahimik ang paligid at Wala ni isa ang nagsasalita.
"Anong problema niyo?" Ngiti ko. Napatingin sakin si Lei. "You should have told us." Kumunot ang noo ko.
"Ano namang sasabihin ko?" Tanong ko sabay balik sa kusina at pinatay ang kalan.
Bumalik ulit ako sa kanila at nakapamewang na tinignan sila.
"Dapat sinabi mo!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Lei. Ano bang sinasabi niya?
"Girlfriend ko na si Rica ngayon! I can't break up with her!" Kinabahan ako.
"Dapat sinabi mong ipapaarrange marriage kami Rie! Fuck this!" Sabay hawak sipa niya sa sofa na kinakaupuan ninaand Zhairon.
"Paano niyo----"
"King told us." Napayuko ako. "I'm sorry..." Napasabunot na si Lei.
Kasabay nito ang pagkatok sa pintuan. "Ako na." Sambit ni Raven.
Pagkabukas ni Raven nang pinto ay agad itong napaatras. Napatayo naman ang magkakapatid.
"Mama..." Sambit ni Zhairon.
"Wala man lang confetti?" Tawa ni Mrs. Contejo
"Tignan niyo kung sino pa mga kasama ko." Bumukas ang pinto. Nakita ko ang limang babae at limang magulang ang ang nandito.
Totoo nga...
Agad akong pumunta nang kusina at inihain lahat nang pagkain.
Nagtimpla din ako nang juice na sakto sa pag-upo nila.
Agad nakuha nang isang babae ang atensyon ko. Nakaupo siya sa harap ni Zhairon at nagkakatinginan sila.
Nakangiti kong isinalin ang juice sa mga baso. "Can we start?" Tanong nang mama nang Contejo.
"Sure. Excited na akong makilala 'yang magkakapatid." Ngiti nang isa.
"I introduced you the youngest, RAVEN CONTEJO. 14 years old." Panimula ni Mrs. Contejo.
"Raven this is your fiancé her name is Angela Co. 14 years old." Ngumiti Ang babae pero napainom lang nang juice si Raven at diretso Ang tingin sa babae.
"Next, Lance Contejo and his twin Lei Contejo. 16 years old."
"Lance this is your fiancé her name is Kyline Nightingale." Makikipagkamay sana ang babae nang uminom nang juice si Lance kaya napaatras ang kamay nang babae.
"Lei, this is your fia---"
"Rica." Napangiti ako. "Hi Lei." Ngiti ni Rica kay Lei. "Ohh, I bet you know each other."
Ngumiti si Lei. "Ma," sabay tayo ni Lei at inalalayan si Rica tumayo. "Ma, Rica is my girlfriend." Ngiti ni Lei na nakapagpasaya sa mama niya.
"Wala na pala tayong problema sa inyo." Ngiti nang mama ni Lei.
"Kaya pala todo ngiti itong si Rica." Ngiti naman nang mama no Rica.
I guess they're destined with each other...
"So let's continue. This is Allister Contejo my second son. 17 years old." Ngumiti naman si Allister.
"Allister, this is your fiancé Diana Galvez." Ngumiti naman si Diana.
"Nice to meet you." Sambit ni Diana. Makikipagkamay din siya nang halikan ni Allister ang kamay ni Diana.
Napatawa ako nang bahagya. Nako Allister...
Kita ko ang pamumula nang mukha nang babae.
"And my last son, Zhairon Contejo. 17 years old. This is your fiancé Kathleen Cooper." Sabi ko na...
"I know her Ma. She's our muse. She's also my partner in Mr. And Ms. Easthigh since Rie quits." Napatingin sakin si Mrs. Contejo.
"It's my own decision naman po." Ngiti ko. "She doesn't have a chance to win anyway." Napatingin ako kay Kathleen.
"Oops.... Just kidding." Ngiti ni Kathleen.
"But don't worry tita mananalo po kami ni Zhairon." Ngiti ni Kath.
"Pagbutihan niyo ija. We will be there to support the both of you." Tumingin sakin si Kath na para bang nang-aasar pero nginitian ko lang siya.
"Ngayon na tapos na tayo sa intro, mabuti pa kumain na tayo." Nilagyan ko sila nang pinggan hanggang sa bigla akong napatid pero inalalayan ko ang pinggan para hindi mabasag.
"Omygosh, okay ka lang?" Tanong ni Kathleen kaya tumayo ako at nagpagpag nang apron bago ko siya binigyan nang pinggan.
"Ija, ayos kalang?" Ngumiti ako kay Mrs. Contejo at tumango.
"Sure ka?" Tanong ni Zhairon. "May gasgas yung tuhod mo." Sambit niya sakin.
"I guess it's my fault... Uhm tita? Pwede po bang mahiram si Rie saglit?" Sambit ni Kathleen.
"Ako na din po gagamot sa kanya." Sambit niya pa.
"Sure." Sambit ni Mrs. Contejo.
"Tara." Sabay alis namin at pumunta nang kwarto ko. Iniupo niya ako sa kama.
Kumuha naman siya nang first aid at dinampian ang bulak nang alcohol bago dinampi sa tuhod ko.
"Ang sakit sigurong madapa." Sambit niya. "Tapos alam mong WALA NANG SASALO SAYO."
Nilagyan niya nang band aid ang tuhod ko. "Masakit din siguro yung pakiramdam na yung nagmamahal sayo dati.... MAY MAMAHALIN NANG BAGO NGAYON." Ngisi niya sakin.
"Ano bang gusto mong ipunto?" Tanong ko.
"I want you to know your limits." Ngiti niya at binuksan ang pintuan.
"Lalo na't isa ka lang DAKILANG YAYA." Huli niyang sabi bago sinara ang pintuan.