The Friendly Wedding (Season...

Por FGirlWriter

11.9M 284K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... Más

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Six

211K 6K 1K
Por FGirlWriter

CHAPTER SIX

PADABOG na nilagay ni Sapphire ang huling pinggan na hinugasan niya sa lalagyan niyon. Tumama iyon sa mga kapwa pinggan nito kaya naman lumikha ng ingay iyon.

            "Misis, huwag ka nang magdabog. Ayan na, tapos ka nang maghugas ng pinggan."

            Nilingon niya ito at tinignan ng masama. "I thought we're friends? But why are you doing this to me?"

            "Tinuruan lang kitang maghugas ng pinggan, nagkakasumbatan na ng pagkakaibigan? Natapos mo naman maghugas. Next time, huwag ka na lang magdadabog."

            "Look at my hands!" singhal siya sabay taas ng mga kamay niya. Sinadya niya pang itapat ang mga iyon sa pagmumukha nito. "Namumula! Kumukulubot! It's so ugly! Kasalanan mo 'to!"

            Tumawa ito. "Natural lang iyan. Pero hindi naman habang buhay na ganyan iyan. Babalik din sa dati ang kamay mo. Halika, lagyan natin ng hand lotion para hindi mawala ang lambot at kinis niyan." Hinawakan pa siya nito at hinila papunta sa loob ng kuwarto.

            Umupo siya sa kama habang may kinuha naman ito sa loob ng closet. Tumabi ito sa kanya at may hawak na itong isang bote ng hand lotion. Maya-maya pinapahid na nito sa kamay niya ang lotion at may kasama pang marahang hilot.

            Hindi naman marami ang hinugasan niyang pinggan. Naghugas lang siya ng pinagkainan nila kaninang umaga at ng lunch. Pero ang kinadadabog niya ay ang matagpuan ang sariling sumusunod sa pinapagawa sa kanya ng magaling niyang asawa! She can't believe it!

            "Pagkatapos nito, tuturuan naman kitang magwalis at maglampaso ng sahig. Maglilinis din tayo ng banyo mama—"

            Matinis siyang napatili. "No! Ayoko na, Johann! First day na first day ng marriage natin, inaalipin mo 'ko!" sigaw niya

            He grimaced. "Hindi kita inaalipin. Ginagawa ko lang na productive ang araw na'to para sa'ting dalawa. Ang mga bagong kasal, laging productive ang mga araw."

            "Productive sila dahil nagpo-produce sila ng baby! Hindi sila naghuhugas ng plato o maglalampaso ng sahig!"

            "O, eh, anong gusto mo? Gumawa na lang rin tayo ng baby?"

            Tinadyakan niya ito sa binti ngunit nakaiwas ito.

            Naiinis na binawi niya ang kamay mula rito. "I'm going to sleep! I don't want to sweep and polish the floor!" Humiga siya at nagtalukbong ng comforter.

            "Sigurado ka bang magte-twenty-eight ka na? Bakit ka ganyan? Para kang bata! Ay, hindi pala. Kasi ang bata mas gusto pang matuto ng mga bagong bagay. Hindi katulad mo. Aba, Misis, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo."

            Sapphire screamed when Johann grabbed her feet. "Johann!"

            "Tumayo ka diyan o hahalikan kita!"

            "Ayokong magwalis at maglampaso! Lalong ayokong maglinis ng banyo! That's so eew!" Hah! Hinding-hindi na siya ulit mapapasunod nito. Ayaw na ayaw niyang helpless siya at walang choice kapag nakikipagtalo sa lalaki. Isa pa, no one dared na utusan ang isang katulad niya!

            Mas hinila ni Johann ang mga paa niya ngunit kumapit siya sa headboard ng kama.

            "Isa!" pagbibilang nito.

            "No!"

            "Dalawa!"

            "I said, no!"

            "Tatlo! Kapag umabot ng apat, hahalikan kita. Sa lips. Yung torrid!" pagbabanta pa nito.

            Bigla siyang napabalikwas ng bangon at tinignan ng masama ang asawa. "Nasaan na ang walis at panglampaso?"

***

"SIGE, ipunin mo lang ang dumi, Misis. Ayan. Ganyan. Tapos saka mo ilagay sa dustpan. Okay. Ganyan nga. Sige, tama 'yang ginagawa mo."

            Napabuntong-hininga si Sapphire. Marami nang alikabok sa hawak niyang dustpan at gustung-gusto niya nang isaboy ang lahat ng iyon sa pagmumukha ni Johann. Pero dahil hindi naman pala ganoon kahirap ang pagwawalis, palalagpasin niya ang balak.

            Kinuha na sa kanya ni Johann ang walis at dustpan. Ito na ang nagtapon ng dumi sa likod-bahay. Pagbalik nito sa loob ay may dala na itong mop. Nagsimula na itong mag-demo kung paano siya maglalampaso mula sa living room hanggang sa kusina.

            Gusto sana ni Sapphire na hindi pansinin ang sinasabi ni Johann at gawing mali-mali ang mga tinuturo nito. Ang kaso, hindi niya alam kung bakit kahit anong pilit niyang pag-ignora kay Johann ay hindi niya mapigilang makinig sa tinuturo nito. 

            He's really an effective teacher. Gustung-gusto siguro ito ng mga estudyante nito.

            At kung effective teacher ito, dapat ay hindi siya magpatalo. Dapat niyang ipakita rito na 'good student' naman siya. Talk about pride. Kakabit na iyon ng pagiging isang Monteverde. Mommy niya lang siguro ang walang pride dahil naghahabol ito sa lalake kapag iniiwan.

            Nang ibigay sa kanya ni Johann ang mop ay nagsimula na siyang mag-mop ng sahig. Ten minutes later, she's done mopping. Wala siyang narinig na kahit anong angal o mali sa ginawa niya mula kay Johann. Tahimik lang itong nakamasid sa ginagawa niya.

            "Okay. I'm done here, Mister." Padabog na binalik niya rito ang mop. "Ano pang papagawa mo?" mataray na tanong niya.

            Nginitian siya nito at marahang pinalis ang pawis sa noo niya gamit ang kamay nito. "Ang bilis mong mapagod. Magpahinga ka muna tapos labas tayo sa may kanto. Kain tayong merienda."

            "Okay." Tinalikuran niya ito at dumiretso siya sa kuwarto. Kumuha siya ng tuwalya at saka lumabas para pumuntang banyo.

            After taking a bath, nagsuot siya ng red cotton shirt at white shorts. Pinatuyo niya ang buhok at sinuklay ng sinuklay. Nagtungo siya sa sala pagkatapos. Nakita niya si Johann na prenteng nakaupo at nanunuod ng TV.

            "Ang ganda naman ng misis ko," bungad nito nang makita siya.

            She rolled her eyeballs. "I want to eat na. We're going to have merienda pa, right?"

            Pinatay nito ang TV. "Yes, of course. Come with me. We're going to the kanto over there. Manang Lisa's banana que is so masarap. Like, oh my gosh."

            Kumunot ang noo niya at hinampas ito sa braso. "Are you making fun of me?"

            "Ang conyo mo kasi." Inakbayan siya nito at inakay palabas ng bahay. "Ang arte mo pa minsan."

            Malakas na siniko niya ito sa tagiliran.

            "Aray! Wala namang ganyanan."

            "Bakit mo ko sinasabihang maarte?"

            "Kasi maarte ka talaga. Alangan namang sabihin kong kulay yellow yang shirt mo kahit halatang-halata namang pula iyan?" Binuksan nito ang gate at lumabas sila. Magkasabay silang naglalakad nito at sa lahat ng makasalubong nila na tao ay binabati sila ng 'Congratulations'.

            "The whole subdivision know that we're married?"

            "Oo. Pinagkalat ko."

            Napatingin siya rito. "Huh? Bakit?"

            "Eh, mga kapitbahay ko sila, eh. Medyo proud ako na ikakasal ako sa isang magandang dilag na gustong magtayo ng bookstore." He smiled at her. "But seriously, isa lang ang sinabihan ko tapos kumalat lang. Saka mula nang dalhin kita dito last week, na-excite ang buong subdivision na magpapakasal na 'ko. Malaking threat kaya ako sa mga kalalakihan dito," natatawang sabi nito.

            "Ang yabang mo."

            "Wow. Hiyang-hiya naman ako sa'yo."

            Napalabi siya at napahalukipkip. Nakatuon ang atensyon niya sa nilalakaran. "Am I really that mayabang? Am I really maarte?" Bigla siyang naging concious. Wala kasing nagsasabi sa kanya na mayabang o maarte siya. Si Johann pa lang.

            "Ayon lang naman sa obserbasyon ko, oo. Hindi ka ba nayayabangan o naartehan sa sarili mo?"

            "Hindi. Pero alam kong ma-pride ako. But I never noticed that I'm too proud o maarte. I mean, ganito ako lumaki. Walang sumasaway sa'kin, so I thought it's just okay."

            "Okay lang din naman. May karapatan ka namang magmayabang kasi maipagyayabang naman talaga ang pagiging Monteverde. May karapatan ka rin namang maging maarte kasi sabi mo nga, kinalakihan mo. Pero, sa mundong ginagalawan mo na ngayon, kailangan mong mag-adjust. You married an ordinary guy like me, Sapphire. Makakasalamuha ka ng mga taong hindi kayang intindihin kung bakit ganyan ka, kaya bilang asawa at kaibigan, sinasabi ko lang iyong mga napapansin ko na baka puwede mong baguhin o kaya i-adjust na lang."

            "So, I just can't be me, ganoon?"

            "Be yourself, Misis. Pero may tinatawag kasi tayong 'pakikisama'. Mag-a-adjust ka lang naman ng kaunti. Iyong mga negative mo, gagawin nating positive."

            Napatingin siya rito. Kaya siguro napaka-friendly nito dahil marunong itong makisama. "You care about people," nasambit niya.

            Nagkibit-balikat ito at saka sila sumuot sa isang makitid na daanan. Later on, nasa tapat na sila ng isang barong-barong na may tindang mga bananaque na naka-display lang sa labas.

            "Magandang hapon, Manang Lisa!" bati ni Johann sa isang matandang babae na may katabaan at siyang nagbabantay ng tinda. "Kumusta benta?"

            "O, Johann! Nako, buti't nakaabot kang bata ka. Malapit nang maubos ang paninda ko. Tignan mo, oh. Walo na lang na stick ang natira."

            "Talaga naman! Ang lakas na ng benta niyo, Manang! Sabi ko sa inyo, masarap talaga ang bananaque niyo. O, di'ba, pumatok sa mga kapit-bahay natin?"

            "Oo nga, eh. Buti na lang at sinunod ko ang payo mong magbenta ako dito. Nakadagdag din ito sa pambaon ng mga anak ko sa school."

            "Mabuti iyan, Manang. Nga po pala, kasama ko po ang asawa ko. Si Sapphire po pala," pagpapakilala sa kanya ni Johann.

            Napatingin sa kanya si Manang Lisa at nginitian siya ng malaki nang makita siya. "Ang ganda-ganda mo naman, hija! Kumusta ka?"

            She smiled back to the old lady. "Thank you po, Manang Lisa. I'm just fine. Nag-a-adjust pa po sa bagong bahay."

            "Ganyan talaga kapag bagong kasal. Aba't masasabi kong masuwerte ka dahil mabait at matinong lalaki 'tong si Johann. Medyo loko-loko lang," pabulong pa na sabi nito.

            "Oy, Manang, narinig ko po iyon, ha?" singit ni Johann. "Tsk. Imbes na anim na stick ang bibilhin ko, lima na lang." Kumuha ito ng isang bananaque at inabot sa kanya. "Tikman mo iyan, Misis. Iyan ang pinakamasarap na bananaque na matitikman mo."

            Kinuha niya iyon at pasimpleng bumulong rito. "Is this clean?"

            Tumango ito at nag-thumbs up pa sa kanya. Kaya naman kumagat siya sa medyo mainit pa na bananaque. And Johann's right. It was indeed delicious!

            Hindi na namalayan ni Sapphire na naubos na niya ang dalawang saging sa isang stick dahil sa sarap. Sa huli, pinakyaw na ni Johann ang mga natira at masaya silang kumakain ng bananaque pauwi ng bahay.

            Biglang nawala ang inis ni Sapphire kay Johann dahil sa ginagawa nitong pagpapagawa sa kanya ng mga house chores.

            "Sa makalawa, punta tayong beach, gusto mo?" tanong ni Johann sa kanya habang magkatabi sila sa sofa at inuubos ang bananaque na binili. "Katulad ng sabi ko sa'yo kaninang umaga, seryoso talaga ako na magbakasyon tayo."

            Nagkibit-balikat siya. "Okay. No problem with me. Puwede ko bang isama ang mga cousins ko? Kasi, baka they want to go to the beach rin."

            "Uy, masaya 'yan. Sige, susubukan ko ring pasamahin ang mga pinsan ko. Kahit busy sila, mangungulit ako"

            Tumingin siya rito. "Alam mo, Johann, you're right. Bagong kasal tayo kaya dapat productive tayo. Or, since one year lang itong marriage natin, let's make it real productive!" Bigla na lang siyang may naisip gawin.

            Natigil sa pagnguya si Johann. "Anong ibig mong sabihin?"

            Mas lumapit siya rito. Then, she leaned closer to him. "I think you're going to like what I'm thinking."

            Nangunot ang noo nito at pagkuwa'y nanlaki ang mga mata. "A-Ano bang iniisip mo?"

            Tinukod niya ang kamay sa dibdib nito. "It's something fun."

            Napalunok ito. "May kama bang involved diyan?"

            Parang may kumislap na ideya sa isip niya. "Puwede!" bulalas niya at mas mabilis na gumana ang utak niya. Mas lumapit pa siya rito dahil bigla siyang na-excite.

            Ngunit may angking katangahan din si Sapphire. Nadulas ang kamay niya sa pagkakatukod sa dibdib nito at sumubsob ang mukha niya sa mukha nito!

            What's worst, lumapat ang labi niya sa mga labi ni Johann!

            Napasinghap siya at mabilis na lumayo rito. Sa pagkataranta ay nahulog siya mula sa sofa ngunit nahigit niya ang sando ni Johann kaya nasama itong bumagsak. Pagkalaglag niya ay bumagsak din ito sa ibabaw niya.

            At muling aksidenteng naglapat ang mga labi nila! Nanlaki ang mga mata ni Sapphire at akmang titili ngunit natigil iyon nang maramdaman niya ang paggalaw ng mga labi ng asawa.

            Bakit ganoon? She was frozen. And her eyes started to close because of his sweet kiss...


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Seguir leyendo

También te gustarán

6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...
6.8M 123K 27
What is love? Written ©️ 2014
17.7K 259 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...
12.3K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...