The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 284K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Five

244K 5.5K 1.6K
By FGirlWriter

CHAPTER FIVE

WALA na yatang mas sasaya pa kay Sapphire sa buong Earth ng mga sandaling iyon. Nagpagulong-gulong pa siya sa kama habang yakap-yakap and titulo ng lupa, bahay, at kotse na minana niya sa kanyang yumaong Lola. And by next week, mata-transfer na sa account niya ang kalahati ng minana niyang pera.

            And yes! By next week, masisimula na niya ang pagpapatayo ng pinapangarap na malaking-malaking bookstore! And maybe, by next year ay mabuksan na niya iyon kasabay ng pagkuha niya sa isa pang kalahati ng perang mamanahin. Ngunit, kahit di naman na niya makuha iyon ay sobra-sobra pa ang pera niya ngayon para makapagpatayo ng bookstore.

            Kanina, pagkatapos na pagkatapos mismo ng kasal nila ni Johann ay nagulat siya nang makita ang abogado ng Lola niya at mabilis pa sa alas-kuwatrong nabigay sa kanya ang mga pamana.

            Parang last week lang, problemadong-problemado siya sa mana, ngayon, nasa kanya na iyon! Napapalakpak siya sa sarili at kinawagkawag pa ang mga paa.

            "Naks! Ang saya-saya ni Misis, ah!"

            Natigil si Sapphire sa ginagawa at saka napatingin kay Johann na pumasok ng kuwarto. Nagpupunas ito ng basang buhok. Katatapos lang nitong maligo. Isang white cotton shirt at shorts ang suot nito.

            Napabangon siya sa kama at nginitian niya ito. "Grabe, I have na with me my own land, my own house, and my own car! And by next week, I'm gonna be a millionaire!"

            "Yehey!" he cheered. "Balato ko, ah?"

            "Of course! Gagawin rin kitang millionaire. Asawa kita, eh."

            Natawa ito at saka umupo sa gilid ng kama patalikod sa kanya. "Nakakapagod pa lang ikasal. Sumakit panga ko sa kakangiti."

            Pinatong niya ang mga dokumento sa ibabaw ng maleta niya. Pinatong niya sa ibabaw ang IPhone niya para hindi iyon liparin. Tumabi siya kay Johann at mahinang siniko ito.

            "Thank you, Johann, for this day." Malaki utang na loob nya rito. Exempted na exempted na talaga ito sa galit niya sa mga kalahi nito.

            Tumingin ito sa kanya. "Masaya ka?"

            "Sobra! I'm super close to my dreams because of you. Hindi ako nagsisisi na naging kaibigan kita."

            Kinurot nito ang pisngi niya. "Anything for you, Misis."

            Lumukot ang ilong niya. "Ang corny naman ng endearment mo sa'kin."

            "Uyy... gusto niya ng mas sweet na tawagan," tukso nito. "Sige, anong gusto mong itawag ko sa'yo?"

            "Ayoko kaya. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko, mas okay."

            "Okay, Misis," nakangising sabi nito at saka nag-dive sa kama.

            She rolled her eyes. Wala namang effect ang pagsaway niya rito. Naramdam na rin ni Sapphire ang pagod ng buong araw na iyon kaya naman humiga na rin siya. Malaki naman ang kama ni Johann kaya kahit magkatabi sila ay hindi nagdidikit ang mga balat nila. Hindi na siya umangal ulit sa sleeping arrangement nila dahil mukha naman wala talagang gagawing masama si Johann.

            Hinila niya ang comforter pataas hanggang sa mga labi niya. Sumukob rin doon si Johann. Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tunog lang ng aircon ang naririnig.

            Pinikit ni Sapphire ang mga mata. This was supposed to be there honeymoon night. Pero, heto silang dalawa, pilit natutulog at nagpapakiramdaman.

            "Misis?" pabulong na tawag ni Johann.

            "Yes?" pabulong na tugon niya rin.

            "May tanong ako."

            "Ano?"

            "Kapag niyakap ba kita, papayag ka?"

            "Hindi."

            Tumawa ito. "Sabi ko nga." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Matutulog ka na talaga?"

            She exhaled and opened her eyes. "Okay. Hindi 'ko pa gustong matulog." Pagod man ang katawan niya sa nangyari buong araw, ang isip naman niya ay buhay na buhay pa. She's too excited for her money and for her future bookstore. Ngayon pa lang, isip na siya ng isip kung saan magandang itayo ang pangarap niya.

            "Bakit ayaw mo pang matulog?"

            "Marami akong gustong isipin. How about you?"

            "Hindi rin ako makatulog, eh." Tumagilid ito ng higa, paharap sa kanya. "Kuwentuhan mo nga ako."

            Napatingin siya rito. "What am I? Your storyteller?"

            "Bilis na, Misis. Para naman makatulog na tayo pareho."

            Inirapan niya ito. "I have no story to tell. My life was not that exciting." Graduate siya ng AB Literature kaya ang hilig niya ay magbasa ng kung anu-anong libro, magbigay ng reviews, mag-travel sa kung saan, at magsulat sa sarili niyang blog. Iyon lang ang lagi niyang ginagawa. Araw-araw, routine niya iyon. Maliban na lang kung dadalo siya ng mga socialite parties or gatherings kasama ang mga pinsan niya.

            "Magtatanong na lang ako tapos sagutin mo na lang."

            Pumikit siya at inayos ang pagkakahiga. "Sounds fine with me."

            "Bakit sa lahat ng puwedeng negosyo, 'bookstore' ang naisip mo?"

            "Mahilig ako sa mga libro. Nasabi ko na iyan sa'yo."

            "Para ka pa lang si Czarina."

            Czarina? Ang niligawan nito na nambasted dito? "She's a bookworm, too?"

            "Yes. And she's a writer also. Marami na rin siyang libro na na-published," proud na sabi nito. "Hindi ako nagbabasa ng libro kung hindi lang tungkol sa Math. Pero kapag libro niya, binabasa ko talaga. May collection pa nga ako."

            Dumilat siya at tinignan ito. He's a supportive lover.  "Aw. Too bad, she does not love you back."

            Sumimangot ito. "Maraming salamat talaga sa pagpapaalala, Misis," sarkastikong wika nito.

            "Move on, dude."

            Sinubsob nito ang mukha sa unan. "Kaya nga ako nagpakasal sa'yo. Ano pa bang dapat kong gawin kundi ang lumimot sa sakit?"

            "You're too dramatic, Mister. Parang iyon lang."

            Nag-angat ito ng ulo mula sa pagkakasubsob sa unan at saka siya tinignan. "Kapag ikaw na-inlove at nasaktan, tignan lang natin kung hindi ka magiging ma-drama, Misis. Kapag nag-drama ka, pagtatawanan talaga kita, tignan mo."

            Tumaas ang kilay niya. "Hah! I'll never fall in love, sorry ka na lang. Hindi ko hahayaan ang sarili kong magpaka-ewan dahil lang sa love na iyan. Kung alam kong mapapaso ako, bakit ako makikipaglaro sa apoy? Love is just for fools."

            "Ang bitter mo. Tandaan mo, dahil sa 'love' kaya ka nandito sa mundong ibabaw. Mahal ka ng Diyos, hija."

            "Amen."

            "Ganyan ka, ha? Sige. Tatawanan talaga kita kapag na-inlove ka."

            "Kanino naman ako ma-i-inlove?"

            "Baka sa'kin," nakangising wika nito.

            "Friends tayo. At isa pa, ayoko nga sa lalaki , di'ba? Excemption ka lang dahil nga friends tayo, asawa kita, at tinulungan mo 'kong makuha ang mana ko." She will never fall in love with any man. Kahit pa sa asawa niya.

            "Alam mo ang pag-ibig, hindi napipigilan iyan. Kapag 'yan pinana ka, wala ka nang magagawa. Makikita mo na lang ang sarili mo na nakangiting mag-isa kahit walang dahilan. Masarap magmahal, akala mo?"

            "Anong masarap sa nasasaktan?"

            "Masarap magmahal, hindi masaktan."

            "Huh? Hindi ba synonyms iyon?" she sarcastically said.

            Johann chuckled. "Sagad sa buto ang pagka-bitter mo, Misis." Ibinuka nito ang mga braso. "Come on, let me give you a hug."

            Inamba niya ang kamao. "Sapak, you want?"

            Ang lakas ng tawa nito. "Friendly hug lang. Walang malisya."

            Tumalikod siya ng higa dito. "'Friendly hug' your face! Matulog na nga tayo. We're just talking nonsense here." Hinila niya ang comforter hanggang sa leeg niya at saka pumikit.

            "Sandali, kuwentuhan mo pa 'ko. May mga tanong pa 'ko."

            "I wanted to sleep na, Mister. Save your questions for tomorrow," humihikab na sabi niya.

            "Ayaw mo talaga ng hug?" Naramdaman niya pa ang pagsukob nito sa loob ng comforter. "Malamig ang gabi, Misis. Masarap may kayakap."

            "Papayakap lang ako sa'yo kapag may abs ka na," pang-aasar niya rito.

            "Tss. Ano bang meron sa abs at gustung-gusto niyong mga babae? Mamahalin ba kayo ng wagas ng abs na iyan?"

            Lihim siyang napapangiti. Naasar ito. "Masarap hawakan ang abs. Matigas."

            "Matigas? May alam akong puwedeng patigasin na puwedeng hawakan," pilyong wika nito.

            "Eeewww!" Napabalikwas siya ng bangon at hinampas ang unan rito. "Pervert!"

            Natawa ito. "May 'matigas-matigas' ka pang nalalaman diyan. Akala ko ba man-hater ka?"

            "Naririnig ko lang iyon sa mga pinsan ko." Humiga na siya ulit, patalikod rito. "Matulog na nga kasi tayo. Huwag mo nang ipilit na yakapin ako." Ayaw niyang yakapin siya ni Johann. Dahil alam niya ang epekto ng isang yakap. Hugs can give comfort and affection. Ayaw niyang mas lumalim ang pagkakaibigan nila ni Johann.

            Dahil baka kapag naghiwalay na sila sa susunod na taon, masyado siyang maging attached sa kaibigan niyang asawa na hindi niya kayang mahiwalay rito.

***

NAGISING si Sapphire kinabukasan na wala na si Johann sa kama. Bumangon na siya at nag-inat-inat.

            Walang suklay-suklay na lumabas siya ng kuwarto para pumunta sa banyo. Paglabas niya pa lang ng silid ay agad na sinalubong siya ng init sa labas niyon. Sa kuwarto lang pala may aircon at hindi sa buong bahay. Nanlagkit tuloy siya.

            Dumiretso na siya sa banyo nang mapalingon siya sa kusina at nakita ang nakatalikod na pigura ni Johann. Tanging boxer shorts lang ang suot nito. His bare back exposed.

            Sandaling natigilan si Sapphire at napatitig sa likod ni Johann. Malapad pala ang balikat nito at maganda ang porma ng likod. He was muscled in the right places. Hindi ito sobrang muscular pero halatang maalaga ito sa pangangatawan. Likod pa lang iyon!

At nang mapadako ang tingin niya sa bandang puwetan nito ay napataas ang kilay niya.

            Her husband has a nice butt! Napansin niya na iyon nang una niya pa lang itong makita. Ngunit, ngayong naka-boxers lang ito, mas na-emphasized pa ang korte ng pang-upo nito. It was full and...

            "Magandang umaga, Misis!"

            Napaangat agad ang tingin niya sa mukha ni Johann nang humarap na ito. "G-Good morning."

            "Kagigising mo lang? Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka naman umiimik?"

            I'm busy staring at your ass, Mister. "Papunta kasi ako ng comfort room. Maghihilamos ako."

            He sipped on his mug of... hot coffee siguro iyon.  "Hindi ka pa naghihilamos ng lagay na iyan? Ang ganda mo na naman kahit bagong gising," nakangiting sabi nito pagkatapos uminom ng kape.

            Humalukipkip siya at hindi sinasadyang napatingin sa katawan nito. Maganda talaga ang katawan nito. Wala lang talagang abs. "Bakit hindi ka nag-e-exercise para magkaron ka ng abs?"

            Kumunot ang noo nito. "Mahirap ang work-out para magkaroon ng abs. Hirap na hirap na nga akong mag-push ups, eh." Inangat nito ang mug. "Gusto mo ng kape?"

            Umiling siya. "I don't drink coffee, I prefer a glass of fresh milk."

            Parang nagulat ito. "Oh? Hindi ka pala nagkakape? Natural na natural ang pagka-bitter mo sa mga lalaki?"

            "Oo." Tumalikod na siya at nagtungo ng banyo. She hastly washed her face and brushed her teeth.  Umihi din siya. And when she was about to wash, wala siyang makitang bidet.

            "Oh, my gosh. I'm gonna use a 'tabo'?" aniya habang nakaupo pa sa toilet bowl at tanging balde at tabo lang ang nasa tabi niyon. "Johann!" tawag niya sa asawa.

            Narinig niya ang paglapit nito sa nakasarang pinto. "Yes, Misis?" katok nito.

            "You don't have a bidet here?"

            "Sosyal! Bidet! Wala, eh. Sorry, Misis."

            "Ugh! How am I going to wash my... my you know!"

            "Uso ang tabo, Misis. Hindi ka ba marunong gumamit? Ako na lang maghuhugas ng 'you know' mo, you want?" tumatawang wika nito.

            Napangiwi siya. "Gusto mong pukpukin kita ng tabo, Mister?" Nagsimula na siyang gumamit ng tabo at maingat na naghugas. Napailing-iling siya. Hindi niya akalain na darating ang araw na gagamit siya ng tabo!

            Bukas na bukas ay magpapa-install siya ng bidet.

            Paglabas niya ng banyo ay dumiretso siya ng kusina. "What's for breakfast?" tanong niya kay Johann na may niluluto.

            "Tuyo. Tapos magsasangag ako pagkatapos nito."

            Nangunot ang noo niya nang maamoy ang niluluto nito. "That's tuyo? Why is it mabaho? Is it safe to eat?"

            Lumingon ito sa kanya. "Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakakain nito?"

            Lumayo siya sa niluluto nito. "Hindi pa. Hindi naman naghahain ng ganyan tuwing breakfast sa mansion ni Lola. Bakit ba iyan ang papakain mo sa'kin? Wala ka bang hotdog or bacon? Wheat bread, perhaps? Or vegetable salad?"

            "Mas masarap ang tuyo at sinangag sa lahat ng sinabi mo." May kinuha itong isang baso sa ibabaw ng dining table. "O, gatas mo, Misis. Wala pang fresh milk sa ref ko kaya pinagtimpla na lang kita."

            Napangiti siya nang makakita ng gatas. Mabilis niyang inabot ang baso ng gatas at uminom. Wala naman siyang problema kung fresh o powdered ang gatas.

            Mabilis niyang naubos ang gatas. "Thanks for this."

            Humarap sa kanya si Johann at napahinto siya nang umangat ang kamay nito at dumampi sa gilid at sa taas ng labi niya. Pinunasan pala nito ang natirang gatas.

            "Gusto mo pa?" tanong nito.

            Tumango siya at inabot ang baso rito. "Yes, please."

            "Ako pa ulit magtitimpla? Ikaw naman."

            Napasimangot siya. "Ikaw na lang. Masarap timpla mo."

            "Sige. Pero ikaw mag-prito nitong tuyo."

            "Ayaw. Mabaho iyan."

            "Ganito lang amoy nito pero masarap 'to. Lalo na kapag sinawsaw natin sa suka na bubudburan ng kaunting asin. Tapos pwede rin nating lagyan ng sili." Inabot na nito sa kanya ang frying spatula at nilapit siya sa tapat ng frying pan. May limang tuyo na piniprito roon. "Bakit ang liit ng fish? Bakit mukhang dehydrated?"

            Natawa si Johann. "Kaya nga kasi 'tuyo'. Itinapat sa araw iyan. Dehydrated fish talaga iyan," tumatawang sabi nito habang nagtitimpla na ulit ng gatas.

            Ah, kaya pala ganoon ang tawag doon. Bakit ganoon? Parang hindi niya nabasa ang tungkol sa tuyo? Dapat siyang mag-research. "Bakit mabaho ito?"

            "Pinagpawisan siguro nang binilad sa araw."

            She laughed. "You're crazy, Johann. Magdamit ka na nga!" Nag-umpisa na rin kasi siyang medyo mailang na naka-topless ito. She can also imagine his nice butt. Tsk tsk. That's bad for her. Ang dami niyang napapansin kay Johann na hindi naman niya dating pinag-uukulan ng pansin sa ibang lalaki.

            "Ang init-init, eh. Bakit ba? Mamaya na 'ko magbibihis kapag kakain na." Inabot na ulit nito sa kanya ang bagong timplang gatas at kinuha na sa kanya ang pamprito. "Umupo ka na don. Ako nang bahala rito. Sandali na lang 'to."

            Napanguso siya. "Talagang iyan ang kakainin natin?"

            "Oo. Trust me, masarap 'to. Kakamayin pa natin para lalong mas magana sa pagkain."

            Nagkibit-balikat na lang siya at ininom na ulit ang gatas na tinimpla ni Johann. Umupo na siya sa hapag at hinintay ang pagkain. Hindi naman nagtagal at nakahain na ang pritong tuyo at sinangag sa harap niya.

            Umupo si Johann sa tapat niya. "Lead the prayer."

            "Huh?"

            "Ikaw ang magdasal bilang bagong muse ng aking bungalow house," sabay kindat sa kanya. Nagsuot ito ng white sando.

            "Kailangan talagang mag-pray?"

            "Opo, Misis. Kailangan talaga nagdadasal bago kumain. Hindi niyo ba ginagawa iyon?"

            "Hindi nakasanayan."

            "Puwes, masasanay ka na. Hala, sige, let's pray."

            Sa huli, ito na rin ang nagdasal at pagkatapos ay kumain na sila. Maganang magana na kinakamay ni Johann ang pagkain, habang siya ay hindi alam kung anong gagawin.

            Napatingin ito sa kanya. "Ayaw mo pang kumain?"

            "Can I have spoon and fork?"

            "Huwag kang maarte. Sariling kamay mo naman ang gagamitin mo."

            Napasimangot siya. "I don't know how to eat with my bare hands. Hindi naman tinuro sa school iyon."

            Napaismid si Johann at natawa. "Hay nako, ganito pala kapag may sosyal na asawa." Tumayo si Johann at lumipat sa tabi niya.

            Nag-demonstrated ito kung paanong magkamay. Nakinig siyang mabuti rito. At hindi naman siya nahirapang makuha ang sinasabi nito dahil malinaw din itong magpaliwanag. Ah, kaya pala nag-teacher. Marunong magturo.

            Next thing she knew, magana na siyang kumakain ng tuyo at sinangag. And indeed, masarap nga ang "dehydrated" fish.

            "Nga pala, Misis. Binigyan ako ng Dean ng one-week leave dahil nga kinasal tayo kahapon.  Ikaw ba may trabaho?"

            Umiling siya. "Alam ng sponsors ng blog ko na nagpakasal rin ako, so, walang pressure sa'kin na magsulat ngayon ng articles. Bakit?" Kumuha pa ulit siya ng tuyo at nagsandok ng sinangag.

            "Baka gusto mong magbakasyon? Tutal, wala naman tayong ibang gagawin," anito habang sinisimot ang pagkain.

            She shrugged. "Okay lang."

            "Saan mo gustung pumunta?"

            "Gusto ko mag-European tour."

            "Ay, grabe. Hindi naman kaya ng budget ko iyan. Be practical naman. Isang professor lang ang asawa mo."

            Tumingin siya rito. "We can use naman my money, eh."

            "Pumunta na lang tayo sa isang beach resort sa Batangas o Zambales. O kaya mag-Tagaytay tayo. Iyong mga ganung biyahe lang. Hindi naman natin kailangang gumastos ng malaki para mag-loving-loving, Misis."

            "You know, Mister, hindi naman makakabawas sa pagkalalaki mo kung ako ang gagastos sa bakasyon natin. Isa pa, you don't want to tour in Europe ba?"

            "Dito na lang tayo sa Pilipinas para mga Pilipino rin makikinabang ng gagastusin natin. Punta tayong Cebu, gusto mo? May resort kaming pinuntahan dati ni Xan doon na maganda at saka—"

            "Sino si Xan?" biglang tanong niya nang makarinig nang ibang pangalan ng babae.

            "Bestfriend ko. Ay, hindi mo pa pala siya nakikilala. Pa'no kasi missing-in-action."

            Napataas ang kilay niya. "Bestfriends? May mag-bestfriend bang lalaki at babae?"

            "Meron. Kaming dalawa. Bakit? Selos ka?" nakangising sabi nito.

            "As if! Sure kang friends lang kayo? Or may relationship din kayo?"

            Natawa ito. "Lahat na lang pinaghihinalaan kami. Platonic ang relasyon namin. At isa pa, may mga mahal kaming iba."

            Nagkibit-balikat na lang siya. Pero hindi pa rin siya naniniwala. Diyata't masyadong friendly si Johann sa mga babae? At ano kayang itsura ng Xan na iyon? Mas maganda kaya kaysa sa kanya?

            But, wait. Why is she comparing herself to Johann's bestfriend that she does not even know yet? Walang point ang pinag-i-iisip niya.

            "I'm finished," aniya at saka tumayo at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay.

            Sumunod si Johann at bitbit nito ang mga pinagkainan. "Misis, sa susunod hihintayin mong matapos ang kasabay mong kumain bago ka tumayo. Naturo naman siguro ang GMRC sa school niyo, ano? At saka magliligpit ka rin ng pinagkainan mo. Pinapaalala ko lang, wala tayong katulong dito.Walang kusang magliligpit ng pinagkainan mo."

            "Eh di, ikaw na lang ang gumawa," mataray na sabi niya. Pero sa loob-loob ay medyo napahiya siya sa ginawa niya. Tama naman kasi ito. Lagi na lang ito ang tama. Naiinis na siya.

            "Hindi. Mula ngayon, toka-toka tayo sa paggawa ng mga gawaing bahay. Katulad ng sinabi ko sa'yo, tuturuan kita ng mga house chores. Kababaeng tao, hindi alam paano kumilos sa bahay?"

            "Doing house chores isn't the basis to determine what a real woman is. That's stereotyping."

            "Alam ko iyan. Basta, tao tayo. Lalaki o babae dapat alam paano maging masinop sa bahay. Tignan mo, pagka-expire nang kasal natin, magpapasalamat ka sa'kin dahil tinuturuan kita."

            Inirapan niya ito. "No! Hindi mo 'ko mauutusan na gumawa ng mga house chores. I'm Sapphire Monteverde!"

            "Hep! Let me correct that. You are now, Mrs. Sapphire Danaya Monteverde-Anderson. Kung gusto mong manatili tayong mag-asawa hanggang next year. Matuto kang makisama sa palasyo ko. Undestand?" he patiently explained.

            He wanted to dominate. Obviously. Pumayag na siyang tumira sa bahay nito at hindi masunod ang mga gusto niyang kondisyon, pagkatapos ay gagawin pa siya nitong gumawa ng mga bagay na hindi naman niya ginagawa sa tanang buhay niya?

            Naiintindihan niyang gusto nitong mag-practice na maging head of the household, pero hindi siya nito mapapasunod ng basta sa mga gusto nitong mangyari!

            Never ever!

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 90K 19
Hanggang saan ang hangganan ng pag-ibig ni Crystal Jane para sa matalik na kaibigang si Ramses? Gaano kalalim para sa lalaking minsan ay ginawa siyan...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...