You found me

By tieyches

527 16 26

Babae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae... More

You found me (Intro)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 20

10 0 0
By tieyches

Inayos na ng crewfam ang bodegang pag pa-practice-an nila. Binalak din ni nick na pagsamahan ang crewfam at vanity crew. May mga tatanggalin at idadagdag si nick para gawin ang pasabog na gustong mangyari ni nick.

Isang malaking laban ang magaganap kung sakaling maglalaban ang crew nila nick at crew nila kim. May dating alitan kasi ang dalawa kaya naman parehas silang busy para ipanalo ang finals na parating ngayon.

Ang grupo ni nick at ang isa pang grupo ni kaycee ay nagkasundo para sa laban na magaganap.

"Mga pre, may finals na mangyayari. 2 weeks na lamang ay paglalabanin na ang grupo namin at ang grupo ng mga makakalaban namin sa finals na yun."

"Eh pre pano yan may laban din kami" -dipensa ng isang lalaki sa grupo ng vanity crew

"Baka pre pwede nating pagpalitin ang grupo ko sa grupo niyo?"

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ng nasa harapan ko

"Magbibigay kami ng kagrupo ko at magbibigay kayo ng kagrupo niyo samin. Magkakaroon ng exchange members."

"Pinagloloko mo ba kami pre? Para san naman ang sinasabi mong exchange members?"

"Ang iba kasi sa grupo ko mga pre, hindi kaya ang gagawing pasabog sa dulo ng magiging dance performance namin"

"Bat hindi mo muna ipaliwanag samin ang mga pwedeng mangyari at gawin natin? Baka sakaling magkaintindihan tayo"

Tumingin ako sa mga lalaking nasa likod ko. Ang grupo ko

Nagsitango naman sila at pinalapit ako sa pinuno ng grupong vanity crew.

Lumapit ako at sinabing ..

"Tara dun sa bodega"

Sumunod naman siya sakin

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Bakit kailangan gawin ang mga iyon pre? Parang sa tingin ko pinapahirapan mo ang mga kagrupo mo"

"Pre finals to kailangang kailangan namin ang price neto para makita at ibalik dito si kaycee. Hindi ang texas ang buhay niya. Tayo pre tayo ng mga grupo niya"

Kumunot ang ulo ng lalaki. Tila nag-iisip kung papayag nga ba sa mga plano ni nick para sa pareho nilang grupo.

"Pre alam kong napagdaanan niyo na din ang ganitong laban. Kaya sana pre .."

Hindi na pinatapos ng lalaki ang sasabihin ng pumayag ito sa gustong gawin ni nick.

Tinapik ni nick sa braso ang pinuno ng vanity crew.

"Thanks pre" shake hands nito sakanya

"Adrian nalang pre"

"Nick" pagpapakilala nila sa isa't isa

Lumakad na ang dalawa papunta sa kinatatayuan ng mga kagrupo nila. Sisimulan na ang paglilipat ng mga kagrupo para masimulan na ang rehersal na gagawin ng bawat isa. Prehas kasing lalaban ang mga grupong naiwan ni kaycee para i-defend ang pangalan ng mga grupo nila.

"Mga tol!" -Adrian

Tumango tango naman si nick habang nakapamewang siya.

"Pumayag nako sa gustong mangyari ng tropa nating si nick" sabay tapik sa braso nito

"Mag e-exchange tayo ng ibang miyembro natin sakanila at ang sakanila naman ay sa atin muna"

Nakinig lang ang bawat miyembro ng grupong involve sa mga laban. Hindi naman mahirap paliwanagan ang mga to dahil alam nila na ang grupo nila nick ay naka e-experience ng isang napaka delikado at sensitibong laban na magaganap.

"Kaya naman .."

Sinimulan ng magtawag ng mga pangalan ni Adrian para mailipat sa grupo ni Nick.

"Russel"

"Jason"

"Kean"

"Gerald"

"Nikko"

"Bryan"

"John"

"Kyle"

Tuloy tuloy lang ang pagtawag ng mga pangalan ni adrian. At mga kamiyembro naman niya ay lumilipat na sa pwesto kung saan nakatayo ang grupo nila nick.

Lumapit si nick sa pwesto ni adrian. Tinapik niya ito at ..

"Pre salamat"

"Ge. Alagaan mo ang mga alagad ko pre ah. Kundi mayayari ka sakin"

"Hahaha. Oo pre"

Tumayo na din si nick sa gitna para tawagin ang mga miyembrong ililipat sa grupo nila adrian.

"Justine"

"Mike"

"Michael"

"Rom"

"Tan"

"Dave"

"Ej"

"Mark"

"Patrick"

"Dale"

Lumipat na din sa pwesto ng vanitycrew ang mga miyembrong tinawag ni nick para lumipat sa grupo ng vanitycrew.

"Sa magaganap na laban ng parehong grupo natin. Ibigay natin ang best para maipanalo natin ang laban natin. Hindi pwedeng basta basta .."

At pagpapatuloy ni nick

"At lagi niyong tatandaan na ang pagsasayaw ay ang buhay natin. Kapag sumasali tayo sa mga dance competition hindi lang pagpapa gwapings, premyo, at ang pagpapasikat sa entablado ang habol natin kaya sumasali tayo sa mga dance competition. Alalahanin niyo sinasamahan ito ng .."

"Puso" hawak ni nick at adrian sa mga dibdib nila kung saan nakapwesto ang puso ng tao.

"Isip" ang mga miyembro

"At feelings" sabi ni adrian

"Tandaan niyo na ang laban na to ay laban nating lahat" -Nick

Pumunta ang mga miyembro ng bawat grupo kung saan nakapwesto ang pinuno ng kanilang grupo.

"One team!" sabay sabay na yuko at binigkas ang linyang iyan

Tumayo na sila at nag apiran.

"Galingan natin guys" sigaw ni steven

"Go fight" -Charlie

"Aja!" sabi ni aron

Tumingin naman ang lahat sakanya. Si aron naman ay nagtago sa likod ng shirt ni nick.

"Hahahahahahahaha. Ang bakla mo pre" tingin nilang lahat ke aron

"Peace yow" sabi ni aron habang nagtatago sa likod ni nick

"Hahahahahaha" tuloy pa rin ang tawa nila

Inialis ni nick sa likod niya si aron. Pinagbabatukan naman siya ng crewfam.

"Hahaha. Loko pre" gulo sa buhok ni aron

"Narinig ko lang" ang pagsasalita niya na parang pa english

"Haha saan naman?" -Joshua

"Sa mga girls. Cheerdance?" ngisi ni aron

"Uuuuuuuw girls huh?" -Nick

"Hahahahahaha" tawanan ulit nila

"Oh pre pano ba yan? Una na kami? Kailangan pa naming umpisahan ang rehersal namin" -Nick

Tinapik nito ang braso ni adrian.

"Ge pre. Yung kasunduan natin ah?"

"Oo wag kang mag-alala akong bahala sa mga alaga mo" kindat niya ke adrian

"Ge." nag shake hands sila

"Goodluck satin" sabay nilang sabi

Nag-iwan ng mga ngiti sa bawat isa ang dalawa at tsaka umalis na.

*Sa isang grupo (ang grupo ni Kim)

"Oh water break muna mga pre" pinatay na ang music ni Kim

Nagsipuntahan naman ang mga kagrupo niya sa mga bag nila para uminom.

*After 5 minutes

Pumalakpak si kim ng tatlong beses sign na magsibalikan na sa pwesto ang mga kagrupo niya.

Binuksan ulit ni kim ang speaker nila at tumugtog na ang kantang gagamitin nila para sa finals.

*Practice

*Practice

*Practice

Si kim naman ay lumilibot para tignan ang mga kagrupo niya kung tama ang step na ginagawa nila.

*Libot

*Tingin

*Libot

*Tingin

*Libot

*Tingin

Alam na ni kim na kasama sa makakalaban nilang grupo ay ang grupo nila nick. Kaya simula non ay ginawa na niya ang mga makakapag pahirap sa grupo niya.

Si kim isang malupet at mahigpit na trainor at leader ng grupo ng Def Dance Company. Ang grupo nila kim ang madalas na nakakalaban ng Crewfam. Pero hindi akalain ni Kim na nakaabot sa finals ang grupo nila nick. Kaya naman simula ng malaman niya ang balitang iyon eh. Hindi na siya makatulog at puro plano siya kung anong pwedeng performance ang gagawin ng grupo nila para matalo ang grupo nila nick.

Dati ring magkaibigan ang dalawang ito nabuwag lang simula ng may nangyaring hindi inaasahan. At balak niyang maghiganti sa nagawa ni Nick sakanya hindi niya kasi lubos maisip na ang kaibigan niya ay mahal din ang taong minamahal niya. Kaya naman simula ng may nangyari ay sinamantala ni Nick ang pagkakataon para mapalapit sa taong inilayo kay Kim ng napakatagal na panahon.

"Guys guys" tawag nito sakanila

Pinatay ulit ni Kim ang music at tsaka kinausap ang mga kagrupo niya.

Umupo sa sahig ang mga kagrupo niya at nakatingin lang ng diretso kung saan nakatayo si Kim.

"Alam niyo namang finals na ito hindi ba?"

Tumango tango ang mga kagrupo niya.

"At alam niyo naman ang goal ng grupong ito?"

Tumango ulit sila

"Ang ipanalo ang laban na to. Tandaan niyo .."

"Finals na to. Kaya alam niyo na ring paghihigpitan ko na kayo lalo dahil ilang araw na lang ang natitira para makapag ensayo pa tayo."

Patuloy lang sa pakikinig ang mga kagrupo nito sakanya. Takot na lamang nila kay Kim kung sakaling kontrahin nila ang mga plinaplano ni Kim sa grupo nila.

"At kilala niyo naba kung sino ang mga makakalaban natin?"

Hindi umimik ang mga miyembro

"Ang crewfam" pagpapatuloy nito

Nagkaroon ng ingay. May mga side comments ang mga kagrupo ni Kim.

"Kaya naman. Kailangan talaga natin tong ipanalo. Minsan na natin silang nakalaban at kilala niyo kung pano nila idefend ang crew na meron sila"

Tumayo si Kim sa kinauupuan niya.

"Ikaw bigyan moko ng dahilan kung bakit ka sumasayaw?"

"Buhay ko ang pagsasayaw" sagot nito

"Ikaw" turo ulit ni Kim

"Pangarap ko to" sagot nito

"Alam kong karamihan sainyo ay prehas sa mga isinagot ng mga tinanong ko"

Tango naman sila

"Pababayaan niyo ba na ang Buhay niyo ay mawala?"

"Hindi syempre"

"Hindi"

Depensa ng nakararami.

"Papayag ba kayo na ang pangarap niyo ay mawala ng isang iglap lang?"

Inulit ang sinagot ng mga miyembro niya kanina.

"Kaya naman. Pagbutihin ninyo. I mean natin. Hindi lang para magpasikat, mag pagwapo, pumorma, makahakot ng maraming babae .."

"Kundi .."

"Idefend ang pangalan ng grupong sinimulan natin"

"Yeah"

"Oo"

"Tama"

Nagsitayuan na din ang mga kamiyembro ni Kim sign na pagsasang ayon sa gustong ipunto sakanila ni Kim.

Lumapit si Kim sakanila.

"Ikaw"

"Ikaw"

"Ikaw"

"Ikaw"

"Ikaw"

At

"Ikaw"

Turo niya sa mga kamiyembro niya.

"Kayong lahat!"

"Kasama ang isip" turo niya sa ulo niya

"At eto" turo naman niya sa puso niya

"Kailangan ng puso at isipan. Sa pagsasayaw hindi lang dapat ang pagpapacool ang iniitindi natin. Dapat palagi nating kasama ito"

Turo niya sa Dibdib at Ulo niya.

Tumango tango silang lahat.

Itinaas ni Kim ang kamay niya.

"Lalaban tayo!"

"Lalabaaaaaaaaan" sigaw ng mga kagrupo niya.

Itinaas nila ang mga kamay nila at sigaw sa pangalan ng grupo nila.

"Def!" malakas na sigaw nila

"Dance"

"Companyyyyyyyyyyy" sigaw nilang lahat na napakalakas

"Ahuuu ahuu"

Natapos ang speech ni Kim para sa grupo nila ay pinagpatuloy ulit nila ang pageensayo nila.

"Good job bro" tapik ni ethan sakanya

Ethan. Ang co-leader ng DDC :)

Hinawakan naman ang mga kamay ni ethan ni kim.

"Para sa grupo natin to eh"

"At para kay kaycee" bulong niya kay ethan

Ngumisi si ethan sakanya.

"Mahal mo pa?"

"Wala namang pinagbago par"

"Matapos lang ang finals pre. Hahanapin natin si kaycee"

"Tutulungan moko?"

"Ako? KAMI!" turo niya sa DDC

"Hahaha! Thanks bro"

"Ikaw pa! Parang kapatid na rin ang turing ko sayo" ginulo gulo ni ethan ang buhok ni Kim

"Hahaha." nagkamayan ang dalawa

"Sige na practice na tayo. Mananalo pa tayo eh"

"Hahaha. Sige na nga!" sabi ni Ethan

Bumalik ang dalawa sa nga pwesto nila para sa mga steps na gagawin nila.

-

Maikli ba ang update? Mihihi surri na. XD

Magiging kaabang abang naman ang susunod na chapters eh. :D

Btw guys. May one shot story din akong ginagawa ngayon. Try to read it :) Till death do us part ang title.

Sabi nga nila don't judge the book by it's cover

Ang sabi ko naman. Don't judge the book by it's title. Malay niyo may igaganda naman pala. XD keme!

I hope na nagugustuhan niyo naman ang mga isinusulat kong storya. Hahaha dito ba daw nag promote eh? :3

Owkie. Thanks for reading my story. Hope yah like it. Mwaah :*

Tieyches~

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...