I-m fine with U || KOOKU (Com...

Mb_Muster

8.3K 568 335

Highest Rank #2 in Kiel (03/27/19) Highest Rank #1 in Idealman (03/28/19) Highest Rank #1 in Idealgirl (03/29... Еще

Author's Note
💙Chapter 1💙
💙Chapter 2💙
💙Chapter 3💙
💙Chapter 4💙
💙Chapter 5💙
💙Chapter 6💙
💙Chapter 7💙
💙Chapter 8💙
💙Chapter 9💙
💙Chapter 10💙
💙Chapter 11💙
💙Chapter 12💙
💙Chapter 13💙
💙Chapter 14💙
💙Chapter 15💙
💙Chapter 16💙
💙Chapter 17💙
💙Chapter 18💙
💙Chapter 19💙
💙Chapter 20💙
💙Chapter 21💙
💙Chapter 22💙
💙Chapter 23💙
💙Chapter 24💙
💙Chapter 25💙
💙Chapter 26💙
💙Chapter 27💙
💙Chapter: 28💙
💙Chapter 29💙
💙Chapter 30💙
💙Chapter 31💙
💙Chapter 32💙
💙Chapter 34💙
💙Chapter 35💙
💙Chapter 36💙
💙Chapter 37💙
💙Chapter 38💙
💙Chapter 39💙
💙Chapter 40💙
💙Chapter 41💙
💙Chapter 42💙
💙Chapter 43💙
💙Chapter 44💙
💙Chapter 45💙
💙Chapter 46💙
💙Chapter 47💙
💙Chapter 48💙
💙Chapter 49💙
💙Chapter 50💙
💙Chapter 51💙
💙Chapter 52💙
💙Chapter 53💙
💙Chapter 54💙
💙Chapter 55💙
💙Chaptr 56💙
💙Chapter 57💙
💙Chapter 58💙
💙Chapter 59💙
💙Chapter 60💙
💙Chapter 61💙
💙Chapter 62💙
💙Chapter 63💙
💙Chapter 64💙
💙Chapter 65💙
New Published Story
New Published Story

💙Chapter 33💙

94 8 2
Mb_Muster

Sampung minuto na akong hindi mapakali dahil sa nangyare kanina, para akong binuhusan ng malamig na tubig, minsan iniisip ko masyado yata akong pinangungunahan ng init ulo lalo na kapag may nakakaaway akong tao

"Kasi naman pinipigilan na kita pero ayaw mo paawat" sermon ni Kim sakin habang sumusilip sa may office ni ma,am jasmine, "eh di ko naman sinasadya, nabigla ako kasi naman lagi kaming nag-aaway nun!" Depensa ko

Sino ba naman mag aakala na yung taong kinaiinisan mo eh pwede mo palang maging boss?, dahil kanina pa sila ma,am jasmine at Kiel-este boss sa loob ng office malamang pinag paplanuhan na ni Kiel ang pagtanggal sakin

Nasapo ko ang noo ko sa inis, bakit ba kasi sa dinami rami ng pwede kong maging boss bakit sya pa? Mas pipiliin ko pa yung dating kong boss kesa sa kanya....

Haysss kainis talaga....narinig ko na ang yapak ng sapatos ni ma,am Jasmin mukhang alam ko na ang susunod na mangyayare!!!

"Athena come here" maotoridad na tawag nya na syang nagpanginig sa buong kalamnan ko, dahan dahan akong lumapit sa kanya na halos ayaw ng humakbang pa ng paa ko "ba-bakit po ma,am?" Kahit alam ko na ang mangyayare, mas pinili ko pa ring magtanong

"Nothing to worry about what happen between you and our boss, actually pinapatawag ka nya may gusto lang daw syang linawin go na!" Mabilis nya akong tinulak papasok ng pintuan at iniwan ako kasama ang asungot na to

Paglingon ko, nakangiti ang loko sabi na nga ba nang aasar lang ang isang to! "Have a sit" alok nya na sya ko namang ginawa kahit na sa totoo lang ayaw ko syang sundin kung may choice lang ako, pasalamat sya at boss ko sya kung hindi, hindi ako susunod sa pinapagawa nya!

"Masyado ka namang seryoso calm down I won't bite you" sambit nya at itinaas ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa, boss ba talaga to? Kung umasta sya ngayon parang walang nangyare samin huh!

"Ano nanamang nakain mo at nag iba ang mood mo?" Wala sa sarili kong tanong, alam kong boss ko sya pero di ko mapigilang hindi mainis sa kanya "nothing I just playing around" mukha bang nakikipaglaro ako sa kanya?

"Bakit hindi mo ako tinanggal sa trabaho matapos kitang sigawan kanina may karapatan lang gawin yun?" Gusto kong malaman ang side nya kaya pinapranka ko sya umayos sya ng upo at deretsong tumingin sakin "mmmm hindi kasi ako isip Bata para gumanti sa kagaya mo kaya labas ang personal issue sa trabaho mo so should be a great to me as long as you working here as my employee" deretsa nyang sagot

Para na rin nyang sinabi na isip Bata ako? "So ibig sabihin isip Bata ako? Yun ba pinaparating mo?"

"Wala akong sinasabi alam mo yan!" Mahinahon nyang sabi saka tumayo at naglakad palabas ng pinto,napabuntong hininga na lang ako at napairap sa hangin, lord pagsubok nanaman ba to? Pwede bang palipasin naman kahit isang buwan lang! Sunod sunod eh

At kung pwede po wag sa kanya!
.
.
.
.
.
.
.
Natapos na ang shift ko oras na para umuwi "Kim saan daan mo?" Tanong ko pag labas namin ng shop "ahm duon papuntang highway,malapit lang halos ang bahay namin dito" sagot nya habang sinasara ang bag nya

"Mm buti ka pa ako kasi medyo malayo to sa tinitirahan ko" buntong hininga kong tugon " wala ka bang kasabay or sundo man lang?" Sunod nyang sabi "ahm meron naman kaso ayoko na syang isturbohin pa saka kaya ko namang bumyahe mag isa sanay ako"

Tumango sya "mmm oh pano kita na lang tayo bukas mag ingat ka sa pag uwi ah" bilin nya bago bumeso sakin "salamat ikaw din ingat" nag kanya kanya na kaming daan, medyo malayo sakayan dito kumpara sa dating kong nakasanayan, pero sa totoo lang ang sarap mag lakad dito

Maaliwalas ang daan at paligid, may playground din malapit, naisip kong tumambay muna dun kahit saglit lang, naupo ako sa swing at idinuyan yun, dama ko ang hanging dumadampi sa buong katawan ko, tahimik at makulay ang paligid

Nakakawala ng stress, bigla kong naalala malapit na pala akong mag thesis, pagkatapos nun makakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas gagraduate na rin ako, pero sana kapag grumaduate ako nandun si nanay sana kahit man lang sa graduation ko mapagbigyan nya ang hiling kong mahalin na bilang anak nya.

Kapag nangyare yun, ako na siguro ang pinakamasayang anak sa mundo.

Tuloy pa rin ako sa pagduyan habang nakapikit ng biglang nakaramdam ako ng presensya ng isang tao na sa tingin ko Ay umupo sa katabi kong swing, napadilat ako at lumingon sa taong yun!

Nang makita kong sya lang din yun, hindi na ako nagulat pa at nagpatuloy na lang sa pagduyan, "ang tahimik mo" bigla nyang sabi "oo kanina kaso dumating ka" wala sa sarili kong sagot

Narinig ko ang pag smirk nya, hindi ko na lang pinansin pa yun, "about what happen on last we met ahm, I'm so sorry to being rude" pag amin nya, medyo nagulat akong sa sinabi nya yun pero di ko pinahalata

Ang gulo talaga ng taong to, di mo malaman kung anong gusto, "so kapag ginusto mong magalit, magagalit ka, kapag ginusto mo namang maging goodboy ganon ganon na lang? Ano ba sa tingin mong nararamdaman ng mga taong ginaganyan mo? Hindi kami robot kiel para gawin mo kung ano ang gusto mo"

Dismayado kong sagot, pilit ko naman syang iniintindi pero parang balewala lang sa kanya kapag nakikitungo kami ng maayos sa kanya, masyadong unfair yun para samin,

Napabuntong hininga sya at tumingala, "sorry........may dahilan ako kung bakit ko nagagawa yu-"

"So ano ngang dahilan? Diba magkaibigan na tayo? Pero ayaw mong mag open up sakin? Pano kita maiintindihan kung ayaw mong ipaintindi sakin?" putol ko sa sinasabi nya, sa sitwasyon namin ngayon, mahinahon na lang kaming nag uusap hindi na gaya kanina na nagiging war freak sa isat isa.

"dahilang hindi mo na gugustuhing malaman pa" malungkot nyang sabi na para bang may gusto syang iparating ngunit pinili na lang nyang ilihim, hanggang kelan ba sya magiging ganito?, all this time puro secret na lang!

"Ok sige hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga, ang pakiusap ko lang, wag mong hayaang mangibabaw ang galit sa puso mo" sana lang gumana ang payo ko sa kanya

Bigla syang nag smirk kaya napalingon ako "bakit nakangisi ka?"

"Medyo nakakatawa lang yung huling sinabi mo" napaisip ako bigla sa sinbi nya, may nakakatawa ba sa huling sinabi ko?

"Ang alin naman?" Tinaasan ko sya ng kilay "yung wag mangibabaw ng galit"

"Oh anong nakakatawa dun?" Pagtataray ko

"Naalala mo ba yung eksena natin kanina pagpasok ko sa entrance?" Inalala ko naman yung nangyare, "o anung meron dun?"

"Exactly, sabi mo wag mangibabaw ang galit pero kanina galit na galit ka remember?" tignan mo to namimilosopo nanaman

"Ano ba Kiel nang aasar ka nanaman ba?"

"Nope!" Talaga lang?, tumayo ako at dinampot ang mga tuyong dahon "hindi pala huh!" Sinaboy ko sa kanya lahat ng dahong hawak ko bigla syang tumayo at napatakbo habang ako tuloy sa pagdampot at pagsaboy sa kanya

"Hey stop that's dirty!" Hiyaw nya pero di ko sya pinakinggan at hinabol pa rin sya "hanggat namimilosopo ka hindi kita titigilan"

Ang layo ng narating namin sa paghahabulan, hanggang sa makakuha ng tsempo si Kiel para makakuha rin ng tuyong dahon at huminto ito saka humarap sakin, dahilan para mapahinto rin ako

"You wanna play? Now its my turn!" Mabilis syang tumakbo palapit sakin para isaboy ang hawak nyang sandamakmak na dahon, nagpanic ako kaya napatakbo na lang ako habang nasigaw "hoyyyyy walang ganyanan ahhhhhhhhh!!!"

Tuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang makabalik ulit kami ng playground "its a big NO, kaya humanda ka!" May halong nakakalokong ngiti ng sabihin nya yun, medyo creepy ang dating, nakahanap ako ng pwedeng pagsanggaan yung slide sa tabi medyo mataas yun kaya pilit kong inakyat papuntang taas

Habang sya pilit akong inaabot "so unfair get down here" utos nya pero di ko sya sinunod at dumiretso ako sa mismong slide at umupo "ayoko nga dito lang ako at least di mo ako maabot beeeeehhhh!😛"

"How you sure na hindi kita maaabot?" Pagbabanta nya, tapos bigla na lang syang umakyat ng mabilis sa hagdan para makarating kung saan nanduon ako "talagang hindi!" Pagkasabi ko nun niready ko na sarili ko para magpadulas at saktong pagslide ang padating nya sa kanto at muntikan pa kong maabutan.

Dumulas na ako nang hindi ko namalayan na sumabit ang kanang paa ko sa gilid ng slide dahilan para tumilapon ako at mauuna ang ulo ko sa lupa "Ahh"

"Athena!" Rinig kong sigaw nya at sunod kong nakita Ay nasa harapan ko na sya habang ako namimilipit sa sakit "aray ko yung paa ko" reklamo ko halos di ko mahawakan sa sobrang sakit, "are you ok bakit naman kasi nagslide ka pa"

Sermon nya kumunot noo ko, ako na nga nadisgrasya ako pa nasermunan! "Ikaw kaya ang may kasalan hinabol mo ako"

"Eh nagpapahabol ka naman" aba nakakaloko na to ah, pinilit kong tumayo pero lalo lang akong namilipit sa sakit "Ahhh ang sakit" hinawakan ako ni Kiel sa braso at inalalayang makatayo "wait ako na let me help you" offer nya na binuhat ako paupo sa swing saka tinignan ang paa ko "ahh wag mo hawakan masakit nga" suway ko

Pilit ko iniiwas ang kamay nya "shhh shut up na sprain ka yata, dalhin na kita sa clinic" umiling ako "wag na mawawala din to" tanggi ko na sprain na rin ako dati at nawala rin naman kaya sure akong mawawala din to parang pulikat

"No I said I'll bring you in the clinic" bago pa man ako makatanggi ulit, binuhat na nya ako like bridal style, wala na akong magawa kung hindi ang hayaan ang sarili kong binubuhat nya.

Sakay ng kotse nya, mabilis kaming nakarating sa clinic para ipagamot ang na-sprain kong paa, "I'll stay outside" huling sambit nya bago ako iwan sa loob ng clinic,

Habang ginagamot ng nurse ang paa ko, bigla kong naisip si Kiel, lahat ng ginawa nya sakin ngayon parang kakaiba hindi lang basta concern sa pakiramdam, parang ideal type, kaya maswerte ang babaeng iibigin nya, malas nga lang dahil bipolar ang lalaking yun

Bumalik sa realidad ang pag iisip ko ng magsalita ang nurse sa tabi ko "Ayan ok na pero wag mo munang masyadong pwersahin dahil namamaga pa yung ankle mo kaya much better kung may mag aalalay sayo para di mo maitapak ang kanang paa mo"
Bilin sakin nung nurse

"Ok po salamat" sagot ko bago sya tuluyang lumabas ng clinic, at maya maya lang pumasok na rin sa loob si Kiel dala ang isang galong ice cream? Bakit?

Umupo sya sa tabi ko saka inilahad ang galon sa harapan ko

"Anu yan" taka ko umismid sya "obviously? Ice cream" parang wala sa loob nyang sagot, di na ako nagsalita bagkus kinuha ko ang ice cream at dahan dahan kong binuksan

"Para saan naman to?" Taka ko dahil sa pag kakaalam ko wala namang connect ang ice cream sa paa ko "nothing!" Bored nyang sagot, gulo talaga ng lalaking to, "gusto mo?" Inalok ko sya baka sabihin di ako marunong mag alok

"Of course, kaya nga galon ang binili ko dahil hati tayo dyan" nahiya ako sa ginagawa nya, inabot ko ang isang spoon sa kanya at sabay naming nilantkan ang ice cream at napakasarap ng lasa

"Ang sarap nito Grabe" para akong nasa cloud nine sa sobrang sarap, tumingin sya sakin habang nakasubo ang kutsara sa bibig, inalis nya ito bago nagsalita "so favorite mo na to?" Biglang tanong nya

Tumango ako ng may malapad na ngiti, masarap talaga kasi vanilla pa at parang may graham na kasama! "Ok" yun lang at nagpatuloy na kami sa pagkain ng ice cream

Bigla akong may naalala ito yung dating napunta ako sa bahay ni kiel, dahil curious ako naisipan kong tanungin sya

"Ah Kiel, kayo lang ba ni Lola ang nakatira doon? Asan family mo?" Tanong ko habang habang nasubo

Umupo sya sa tabi ko at parang ang lalim ng iniisip habang nakatingin sa kawalan at napabuga ng hangin, parang may something, Mali yata na tinanong ko pa,

"Ah pwede mo rin namang hindi sagutin-"

"It's ok, I'll tell you" putol nya sa sinabi ko at umayos ng upo, "my parents are to much busy to their works.....then my older brother don't want me to talk he always have a reason to mad at me" simula nya ouch kalungkot naman akala ko ako lang ang may madramang buhay pati pala sya tapos nasaksihan ko pa kung pano sya maltratuhin ng mommy nya nung araw na nacomatose sya

"I don't know the reason with that his angry, samantalang mas favorite sya nila mom kesa sakin, lahat ng gusto nya nakukuha nya, unlike me" dugtong nya

"Sa tingin ko nakukuha mo naman ang gusto mo, may kotse ka, nakakapag aral ka ng hindi nag tatrabaho, at higit sa lahat may bahay ka at may shop"

"That's not my point" pagtatama nya sakin "huh?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya kahit na Tagalog naman!

"All I want is their attention to make me happy and we're get together like a one happy family" sa puntong yun nalungkot ako sa sinabi nya, pareho kaming naghahangad ng atensyon ng magulang

Ang kaibahan lang, mayaman sya, mahirap ako, parehong atensyon ng magulang nya ang gusto nyang maranasan, samantalang kami ni tatay ok pero kay Nanay hindi.

"Maswerte ka pa rin Kiel dahil, hindi ka nila pinapabayaan patungkol sa pag aaral mo at sa luho mo di gaya sakin" humarap sya sakin na puno ng pagtataka alam ko ng gusto nyang itanong ang bagay na iyon

"Laging galit ang nanay ko sakin simula Bata pa ako ni minsan hindi ko naranasan ang kahit katiting na pagmamahal nya, bagkus puro sermon, pananakit at pagdadamot ang nararanasan ko sa kanya, at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang tunay na dahilan ng sobrang galit nya sakin"

Napakwento tuloy ako ng wala sa oras! "Ay sorry hindi ko na dapat kinwento pa, hindi ko naman sa sinisiraan ko ang nanay ko pasensya na" napangiti sya sa sinabe ko

Yung normal na ngiti hindi gaya dati na parang nang aasar, "wala namang pinag kaiba they're same way to show up what kind of parents they are" tumayo sya saka tinignan ako

"If ever ba can be friends?...again?" Nagulat ako sa tanong nya, naging friends naman kami pero umayaw sya tapos makikipag friends bahagya akong napaismid at nag pout

"Pwede naman basta ba hindi ka na bipolar at wag mo na akong iniinis,." sambit ko at bahagya syang natawa at napailing.....

"Ok basta ba lilibre mo ulit ako ng kape" literal akong napanganga eh wala na nga ako sa coffee shop eh akala ko titigilan na nya ako tapos eto nanaman sya "akala ko ba-"

"I'm just joking I know na ganyan ang magiging reaction mo" tinignan ko nga sya ng masama "don't look at me like that kakain pa tayo ng ice cream"

Niyakap ko ang galon at iniwas yun sa kanya "mukha mo akin lang to!"

"Mmmmmm....pwede naman basta maglalakad ka pauwi" sambit nya at dinuro ako "sabi ko nga hati tayo" sabay hablot ng galon sa kamay ko at sinolo nya "oy kala ko ba hati tayo?"

"No! Marami ka ng nakain It's too big! Oh" Pagbabawal nya "eh? Ayoko ng tubig gusto ko ice cream" protesta ko at binigyan nya ako ng pissed off look! May Mali ba akong nasabi?

"Never mind" yun na lang ang nasabi nya at hindi na pinakain pa ang icream sakin
"Penge ako" Nagmadali akong tumayo para habulin sya at naglakad nakalimutan kong may sprain pala ang paa ko kaya ang ending "wooooy!!!" Kamuntikan na akong bumagsak pero mabilis akong nasalo ni Kiel at medyo nakatihaya ako habang nakahawak ang kamay nya sa likuran ko

Huli ko ng mapansin na malapit na ang mga mukha namin sa isat isa, nagkatitigan kami ngayon anu bang nangyayare parang may kakaiba? Parang feel ko tumigil ang paligid at nag slow motion ang lahat, ang weird...

Gustong gusto kong umiwas ng tingin pero parang magnet ang mata ni Kiel na hinihigop ang akin, bakit ganito? Hindi ko maintindihan, hindi ko naman nafefeel to kay Christian, ibang iba sa nararamdaman ko ngayong nakatitig ako sa mga mata nya....

Bumubuka ang bibig nya na para bang may sinasabi pero hindi ko marinig Anu bang nangyayare sakin? Bakit ako nag kakaganito? Nabingi na ba ako?

"Hey! Athena I said are you ok?" Sa isang iglap bumalik ang lahat sa realidad at napakurap ako saka lang nakasagot "ah a- a o-oo i-itayo mo na ako ok na ako" ngayon naman nauutal ako, umurong na yata ang dila ko

Binitawan na nya ako at inayos ko naman ang sarili ko "sure ka? Bakit parang tulala ka?" Taka pa rin nya akong tinitigan, ngumiti ako ng maluwag para di nya mapansing balisa ako

"Oo naman ah ano kasi gusto ko nang kumain ng ice cream ulit?" Hindi pa ako sigurado sa sinagot ko sa kanya, nag iba ng bahagya ang expression ng mukha nya at tumawa ng bahagya

"Ok fine last na to ah" sambit nya at inalalayan akong makalakad pabalik sa kama, hindi na ako nagsalita pa at nginitian na lang sya at aaminin kong nakakahiya ang ginawa ko kanina!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nagkaroon pa ng konting kwentuhan habang kumakain kami ng ice cream, pagkatapos nun nag decide na akong magpahatid samin dahil sa ok naman na ang paa ko,

"Dito mo na lang ako ibaba sa kanto namin" sabi ko kay Kiel,

"O-ok but why not directly in your home?" Taka nyang tanong pagkahinto namin sa kanto "ahm baka kasi makita tayo ni tatay pero kinakamusta ka nya" sagot ko at tinanggal na ang seatbelt baka kasi asarin nanaman ako ni tatay kapag nakita nya si Kiel

Pero bago ako tuluyang bumaba may gusto pa akong sabihin kay Kiel "ah kiel...mmm... Thank you pala sa pagdala sakin sa clinic at.....sa ice cream ang sarap.."

Sabi ko na ikinatawa nya "your welcome" tumango lang ako at lumabas na ng kotse maglalakad na sana ako ng magsalita sya "wait!" Pigil nya "mm?"

"Ah ok na ba talaga tayo?" Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi nya "oo naman friends na ulit tayo Diba basta may ice cream ulit ako ha!" Pagbibiro ko

"Well I'll treat you always, so friends?" Inilahad nya ang kamay sakin, agad ko namang inabot yun at nakipagshake hands "friends" yun lang at nauna na akong maglakad para makauwi na rin ako....

















(Hays so busy talaga kapag nakatoka ka sa lahat ng gawaing bahay dagdag pa yung nag hahang ang phone ko kaya ang tagal makapagtype........enjoy reads!)

Follow me: @Mb_Muster
Fb Account: Mb Muster

Продолжить чтение

Вам также понравится

Accidental Marriage A E I N 🌼

Любовные романы

4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
53.5K 7.3K 69
Freedom? I don't think she have such privilege. She opened her eyes one day with such gap and emptiness in her memories. That's why she grew up witho...
The Four Prince(Bk1)(Completed✔) Authorche

Любовные романы

1K 503 60
Completed✔ Sa kaharian ng Goryeo nakatira ang apat na prinsipe na sina Prince Lee Yool, Prince, Lee Sun, Prince Baek-ah,at Prince wang eun, mga bat...
SCENT OF LOVE (editing) venus

Любовные романы

1.3M 70.1K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...