Kabanata 14:
Nakatitig ako sa kisame ng ospital nang bumukas ang pinto nito kaya bahagya akong umupo at tipid na ngumiti kay Jules.
"Okay na ba?"
"Oo, nabayadan ko na. Sure kang ayos ka lang? Uuwi ka na?" tanong niya pabalik tapos ay dumeretsyo siya sa small table sa gilid ng kama ko at kinuha ang isang apple roon at kumagat.
Bahagya akong tumango.
"Ayoko ng magtagal dito bakla, sayang ang perang ibabayad saka ayos naman na ako mga pasa at gasgas lang to," sabi ko bago bumaba ang tingin sa mga pasa at gasgas kong natamo sa braso at hita.
Ayoko naman na gumastos nang malaki habang nakahiga ako rito. Kung magpapahinga ako ay sa bahay na lang, saka hindi ako komportable sa amoy ng ospital pakiramdam ko ay lalo akong sasamain ng pakiramdam.
Isang araw pa lang simula ng nangyari sa may park, hindi pa rin ako makapaniwala. Una, dahil hindi ko alam na mangyayareiiyon sa akin. Pangalawa, akala ko talaga may mangyayaring masama sa akin akala ko katapusan ko na. Pangatlo, si Damulag pa ang tumulong sa akin.
"Nasaan na pala si Damulag?"
"Nasa labas kasama si Berto," ani Jules habang inaayos na ang mga gamit ko.
Nuong unang araw namin dito ni Damulag ay dahil sa allergy niya tapos nagkapalit kami at ako naman ang na-ospital.
Wala naman masamang nangyari sadyang napagod lang siguro ang katawan ko at dahil sa takot na rin na naramdaman ko kaya halos buong araw akong tulog kahapon mabuti na lang at natawagan ko si Jules at Berto para tingnan muna si Damulag habang nagpapalakas ako.
Ang kalbong muntik ng may gawin masama sa akin ay nakakulong na, mabuti na lang talaga at inasikaso ni Jules iyon habang tulog ako. Si Berto naman ang nagbabantay kay Damulag, nagpapasalamat na lang ako dahil kahit panay ang english at bulol naman si Berto ay nagkakaintindihan naman ang dalawa.
Sakto naman bumukas ulit ang pinto at iniluwa ang gwapong lalaki.
"Mommy!" matinis na boses nito nang makitang gising na ako.
Kaagad tumakbo si Damulag at sumampa sa gilid ng kama ko bago naglalambing na yumakap sa aking beywang.
Tipid na ngumiti ako kay Berto na kakapasok lang din.
"Tabi ko tayo huwag kang tsatsakbo!" hinihingal na usal nito kay Damulag tapos ay napatigil siya ng makita itong nakayakap sakin. "Ahm, ta labat nalang muna ako Tenzy. Iintayin ko nalang kayo ton." aniya.
Hindi ko naman nakakalimutan na may gusto sa akin si Berto pero alam din naman niyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Nagpapasalamat na lang din ako at pinapakisamahan niya nang maayos si Damulag.
"Sige Berto lalabas na rin kami inaayos lang ni Jules 'yog gamit ko. Salamat pala sa pagbabantay Kay Damulag," sagot ko at ngumiti tumango lang siya bago isara ang pinto.
Napatingin naman ako kay Jules na tapos nang mag-ayos.
"Tara gorabels na, latang gulay na si aketch," aniya.
Ginulo ko ang buhok ni Damulag habang nakayakap pa rin siya sa akin.
"Tara uuwi na tayo." Napatingala naman siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit lagi akong napapatitig sa mata niyang abuhin.
"Ateng una na ako sa sasakyan sunod kayo." Rinig kong usal ni Jules bago ko marinig ang pagbukas sara ng pinto.
Humiwalay na si Damulag mula sa pagkakayap niya, mabuti na lang at nawala na rin ang mga pantal niya at pamamaga ng labi niya.
"Mee are you okay?" tanong ni Damulag, sinisipat ang mukha ko.
"Oo naman, ako pa ba?"
"Are you sure Mee?" tanong niya ulit tapos ay hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Hold me," aniya.
Tumango na lang ako bago hawak-kamay kaming naglakad.
Kung may nakakarinig lang ng tibok ng puso ko ngayon ay paniguradong kakabahan din. Hindi ko alam kung bakit kahit sa simpleng galaw lang ng lalaki na ito ay gano'n na lang ang reaksyon ng puso ko.
Oo aaminin ko, kinikilig ako.
Sino ba naman hindi kikiligin kahit naman isip bata ito ay napaka lambing ng mga galaw niya lalo na kapag talagang nagpapalambing siya halos hindi na humihiwalay sa akin.
Tungkol naman sa pagiging isip-bata niya. Napagdesisyonan ko nang ipatingin siya sa espesyalista. Alam kong gagastos ako ro'n kaya hindi ko pa alam kung kailan ko siya maipapatingin. Wala naman kasi akong malaking pera, nang sumuweldo naman ako noong nakaraan ay nagbayad ako ng bahay at bumili ng mga pagkain sa bahay.
Lalo at dumoble na ang gastos ko dahil may kasama na ako sa bahay na ang lakas pa naman kumain. Kahit naman sabihin hindi ko siya kamag-anak tapos bakit ko kinukupkop hindi rin naman ako masamang tao para abandonahin siya sa kalsada.
Sabagay sinubukan ko rin naman siyang iwan pero hindi talaga kaya ng konsensya ko.
Kaya hanggat hindi pa siya maayos, hanggat hindi pa siya magaling mananatili sa akin si Damulag. Iyon ang naisip ko.
Napukaw ako mula sa pag-iisip ko nang kurutin ni Damulag ang magkabilang pisngi ko kaya napangiwi ako bago nagtatakang napatingin sa kanya.
"Mee, I said we are here." Doon ako napakurap-kurap hindi ko namalayan nakalabas na pala kami ng ospital.
Kaagad na hinanap ko ang motor na dala ni Berto, nakita ko sila sa hindi kalayuan sa gilid ng parking lot.
"Tara iyon sila oh." Turo ko tapos ay nagsimula na ako maglakad pero napahinto ako nang hindi ko maramdam si Damulag sa aking likod.
Napakunot ang aking noo nang makita siyang nakatayo lang doon habang nakatitig sa malayo.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at napailing ako nang makita ang nagtitinda.
"Gusto mo ng ice cream?" tanong ko dahil nakatitig siya sa nagtitinda ng ice cream.
Nakita ko ang kinang sa mata niya pero nawala rin iyon bago siya umiling.
"No Mee," aniya habang umiiling pa.
"Eh bakit ka nakatingin do'n?" tanong ko sa kanya.
Nagbaba siya ng tingin animong nahihiya. "We don't have money. Wala naman tayong pera." pahina nang pahina ang kaniyang boses.
Napangiti ako sa sinabi niya, gusto niyang magpabili pero naiisip din pala niya na wala kaming gano'n kalaking pera para gumastos nang gumastos. Siguro kmayaman 'tong si Damulag kasi parang wala lang sa kanya 'yong pera noong una. Lagi siyang nagpapabili ng kung ano-ano pero ngayon mukhang naiintindihan na niya.
"Mayroon pa naman tayong pera huwag ka mag-alala nagta-trabaho naman ako. Tara bili tayo gusto ko rin e," aniko.
Ang malungkot niyang mukha ay unti-unting lumiwanag. Natawa na lang ako nang tumakbo na siya papunta sa nagtitinda ng ice cream.
Kunwari pang ayaw e.
"Kuya dalawa pong tig-bente pakilagay po sa cone," sabi ko kay Manong.
Napatingin ako kay Damulag dahil titig na titig siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?"
Mabilis siyang umiling bago kunin ang ice cream na inaabot ng nagtitinda. Hay ang weird talaga!
Nagpasalamat kami sa nagtitinda bago pumunta kila Jules at Berto na naghihintay samin.
"Nako kumain pa ang mag-una." Natatawang usal ni Jules nang makita kaming papalapit ni Damulag.
Sumakay si Jules sa likod habang si Berto ang driver kami naman sa loob ni Damulag.
Nang magsimula na ang biyahe namin pauwi ay busy ako sa pagdila sa mongo ice cream ko. Napansin kong hindi kinakain ni Damulag ang sa kanya kaya tumingin ulit ako nahuli ko na naman siyang nakatingin.
Nakurap-kurap pa ako.
"B-Bakit na naman?" tanong ko.
Imbis na sumagot ay unti-unting lumapit sa akin ang mukha ni Damulag. Nahigit ko ang aking hininga at napahigpit ang kapit ko sa ice cream ko nang unti-unting dumampi ang kanyang labi sa gilid ng aking labi.
Hindi ito unang beses na halikan niya ako pero sobrang kabog ng puso ko.
Napalunok ako ng ilabas niya ang kaniyang dila at dilaan ang labi ko ng tatlong beses.
Pagkatapos noon ay umayos na siya ng upo na parang walang nangyari habang ako ay naiwan nakatulala.
"I like the flavor of your ice cream mee. So sweet."
---
SaviorKitty | Back To Six