STATUS: Waiting, Hoping and P...

By crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... More

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 15

974 10 1
By crostichan

Lance’s POV

Trixie, binibigyan kita ng  sampung segundo para bumalik.

10

9

8

7

6


Umalis na sya. Bakit pa ba ako umaasang babalik sya.

5

4

Trixie. Please. Bumalik ka.

3

hindi na ba talaga magbabago yung isip mo?

2

kailangan ko na bang tanggapin na ayaw mo.

Ayoko man. Gusto kong pigilan yung oras.

Pero, 1.

Times up.

Nakatayo pa rin ako. Nakatingin sa lugar na inalisan ni Trixie.

Parang huminto  sa pag-ikot yung mundo ko.

Parang gusto kong bumuka na lang ang lupa, at kainin ako ng buhay.

O kaya umakyat sa bubong sabay talon.

Buong buo akong nakatayo ngayon pero parang pakiramdam ko pinupunit ako.

Binging bingi na ko sa katahimikan.

Ayokong umiyak. Ayokong ipakita sa kanila na nasasaktan ako.

Pero ang luha pala, parang puso. Di mo kayang kontrolin. Naramdaman ko na lang na tumutulo na yung luha ko pababa sa pisngi ko.

Ang sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Di ko maipaliwanag.

Parang kinuha sakin yung buong mundo ko.

“Lance, Bro. Ok ka lang?”

“Lance, baka nabigla lang si Trixie.”

“maybe she have her reasons”

Andami pa nilang sinabi. Puro espikulasyon, pero wala kahit isa ang totoo.

“Hindi gumana yung plano natin.” ngumiti ako sa kanila. Pilit na ngiti. Kumpleto pa pala ang grupo ko.

“Tara. Uwi na tayo. Gabi na din oh. Girls, salamat sa tulong. Kuya Jhake at Ate Ianne. Salamat din. Seth, kirby at Christian. Salamat” tapos naglakad na ko palayo.

May talent pala ko dito no, sa pag-arte. Kunwari ok lang ako. Pero ang totoo, basag na basag na ko sa loob.

Pinaandar ko ng mabilis yung sasakyan ko. Di ko alam kung san ako pupunta. Kahit san. Kahit san na makakalimutan ko yung sakit. Kahit san na pwede kong kalimutan yung ginawa ni Trixie.

Hindi ako galit sa kanya. Sabi nga ni Daddy, di ko hawak yung puso niya. Pero di ko maikakailang nasaktan ako. Para akong namatay sa ginawa nya.

Trixie, bakit hindi ako? Bakit hindi ako yung miracle na hinihintay mo? Hindi rin ba ikaw yung nakatakdang maging prinsesa ng puso ko?

Ayoko Trixie. Ayoko sa iba. Ikaw lang yung minahal ng puso ko ng ganito. Ikaw lang yung nag-iisang babaeng dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

*SCREEEEEEEEEEEEEEECCCCH*

hininto ko yung sasakyan ko. Hindi ko na kayang magmaneho. Nanginginig na yung buong pagkatao ko.

Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako umiyak ng ganito. Umiikot na yung Paligid ko. Nahihilo na ko.Kaya pala mas gusto ng ibang uminom ng alak kaysa umiyak kasi pareho lang din naman yung epekto.

Pagyuko ko ng ulo ko, nakita ko yung kwintas.

Trixie. Bestfriend pa rin naman kita di ba? Bestfriend mo pa din ako. Di ko tatanggalin to. Kung ito na lang makakapagpaniwala sakin na ako pa rin bestfriend mo.

Sinandal ko lang yung ulo ko sa manibela. Masakit. Sobrang sakit. Ang hapdi hapdi. Para akong sinasakal. Parang pakiramdam ko, pinapatay ako ng unti-unti.

Nung medyo magaan na yung pakiramdam ko, umuwi na ko samin. Sana natutunan ko na lang kung panu uminom ng alak, para kahit papano mabawasan yung sakit. Kaso hindi e.

Pagpasok ko ng bahay, may naririg akong tawanan galing ata sa dining area.

“ma . Pa.” nagmano lang ako sa kanila at nakita ko si Bianca.

“Lance, anung nangyari?” ang galing mambasa ng nanay ko. Nakuha niya agad na di ako ok.

“Ma, sa susunod na lang ako magkukwento. Pag kaya ko na. Aakyat na po ako” sinabi ko na hindi man lang pinansin yung bisita nila.

Humiga na ko sa kama.

“Naamin ko na. Pero walang nangyari e.” kinakausap ko nanaman yung kisame namin.

Ayoko ng umiyak. Masakit sa ulo. Masakit sa mata.

‘Lance.”

diba marunong kumatok tong babae to?

“Anung kaylangan mo?”

“I heard what happened”

di ko sya pinansin sa sinabi.

“I’m here to be your friend” tapos umupo sya sa kama ko.

“Hindi ko kaylangan ng kaibigan” malamig na sabi ko sa kanya.

“dapat pala kahapon pa kita kinausap”

anu bang sinasabi nito.

“what do you mean?”

“Lance, I saw them yesterday.”

“Them?”

“yhup. Trixie and Seth”

“What?” parang nabingi ako sa sinabi niya.

“i saw them sa studio nyo kahapon. Maggagabi na din yun e. With the looks of it, mukhang may something sa kanilang dalawa. Ang saya nga nilang nag-uusap e. They were like a happy couple”

Si Seth? Kaya ba di nya tinanggap yung feelings ko sa kanya dahil kay Seth? Dahil sila na ni Seth?

Isa isang bumalik sakin lahat ng pangyayari.

nung kasayaw niya si Seth. yung mga ngiti niya.

 yung sabay silang lumabas ng reception hall nung kasal ni Ate Ianne.

Nung si Seth pa yung tinawagan niya kahit ako na yung katabi niya.

“seth please answer the phone”

Yung concern ni Seth sa knaya nung practice.

“eto tubig oh, it will make you feel better”

Yung usapan namin ni Seth kahapon

“masasaktan ka lang”

“pag hindi naman, walang sisihan. Binalaan kita”


“Lance are you -“


“GO OUT!” sigaw ko sa kanya.

“But Lance”

“DI KA BA NAKAKAINTINDI NG ENGLISH? LABAS!”

padabog siyang lumabas ng kwarto ko.

Bakit sila pa gagawa sakin nito? Bakit sarili ko pang mga kaibigan.

Nagmukha akong tanga! Bakit sila pa? Bakit di nila sinabi agad. Mukha akong g*go dun kanina. Lahat ng pride ko nilunok ko na, lahat. At wala ng natira.

Nakita ko yung picture namin ni Trixie sa side table.

Wala na kong pakialam sa iyo ngayon. Simula ngayon buburahin na kita sa buhay ko. Pinili mo si Seth di ba? Magsama kayo ng hayop na yun.

Nanginginig yung frame sa pagakakahawak ko. Di ko mapigilan yung galit ko.



Tapos binato ko yung picture frame.

*BLLLLAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!!!*

Tinignan ko yung mga basag na parte ng salamin.

Ganyan. Ganyang ganyan yung puso ko ngayon. Dahil sa ginawa mo Trixie, basag na. Basag na basag na at hindi na maayos kailanman. Sana sinabi mo agad. Maiintindihan ko naman e.



Umupo na lang ako sa sahig. Pakiramdam ko mababaliw na ko.

“MANLOLOKO! SINUNGALING! MALANDI”

Akala ko Trixie iba ka sa kanila. May namamagitan na pala sa inyo ni Seth tapos kung itrato mo ko ganun na lang? Malandi ka din pala gaya ng iba?

Sana sinabi mo na agad. Sana nalaman ko agad. Ang tanga tanga ko. Bakit di ko yun napansin agad.

Siguro mamatay matay na silang dalawa kakatawa dahil sa ginawa ko kanina.May paluhod luhod pa kong nalalaman. Yung mga sweet lines sa bawat karton pinag-isipan ko talaga. Tapos ganito lang?

Pumunta ako sa CR. Sa sobrang galit at sakit na nararamdan ko, sinuntok ko yung salamin dun. Gusto kong ilabas lahat ng galit ngayon at baka makapatay ko.

*CRRRRRRAAAACCCCCCCCK”

“LANCE! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?”

Niyakap ako ni Mama. I felt so vulnerable in her arms. Kahit na dumudugo na ngayon yung kamay ko, mas masakit pa rin yung puso ko.

“MA, hindi ko na kaya.  ang sakit. Ang sakit sakit”

Parang bata akong umiiyak kay Mama ngayon.

“Lance, be strong. Hindi lang siya ang babae sa mundo”

Natauhan ako sa sinabi ni Mama.

Simula sa araw na to, no tears will fall from these eyes because of that slut.

Pagbabayarin ko sila ng malaki sa ginawa nila sakin.

Isang araw maaalala mo kung gano kita minahal. And you're going to hate yourself for letting me go.




Trixie’s POV

its been exactly one week after nung nangyari but the pain still lingers here. Ang sakit sakit pa rin hanggang ngayon.

Oo ako yung tumakbo palayo. Ako yung nang basted. Pero ako yung nasasaktan. Kabaligtaran di ba?

Pero kasi…

Akala ko iba si Lance sa lahat. Pero gaya din sya ng iba. Man with their egos.

He is an ego tripper. I don’t know if the word ego tripper really exist. Narinig ko lang sya sa prof ko nung 1st year college ako. Ibig sabihin ng ego tripper, pag nalaman ng isang guy na may gusto sa kanya yung isang babae, liligawan niya agad. Bakit? Kasi alam nyang sasagutin sya nito.

And I’m not that kind of girl. But Lance thinks that I am.

akala niya isa din ako sa mga babaeng nagpapapansin sakanya. Akala niya isa din ako sa mga malalanding babae na lumalapit sa kanya.

Hindi ako galit kay Lance. Pero siguro nandito yung inis.

Nabastos ako sa ginawa niya.

I’m at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone
Baby it’s all wrong, where are the plans we made for two?



Oh yeah, bago nanaman ringtone ko.

Calling …

Seth

Di ba sila napapagod? Di ba nila napapansin na ayaw ko munang makipag-usap? Alam ko namang wala silang kasalanan dito e. Pero basta ayaw ko muna. Wag muna ngayon.

From: Seth

pag ok ka na at ready ka ng makipag-usap, just give me a call.

Maliban sa text na yan ni Seth. Andami ding iba pang text. 160 na sila ngayon.

From: Leslie

oi, magparamdam ka naman. Nagaalala na kami. Sori Trix.

From: Rachel

teh, sori. Itxt mu naman aq o. Khit dot lang. Imissyou.

From: Jannah
wag ng ma pride pls. Sagutin mu na yung tawag ko.

From: Kirby
trix, i don’t knw wats on ur mind. Bt im sori dear. Give me a call pls.

From: ate Ianne.
Best, why no reply. Wla kbng load o iniiwasan mu lng ako? SguTin mu naman yung twag ko oh.

From: Jannine

i missyou.


Paulit ulit lang naman sila ng text. Pero walang text kahit isa si Lance. And I admit, nasaktan ako kasi I’m expecting that he will text me after what I did.

“I’m fine. Don’t worry.”

tapos sinend ko na sa kanilang lahat.

Wala namang mangyayari kung titiisin ko sila e. After what happened, I still have them.

From: Seth

akla ko nkalmutan mu na kng panu mgtext. Haha.

To: Seth

not exactly. XD

From: Seth
cguro bored kna nu kya naisip mu ng mgtext.

To: Seth
mejo? Haha. My bgo kang buks? Pahiram ako.

One week din akong wala sa sarili. Maybe it’s time to explore another world. I read books as a form of escape

From: Seth
yeah! Hunger Games Trilogy.

To: Seth
ow rili! Peram! Now na. Haha.

From: Seth
sure thing. Punta ka studio mamaya ha.

Studio. Pagkabasa ko nun, parang nawalan akong pumunta though gusto ko talagang mabasa na yun.

Pakiramdam ko hindi pa sapat yung one week para iprepare yung sarili ko. Going to that place may mean scratching the scar once more.

Pero sabi nga nila, face your fears. Kaya ko to. Fighting!

Pagkatapos ng lahat ng dapat kong gawin, dumiretso na ko sa studio.

Pagdating ko dun, parang wala namang pagbabago. Nandito na ko sa pinto. Kakatok o hindi? Syempre hindi. Nasanay na kasi akong hindi kumakatok e. Diretso pasok lagi. It’s not a big deal anyway kung kakatok ako o hindi.

Pagpasok ko,

lub .. dub lub dub lub dub.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Kahit nakatalikod siya, alam kong siya yun. Di ako pwedeng magkamali. Pero hindi ko kilala tong babaeng katabi nya.

But her back looks familiar.

“By the way I’m Bianca. Lance girlfriend.” tapos humawak sya sa braso ni Lance na parang linta.

Pakiramdam ko gumuho yung buong mundo ko pagkarinig ko. Parang nahilo ako sa sinabi niya pero nakatayo pa rin ako. That line justifies everything.

One week pa lang nakalipas may girlfriend na sya agad? Kung sabagay, he is an ego-tripper. Baka naghanap sya agad ng bago kasi napahiya sya sa ginawa ko. Huh! Serves him right.

“Trixie, long time no see” sabi ni Christian kaya napalingon silang lahat sakin.

“oo nga e” maikling sagot ko.

Naglakad na ko papunta kay Seth sya naman kasi talaga sadya ko dito.

“you ok?” bulong nya sakin nung lumapit ako sa kanya.

“don worry I’m fine” I project a fake smile.

Sa lahat ng taong nandito, si Seth lang yung nakakaalam kung anu yung totoo kaya siguro alam niya na hindi ako ok ngayon dahil narinig ko yung sinabi ni Bianca.

Inabot niya sa kin yung books kaya I decided na umalis na.

“Trixie, hatid na kita sa labas” lumingon ako kay Seth pero nagsalita si Lance

“Seth stay. May practice pa tayo. Wag mong unahing makipaglandian sa kanya” tapos tumingin sya sakin na parang ako yung pinatutungkulan niya. Tapos inemphasize niya pa yung word na ‘makipaglandian’

Sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya nun parang nagyelo ako sa kinatatayuan ko. I looked at him.

Wala siyang pagbabago physically. Pero sa ugali, ang laki. Parang hindi na sya yung Lance na bestfriend ko. He acts like a complete stranger.

“e may practice pala tayo e. Bakit ako lang sinabihan mo ng stay? Di ba dapat sya din? Nakalimutan mo na bang drummer natin sya?” depensa ni Seth.

“hindi ko alam kung bakit nyo pa siya pinapunta dito. She is no longer a part of this band. Bianca will take again her place.” walang pagbabago sa tono ng boses nya. Cold.

what? May replacement na agad ako? THIS IS UNFAIR.

Bakit di na ko part ng bandang to? Parte na to ng pagkatao ko. Tapos ganun na lang? I did my best para mapantayan ko yung galing nila. Tapos ganito lang?

“WHAATT?” sabay sabay nilang sabi.

“you can’t do it Lance.” sabi ni Seth.

“Hindi pa kami pumapayag.” sabi ni Christian.

“if you will terminate her, dapat may consent kami” sabi ni Kirby.

“kailangan ko pa ba ng opinyon niyo? Ako nagpasok sa kanya dito sa banda, kaya ako lang din may karapatan na tanggalin sya”

“Lance, unfair to sa kanya” pasigaw na sabi ni Kirby.

Kung magtalo sila parang wala ako sa harapan nila.

“don’t worry guys. It’s ok. Wala din naman akong planong makasama ang isang monster dito. Mas maganda ngang wala na ko sa banda para at least, hindi na kami magkikita. I don’t need to deal with him everyday. Mas magiging maayos yung buhay ko. Malayo sa isang taong cold hearted at insensitive.”

I take every courage na meron ako at naglakad papunta sa harap niya.

I looked at his eyes and said

“Did I just hurt your pride last week? Too bad for you dear. Wag kang mag-alala, hindi naman ako nagpunta dito para magpractice e. I’m here for Seth. Wag kang masyadong feelingero”

tapos umalis na ko kasi alam kong at any moment hindi ko na kayang pigilan yung luha ko. Kala nung gonggong na yun papatalo ako sa kanya ha.

Pero yung tapang ko na yun hanggang sa loob lang ng studio.

Paglabas ko, tumakbo na ko.

WALAYA!!!! . One week lang ganun na siya. One week lang wala na kong banda. one week lang. ONE WEEK.

ano bang nasa isip niya? Hindi niya ba alam na masasaktan ako sa ginawa niya? Eto ba kapalit ng ginawa ko sa kanya?

NOw I know that I made the right decision.

Continue Reading

You'll Also Like

337K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
87.3K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...