It All Started With The Royal...

By CloudMeadows

1.3M 60.3K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... More

intro.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.
xi.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xviii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxviii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxii.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxviii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

i.

81.8K 2.1K 995
By CloudMeadows

(Since most of you wanted to push the same plot, here ya go loves! Enjoy!)

Darkness illuminated the vast sky and I'm starting to feel the coldness biting into my skin but I kept on walking, I kept on going. My heels slap against the cold cement as I continue to walk in the middle of the road. Yep, and no I'm not attempting suicide.

Masyado akong maganda para mamatay ng maaga. Wow that rhymed.

But I stop. I pulled out my phone to check the time and it says three in the morning. I shrug and put my phone back into my back pocket. I'm not even the tiniest scared in this situation, like walking in the middle of the road while it's dark and it's like freaking 3 in the early morning situation. And I am not stupid, crazy yes but more like I'm bored and just seeking for...fun. Crazy? That's me.

Itinapon ko nalang yung hawak kong bote ng alak dahil wala naman na pala siyang kwenta kasi wala ng laman at patuloy pa rin ako sa paglalakad. You know, I'm hardly ever drunk, my tolerance for alcohol is too high and it took time for me to achieve that awesomness. So yeah, I'm sober.

And then I started crying.

"Oh my god it hurts." Hinawakan ko yung dibdib ko. "He l-left me. He cheated! That bastard!" At mas lalo lang ako humagulgol. "After all these years of being together, he dared to cheat on me?! HE FUCKING DARED!" Napahawak pa ako sa tuhod ka dahil hindi ko na kaya. Pinunasan ko yung pekeng luha sa mata ko.

Then I started laughing.

"Stupid." I said to myself. Ginaya ko lang kasi yung nakita kong babae kanina na nag da-drama sa harapan ko. Sa tingin niya may pake ako na iniwan siya ng boyfriend niya? Mas nagmumukha lang siyang tanga at engot kanina. Bakit mo iiyakan ang isang tao na nanloko sa'yo? Pwede namang bugbugin o isupalpal sa imburnal.

But like I said, she's pathetic. Her boyfriend is pathetic. Everyone is pathetic.

"I'm so bored!" I whine. I raise my hand in annoyance. I'm craving for fun but that freak ruined my night. Hindi ako makaalis sa posisyon ko kanina dahil nakaharang siya sa daan. Pwede ko naman siyang itulak nalang pero binabayaran niya yung alak ko nang hindi niya namamalayan. Another stupidity pero nakinabang ako kaya hinayaan ko nalang.

Oh god. That was far the nicest I have been! Magiging banal na ba ako? Oh my god. This is creeping me out. Oh my god. Oh my god.

"Ugh!"

Humiga ako sa gitna ng kalsada na parang nasisiraan ng utak at tumingin sa langit. Nakatulala lang ako at nakatingin sa maitim na ulap at sa kumikislap na butuin. Wtf, kumikislap na butuin? Ew. Ang lalim.

Twinkle twinkle little star

How I wonder what you are

Up above the world so high

Like a diamond in the sky.

I'm singing inside my head and I may look like dead and paralyzed and well...crazy in the middle of the road. But that's what I am good at. May narinig akong huni ng sasakyan pero nanatili lang ako sa posisyon ko at nakatulala. Nakatingin pa rin ako sa ulap habang hinihintay ko yung kotse na papalapit. Hindi pa rin ako gumalaw mula sa posisyon ko hanggang sa nararamdaman ko na yung ilaw ng sasakyan.

Twinkle twinkle little star

How I wonder what you are

Up above the world so high

Like a diamond in the sky.

"Miss?"

My silent singing was interrupted. How rude.

"Miss?"

Hindi ako gumalaw. Pero nakadilat ang mga mata ko. Tinatamad akong kumilos bakit ba?

"Um miss? Ayos ka lang?"

Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko pero hindi pa rin ako nagsasalita. Ginalaw galaw pa niya yung kamay niya sa harap ng mata ko pero di ako kumilos. I'm starting to smell fun, ladies and gentlemen.

"Miss naririnig mo ba ako?"

Duh. Gusto kong umirap pero masisira lang yung acting ko kaya di ako umimik. Hindi ko masyadong naaninag yung nagsasalita pero alam kong lalaki siya at in fairness, ang bango niya. Dahan dahan niya inilapat yung daliri niya sa leeg ko para siguro tignan kung buhay pa ako.

"Miss nilalamig ka ba?"

Malamang alam na niyang di ako sasagot kaya naramdaman ko siyang umalis sa tabi ko, dahan dahan akong umupo at nakita ko siyang nakatalikod sa akin at mukhang may kinukuha siya sa trunk ng sasakyan niya.

Tumayo ako at medyo lumapit sa kanya kaya naman pagkalingon na pagkalingon niya eh muntik na siyang mapasigaw dahil nakatayo na ako sa harapan niya. Kalalaking tao ang ingay puta.

This is fun.

"M-Miss?"

"I'm thirsty."

Hinawakan ko yung leeg ko at medyo umubo. "I-I need water." Insert fake cough. "W-Water p-please."

Hindi siya makaimik at nanlalaki pa rin ang mga mata niya pero bumalik siya sa loob ng sasakyan niya para kunin yung tubig at tahimik na inabot sa akin.

"S-Salamat."

"Miss anong ginagawa mo sa gitna ng...daan?" He eyed me warily. Inubos ko yung laman ng water bottle niya saka itinapon 'yon sa gilid.

"I'm still thirsty!" I fake gasp at nagkunwari akong hindi makahinga. "M-Masakit yung lalamunan ko..." Umubo ubo ako at napahawak sa tiyan ko. "...at nanunuyo."

"May alam akong pinakamalapit na hospital- Miss?! Miss!"

I started crying-fakely crying. Duh.

Bumalik ulit siya sa loob ng sasakyan niya at tama nga ang hinala ko, tatawag siya ng ambulansya. Pero bago pa niya sila matawagan, hinablot ko agad yung cellphone niya.

"I'm still thirsty." Lumapit ako sa kanya dahan dahan hanggang sa lumapat yung likod niya sa kotse at bago pa siya makatakbo, hawak ko na siya sa kwelyo at mas lalo ko siyang idiniin sa sasakyan.

"I want-" Inilapit ko yung labi ko sa leeg niya at nakita ko siyang napalunok. Ngayon ko lang napansin na bata pala 'to. I'm guessing 16 or 17? So this kiddo has been driving illegally huh? Inilapit ko yung labi ko sa leeg niya at sinadya ko talagang idikit 'to ng dahan dahan. Mas lalo siyang napalunok.

Hmm.

I didn't say anything. I kept on teasing him. Leaving trails of subtle kisses on his neck. Hindi siya nagsasalita pero ang mokong hinawakan ako sa bewang at mas inilapit sa kanya. I rolled my eyes but didn't stop him. Now let the fun begin, shall we?

Naramdaman ko yung kamay niya na naglalakbay pataas pero patuloy lang ako sa leeg niya. Marahan kong kinagat yung tenga niya saka bumulong. "-blood."

And that made him stop.

"A-Ano?!"

"Nice car, bitch."

I shove him to the side at sumakay sa sasakyan niya. He was left with his mouth wide open kaya naman ibinaba ko yung screen at inilabas ang kamay ko at kumaway.

I'm not stupid to steal this car and get myself stuck in jail so after how many rounds of driving and being crazy, I left his car kahit saang tabi tabi at umuwi na.

And that is how my day ends ladies and gentlemen.

▪️▪️▪️

"Ate! Kain na! Nagluto si mama ng paborito mong itlog at hotdog!"

"F off!"

"Pakyu ka din! Gising na!"

At hinila na nga ako ng damulag kong kapatid paalis ng kama. I have been feeling strange for the past three days and today is getting worst. Halos maalog na laman ng utak ko nung bumagsak ako sa sahig at saka lang ako pinagtawanan ng demonyo kong kapatid.

"Bilisan mo diyan!"

"Oo na saglit lang! Anak ka ng halimaw!"

Tumayo ako agad at muntik na akong matumba sa sobrang pagkahilo. Buti nalang napahawak ako sa pader. Anak ng pato karma na ba 'to? Wala naman akong kademonyohan na ginawa kahapon?

Whatever. Gutom lang 'to.

Nagpunta na ako sa kusina para simulang kumain. Nakahanda na yung pagkain sa lamesa habang nagtitimpla naman si mama ng kape at yung demonyo kong kapatid mas nauna nang kumain.

Sinapak ko siya sa likod ng ulo niya kaya naman nabilaukan siya.

"Ano ba!"

"Ang baboy mo."

"Baboy na kung baboy basta hindi bakulaw na katulad mo!"

"Itigil niyo na nga yan! Ang aga aga nag-aaway na naman kayo."

"Si ate kasi."

"Ma ano yang mabaho?"

Pareho silang napatingin sa akin. Gosh alam kong maganda ako pero kailangan ba nilang ipahalata?

"Baka amoy mo yan ate." Kukurutin ko na sana siya kung hindi lang pumagitna si mama.

"Baka yung mga basura na hindi naitapon kagabi. Ranz magbasura ka mamaya ha."

"Bakit na naman ako ma? Bakit hindi nalang si ate? Tutal basura naman niya lahat yan e!"

"Baka gusto mong ikaw ang ibasura ko tutal basura ka naman na?"

"Nako tigilan nga ninyo yan. Hala kumain na kayo. Ikaw naman Callie male-late ka na sa trabaho kaya kumain ka na."

Napatingin ako sa kape at halos bumaliktad yung sikmura ko sa tapang ng amoy.

Ano bang nangyayari sa akin? Pinakulam na ba ako dahil sa mga kagagahan ko sa buhay?

Kumain nalang ako pero hindi pa man ako nakakaisang subo, mas bumaho pa lalo nung naglabas si Ranz ng ketchup.

"Bakit ang baho? Expired na siguro yan."

"Baka ikaw ang expired. Kanina ka pa ate paayos mo nga ilong mo."

Napairap ako at uminom ng kape. Hindi pa man ako nakakalunok, naibuga ko na ito at napatakbo sa kusina at napasuka.

Hindi ko alam kung bakit ang dami kong sinusuka ngayon. Pakiramdam ko namamanhid na yung lalamunan ko sa kaka-suka. Ipapakulam ko talaga kung sinong HINAYUPAK ang nagpakain sa akin ng nabubulok na pagkain. Bwisit.

Nagmumog na ako pagkatapos kong ilabas yung laman ng tiyan ko.

"Oh tissue." Inabutan ako ni Ranz habang si mama naman alalang nakatingin sa akin.

"Anak ayos ka lang ba? Hindi ka naman masyadong pinaparusahan sa trabaho mo?"

"Ma ayos la-"

Bumigay yung tuhod ko sa unang hakbang ko palang. Buti nalang nahawakan agad ako ng kapatid ko sa braso.

What the fuck is happening with me? Mamamatay na ba ako? Pagbabayaran ko na ba lahat ng mga naging kasalanan ko? Hindi ba pwedeng makipag negotiate muna kay kamatayan?

Pakiramdam ko kasi para akong may indigestion at ang bigat bigat ng katawan ko. Wala pa naman ako ginagawa sa araw na 'to pero parang pagod na agad ako.

Sign na ba 'to na kailangan kong bumisita sa isang albularyo?

"Ang mas mabuti pa magpahinga ka muna."

Inalalayan ako ni mama at Ranz papuntang kwarto. Kita ko sa mata ni mama ang sobrang pag-aalala. Naunang lumabas si Ranz habang inilalabas ni mama yung mga gamot galing sa drawer. Ang seryoso ng mukha niya feeling ko alam na niya yung mga kagagahan ko sa buhay.

"Eto, inumin mo saka ka magpahinga."

Tumango nalang ako. Ang hapdi ng lalamunan ko.

Pero bago pa man siya lumabas, lumingon siya sa akin at seryosong tinignan ako sa mata.

"Kailan ang huli mong menstruation?"

"Last month first week."

"Okay."

Tuluyan na siyang lumabas. Weird. Sakto namang tumambad yung kalendaryo sa likod ng pintuan pagkasara ni mama at napadako yung tingin ko sa numero na may bilog.

July 4

Kaso third week na ng July ngayon.

Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang unti unti kong ma-gets kung bakit yun tinanong ni mama.

Pero hindi yun maari. I made sure na hindi hahantong ang lahat sa ganito. Gaga ako pero hindi ako tanga. Baka na-late lang ako ng dating. Tama. Callie hindi ka buntis. Masyado ka pang gaga para maging ina.

"This is stupid." Nagtalukbong nalang ako ng kumot.

I can't be pregnant.

Right?

But why do I feel different?

▪️▪️▪️


⬆️⬆️ Feel free to suggest if you want to see any contents 🤗
Those are my newly made account hehe.

I welcome all your feedbacks just comment and pindot pindot the 🌟 if you like this chapter :)

Continue Reading

You'll Also Like

86.8K 2K 68
❝ Damn, finding a man who loves you more than himself is hard nowadays. ❞ Isa? Dalawa? Maraming beses na naging sawi ang puso ng isang Athena Minerva...
558K 27.5K 44
1/3 of Lord Series "He's like a lightning. He will strike you once and it's either you'll be destructed or you will be marked. In my case, I am both...
981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.