A Wife's Suffer

By FloralBride

7.7M 93.1K 4.4K

Isang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakay... More

Prologue
Chapter 1: It is the starting point.
Chapter 2: The Wife's Past
Chapter 3: Her Past (Part 1)
Chapter 4: Her Past (Part 2)
Chapter 5: Worried
Chapter 6: His POV
Chapter 7: The Party
Chapter 8: The Sick Person
Chapter 9: The Caring Person
Chapter 10: Sticky Note
Chapter 11: Trip to Boracay (Part 1)
Chapter 12: Trip to Boracay (Part 2)
Chapter 14: A Friendly Date
Chapter 15: She's A Whore
Chapter 16: His Explanation
Chapter 17: The Word 'Sorry'
Chapter 18: We're friends once again
Chapter 19: College Days (Part 1)
Chapter 20: College Days (Part 2)
Chapter 21: Who's that Girl?
Chapter 22: Shopping with his sister
Chapter 23: Are you sulking?
Chapter 24: Fiesta Day
Chapter 25: Serenade
Chapter 26: Back to the start again
Chapter 27: Where Is He?
Chapter 28: The Special Dinner
Chapter 29: Sweet Home
Chapter 30: Last Hatred
Chapter 31: Thinking Of Her
Chapter 32: The Phrase "Space and Time"
Chapter 33: After She Made The Right Decision
Chapter 34: The Day of their Encounter
Chapter 35: Chasing Her
Chapter 36: Running Away
Chapter 37: Another Alvarez
Chapter 38: Serious talk
Chapter 39: The Secretary
Chapter 40: Who's This?
Chapter 41: Treat in the Cafe
Chapter 42: Success or Failed?
Chapter 43: Love Confession
Chapter 44: Before "THE DAY"
Chapter 45: The Day
Chapter 46: Sweet Proposal
Chapter 47: She's Back
Chapter 48: The Revelation (Part 1)
Chapter 49: The Revelation (Part 2)
Chapter 50: The Revelation (Part 3)
Chapter 51: The Reason
Chapter 52: Gender
Chapter 53: Name
Chapter 54: What She Wants
Chapter 55: The Signature
Epilogue
Question and Answer Portion

Chapter 13: You again?!

126K 1.9K 43
By FloralBride

A/N: One, two, three.... HELLO FLORALBRIDERS! Musta na kayo? I'm here alive and kicking! So, idededicate ko po itong story sa iyo kasi ikaw ang kauna unahang nag message sa akin. Nakakatouch po yung minessage niyo sa akin. Sana po ipagpatuloy niyo po na suportahan at sana po magustuhan niyo po yung story ko ng buong puso. Tsaka rin yung mga nagcocoment rin, salamat at sobrang saya ko kasi pinapaupdate niyo po ako. Thank you talaga! Hala? Hyper si Author ah? Talaga naman eh. Hindi na ako makapaghintay na ipost itong next chapter para sa inyo guys so here's the next update!


LUCKY'S POV

Pagkamulat ng aking dalawang mata ay naaninagan na ako ng sikat ng araw. Nandyan na kaya si Stephen? umupo na ako sa gilid ng kama ko at tumayo na para ayusin na yung kama pagkatapos ay hinanda ko na yung sarili ko. Pagkababa ko ay hinanap ko si Stephen kung nandiyan na siya pero bigo ako kasi hindi pa ata siya nakakauwi.

Kumakain na ako ng almusal ng biglang nagvibrate yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sino.

From: Jenny

Good Morning Lucky! Sorry kung nagising kita ah. Available ka ba ngayon? Nabalitaan kong napaaga yung uwi niyo ni Stephen galing sa Boracay. Kung available ka, kita tayo sa Heaven's Cafe. Ininvite ko na rin si Nikki. Kung hindi, itext mo na lang ako para hindi kami maghihintay doon sa wala.

Napahagikhik ako sa text ni Jenny. Hindi pa rin siya nagbabago. Miss ko na nga rin silang dalawa. Ay! Itetext ko si Stephen kung pwede akong um-- Ay! Oo nga pala. Ayaw niya pala ako na lumalabas ako ng bahay. Hay. Parang nakakulong ako dito sa bahay. Wala rin naman ako gagawin kasi malinis pa rin naman yung bahay. Tsaka sandali lang rin naman kami sa Boracay, uwi nga kami agad diba? Tinext ko si Jenny na pupunta ako sa Heaven's Cafe.

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay hinugasan ko na yung pinagkainan at pinaglutuan ko. Daling dali ako na naghanda sa sarili ko. Tiningnan ko yung relo ko kung anong oras na. 10:30 A.M. May oras pa naman ako bago pa makarating si Stephen dito sa bahay. Sigurado naman ako na didiretso na iyon sa trabaho pagkatapos niyang makitulog sa bahay ng babae niya. Kung tinatanong niyo kung may pake pa ako kay Stephen ay oo siyempre mahal ko siya eh. Pero, parang araw-araw naman siyang may dala na babae dito sa bahay o kaya nakikitulog siya sa bahay nung mga babae niya. Feel ko sanay na yung puso ko kasi paulit ulit lang ito nasasaktan.

Chineck ko kung sarado at safe na yung bahay namin kaya pagkalabas ko ng bahay ay sinarado ko na yung front door namin. Naghihintay ako ng taxi sa labas ng subdivision namin. Nang may pumara na taxi ay sumakay ako at sinabi ko na sa Heaven's Cafe.

Pagkababa ko sa taxi ay binayaran ko na yung taxi driver. Pumasok na ako sa Heaven's Cafe. Bigla kong tinakpan yung dalawa kong tenga dahil sa pagsalubong nila sa akin.

"LUCKYYYY!!!!"

"BESTTTTT!!!!"

Talaga naman oh. Tiningnan ko yung nasa paligid namin. Hay naku! Parang wala lang sa kanila na sila na yung sentro ng atensyon ng mga tao dito. Nakakapagtaka hindi man lang ba mangsusuway yung owner ng cafe nito na ang ingay nila.

"Lucky dito ka umupo! Dali!" pagkuway sa akin ni Jenny. Tiningnan ko naman yung nasa paligid namin at ako na ang nagsosorry sa kanila dahil sa kaingayan nila. Ba't ba wala dito yung owner ng cafe na ito. Hindi ba sila susuwayain? Nang lumapit na ako ay nagulat ako sa outburst naman ni Nikki.

"Girl! Ano yan sa braso mo? Ba't ang purple ng kulay niyan? Sinaktan ka ba na naman ni Stephen?!" biglang tumayo si Nikki at hinawakan niya yung braso ko. Napangiwi ako sa sakit. Hindi ko namalayan yun ah. Talaga atang namanhid yung buong sistema ko kagabi. Kaya ngayon ko lang ulit naramdaman yung sakit.

"Wala ito. Nahulog ako sa hagdanan kanina kasi nagmamadali na ako." pagsisinungaling ko sa kanila. Nakatingin na rin si Jenny sa may braso ko at nagulat, napatakip siya ng bibig dahil sa laki ng pasa ko.

"Wag kang magsinungaling sa akin Lucky! Matagal na tayong magbestfriend. Impossible naman na nahulog ka sa hagdan dahil nagmamadali kang pumunta dito. Ano yun, excited kang pumunta dito? Maghihintay naman kami dito kasi nagtext ka naman kay Jenny eh." pinapaupo na ako ni Nikki.

"Ano ba naman kayo! Pinayagan ko na nga kayo dito kumain sa cafe ko tapos mag-iingayan lang kayo?" napatingin ako sa taong nagsasaway sa amin. Niyakap ko agad siya. Nakakamiss talaga itong babae na ito. Sobrang tagal ko na hindi na kami nagkikita. Pero humarap ulit ako at tinanong ko siya kung bakit owner siya ng cafe eh meron na siyang bakery shop. Umupo na siya sa tabi ko.

"Ah hindi, sino nagsabi sa iyo na bakery shop ang minamanage ko?" napatingin ako kay Nikki. Sabi niya bakery shop eh bakit cafe yung minamanage ni Gaille?

"Sorry kung bakery shop yung nasabi ko sa iyo. Parehas lang naman yung bakery shop tsaka yung cafe diba?" tanong niya habang nakataas yung dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya sa mga pulis.

Napailing na lang kami ni Gaille. Hay naku Nikki. Nakatingin pa rin si Jenny sa braso ko. Bigla kong tinago yung pasa ko sa braso sa kanya.

"G-g-ganyan na ba si Stephen sa iyo Lucky? Na kaya na niya ikaw saktan?" bigla siyang napayuko at pinagdikit niya yung kamay na parang magdadasal at itinapat niya sa ulo niya.

"S-s-sorry Lucky! Kung binigay pa namin ni Troy yung ticket na iyon." nagulat ako sa akto ni Jenny. Napatingin naman sa akin si Gaille na nagtataka kung bakit nagsosorry sa akin si Jenny. Si Nikki naman ay umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman ako.

"Ano ka ba Jenny, hindi ikaw yung may kasalanan kung bakit kami nakauwi ng maaga ni Stephen sa Boracay eh bigla kasing tumawag yung secretary niya nagkaproblema yung kompanya kaya bigla kaming umuwi agad tsaka nagpapasalamat nga ako sa inyo kasi kahit maaga kami nakauwi eh na enjoy namin sa isa't isa. Tsaka ito." turo ko sa pasa ko."Nahulog talaga ako sa hagdan kasi nga nagmamadali ako, gusto ko na kasi kayo makita eh. Matagal na kasi tayo hindi nagkikita." binigyan ko siya ng ngiti.

"Weh Lucky!? Naghoneymoon kayo ni Stephen? Magkwento ka naman!" napangiti naman ako sa tanong ni Gaille, ang kulit niya talaga parang bata. Nakahinga naman si Jenny at ngumiti sa akin. Kinuwento ko naman sa kanila kung anong nangyari sa amin ni Stephen sa Boracay pero puro kasinungalingan lang yung nasasabi ng bibig ko sa kanila. Sorry pero kailangan kong magsinungaling sa inyo kasi ayaw ko naman na maging bad image sa harap niyo si Stephen. Tsaka ayoko naman na ipakita sa inyo na hindi na maganda yung relasyon namin ni Stephen.

Nakita kong napailing si Nikki sa akin habang nagkukukwento ako sa kanila. Alam ko naman na alam ni Nikki yung estado ng relasyon namin ni Stephen. Pero hindi naman niya sinasabi sa kanila yung tungkol sa relasyon namin ni Stephen. Pagkatapos kong kinukwento sa kanila ay ako naman nakinig sa mga kwento nila sa buhay nila ngayon. Puro tawanan at tilian yung mga ginagawa namin.

12:00 P.M. na nagpaalam kami sa isa't isa sa Heaven's Cafe. Sinundo na si Jenny sa asawa niya dahil pagod na ito dahil buntis nga. Si Nikki naman ay tinext niya yung asawa niya na malalate lang daw siya ng uwi. Si Gaille naman ay bumalik na siya sa opisina niya kasi madami pa daw siyang gagawin.

Biglang tumabi si Nikki sa akin. "Lucky wag kang magsinungaling sa akin. Naiintindihan ko naman yung estado ng relasyon ni Stephen eh pero sana papayag ba akong nakikita kong may pasa ka kapag nagkikita tayo nung last time na nagkita tayo may pasa ka rin tapos nung tinanong kita kung sinaktan ka na naman ni Stephen umiwas ka naman sa tanong ko. Ayaw mo bang sabihin sa kanya yung totoong nagyari sa inyo kung bakit kayo nagpakasal?" tanong ni Nikki sa akin. Napakuyom ako ng palad at hinarap ko siya. Pumunta muna kami sa park kaya tinext niya yung asawa. "Sa palagay mo ba makikinig siya sa akin kapag sinabi ko sa kanya yung rason ko kung bakit kami nagpakasal?" diin na tanong ko sa kanya. "Pano ko masasabi sa kanya yung rason ko kung puro galit at poot yung puso niya at kinamumuhian niya ako, sige nga Nikki sabihin mo sa akin paano?!" naiiyak na bulyaw ko sa kanya.

Biglang lumapit sa akin si Nikki at yumakap hinahagod niya rin yung likod ko. Tuluyan na akong umiyak kay Nikki. Pinapatahan naman niya ako. "Sorry Lucky, pero may karapatan ka pa rin naman bilang kababaihan eh. Ayaw mo ba siyang hatulan ng kaso dahil sa pananakit niya sa iyo?" umiling ako at hinarap ko siya "Mahal ko siya Nikki. Mahal na mahal na hindi ko kaya kung mabubuhay pa ako kapag mawala siya sa akin. Siya na yung kasiyahan ko Nikki. Siya lang." bumuntong hininga siya at tumango na lang. Pagkatapos namin maglakad at magkuwento ay sinundo siya ng asawa niya, nagyaya pa siya akin na sunduin pa nila ako sa bahay namin ni Stephen pero tinanggihan ko naman kasi kaya ko naman umuwi ng mag-isa. Sa huli, pumayag si Nikki at sinabi niya sa akin na mag-ingat na lang ako. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Sa labas ng park ay naghihintay ako ng taxi ng biglang may tumigil na magarang sasakyan sa harap ko. Binaba naman yung bintana ng sasakyan ng driver bigla ako nagulat kung sino yung driver at napasigaw ako ng

"ANDREI?!"

Binigyan naman niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Hello Lucky, diba sabi ko sa iyo tumawag ka sa akin? Naghintay ako ng tawag sayo pero pinaghintay mo lang ako sa wala." Lungkot niyang sabi at yumuko siya. Nang biglang inangat yung ulo niya. "Bilang pambawi mo sa akin ay sumama ka sa akin." pilyong ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"H-Ha?! ANO?!"


A/N: What can you say Guys? Masyado maiksi? Sorry pero yun lang pumasok sa utak ko eh. Hay... Sorry po talaga guys! Lumuluhod na po ako sa inyo. I need:

-20 votes

-200 reads

-commmets (any reactions na masasabi niyo sa chapter na ito.) :)

Masaya po ako na pinapaupdate niyo sa akin itong A Wife's Suffer. Sana suportahan niyo po ito at sana maispread niyo po itong story ko para lahat tayo ay happy! -FloralBride ;)

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 90.2K 62
First of all wag kayong mag expect sa story ko na to ha. First time nga kaya d pa gaano ka perfect hihi. Appreciate niyo nalang at kung wit niyo bet...
1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
14.5M 193K 45
WARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.
8.2K 335 24
Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong walang balak na mahalin ka? Hanggang kailan ka magtitiis sa mapanakit na pag-ibig? *** Thalia Meissele Lop...