Shotgun Wedding

Von pancakenomnom

436K 4.8K 699

One wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on t... Mehr

Characters
PREFACE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Author's Note
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Five
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
POSTFACE
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 1)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 2)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 3)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 4)
Shotgun Wedding Plus: A New Beginning
Epilogue
Author's Note II

Eleven

6.9K 91 11
Von pancakenomnom

A/N: This is for crazygirlshara, na isa sa mga matiyagang sumusubaybay sa story na to. Thanks a lot, girl! :* 

A/N #2: It's time to present the other side of the story. Moment na ni Arleigh na magkuwento dito. Hehe. Please feel free to share your opinions and insights because they are very much welcome and highly appreciated. Thank you a bunch! :DDDD


Arleigh

Nagising ako nang kung may anong nagulungan ang likod ko. Tumusok ito ng konti, at agad akong napabalikwas ng bangon. Isang key chain na hugis surfing board ang tumambad sa paningin ko. Surfing ang paborito kong sport mula noong college hanggang ngayon. Ewan ko kung bakit alam ng babaeng ito ang tungkol dito.

Dumako ang paningin ko sa kanya habang natutulog siya. It must be a good sleep dahil humihilik siya. Panatag na ang mukha niya ngayon, hindi kagaya noong nakaraang gabi na ang dungis niya masyado. I found it strange when she slapped herself, na sana ako na lang ang gumawa. Napalitan agad ng pagtataka ang galit at inis ko. I’ve never seen someone do that to their own self. Tanging siya lang ang nakita kong gumawa noon. And yet, I felt that strange feeling again.

Strange? Eh unang kita ko pa lang sa kanya strange na ang lahat.

Nung araw na nag-overtake ako sa kanya sa daan, doon ko na naranasan ang sunod-sunod na impyerno sa buhay ko. Hindi niya ako pinaniwalaan nung sinabi kong naaksidente si Kuya Arkin kaya ako nag-overtake. Sinira pa niya ang windshield ng kotse ko gamit ang sandal niya. Nang makaganti ako sa kanya sa restaurant, umani naman ako ng isang malakas na suntok at isang toneladang pagkapahiya. And in the days that followed, palagi siyang nag-i-insist na dapat ko siyang maalala.

And I really don’t know her in the first place.

She’s a mere stranger in my life. Hindi ko alam kung saang planeta siya galling dahil sa attitude niya. May poise nga, pero tigre naman kung umasta. Daig pa niya ang holdaper sa Quiapo. Nabigla ako ng sobra-sobra nung sinabi sa akin ni Mama na pakakasalan ko siya para sa merger ng kompanya. Hindi ko inisip na mangyayari sa akin ang ganito. Girlfriend ko si Leslie, at hindi madali para sa akin ang makipaghiwalay sa kanya.

“Ma, ipapakasal niyo ako sa babaeng hindi ko naman kilala? Are you out of your mind?” I spat.

“Anak, please. Para ito sa ikabubuti ng kompanya. Malulugi na tayo, e. Sila lang ang makakatulong sa atin.” she pleaded.

I rolled my eyes then let out a heavy sigh. Perfect na ang lahat sa lovelife ko. Marriage proposal na lang ang kulang at makakasama ko na si Leslie habangbuhay.

“Kaya kong patakbuhin ang kompanya. Ibabalik ko ulit ang dating sigla at mangunguna ulit tayo. Isinusumpa ko iyan.” I said firmly.

Isang tingin na nagsasabing wala ng pag-asa ang lahat ang ibinalik sa akin ni Mama.

“Arleigh, we have no choice. Kailangan mong magpakasal.” 

Nang sinabi ko kay Leslie ang tungkol dito, parang nagunaw ang mundo niya. Naalala ko uminom siya ng limang shots ng tequila bago niya ako sinagot.

“Kainis ha? Ano ba’ng tingin nila sa iyo? Laruan na pwede lang ipamigay ng basta-basta? Arleigh, sa UP ka nag-aral. Nag-handle ka ng family business sa Amerika. You have the necessary skills and knowledge para mapatakbo ang kompanya. Bakit ba kailangan nilang gawin ‘to?”

“They’re desperate. They always think na hindi ko kaya, when in fact I’m doing my best.” I said.

Tumungga pa siya ng isang shot.

“Baliw sila. Baliw sila eh! Alam mo ba iyon, ha?” Halata na sa tono ng pagsasalita niya na lasing na siya. Pinapakalma ko siya dahil nagsisimula na siyang magwala.

“Leslie, please. Huwag kang mag-eskanadalo dito.”

Hinagis niya ang baso sa sahig. Natahimik ang buong bar dahil doon at pinagtitinginan kami. Binayaran ko ang mga ininom niya at umalis na kami.

Nang sumunod na araw, nag-usap kami ulit ni Leslie. Okay lang sa kanya na magpakasal ako. Kinunan niya pa ako ng picture para remembrance which I find so weird.

Few hours bago ang kasal, kinausap ako ni Kuya Arkin. Inaayos ko ang bow tie ko noon, at napatigil ako nang makita ko siya sa likuran ko.

“Kuya.” sabi ko habang tinitingnan ko siya sa salamin.

“Congrats, lil bro. You’ll tie the knot na rin sa wakas.” ngiti niyang sabi sa akin.

I smiled. “Eh ikaw kuya, kalian ka ba magpapakasal?”

“Matagal pa. Hahanapin ko muna ang babaeng para sa akin.”

Natahimik din kami sandali para magpakiramdaman. May pagka-awkward yung harapan namin. Simula nang ma-discharge siya sa opsital at makausap si Lujille, palagi na niyang sinasabi sa akin na importante ang babaeng iyon sa buhay ko. Na malaki ang parte niya sa memorya ko. Lagi kong iwinawaksi ang isiping iyon, but the more I resist, the more he insists.

Nagsalita rin si Kuya matapos ang ilang minutong katahimikan.

“Arleigh, isa lang ang maipapayo ko sa iyo. Be nice to her. Bigyan mo siya ng chance na-“

Pinutol ko ang sasabihin niya.

“Na maalala ko siya. Kuya, kaya kong ipangako na magpapakabait ako para sa kanya pero promise, ngayon ko lang siya nakilala.”

He smiled. “Okay lang, nirerespeto kita. Pero ikaw rin…"

Binitin niya sa hangin ang mga huling kataga niya at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. He patted it twice tsaka umalis.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang ikinakasal kami ni Lujille. Alam naming masasaktan sina Nathan at Leslie sa ginagawa naming. Kinakain ako ng konsiyensiya ko, pero kailangan kong gawin ito.

I tried to be nice to her sa reception namin. Somehow, I felt that I wasn’t faking it, at nagkaroon pa kami tuloy ng chemistry. Kung hindi niya ako pinag-alala kagabi, hindi ko sana siya susungitan mamayang pagkagising niya.

Tumagilid bigla si Lujille at napatingin ako sa kanya. May sugat ang kanang tuhod niya. Tumayo agad ako at kinuha ang dinala akong first aid kit.

Ginamot ko ang sugat niya. Idinampi ko ang bulak na may alcohol sa sugatan niyang tuhod. Napaurong siya ng kaunti at bigla na lang nagising.

“Huwag kang gumalaw.” sabi ko at hinawakan ang binti niya.

“Eh paanong hindi ako gagalaw? Ang hapdi kaya.” inaantok niyang sabi.

“Stay put, kundi bubuhusan ko ‘to ng alcohol.” banta ko sa kanya.

Tumahimik siya habang tinatapos ko ang paglilinis ng sugat niya. Nilagyan ko ng plaster ang sugat niya para hindi magka-impeksyon.

“Salamat.” nakangiting sabi ni Lujille at hinimas-himas ang plaster.

“Salamat din sa keychain. Ito na nga lang ang bibilhin mo, nagmukha ka pang taong grasa.” Natawa ako ng konti sa sinabi ko. Ang dungis niya talaga kagabi. Tuwing nakikita ko siya, iyon ang naiiisip ko.

“Okay lang. sa iyo na iyan. Kahit iniwan mo ko sa lobby nung dumating tayo dito at sinigawan mo pa ako kagabi, binilhan pa rin kita niyan.”

Ngumiti ako at tiningnan siya ulit.

“Kumain ka na ba? Sabay na tayo.”

Bumangon siya at nag-unat ng katawan. “Hindi pa. Saan mo gustong kumain?”

“Kahit saan basta masarap. Tayo na.”

Naghilamos siya sandali tapos nagbihis. Nagpalit na rin ako ng damit at lumabas na kami ng kuwarto. She linked her arm in mine, at may naramdaman akong kakaiba. Keychain. Ang pagsampal niya sa sarili kagabi. Parang nangyari na iyan noon… pero hindi ko alam kung kailan at saan.

A/N #3: Short chapter. Tiyaga-tiyaga muna tayo, ha? Busy pa kasi ako sa school eh. I have to write for My Immortal pa. Hehehe. Sana naiintindihan niyo. :*

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

149K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
46.7K 3.9K 30
Sa buhay ng iba maaring ako ang maldita pero sa buhay ko, ako ang bida! Palaban akong tao at ayaw kong matulad kay Cinderella na inaapi muna bago mag...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
139K 2K 42
Isang ordinaryong dishwasher/server si Amy sa restaurant na kung tawagin ay Cheesecake Factory, pero isang gabi, nagbago ang kanyang kapalaran ng mak...