(Enigma Trilogy) Linford Acad...

By Potato-sama29

530K 11.4K 810

Enigma Trilogy 1 - Linford Academy Raven Spade Martel live in a small village called Belmoor. After she witne... More

Author's note
Prologue
Main Character
Magic 1
Magic 2
Magic 3
Magic 4
Magic 5
Magic 6
Magic 7
Magic 8
Magic 9
Magic 10
Magic 11
Magic 12
Magic 13
Magic 14
Magic 15
Magic 16
Magic 17
Magic 18
Magic 19
Magic 20
Magic 21
Magic 22
Magic 23
Magic 24
Magic 25
Magic 26
Magic 27
Magic 28
Magic 29
Magic 30
Magic 31
Magic 32
Magic 33
Magic 34
Magic 35
Magic 36
Magic 37
Magic 38
Magic 39
Magic 40
Magic 41
Magic 42
Magic 43
Magic 44
Magic 45
Enigma Series 2
FaQs
Volume 2: Prologue
Volume 2 CH 1: Downcast
Volume 2 CH 2: Pain reliver
Volume 2 CH 3: look at me, Dont look at me
Volume 3 CH 4: The villian and superhero
Volume2 CH 5: Three seconds
Volume 2 CH 6: A storm disaster; Silver and Zack
Volume 2 CH 7: A storm disaster Silver and Zack part 2
Volume 2 CH 8: Unexpected event
Volume 2 CH 9: Nightmare
Volume 2 CH 10: Nightingale
Volume 2 CH 11: Silvercord
Volume 2 CH 12 : Silver trace
Volume 2 CH 13: In The Middle Of The Chaos
Volume 2 CH 14 Two Things
Important Announcement
Volume 2 CH 15 : Reason Why
Volume 2 CH 16: Chain Of The Past
Volume 2 CH 17 : Empathy
Volume 2 CH 18 : Sudden Attacks
Volume 2 CH 18 :Take Away
Volume 2 CH 19 : Familyar Name
Volume 2 CH 20: Xandu Kingdom
Volume 2 CH 21: Just Go Arlea
Volume 2 CH 22 Sinha Forest
Volume 2 CH 23: The Olipo Tribe
Volume 2 CH 24 : Open Your Eyes
Volume 2 CH 24: You're Not A Monster
Volume 2 CH 25 :Beyond The Boundary
Volume 2 CH 26 : Eight Letters
Volume 2 CH 27 : Freedom
Volume 2 CH 29 : Poison
Volume 2 CH 30 : I Decided
Volume 2 CH 31: Pitch Black
Volume 2 CH 32 : The Witch Queen
Volume 2 CH 33: The Queen In The Chess Board
Volume 2 CH 34: Untold Truth
Volume 2 CH 35: Reflection
Volume 2 CH 36: Spring Day
Volume 2 CH 37: This I Promise You
Volume 2 CH 38: Home Again
Volume 2 CH 39 : MEMORIES
Volume 2 CH 40: Flashback
Volume 2 CH 41: A Lie And Apple
Volume 2 CH 42 :the Difference Between Night And Light
Volume 2 CH 43 : Smile
Volume 2 CH 44: Feelings

Volume 2 CH 28 Signal

1.7K 43 1
By Potato-sama29

Raven's Pov

'Are you sure about this Raven? Napatingin ako kay Silver ng nagsalita ito. Kasalukuyan kasing nasa pintuan sya ng aking silid.

' Hindi mo respunsibilidad na tulungan sila at ilagay ang sarili mo sa panganib 'dugtong pa nito habang nakacross ang kanyang dalawang braso.

' Hindi ko natulungan ang aking bayan noon. At inaamin ko na hanggang ngyon ay sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Paninimula ko habang pinagpatuloy ko ang pagsosout ko ng sapatos.

'Oo hindi maibabalik ng pagtulong ko sa tribong ito ang mga nangyari sa Belmoor pero Silver para sakin hindi ko na kayang makakita ng isang mamayanan na mawawasak ng iba.' dagdag ko pa nakita ko naman na nakatingin sya sakin ng mariin. Oo medyo naiilang pa ko kay Silver pero parang kilalang kilala kasi sya ng puso at katawan ko. At hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pag kasama ko sya.

' At alam ko naman na tutulungan mo ko. Si Zack at si Ashton ay nandyan din para tulungan ako kaya para sakin pagkasama ko kayo hindi ako matatakot' wika ko sabay ngiti ng bahagya sa kanya.

Nagtaka ako ng biglang umiwas ng mukha si Silver pagkangiti ko at tama ba yun kita ko na namumula ang mga tenga nya? Bakit naman sya mamumula?

'Just don't do any reckless things Raven. And please be safe, we will go and save you' rinig kong sagot nito kaya lalong lumapad ang aking ngiti.

Parang kanina lang ay nakakaramdam ako ng takot at pagaalangan sa gagawin ko pero nung nakausap ko si Silver bigla akong nagkalakas. Siguro yun lang ang kaelangan kong malaman, malaman na may mga taong nagaalala sakin at naniniwala sa planong gagawin ko. Mga taong Handa akong tulungan.

Pagdating ng araw ako naman ang tutulong sa kanila. Gagawin ko ang lahat para mailigtas sila gaya ng ginawa nila sakin. Balang araw masusuklian ko rin ang mga ginawa nila sakin at yan ay isang pangako.

Patayo na sana ako para lapitan si Silver ng nakarinig ako ng sigawan sa labas kaya sabay kaming napatingin ni Silver. Sinundan pa ito ng isang pagsabog na lalong nagpalakas ng hiyawan.

Kaya pagkasenyas ko ay Silver ay sabay kaming tumakbo sa labas at sabay naming nasaksihan ang walang awang pagkitil ng mga nilalang na yun sa buhay ng mga tao dito sa tribong ito.

Nakayukom ang kamao ko sa aking nasasaksihan. At kinapa ko ang paputok sa gagawin kong signal pag nasa kuta na ko ng kalaban.

'Aba yan ba yun mga nilalang na pumepeste sa tribong ito?' biglang tanong ni Zack na kakasulpot palang kaya tumango tango ako.

'Ang papanget naman pala. Pero okay na yun mas gaganahan akong durugin sila isa isa' wika ni Zack na balak na sumugod pero agad ko syang napigilan gamit ang paghawak ko sa braso nya.

Napatingin sya ng may pagtataka sakin ngunit tinignan ko lang sya sabay ngiti ng bahagya. Dahan dahan kong binitiwan yung braso sya at naglakad papalapit dun sa mga nilalang. Kung lalabas agad sila ay masisira ang plano namin. Kaya hindi maari.

Narinig kong tinatawag ako ni Zack ngunit mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad hanggang naramdaman kong may dumampot sakin at hinawakan ang aking mukha.

'Mukhang may itsura ang isang ito boss. Malaking pera ang makukuha natin pagkabenta dito' ani ng may hawak sakin.

'Isama narin yan. Puro mga walang kwentang matatanda na lang ang naririto' ani nung isa na mas malaki at may hawak na spear.

Hinagis ako nito sa isang karwahe na punong puno ng mga bata at babae na takot na takot at umiiyak. At pagkakita ko dito ay mas lalong kumulo ang dugo ko. Pati ba naman bata ay nagagawa nilang ibenta. Mga wala pa itong muwang. Mga walangya sila.

Zack's Pov

Lumipas na ang maghapon ngunit wala parin ang signal ni Flat. Sabi ko na napaka maling plano itong na isip ng stupid flat. Parang ginawa nyang pain ang sarili nya.

'Hoy nakamaakara may nakita ka na ba?' tanong ko dun sa weird na nakamaskara. May kakayahan kasi ang isang itong makakita kahit sa malayong distansya kaya sya lang ang makakakita ng signal ni flat.

Ngunit nakakabenteng tanong na ata ako ngunit puro iling lang ang sagot nya. Kingina! Maaasahan ba namin ang isang ito? Baka nanloloko lang ito na may ganon syang kakayahan? Kase wala naman sa itsura nya.

Kung titignan sa mukha ay isa lang itong weird na nilalang na medyo may pagkatanga. Hindi ko pa alam ang abilodad nya ngunit pakiramdam ko wala itong kwenta kagaya ni pabidang epal na si Silver na kasalukuyang prenteng prente ang pagkakaupo.

Kala ko ba ililigtas nya si Flat kahit anong mangyari? At kala ko ba isusugal nya lahat para kay Flat? Puro salita lang pala si pabida.

'Hoy Silver sigurado ka ba sa plano ito? Nagaalangan na kasi ako.' wika ko ngunit para hindi ito narinig ni epal imbis yun nakamaskara ang tumingin sakin.

'Wag kang tumingin sakin baka hindi mo pa makita ang signal ni flat' saway ko dito at walang atubili naman itong sumunod. Kaya ako naman ay nagpasya na pumunta sa kinaroroonan ni epal.

Kasalukuyan kasing nasa silid kami nung weirdong mask man. Ito kasi ang pinaka mataas na gusali rito at kung nasa mataaas kami ay madali namin makikita ang signal ni flat ngunit mukhang may nakaligtaan kami.

'Hoy Silver na paepal hindi mo ba naisip na kahit magbigay si Flat ng signal satin ay madali natin syang makikita o mapupuntahan?' paninimula ko. At dahil dun nakuha ko na ang atensyon ni Epal.

'Pano kung dinala si flat sa malayo. At bago pa natin mapuntahan ang lugar na yun siguro ay nasaktan na nila si Flat worst nakalayo na' dugtong ko pa.

Ngunit saglit akong tinignan ng mariin ni Epal sabay tingin na naman sa kawalan.

'Nakakasiguro akong malapit lang ang kuta nila dito' sagot nito na nagpataas ng kilay ko. Aba pinagsasabi ng epal na ito? Gaano sya kasigurado sa mga sinasabi nya?


'Kung napansin mo kanina ay iilan lang ang sumugod kanina at may dala dala silang karwaheng binubuhat lang nila. Sa dami at bigat nun ay hindi nila kakayanin itong dalhin sa mas malayong lugar. Dagdag pa nito na nagpagulat sakin ng bahagya.



' T-tama sya. At madalas rin silang sumusugod dito sa tribo, minsan ay tatlong beses sa isang araw kaya sure din akong malapit lang ang kuta nila' singit naman nung weirdong nakamask. Hay! bakit ba ko pinalilibutan ng mga epal?

'Hay edi kayo na matalino' komento ko lang at muling bumalik sa kinauupuan ko na malapit sa bintana.
Nagsisimula ng lumapag ang dilim at lalo akong natatakot at nagaalala para kay Flat.

Nasan ka na ba?


Bakit hindi ka pa magbigay ng signal?



Kingina! Flat magsignal ka na!

'N-nakita ko na' sabay kaming napatingin parehas ni Silver dun sa weirdong mask man nung nagsalita ito at sunundan ko ang tinuturo na kanyang hintutoro.

Napatayo kami ng sabay ni Silver at napangisi na lang ako ng maramdaman ko ang bloodlust na nanggagaling sa dalawa ko pang kasama dito sa silid. At dahil dun ay yun takot at kaba ko ay napalitan ng galak.

Parehas na nakayukom ang mga kamao ko at handang handa ng iligtas si Flat. At mukhang ganon din ang mga epal na ito.

Ngunit malas nila dahil wala akong balak na hayaan silang maunahan akong iligtas si Flat. Lalo na ang pabidang si Silver na yan. Ako ang magliligtas kay Flat at sisiguraduhin ko yun.

XXX

Super mega duper sorry sa super late na UD ko guys. Alam kong useless yun dahilan ko kaya hindi ko nasasabihin. At hindi na rin ako mangangako na babawi ako next time dahil hindi ko naman nagagawa. At wala rin exact or schedule na araw ang UD ko kaya pasensya na guys. Magsusulat lang kasi ako pagtrip ko lang o may naisip akong isusulat at minsan tamad lang talaga ako.

Sorry kung medyo hindi ko ginagawang responsibility ang pagsusulat. Pakiramdam ko kasi paglalo kong pinilit sarili kong magUD sabaw ang kakalabasan kaya mianhe chingus. Magpapasalamat na lang ako sa walang sawa nyong paghihintay guys at sa mga nagcocoments big thanks u po. At sa mga nagvovote labyah. Until next ud (^o^)

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...