Will it be the same? (COMPLET...

Por atemonghailey

58.8K 1.9K 866

Can love lead your heart back to the first one who broke it? Más

A/N #1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55 (totoo na to 😂)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Encounter ✨♥️
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Gratitude
Visual Chapter I
Visual Chapter II
Visual Chapter III
Visual Chapter IV
Visual Chapter V
Visual Chapter VI
Visual Chapter VII
Visual Chapter VIII

Chapter 45

614 25 19
Por atemonghailey

3rd Person's POV

"Ano pa ba?"

"Teka.. parang.. lagyan ko kaya nito?"

Habang nagkakape si Vhong ay mataimtim niyang tinitignan ang tatlong painting sa harapan niya. 1 week ang leave niya sa trabaho, maluwag ang mga boss niya kaya hindi niya iniisip pa sa ngayon ang trabaho niya. Habang nagpapahinga dahil kakalabas niya lang ng ospital ay naisipan ni Vhong na muling magpinta. Nung isang araw kasi ay tinawagan siya ng kanyang professor. Inaalok siya nito na sumali sa isang open art exhibit.

Dahil bored si Vhong sa ilang araw na pananatili sa bahay, pumayag na siyang sumali dahil wala naman itong bayad, at professor na niya mismo ang nagsubmit ng application entry niya para don kaya wala na siyang po-problemahin.

Pinagmamasdan ni Vhong mabuti ang tatlong painting na nagawa niya, sinimulan niya ito nung isang araw pa at finishing touches nalang ang nilalagay niya ngayon dahil ito rin ang araw ng exhibit.

Simula nung nagumpisa siyang magpinta, bata pa siya non.. nasa elementary palang siya nung nahiligan niya ito. Pero simula nun ay pinagarap na niyang mapasali sa isang malakihang art exhibit. At kung papalarin ay pangarap rin ni Vhong ang magkaroon ng solo art exhibit. Ito ang unang pagkakataon na mas maraming makakakita ng gawa niya. Nagpopost siya ng mga ilang artworks sa social media pero hindi rin ganon kadalas.

Napatigil si Vhong sa pagmumuni-muni nang biglang may kumatok. Dali dali siyang nagsuot ng shorts dahil naka boxer lang ito.

"Ang tagal mo naman buksan yung pinto!" pagbukas niya ay bumungad sakanya si Anne na may dala-dalang paperbag sa magkabilang kamay.

"Babe.. ang aga mo?" agad niyang kinuha ang bitbit ng girlfriend tapos ay hinalikan niya ito sa pisngi.

"Why it took you so long to open the door? Natutulog ka pa ba?" pagpasok ni Anne ay bumungad sa kanya ang tatlong medyo may kalakihang canvas, medyo makalat pa ang unit ni Vhong.. halatang hindi pa ito nakakapaglinis ng ilang araw.

"Eh kasi naka boxers lang ako" napakamot ng ulo si Vhong habang sinusundan ang kasintahan sa kusina.

"Asus, nahiya pa!" inaayos ni Anne ang mga dala niyang pagkain. Nagluto kasi si Nanay Bing ng mga lutong ulam para kay Vhong, nalaman kasi ng matanda na may ref na si Vhong kaya agad itong nagpadala ng mga pagkain na aabot hanggang isang linggo.

"Malay ko ba na ikaw yung kakatok. Ang dami naman nito babe" inuusisa ni Vhong ang mga dala ni Anne, may dala pa itong mga prutas at ilang bottled beverages, maging gatas at yogurt.

"Padala ni Nanay yung mga ulam, naisipan ko lang dagdagan ng fruits, milk, yogurt at cereals.. para kapag nagmamadali ka sa umaga, pwedeng ito nalang ang breakfast mo" napangiti si Vhong sa sobrang caring ng kanyang girlfriend. Kung ganito ba naman ang umaga araw-araw.. mas nakaka inspire magtrabaho sa isip-isip niya.

"Ang thoughtful at sweet naman ng Annieka ko, kaya love na love ko to eh!" Vhong gave Annieka a tight backhug, he leaned his chin on her shoulder at bahagyang inamoy ang buhok nito.

"So pag di ako sweet di mo na ako love?" hinarap ni Anne si Vhong

"Syempre love pa rin!" sagot niya pero biglang kumunot ang noo ni Anne

"Umagang-umaga ang dusing dusing mo! ano bang pinag gagawa mo?" pinunasan ni Anne ang nakitang pintura sa noo ng boyfriend tapos ay naglakad papunta sa sala.

"Jusko naman Dindin, bakit ang kalat kalat dito? Itong tshirt mo, pants... bakit nandito sa lapag! yung kama mo sobrang untidy! tapos etong bag mo! ang kalat kalat naman!" isa-isang pinulot ni Anne ang mga nasa lapag tapos ay inayos niya ang kama ni Vhong.

"Ayy ano kasi.. medyo busy ako.. tinapos ko pa yang tatlong yan o!" sabay turo ni Vhong sa mga paintings na nakasandal sa pader.

"Ano ba yan, bakit parang pinaglamayan mo naman yan? baka hindi ka nanaman natutulog ng maayos ah? sinasabi ko sayo, Ferdinand Navarro!!!" muling singhal ni Anne sa boyfriend.

"Si Sir Garcia kasi.. tumawag nung nakaraang araw, sabi niya kung gusto ko daw bang sumali sa open art exhibit sa world trade.. pumayag ako kaya sinumbit niya portfolio ko dun sa mga organizers.. tas yun sabi.. minimum of 3 art pieces daw ang pwedeng isali sa exhibit.."

"Aww.. really Dindin? why didn't tell me about it? edi sana napadalhan kita ng snacks while you're painting.. kahit coffee.." yumakap si Anne sa kasintahan. Kung kanina ay daig pa nito ang isang nanay sa pagpapangaral dahil sa gulo ng paligid, ngayon naman ay para siyang isang high school student na naglalambing sa jowa.

"Wala lang.. di naman kasi masyadong big deal to.. kaya yun.. di na kita inabala.."

"But look at all these paintings, sobrang ganda Dindin!! bilib na bilib talaga ako sa talent mo. Iba ka!" This time ay si Anne naman ang umusisa sa mga paintings.

"Sa..salamat.. di ko nga alam kung pang exhibit ba yang mga yan.. pero wala naman mawawala... gusto ko lang talagang subukan makasali"

Nung nalaman ni Anne whereabouts ng contest ay nagtanong siya kay Vhong kung pwede ba siyang sumama, bagay na sinangayunan naman ni Vhong. Anne offered a ride dahil medyo may kalakihan ang mga paintings, mahihirapan si Vhong na itransport ang mga iyon.

"Kinakabahan ka no?" Annieka held Dindin's hand habang nasa sasakyan sila. Paghawak niya sa kamay nito ay naramdaman niya ang panlalamig nito.

"Medyo.. kinakabahan ako sa entry ko eh.. panigurado, magaganda yung mga gawa ng mga kasali."

"Aww.. it's okay baby.. don't think about it too much.. sabi mo.. it's no biggie kaya i-enjoy mo nalang ang experience. Malay mo, this will be a memorable day."

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa venue ng exhibit. Sa World Trade Center sa Pasay ang venue. Pagpasok nila sa mismong exhibit hall ay napalunok si Vhong sa mga nakita niya, sari-saring mga obra nag nandodoon.. May mga sculptures, art installations, paintings at kung ano ano pa.

"Baby akin na yung application mo tska I.D" si Anne na ang nagasikaso dahil si Vhong ay parang lutang pa na palinga-linga sa mga nakikita niya sa exhibit.

"Dindin, eto na I.D mo..sabi daw, wear at all times kapag nasa exhibit venue, halika na puntahan na natin yung place para sa mag paintings" Kasunod nila si King na tulak tulak yung industrial trolley cart na naglalaman ng mga paintings ni Vhong. Sinalubong sila nung staff na nagaayos sa painting's corner, agad nilang isinabit ang mga ito.

"Sir, by the way.. paintings can be sold po ha.. 3 days po ang itatagal ng exhibit and sa 3 days na yon nasa artist na po kung ibebenta niya yung gawa niya but all of the art pieces here are open for selling, baka magulat po kasi kayo kapag may nag alok."

"Tignan mo.. open for selling pala dito.. ayos na ayos!" sambit ni Anne, naghihintay nalang kasi sila ng pagbubukas ng exhibit. Pwede naman may company ang artist kaya nakapagstay rin si Anne at King para samahan si Vhong.

"Yung mga magaganda lang ang paniguradong mabebenta"

"Dindin.. bakit ganyan ka sa sarili mo? maganda rin naman yung sayo eh! for sure di na aabot ng three days yan at mabebenta na lahat! self confidence please.." Kahit na maraming tao ay hindi naman nahihiya si Anne na magpakita ng affection kay Vhong, she kissed Vhong's cheeks para pakalmahin ito.

Ilang saglit lang ay pormal nang nagbukas ang exhibit. Bawat dumadaan ay magagara ang suot, mostly ay naka coat and tie. Maging ang mga artist na kasali ay mga naka semi-formal din. Si Vhong ay naka white longsleeves lang na folded ang sleeves hanggang siko. Si Anne ang namili ng kanyang susuotin kaya no choice siya kungdi ang sundin ito. Balak niyang mag polo shirt nalang kasi, mabuti nalang at pumayag siya sa pinili ni Anne kaya hindi na out of place ang suot niya for the event.

Mag aalas 3 na ng hapon, yung mga ibang kasali sa exhibit ay nakabenta na, yung katabing artist ni Vhong ay lima ang dalang entries which is the maximum at dalawa nalang ang natitirang obra nito samantalang si Vhong ay kumpleto pa ang entries.

"Annieka, wiwi muna ako ha.. kanina pa to eh.." paalam ni Vhong sa girlfriend. Kasama niya naman si King kaya walang ipagaalala si Vhong na iwan si Anne na magisa.

Habang nasa CR si Vhong ay may lumapit na isang lalaki sa booth niya, naka amerikana ito at may nakasunod na dalawang nakabarong na animo'y mga body guards.

"Good Afternoon po, Sir" bati ni Anne, agad siyang kinamayan nung mamang binati niya, nginitian siya nito at sandaling lumapit sa mga paintings ni Vhong.

"Ikaw ba ang artist, iha?" tanong kay Anne nung lalaki.

"Nako hindi po sir, boyfriend ko po ang artist niyan. Nag cr lang po siya sandali" habang tinitignan ng lalaki ang mga paintings ay kinakausap siya ni Anne.

"Ahh ganon ba ija, maari ko bang hawakan?" nagpaalam ito kay Anne sabay hinawakan ng marahan ang mga paintings ni Vhong.

"I like the texture.. napakaganda!" napangiti si Anne sa sinabi nung lalaki pero hindi niya ito ipinahalata sa kausap.

"Nako Sir, Bias aside pero yung gumawa po niyan super passionate.. bata palang po kasi siya nagpipinta na po..." napagat-labi si Anne ng palihim dahil hindi niya alam kung tama pa ba ang mga pinagsasabi niya.

"I can see it naman ija, every brushstroke seems to have its own story.. napakahusay" muling hinawakan nito ang isang painting. Ilang saglit lang ay dumating na si Vhong, medyo pawisan pa ito dahil may kalayuan ang CR sa mismong booth niya.

"Go..good afternoon, sir" agad nakipagkamay si Vhong sa mamang tumitingin ng kanyang mga obra.

"O! ikaw ba ang artist? aba'y gwapo nga ano ija.. di ka nagkakamali!" sabay tawa nung lalaki, medyo natawa naman si Vhong pero halatang halatang kabado ito.

"Sabi ng girlfriend mo ay matagal ka na palang nagpipinta? first time mo bang sumali sa exhibit ijo?" muli nitong nginitian si Vhong

"O..opo sir, first time ko lang po.. "

"Ow.. are a full time artist or what?"

"Sir, architecture student po.. I'm currently on my 4th yr po" medyo nababawasan na ang tension na nararamdaman ni Vhong dahil mabait naman ang kausap niya, very approachable at ma-boka ang mama kaya hindi nakakailang makipag kwentuhan dito.

"That's good.. kaya pala very artistic ka! Anyway.. may I know the price of your works?" nanlaki yung mata ni Vhong sa narinig, habang yung lalaki naman ay inilabas ang check book na nakatago sakanyang coat.

"Gusto ko sanang bilhin lahat ijo kaya lang.. you know.. give chance to others, mabuti na yung may iba pang makaappreciate sa gawa mo. Kaya isa nalang muna ang bibilhin ko" nagaantay ito ng presyo na sasabihin ni Vhong kaya nakaporma na ito sa pagsusulat sa kanyang cheque book.

"The price, kid?"

"Pi..fifteen thousand po sir" dahil don ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng lalaki, napabuntong hininga ito.

"For this masterpiece? 15 thousand lang? Ijo.. here's the thing.. You know.. every artwork is special.. and for this type of artwork? you can sell this for a much higher price.. tatandaan mo na sa lahat ng obrang magagawa mo, kasamang maibebenta ang puso mo.. kaya bawat painting ay hindi basta basta, ijo.. tandaan mo yan" napalunok si Vhong sa sinabi nung lalaki. Pero sa totoo lang ay wala talaga siyang ideya sa presyuhan ng mga ganon.

"I am your first buyer.. I hope this would be a memorable one, ijo" inabot ng lalaki ang cheque niya kay Vhong.

"Si..sir.." nautal siya nang makita niya ang nakasulat na amount sa cheque. 40 thousand pesos para sa isang painting.

"Hmm.. can I ask for your contact details if ever?" tumango lang si Vhong at binigay ang calling card niya dito.

"I'll see your name on the list after 3 years, Architect Navarro, have a good day!" Binitbit na nung dalawang body guard ang painting ni Vhong, nagrequest pa ang mama na sulatan niya ito ng dedication sa likod at pirmahan, which Vhong gladly did. Pag alis ng lalaki ay nagkatinginan si Annieka at Dindin, at nagyakapan. Masayang masaya si Anne for Vhong habang si Vhong naman ay di pa rin makapaniwala sa nangyari. Agad itinabi ni Vhong ang calling card ng bumili ng kanyang painting. Masaya siya dahil secured na ang pagaaral niya next sem at kahit na hindi niya makuha ang inaantay na scholarship ay siguradong may pangaral na siya.

Pagkatapos nun ay may lumapit nanaman na isang tao, this time ay babae naman ito.. medyo may katandaan na at mukhang sophistikada, katulad ng nauna ay may mga kasama ulit itong alipores. Sa unang tingin pa lang ay alam mong mayaman ang matanda.

Habang kausap ni Vhong ang matanda ay si Annieka naman ay tahimik lang na naghihintay sa gilid. Pinapanalangin niya na sana wag mabenta yung isang painting dahil kanina niya pa ito nakukursunadahan.

Sa madaling kweto ay naibenta na rin ni Vhong ang kanyang pangalawang artwork pero this time ay siya na ang nag presyo, Vhong sold the 2nd painting for 20 thousand pesos, mas mababa sa nauna pero sa tingin niya ay sapat na para don. Masayang umalis ang matanda kasama ang painting, si Anne naman ay palihim na napangiti.

"Dindin ko.." agad nitong binack hug si Vhong, again wala siyang pakielam kung maraming tao ang nandon

"Hmm?"

"Uwi na tayo.. ligpit na tayo" pabebeng saad ni Anne kaya hinarap siya ni Vhong sabay niyakap ulit.

"Pagod na ba babe ko?" tanong niya, halos alas singko na kasi ng hapon.

"Kasi babe... ano.. sold na naman lahat ng painting mo ehh.." malambing na saad ni Anne.

"May isa pa o!" turo ni Vhong sa isang painting na nakapatong sa wooden easel.

"Gusto ko kasi yan eh.. ako nalang ang bibili please?"

"Di nga? totoo ba?" tanong ni Vhong kay Anne na may halong pagaalinlangan, baka kasi gusto lang nitong umuwi na kaya naisipan niyang bilhin ang painting

"Oo nga.. kanina pa nga ako nagpepray na wag mabili yan eh.. kasi I want it so badly.. ako nalang bibili Dindin.. please?" Sa mukha ni Anne na yon ay malabong tanggihan siya ni Vhong, kinuha niya ang cheque sa bag at maging si Anne ay naghihintay rin sa presyong sasabihin ni Vhong.

"How much is the painting ijo?" ginaya ni Anne ang boses ng naunang buyer kaya napatawa naman si Vhong dahil don.

"One cheeseburger, medium fries, chocolate sundae and a kiss, ma'am" sabay kindat nito sa girlfriend

"Baby naman eh! seryoso po kaya ako! nakakainis!"

"Seryoso din po ako, kanina mo pa pala gusto di ka nagsasalita.. alam mo naman na basta sayo.. ibibigay ko.. ng libre.. ikaw pa ba? love kaya kita!"

"But Dindin.. your first painting was sold for freaking 40 thousand and the other one was 20 thousand! tapos ako.. cheese burger meal lang at kiss, ano yon!" bulalas ni Anne

"Bakit sila ba, ikikiss nila ako? priceless kaya yung kiss ng babe ko.. walang presyong katumbas!"

"Eh! parang sira to!" (ang talandi po ni Annieka, guys! HAHAHAHA!)



"Dindin, sure ka ba talaga na ito lang ang gusto mo? kasi naman eh!" tanong ni Anne habang nakapila sila sa drive thru ng Burger King

"Oo nga aba! ang tigas ng kulit ni Anneika!" sabay kiss ni Vhong sa pisngi ni Anne

"Pasintabi naman sa walang girlfriend dito o! respeto naman sa 3rd wheeler guys!" natawa silang dalawa sa sinabi ni King.

"Babe, nakakatuwa no? overflowing yung blessings mo ngayong araw.. sabi ko naman sayo eh.. mabibili yung mga yon.. di na nga umabot sa 3rd day! first day lang, sold out na! kumpyansa lang kasi sa talent!" sambit ni Annieka

"Na sales talk mo ata yung mama eh!"

Nagrequest si Anne na sa bahay muna niya mag stay si Vhong. Yung daddy ni Anne ay pansamantala munang bumalik sa Australia at ang mommy naman niya ay nakatira sa mismong bahay nila at alam na rin nito ang relasyon ng anak at ni Vhong.

"Babe, patignan naman yung phone ko please.. tumunog eh" busy si Anne sa pagluluto dahil naisipan niyang magluto ng pasta para pandagdag sa binili nilang meryenda. Mini celebration na rin dahil nga sa mga nabentang paintings ni Vhong.

Agad binasa ni Vhong ang text na sinasabi ni Anne.

"Hello, I understand if you wont reply to my texts.. I just wanted to make sure that you're okay"

"I am hoping that we could talk soon.."

"I miss you, Annieka"

Galing ito sa unknown number, napakunot ang noo ni Vhong dahil sa mga nabasa. Hindi niya alam kung anong irereact niya sa mga ito. Pagkatapos niyang basahin ang text ay nilapag nalang niya sa countertop ang cellphone ni Anne tapos ay bumalik na sa sala.

"Babe, kanino galing yung text?" pagpunta ni Anne sa dining area ay wala dun si Vhong. Agad niyang kinuha ang cellphone para basahin ang text messages. Biglang kumabog ang dibdib niya dahil alam niyang somehow ay kailangan niyang iexplain kay Vhong ang lahat lahat, including kung sino ba ang nagtetext na iyon sakanya.

Pinuntahan niya si Vhong sa sala pero wala ito doon. Hanggang sa nakita niyang nakaupo ito sa may pool area. Huminga muna ng malalim si Anne bago niya iapproach ang boyfriend na kasalukuyang nakatingin sa mga paang nakababad sa swimming pool.

"Dindin.." tinabihan ni Annieka si Dindin, she leaned her chin on his shoulder at niyakap ito sa bewang pero nanatili lang na tahimik si Vhong.

"Do you want to talk about it?" malambing niyang tanong pero para lang siyang nakikipag usap sa hangin.

"Okay.." sambit ni Anne, she held Vhong's hand habang nagaantay siyang magsalita ito.

"Here's the thing.. yung nabasa mo.. honestly.. di ako sure.. pero I feel na si Ian ang nagtetext.. that number has been texting me since last week, nasa ospital ka na non.. but Vhong.. wala sa akin yan.. Ian is my ex, and he'll remain as one.. Gusto ko lang sabihin sayo na.. wala kang dapat ipagalala.. alam ko na bother ka.. I knew you so well.. kahit di ka magsalita.. pero inuunahan na kita.. Wala lang yon.."

"Bakit ka pa niya tinetext?" bulong ni Vhon

"Well, I don't know.. but for whatever reason he has.. I don't care.. we already had our closure even before I came back.."

"Paano pag bumalik siya? pano na yon, Annieka?" parang batang tanong ni Vhong kay Anne, parang batang natatakot maagawan ng laruan.

"He might come back or not, I don't care.. Dahil yung mahal ko.. nandito sa tabi ko at yun ang pinili ko.. Vhong I let you know my phone's password simply because as much as possible, I want to be transparent to you.. I want you to trust me.. and in return.. I am giving my trust to you also. We've been through there..at alam mo yon.. Sinsabi ko lahat sayo 'to kasi napagdaanan na natin yon.. and slowly we're building bridges again right? kaya.. wag na mabother ang Dindin ko.." Annieka kissed Vhong's cheeks, dahilan para maalis ang pagaalinlangan ni Vhong dahil sa mga nalaman.

"Salamat.. I love you"

"I love you too, babe sobra!"







A/N

Don't forget to hit that star button and leave your comments down below.

Salamat!

Seguir leyendo

También te gustarán

10.2K 363 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
814K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
18.3K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
174K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...