The Elven Round (COMPLETED)

By Aeronicles

200K 6.5K 207

Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all th... More

Author's Note:
**PAALALA**
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 19:
Chapter 20:
Epilogue
Fun Facts
Names
Covers:
Plug: The Death of Athyeia
Special Chapter #1:
Special Chapter#2

Chapter 18:

5.5K 199 0
By Aeronicles

Reynang Hera

Napangiti ako habang pinapanood ang pagbalik ng isang Luna pang nagngangalang Yura. Hindi pa ako huli.... Hinding-hindi pa!

Hinawakan ko ang bolang kristal at hindi ko mapigilan ang inis na mapamura ng mapansin ang kamay kong ngayon ay tila naaagnas na parte ng patay na.

Napatingin ako sa Elrang Gemini. Ang walang kwentang babaeng iyon, tingin ba n'ya ay mamanatay ako?

Noong itinapon ko ang aking puso, ay sigurado na akong mabubuhay akong muli. Lalo na kung walang makahawak nito.

Tapos na sana ang lahat ngunit mas pinili nilang magsaya ng masyadong maaga. Mga hangal! Mga tanga!

Napahalakhak akong muli ng mapansing ang pangalawang Luna na ang sumasagwan patungo sa bato. Dahil alam kong kahit kaylan man ay hindi gagana ang ritwal na kanilang ginagawa, dahil bago pa ito ay may mga salitang nauuna pa rapat banggitin. Napangisi ako sa kanilang mga kabobohan. Mga inutil at makikitid ang utak!

Tulad ng kanina ay muling lumiwanag ng sobrang liwanag ang buwan, umilaw rin ang armas ng mga Elra, sinambit nila ng malugod ang kanya-kanyang titulo, ngunit muli ay walang nangyari pagkatapos ng ilang minuto.

Bumakas na ang pangamba sa mukha ng mga tao sa lugar. Napakagat-labi ako ng maamoy ang takot at lito sa kanilang mga dugo.

Tumayo na ako sa kinauupuan kong nitso dito sa may sementeryo. Tinapon ang bolang kristal at lumingon kay Henesis.

"Simulan na natin." Nakangiti kong saad. Sa pagkakataong ito, papatayin kita Gemini. Papatayin kita!

--

3rd Person's PoV

Bagsak ang balikat ng lahat ng bumalik ang pangalawang Luna sa tabi ng lawa ngunit wala pading nangyari. Muling pinasadahan ng punong orakulo ang hawak n'yang papel. Lahat ng naroon ay kanyang isinagawa, ang bawat hakbang na dapat sundin. At lahat ng iyon ay nagmula pa sa unang Diana.

Na sa panahon ng sumpa ay iyon ang banggitin upang tumawag sa kanya. Natigil ang kanyang malalim na pagtataka ng biglang may sumabog mula sa langit.

Doon ay bumaba ang isang babaeng halos bangkay na ang itsura. May buhok ito ngunit kay nipis, may balat ngunit naagnas. Wala ang isang mata, isang balikat at isang paa. At ang pumalit doon ay ang tanging mga buto n'ya lamang.

Hindi alam ng Elra ang kanilang gagawin, inakala nilang patay na ito at hindi na muli pang maghahasik ng lagim.

Humalakhak ito ng malakas na dumagundong sa buong lugar, at nilingon si Gemini.

"Pagbabayaran mo ito." Malakas nitong banta na hindi nakaligtas sa pandinig ng lahat.

"Sino ka?!" Gulat na saad ng punong orakulo. Nilingon naman ito ng babae sa sobrang inis.

"Ako ang nagsumpa lamang sa inyo matanda, at ako narin mismo ang nagsasabi, kahit kaylan ay hinding-hindi dadating ang pinapaniwalaan n'yong mga hibang kayo!" Banggit pa nito at humalakhak ng sunod-sunod. Hindi na ininda ng punong orakulo ang katotohanang maaaring magulo pa lalo ang ritwal at agad na nagpalipad ng isang bola ng liwanag tungo sa taong naging tila personipikasyon ng dilim, kasakiman at kasamaaan.

Ngunit bago pa marating ng liwanag na 'yon ang lugar ng babae ay agad itong naging usok at nawala. Nabalot ng dilim ang paligid kaya't pumintig ng mabilis ang lahat ng pusong naroroon sa lugar.

Halos hindi nanaman magkaintinihan si Euclid kung ano ang uunahin. Ang katotohanang, may mga pumapasok na kaluluwa at golem sa lugar upang sugudin sila o ang ulo n'yang mas lalo pang tumindi ang sakit.

Halos walang makita ang lahat ng tuluyang kumalat ang kadiliman. Handang tumayo naman ang lahat sa paghahanda sa kahit ano pa mang pangyayari.

Nagsimula muli ang labanan sa pagitan ng kasamaan at ng kabutihan. Kanya-kanyang hanap ang bawat isa sa lugar ng kalaban. Pagkat hindi lamang tulad noon ang sugo ng Hera. Ngayon ay mayroon naring mga ahas at mga nangangain at nakakalasong malalaking bulaklak.

"Simulan mo Laia!" Sigaw ng Haring Lykos sa asawa nito. Agad naman s'yang tumabi sa gilid nito upang bantayan ang asawa sa kung ano man ang maaaring umatake sa kanya, ganoon din amg ginawa ng kaibigan nitong si Theia.

Pumikit si Laia at dinama ang kanyang puso. Nagsimula s'yang kumanta upang mas mabigyang lakas at unti-unting alisin ang dilim na kumakalat sa kanilang paligid.

Pagkatapos umawit ng ilang salita, nagmulat s'ya ng mga mata. Ngunit hindi tulad ng kanina na puros dilim ang kanyang nakita, ngayon ay kita at dama n'ya ang galaw ng espiritu ng bawat isa.

Sinubukan n'yang ikonekta ang pangitain sa lahat ng tao sa loob upang makita nila ang katayuan ng lahat at nang maaninag ang kalaban.

Agad naman itong natanggap ng mga Elra. Sinimulan muna nilang iligtas ang mga tao sa paligid na nagmula pa sa kani-kanilang tribo na walang sapat nakakayahan upang lumaban.

Nagsimula na ang iritan, kasabay ng pagtakbo ng ilang kababaihan sa labas.

Si Yura at Kris naman ay agad na kinuha ang kani-kanilang mga armas. Si Yura ay may nakasipit na dalawang kutsilyo sa kanyang pamuyod bilang palamuti sana ngunit ngayon ay klaseng magiging panlaban pa, habang si Kris naman ay kinuha mula sa mga binti ang dalawang pistol.

Hindi lamang karaniwan ang bala noon, pagkat ang bala ay nagmumula sa kanyang kagustuhang lumaban.

Naghiwalay ang dalawa at nagsimulang tumulong sa iba.

"Gemini, Gemini," Banggit ni Hera na ngayon ay nasa isang loob ng bula sa ilalim ng tubig. Isang aksyon na nagpapakita lamang kung gaano s'ya katakot at kaduwag na humarap sa kanyang mga kalaban. Sinubukang hanapin ni Hera ang dalaga, sadyang gustong-gusto ng kanyang kalamnan ang masarap na amoy nito. Isang bagay na noong una n'yang magisnan ay lagi na n'yang hinahanap.

"Hera, itigil na natin 'to," Napakunot ng noo si Hera at galit na hinarap ang kanyang punong tagapagpayo na puno ng lungkot ang mukha.

"Ngayon pa ba Henesis?! Ngayon pa bang mapapasaakin na ang dugo ng babaeng ito at ang dugo ng lahat ng tao?!" Natatawang sambit nalang ng Reyna at pinagpatuloy ang kaninang ginagawa.

Sa isang dako namang muli ay ang Reyna Laia na kumakanta. Ramdam n'ya ang galaw ng bawat isa sa may lugar, ngunit may kulang. Isang presensya ng tao na dapat ay unang-una palang alam na n'ya.

Nagulat ang lahat at sandaling napatigil ng mawala ang paningin at pakiramdam na ginawad sa kanila ng Reyna. "Laia? Anong nangyari?" Tanong ng asawa nito at dinaluhan ang asawang napapaupo sa sahig.

Hingal na hingal ito at mahigpit na humawak sa kamay ni Lykos, kasabay ng unti-unting pagpasok ng kaba sa kanyang sistema. "S-Si A, n-nawawala si Astral!" Sigaw nito ng takot na takot. "Nawawala ang anak natin Lykos!"

Gulat at takot naman ang bumalatay sa mukha ni Lykos. Hinding-hindi na s'ya muling papayag na mawala ang kanilang panganay.

"Anong nangyayari?!" Tanong naman ni Theia sa may tabi. Tumayo si Lykos at muling pinulot ang kalasag mula sa lupa.

"Theia, ikaw ang bahala kay Laia. Laia, magpatuloy ka sa ginagawa mo, ako ang hahanap kay Astral." Sambit nito na agad ikinatango ng dalawa.

Mahinang napamura si Loki ng maramdaman ang kagat sa kanyang balikat. Nilingon n'ya agad ang nilalang at walang pagdadalawang isip na inilubog ang hawak na espada sa katawan nitong tila ipis.

Kumalat ang pamilyar at mabahong amoy sa paligid. Sunod namang sumugod patungo sa kanya ay ang mga nakakalasong baging ni Hera, tumalon s'ya palikod at agad na pinutol ang mga ito. Sa ngayon ay tanging sariling pakiramdam na lamang ang kaya nilang pagkatiwalaan.

Muli namang nagbukas ang paningin ni Loki ng makasagap ng kapangyarihan mula sa Reyna Laia. Kaya't naging mabilis ang mga sumunod pang pagatake.

Limang multo ng patay ang sumugod patungo sa kanya, ngunit dahil ang kanyang atake ay purong pisikal lamang, wala s'yang pagpipilian kundi ang lumayo ng lumayo dito.

Napansin naman ito ni Yura na may kapangyarihang mahikal ang mga hawak-hawak na kutsilyo. Tinakbo n'ya at nilandas ang tabi ng mga kaluluwa at diretsyong hiniwa iyon.

Natalsikan ng kulay lilang lason mula dito ang kanyang damit, imbes na indahin ay nagpatuloy lamang s'yang lumaban pagkatapos makipagtanguan kay Loki.

Ngayon naman ay nagtaka si Loki ng mapansing walang bahid ng Astral sa paligid. Sinubukan n'yang hanapin ang babae ngunit kahit saang banda s'ya tumingin at umatake ay hindi n'ya ito matanto.

Kahit na presensya nito ay walang nakakaalam at walang nakakaramdam kung nasaan.

Lingid sa kanilang lahat na umupo muna ito sa isang sulok. Dinasalan ng kaunti ang sarili at pinakiramdaman.

Unti-unting lumamig ang kanyang ulo ng dahil sa mga salitang iginawad sa sarili. Nawala ang kaninang pananakit noon. Sinilip n'yang muli ang loob ng crater mula sa kanyang kinatatayuan sa taas nito.

Pinalabas n'ya ang pana't-palaso at pinatamaan ang lahat ng nakikita.

Dumaan sa pisngi ni Khan ang isang lumiliwanag na kulay asul na palasong napapalibutan ng isang puti at itim na awra, tumama ito sa hayop na kanina lamang ay humahabol sa kanya.

Tiningnan ni Khan ang pinanggalingan ng palaso, umabot ang kanyang tingin sa isang mataas na lugar at doon ay kumikinang na umaatake si Gemini.

May kung anong tila bumugso sa loob n'ya ng makita ang estado ng babae. Tila ba isa itong napaka-pamilyar na nilalang, mas pamilyar pa kaysa sa kilala n'yang Euclid.

Imbes na pansinin ang pakiramdam ay muli nalang s'yang umatake.

Tumalon si Gita sa likod ng nilalang at pinaikot ang latigo sa dalawang maliliit na binti ng cyclopes. Hinigit n'ya iyon dahilan ng pagkadapa nito sa lupa.

Duon ay lumabas si Rico sa isang tabi. Gamit ang brasong ngayon ay may nakakabit na metal, ang kanyang kapanyarihan at armas ay dinukot agad nito ang mukha ng halimaw. Dahil doon nagmumula ang kapangyarihan ng mga ito.

Sumilay sa kanyang tabi ang isa pang espirito. Dahil mahika ang gamit n'yang pangatake ay nakamot n'ya ang sikmura nito, agad namang rumesbak si Gita at pinalipad ang latigo tungo sa ulo ng multo. Napatungo naman agad si Rico upang hindi maabot ang kanyang ulo. Umikot sa leeg ng multo ang kanyang armas, muli n'ya itong hinigit kaya't muling dumanak ang dugong lason nito sa paligid.

Napangisi si Tauro ng may naramdaman s'yang maliliit na nilalang ang pinagtutulungan s'yang saktan at buhatin. Hawak-hawak ang malaking martilyo, tumambling s'ya at pinagpupukpok ang mga ito habang tila sumasayaw. Nang may susugod naman sa kanyang vines ay may naghagis ng isang shuriken na agad nitong ikinaputol. Sumaludo naman si Tauro sa iginawad na tulong sa kanya ni Felis.

Tumakbo namang muli si Felis at nagisa-isa din ng kalaban, at kung may makikitang tao na sugatan ay dadalhin n'ya sa labas.

Hawak-hawak ang pendulum, walang tabas at walang kaubusan ng hiningang tumula, umawit at nagsalita si Verge ng spells habang nagtatago sa likod ni Leo. Umikot si Leo upang tamaan ng kanyang armas sino man ang mangahas na lumapit. Tumalon muli pauna at palikod si Verge habang patuloy paring nagsasalita. Pinukol ni Leo ang lakas sa kanyang dalawang kamay, at noong mapagsama-sama at maipon iyon ay inihampas n'ya sa lupa ang palakol na dahilan ng paglindol at pagkahati nito.

Napansin ni Verge ang panghihina ni Leo, agad s'ya ditong humarap at binigyan ng konti ng kanya, lalo na't tinuruan s'yang magkontrol ng hawak na kapangyarihan.

Pinagaling ni Khan ang mga sugatang parte ng ilan pang mga Elra at mga reyna't hari na lahat ay lumalaban sa patuloy na dumadagsang mga tauhan ni Hera. Lingid sa kanyang kaalaman ang isang malaking bato na patungo sa kanyang ulo.

Sumaktong nakasalubong n'ya si Kael, hawak-hawak nito ang baseball bat at iniamba sa kanya. Agad na tumungo si Khan at gumulong patungo sa likod ng lalaki. Pinagaling n'ya ang nakitang sugat ni Kael sa may likod habang inaatake nito at hinampas pabalik sa pinanggalingan ang bato. Napangisi s'ya bago umalis at tumungo pa sa iba.

Pinagbabaril ni Kris ang lahat ng nilalang na humaharang sa kanyang daan. At kung hindi man mahikal ang kanyang kalaban ay sinisipa n'ya ito at sinusuntok upang humina o di kaya't mawalan ng malay.

Naramdaman n'ya ang pagsugod ng isang nilalang mula sa likuran. Tumalon ito papalikod at walang habas na pinaputukan ang kaninang sumusugod na halimaw. Walang buhay namang nahulog sa lupa ang kaawa-kawa na nilalang. Ikinasa n'ya ang baril at kahit hindi kita ay nagpaputok sa kanyang kanan at kaliwang gilid ng makaramdam ng parehong cyclopes dito.

Napadako ang kanyang mga mata sa napaupong punong orakulo sa may lupa. Tinakbo n'ya ang puwesto nito at pinaputukan ang nilalang na sumusugod.

Agad n'ya itong tinulungang tumayo. "Salamat prinsesa," sabi dito ng matanda at malugod na ngumiti. Bigla namang may isang kabayo ang lumapit sa kinapupuwestuhan nila.

"Ako na ang bahala sa kanya." Sambit ni Pio at agad na iniangkas ang matanda sa kabayo. Nawala ang dalawa sa kanyang paningin, ngunit kita n'ya ang pagsaksak ni Pio ng kanyang sibat sa dibdib at ulo ng bawat nilalang na balak silang saktan.

Napansin naman ni Kris ang scroll na nasa kanyang paa. Ito ang kanina ang papel na hawak ng punong orakulo!

Kahit bawal ay tila may tumatawag sa kanyang kunin ay buksan ang bagay. Mainit ang hunab noon sa kanyang palad at tila isang pusong tumitibok.

Binuksan n'ya ang scroll at binasa ang nasa loob noon. Tsaka lamang napagtanto na naroon na ang lahat ng kaylangan n'yang malaman. Napangisi siya.

"Ito na ang sagot."

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Continue Reading

You'll Also Like

359K 8.9K 35
[COMPLETED] Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingd...
13.3K 577 34
Virago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kah...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
293K 9.2K 43
What will happen if you are brought to a new different world?