The Coldest Girl

By imagineyou2003

103K 4.5K 88

This is my first story ever. Kaya Hindi ko alam kung maayos ba sya. Kung gusto nyong basahin.. Thank you... More

Prologue
Chapter 01: The Cold Girl
Chapter 02:They Meet
Chapter 03:The Beginning
Chapter 04: Perry Stanford
Chapter 05: The Mysterious Guy
Chapter 06: Goblin
Chapter 07: Friends???
Chapter 08: Her Past about Friend
Chapter 09: C-2
Chapter 10: JERK
Chapter 11: Lunch with X-5
Chapter 12: Weird
Chapter 13: Bonding with my Kuya Hence
Chapter 14: Bar
Chapter 15: What?!
Chapter 16: Are they Couple?!
Chapter 17: Headbutt
Chapter 18: Trouble (Part 1)
Chapter 19: Trouble (Part 2)
Chapter 20: Bull's Eye
Chapter 21: Black Reaper
Chapter 22: Nightmare (Part 1)
Chapter 23: Nightmare (Part 2)
Chapter 25: Friendship?!
Chapter 26: Encounter Agatha
Chapter 27: The Picture
Chapter 28: She's Missing
Chapter 29: Reveal!!!
Chapter 30: Forgive?!
A/N: Pls..Read!!!
Epilogue

Chapter 24: The Report

2.2K 105 0
By imagineyou2003

JAXELL POV

Hindi ako makapag isip na maayos dahil nakatitig ito sa akin. Masama ang tingin at naghihintay sa sasabihin ko. Wala naman ako maisip na pwedeng ipalusot. Fuck!

"Insan nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap"

Napalingon ako sa dumating. Yung tatlo at may dala dala itong mga pagkain at inumin.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang dumating ang mga ito dahil kung hindi baka kanina pa ako na naiintense kay Mahgie.

Wait what? Intense?

Tsk! Bakit ako kakabahan?Fuck!

"Whoaa. Nandito ka pala Mahgie."-ngumite si Insan at kumaway kaway pa. Childish talaga. "Gusto mong sumabay sa amin kumain? "-tanong pa nito.

Huwag mo ng tanungin. Alam kong tatanggi lang yan.

Tinaas nya pa yung hawak nyang dalawang plastic na may lamang pagkain. Pati yung dalawang inumin na Coke in Can.

Biglang kumalam yung sikmura ko. Magsasalita na sana ako para sabihing Huwag nya ng tanungin to at kumain na kami. Pero nagulat kami dahil...

"Sige ba.."-sabi ni Mahgie na talagang kinagulat namin.

Dahil dun ay tuwang tuwa si Pinsan . Niyaya nila itong maupo para makakain na. Binigay ni Pinsan yung isang plastic kay Mahgie.

Kaya sa huli....

Fuck! Wala akong pagkain. Binigay nya kay Mahgie ang dapat na pagkain ko.

"Sorry Insan , bumili ka na lang ng pagkain mo sa cafeteria"-natatawang sabi nito.

Tsk! Anong nakakatawa?

"Tsk"-tanging sabi ko.

Naiinis pa ako dahil nung tumingin ako kay Mahgie ay parang nang iingit ito. Titingin sya sa pagkain nya tapos titingin sa akin na may kasamang pag ngisi , nag mouthed pa ito ng 'Jerk' saka sumubo ng pagkain.

Tsk! Bakit kase pumayag pa sya sa alok ni Pinsan?

Baka gusto nya rin akong asarin dahil sa pang aasar ko sa kanya.. Tsk. Malabo.

Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila. Minsan nagsasalita si Mahgie kapag tinatanong sya ni Pinsan. Pero tahimik lang ito kapag hindi mo kinausap.

Hanggang sa matapos silang kumain. At ako?

Fuck! Nagugutom na ako.

Sa totoo lang talaga ayaw kong pumunta ng Cafeteria  dahil naririndi ako sa mga tilian ng mga babae dun.

Tsk...

*****

Dalawang araw na ang lumipas ng mangyari ang (hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon) na pagpayag nyang kumain ng lunch na dapat ay sa akin , Tsk. Sa dalawang araw na lumipas na yun ay lagi ko syang inaasar para makaganti sa ginawa nya.

Habang nagkaklase hindi ako makapag concentrate sa lesson dahil nagugutom ako. Napapatingin nga sa akin si Sike dahil tumutunong yung tyan ko. Tsk.

Hindi ko nga alam kung naaasar ba sya o hindi. Wala kaseng nagbabago sa ekspresyon nya. Poker face. Kung hindi bored , walang buhay at malamig naman ang boses nya.

Minsan nga naiisip ko kung bakit gustong gusto ko syang makikilala pa. Marami namang ibang babae dyan , yun nga lang hindi sila tulad ni Mahgie na parang wala manlang intetest sa akin. Tsk.

Kung titignan ko nga sya ng matagal sa mata wala akong nakikitang bahid ng pagka crush o pag kagusto sa akin.

Fuck! Ano ba itong pinag iisip ko? Bakit napunta sa crush crush na yan?

Tsk.Nevermind.

Change topic. Baka saan pa mapunta..

Friday na naman pala. Ang bilis ng oras. Habang nagmumuni ako dito sa loob ng kotse ko. Napatingin ako sa side mirror ng makitang paparating si Mahgie na nakasakay sa bisekleta.

Sya lang ang studyante sa K.U na nakabisekleta.. Wala ba syang kotse?

Sabagay baka pinagbawalan sya mga kapatid nya.

Hindi ko namalayan na nakaalis na ito. Nakita ko na lang yung bisekleta nyang nakaparada sa gilid.

Bumaba na ako at sinukbit sa kaliwang balikat ang bag. Naglakad ako ng nakapamulsa ang kanang kamay sa pants ko. Habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa strap ng bag.

Halos lahat ng madaanan ko ay napapatingin sa akin. Yung iba nagpapapansin ,kinikilig , nagpapacute. Maraming nag aabot sa akin ng letter at chocolates. Pero ni isa wala akong pinansin. Hindi ko nga sila tinapunan manlang ng tingin. Diretsyo lang tingin ko at tuloy sa paglalakad na parang ako lang ang nag eexist sa mundo. Dahil wala akong pakealam sa mga babaeng hindi nahihiyang sila pa ang gumagawa ng move para sa lalake. Tsk.

"Yoww Insan! Tambay muna tayo. Maaga pa naman eh"

"Oo nga Jax. Sa paborito mong tambayan. Sa garden?"

Inakbayan pa ako ng dalawa habang sinasabi yan. Napakunot noo ako dahil naglakad na ang mga ito kaya napasabay ako ng wala sa oras dahil naka akbay sila sa akin . Tsk.

Mukang magkasundo na naman ang dalawa. Ano na naman kayang trip ng dalawang to?

Inis na tinanggal ko ang pag kakakbay nito ng makarating kaming garden. At sinamaan ko sila ng tingin. "Ano na naman bang trip nyong dalawa?"

Nag taas ng dalawang kamay ang mga ito na parang susuko. Ngumisi pa ang mga ito. Tsk.

Umupo naman ako sa bermuda grass. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa taas ng puno baka nandun ulit si Mahgie. Nadismaya naman ako ng makitang wala sya.

"Uyyy may hinahanap si Insan"

"Tsk. Wala"

"Eh bakit pasulyap sulyap ka kay Mahgie----sa taas ng puno pala"

Pasulyap sulyap? Fuck! Tumingin lang ng isang beses sa taas ng puno . Pasulyap sulyap na?

"Tigilan mo ako kung ayaw mong mabatukan"-banta ko. Tumiklop naman ang bibig nito. Pero maya maya lang ay nagbulungan sila ni Red. Kaya napakunot noo ako. Dahil nakatingin at nakangisi ang mga ito sa akin habang nagbubulungan.

Mas mainam pa yata pumunta na akong room. Wala akong mapapala sa mga ito. Si Sike naman tahimik na nagbabasa ng libro. Binabasa nya yung book namin sa english may reporting-----O___O

F
U
C
K

Napalunok ako. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako. Ngayon ko lang naalala na may partner reporting sa English.

Tumayo na ako at nagtatakbo papunta sa room. Hindi na ako nakapag paalam sa kanila dahil nagmamadali ako. Hindi ko rin sila nilingon kahit tinatawag nila ako.

Last subject namin ang English sa umaga. Pero kahit na Last ito wala na ring oras para makapagbasa sa irereport ko---namin pala. 7:17 am na rin at 7:30 start ng class. Tsk. Paniguradong lagot kami kay Mr. Torre kapag wala kaming nireport mamaya. Ang masaklap pa . KAMI ANG UNA. Unang magrereport.

Sa lahat ng teacher . Kay Mr. Torre  talaga ako natatakot kahit hindi halata. Matindi kase itong magparusa at magbigay ng punishment. Narananasan ko na din na mabigyan ng punishment galing sa kanya nung third year HS ako. Adviser namin sya nun. Ayaw ko ring sabihin kung anong klaseng punishment binigay nya dahil ayaw kong magreminice.

"Mahgie Sandali!"-tawag ko rito. Hindi naman ito huminto sa paglalakad. Hinihingal akong tumakbo kaya naman huminto muna ako.

Ngumisi ako. Ayaw mong huminto ah.

"Baby Gie"-sigaw ko na paniguradong maraming makakarinig. Ang dami nga napasinghap at nagulat. Napatingin din sila kay Mahgie. Na ngayon ay literal na napahinto at sya na mismo ang naglakad palapit sa akin habang masama ang tingin.

Diba ang galing ko?

Huminga muna ako ng malalim dahil hinihingal pa rin ako. At saktong paglapit nya ay hindi ko na sya hinayaang magsalita dahil hinatak ko ang braso nito na kinagulat nya dahil nanlaki ang mata neto. Muntik na akong matawa. Ang cute nya kase..

Kinaladkad ko ito papuntang library. Marami pa ngang nagtitilian at nagsisigaw kaya naman binilisan ko para makarating kami agad ng library.

Pagkapasok pa lang namin sa library ay agad kaming nasita dahil napasigaw ako buti na lang walang gaanong studyante rito.

Napahawak ako sa tyan ko. Fuck ! Nasikmuraan na naman ako.

"Bakit mo ba ako kinaladkad dito"-bored nyang sabi. Umaayos naman ako ng tayo pero nakahawak parin sa tyan dahil medyo masakit pa. Fuck!

"Kailangan nating magbasa tungkol sa irereport natin"-seryosong sabi ko. Napakunot noo ito. "Reporting?"-nagtataka nyang tanong.

Huwag nyang sabihing...

"Hindi ko alam-----"

"ANO?!"-naputol ang sasabihin nya dahil napasigaw ako. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

Wala na. Wala na talaga. Napaalis kami sa library hindi pa kami nakakakuha ng libro. Nanlulumo akong naglalakad.

"Bakit hindi mo alam na reporting ngayon at Friendship ang topic natin"

"Alam ko"

Napahinto ako at nagtatakang napatingin sa kanya "Alam mo? Sabi mo kanina hindi mo alam"

Napataas ang kilay nito "Alam kong reporting ngayon at topic ay FRIENSHIP"- naging mapakla ang pagkakasabi nito sa friendship.

Ayaw nya talaga ng frienship? Bakit kaya?

Tumingin sya sa akin "Hindi ko alam na partner pala kita"-nag aasume ba ako o talagang may bahid ng pangangasar ang pagkakasabi nito.

"Kung ganon May irereport ka---tayo mamaya?"-umaasang tanong ko.

Please sabihin mong OO

Please sabihin mong OO

Please sabihin mong OO

Fuck! Nangliligaw lang? Para mapasagot ng OO. Tsk. Nevermind.

Nagtaka ako ng tumalikod ito. Akala ko aalis sya ngunit humarap din sya at...

"Oo"

Yesssss!

"Pero ikaw?"-napatigil ako sa pagbubunyi. "h-ha? W-wala"

Fuck! Bakit ako nauutal? Ayaw ko kaseng magkaroong ng punishment. Tama! Yun nga!

"Tss. Gumawa ka na lang ng question para sa quiz. "

Naiwan naman akong nakanganga. Ibig sabihin sya na lang magrereport?

Isa ang gagawa ng question tapos isa din ang magrereport. Pero pwedeng dalawa kayo.

Tsk. Bakit kase nakalimutan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pls..Vote & Comment..

Thank you...

Continue Reading

You'll Also Like

Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

274K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...
85.7K 3.1K 39
Lost, lost in nowhere for them to be safe. Living as a ordinary people to keep them away from danger. To save them from darkness and to save them fro...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

323K 11.8K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
55.5K 2K 47
A girl who can make you smile. A lovely girl that can be a demon. A girl who loves playing around. She can have the power but she remain silent, till...