The Elven Round (COMPLETED)

By Aeronicles

199K 6.4K 207

Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all th... More

Author's Note:
**PAALALA**
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Epilogue
Fun Facts
Names
Covers:
Plug: The Death of Athyeia
Special Chapter #1:
Special Chapter#2

Chapter 17:

5.7K 209 6
By Aeronicles

Euclid Astral Gemini

Paulit-ulit na paglunok ang aking iginawad kay Loki. Mahal? Hindi ako makapaniwalang tiningnan ito.

"Paano mo malalamang mahal mo ang isang tao?" Kunot-noo kong tanong na dahilan ng pagkibit-balikat niya.

"I don't know. Nararamdaman mo lang?" Nararamdaman? Naalala ko naman ang mga nangyari ng mga nakalipas na araw.

'Yung mga nararamdaman kong bagay na sobrang kakaiba, bago at hindi ko minsan nakikilala. 'Yung kaba na grabe kung umusbong pero ramdam mong masiya ka dahil sa sarap ng sensasyong dulot nito pagkatapos?

"Edi mahal din kita?" Deklara ko kahit na medyo nalilito. Ngunit imbes na oo at hindi ang marinig kong sagot ay isang batok na malakas ang sumalubong saakin. "Pag ba mahal mo ang isang tao kaylangan mong batukan?" Inis kong sabi at umiwas ng tingin. Niyakap ko ang aking mga hita. Siguro ay niloloko lamang ako ngayon nito.

"It's not like that Astral." Huminga ito. "Hindi porket sinabi kong mahal kita, mahal mo na din ako. You should assess yourself first. Feel." Tumango-tango ako sa sinabi n'ya. Then I suddenly remembered my name.

"Diba ikaw ang nagpangalan saakin?" Kulit ko dito.

"Yep."

"Edi bakit hindi mo ako nakilala noong nagpakilala ako sa hari?" Napansin ko naman ang pamumula ng tenga nitong muli. He hissed.

"Paano ko aalalahanin e mukha kang paa? Anyway, naalala ko but you looked like a guy. Kaya naman iwinaksi ko nalang sa utak ko. And then, I saw you na... Nevermind." Napakibit balikat nalang uli ako. Napansin ko ang repleksyon ng buwan sa tubig kaya't naantig akong ilublob doon ang aking paa. Tinanggal ko muna ang aking tsinelas. Mamaya kasi ay magpapalit na ako ng buta na sinusuot ng mga Elra. "Look, this might be the last time na makakausap kita ng ganto." Napatingin ako kay Loki. He eyed me. Isinipit naman nito ang buhok sa gilid ng aking tenga. "And I want you to remember that no matter what, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Naramdaman ko ang muling pamumula ng aking pisngi sa sinabi n'ya. Nakipagpanday ako ng tingin dito. "Shit. This is crazy embarrassing!" Bulong pa nito na nagpatawa saakin.

I laughed a bit and touched his face. "Ikaw din. Hindi ko man sigurado kung mahal kita, pero ipapangako kong sa'yo ko lang 'to naramdaman, nararamdaman at mararamdaman." Napangisi naman s'ya. I don't like that smirk though, iyon kasi ang ngisi n'yang may bahid ng yabang.

"Patay na patay ka siguro saakin sa pagdating ng panahon." Pangaasar n'ya na dahilan kaya ko s'ya binatukan.

"Ang yabang."

"Pero h'wag kang magsalita ng tapos. Ayaw kong mabuhay ka ng nagiisa." Natatawa n'yang sambit na ikinatango ko nalang. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko na ito mararamdaman pa kahit kanino. "Pero totoo 'yun. Ikaw lang ang mamahalin ko. Even though this confession thing is so cheezy and stuff, I swear, kahit hanggang saan man ako makarating mamahalin at mamahalin padin kita." Seryoso n'yang saad at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi. Muli ko namang natitigan ang magaganda n'yang mga matang asul. Kung kanina ay may bahid ito ng lungkot, ngayon ay pagasa at kasiyahan nalang ang mababakas doon. "Masaya akong nasabi ko sa'yo ang nilalaman ng puso ko Astral." Ngiting-ngiti n'yang sabi. Isang ekspresyon na hindi ko inaasahang magmumula sa kanya. Napansin ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha nito ng dahil sumesentro na ang buwan sa lugar.

"Arkal..." Bulong ko naman sa hangin. Lalo pang lumapit ang kanyang mukha at kusang pumikit ang aking mga mata sa mga susunod na pangyayari. Naramdaman ko ang pagdikit noon sa aking noo kasabay ng isang napaka-lamig na sensasyon. Naramdaman ko ang sarili kong lumulutang sa ulap, hanggang sa mawala na ang init ng kanyang mga labi doon pati nadin ang hawak n'ya saaking pisngi.

Napamulat ako.

At natanto ang nakangiting mukha ni Khan. "Magsisimula na ang ritwal," Nakangiti nitong sambit saakin. Kapansin-pansin naman ang pagkawala ng tingkad sa isang mata nito. "handa ka na bang harapin ang lahat ano man ang mangayari?"

Walang pagaalinlangan kong tinango ang tanong ni Khan. Kahit ano mang mangyari, hinding-hindi ako magsisisi.

--

Aquarius Loki Fergarro

Sa paglapat ng aking labi sa noo ni Astral ay naramdaman ko ang biglang paggaan ng mukha nito. Unti-unti ring nawala ang hunab ng init na kanina ay nadadama ko mula sa kanyang katawan.

Nangmagmulat ako ay napansin ko ang ilan-ilang mga butil na maliliit na tila alitaptap sa nagmumula sa lugar kung nasaan kanina si Astral.

Napangiti ako ng mapait.

Wala na s'ya.

Tumingala ako sa langit, doon ay natanto ng aking mga mata ang buwang ngayon ay napakalaki, nagbibigay ito ng kakaibang liwanag at enerhiya patungo sa lugar.

Napahinga ako ng malalim.

Magsisimula na ang ritwal.

Ngunit kahit ganoon pa man, ay pinawi ko na ang natitirang lungkot sa aking puso. Dahil masuwerte na ako, na kahit sandali lamang, ay napagbigyan ako ng pagkakataong umamin ng damdamin sa kaisa-isang taong siguro ay aking mamahaling natatangi bago ang sinasabi nilang manipestasyon ng kaluluwa ng dating Elra sa aking katawan.

Ngumiti ako at tumayo na 'saka pinagpagan ang damit. Napansin ko naman ang isang puting bagay sa aking paanan. Ang panyo na binigay ko noon kay Astral. Dinampot ko iyon at nilagay sa aking bulsa.

Sisiguraduhin ko Astral, sayong-sayo lang ang puso ko.

Ang puso ng isang Aquarius Loki Fergarro.

Bulong ko sa sarili at umalis na sa lugar upang makapaghanda.

--

3rd Person's PoV

Tahimik ang crater ng dahil sa kaba ng mga taong napapaloob dito. Ngayong nasa tuktok na ang buwan ay mas lalong naaninag ang lugar at lawa na pagdadaungan ng ritwal para sa muling pagkabuhay ng dyosa ng buwan.

Sa taas na butas ng lugar ay nakasabit ang iba't-ibang uri ng bulaklak bilang alay sa paparating na dyosa, hindi lang naroon ang mga bulaklak ngunit nakakalat at nakasaboy din ito sa paligid. Ang bungad naman na kanina'y may mga nakakalat na baging ngayon ay may hati at bukas na bukas. May isang maikling daanang tela sa gitna nito na dadaanan ng mga Luna.

Nakadagdag din sa ganda ng lugar ang mga alitatap, ibon at mga paro-parong kulay asul at puti na lumilipadlipad sa paligid. Isama na din ang mga punong tila nagiiba-iba ng kulay ng dahil sa sinag ng buwan.

Pumila na isa-isa ang mga kasama sa pagdalo.

Tumunog ang isang gong hudyat ng pagsisimula ng okasyon, dumagundong iyon sa loob ng lugar na mistula isang dome, kasunod noon ay ang pagpasok ng prusisyon sa loob.

Unang pumasok sa lugar ay isang matandang tila pari. May makapal itong roba na may pinagsama-samang kulay ng asul, puti at itim. Ang buhok ng matanda ay kulay puti, sa ulo naman n'ya ay isang saklob na maaari lamang suotin ng isang punong orakulo. Nakatayo ito ng diretsyo habang hawak ang isang scroll.

Nakasunod sa kanya ay dalawang lalaking nakamaskara ay at may hawak na chimes, na kaninlang pinapatunog sa bawat hakbang na tatlo. Biglang lumamlam ang ilaw sa paligid at humangin ng malakas.

Nang makadaan sa 'sangkapat (quarter) na parte ng ilog na iikutan ay tumigil na ang pagtunog ng chimes. Doon ay pumasok na ang grupo ng mga babaeng may takip sa kani-kanilang mga mata. Ang mga ito ay umaawit ng isang sinaunang kanta na maaaring sila lamang ang nagkakaintindihan. Maya-maya lamang ay nagpatuloy ang mga ito sa paglakad.

Sumunod na pumasok ay ang grupo naman ng mga kalalakihang nakasupot ng pang tribo. Ang dalawa sa kanila ay nakabahag. Nakabantay sila sa isang usang nakatali.

Napuno ng kantahan ang lugar. Pumuwesto ang punong orakulo sa hilaga ng lugar at ang iba naman ay pumuwesto sa kanluran patungo sa silangan.

Dumating ang isa pang grupo ng mga lalaking may dala-dalang isang maliit na banka at pangsagwan, ang gagamiting sasakyan ng mga Luna tungo sa banal na bato sa may gitna.

Muli namang may pumasok na isa pang grupo ng kababaihan. May hawak silang mga basket na may lamang bulaklak at mga malalaking lampara. Imbis na pumila din sa gilid ng lawa ay pumila sila sa gilid ng daan papasok.

Kita mo at halata sa tindig at tikas ng mga katawan sa dumalo na ang lahat ay hindi basta-basta lamang na mamamayang naninirahan sa kanilang mundo, ngunit lahat ay may titulo at dumaan sa matinding pagsasanay.

Nagsaboy ang iba sa mga kababaihang huling pumasok sa lugar ng bulaklak sa daanan.

Nagiba ang kantang inaawit hudyat ng pagdating ng mga Elra. Hawak-hawak ang kani-kanilang mga armas ay isa-isa silang pumasok.

Nauna si Aries, dala-dala nito ang isang kulay chokolateng libro at isang panulat. Tinungo n'ya ang kanyang puwesto sa gilid, 'saka sinambit ng punong orakulo ang kanyang buong pangalan.

"Iran Aries Loundelle."

Pangalawa naman ay si Tauro, nakaangkas sa kanyang balikat ang isang malaking martilyo, tumabi ito sa pwesto ni Aries.

"Taurus Feuro Regalta."

Nagpatuloy lang sa pagpasok ang mga Elra, hanggang sa nasa pinakadulo na. Pumasok mula sa labas ang isang babae. Hawak-hawak ang isang panang kulay asul na may hugis buwan. Nakapuyod ng mataas ang puti nitong buhok na napapalamutian ng tatlong itim na pakpak ng agila, suot-suot nito ang isang bestida may kulay na asul at itim na umabot hanggang sa itaas ng kanyang tuhod. Nadepina naman ang hugis ng kanyang bewang ng dahil sa sinturong kulay chokolate na nakatali dito. Nakasuot ito ng butang panlaban. Ang kanyang mga mata naman ay tila buwan ay kumikinang ng dahil sa liwanag na nanggagaling sa langit.

Tulad ng iba ay lumakad din ito ng may kakaiba at natatanging tindig. Ang hindi lamang nila napapansin ay kanina pa itong may iniinda.

"Euclid Astral Gemini." Dumagundong muli sa loob ang tunog ng gong.

Gamit ang garalgal na boses ng dahil sa katandaan ay sumigaw na magmuli ang punong orakulo.

"At ang mga Luna." Unang pumasok na kwalipikado bilang Luna ay ang kapatid ni Gemini na si Yura. Nakasuot ito ng punting manipis na roba. Nakababa ang mahabang itim at tuwid na tuwid na buhok na kontra sa kulay ng buhok ng kanyang mas nakakatndang kapatid. Napapalamutian ng kulay puting bulaklak ang buhok ng babae.

Elegante itong naglakad patungo sa harap ng bangkang kanina ay dala-dala ng mga kalalakihan.

Muling dumagundong ang gong at pumasok na sa daungan ang pangalawang Luna. Si Crescent, o mas kilala sa pangalang Kris.

Tulad ni Yura ay napapalamutian din ng bulaklak ang buhok nito na nagmistulang korona, nakasuot ng isang puting-puti at medyo manipis na bestidang umaabot sa paa. Taas noo itong naglakad patungko rin sa tabi ng bangka, nagkaharapan silang dalawa ni Yura, ngunit kahit isa ay hindi naatim na magsalita at nanatiling bahagyang nakatungo.

"Ang mga saksi." Sigaw muli ng punong orakulo. Doon ay isa-isang pumasok ang pamilya ng bawat Elra at Luna. Diretsyo silang nakapila at tinungo ang isang sulok ng lugar upang doon tumanaw at manood.

Nang matapos ang prusisyon ay muling dumagundong ang gong.

Tumigil ang mga awit at nagsimula nang patugtugin ang chimes. Napuno ng kakaibang sensyasyon dulot ng katahimikan ang loob.

"Ang unang Luna, Eurann Luna Natalia Dhesree Rifuel Badar." Banggit ng punong orakulo sa pangalan ng babae. at initaas ang hawak nitong scroll.

Naglakad muli si Yura at umalis sa kanyang kaninang puwesto. Pumunta ito sa gitna ng daan papasok at lumuhod ng magkasiklop ang dalawang kamay. Muli itong tumayo at lumapit patungo sa bangka.

Tinulungan at inalalayan s'ya ng mga kalalakihang nagdala ng sasakyang panglawa kanina. Magisa s'ya doong sumakay at namangka patungo sa bato sa gitna.

Mas lalong naaninag ang kutis at ganda ng dalaga ng makarating ito sa may bato, kuminang ang mapusyaw nitong balat.

Umupo ang dalaga na si Yura sa bato at sa tuktok noon ay lumuhod. Hindi alintana ang sakit na dulot nito sa kanyang mga tuhod.

"Lady, lady, lady of the moon.

Goddess of hunt and childbirth, may you swoon.

We give you this body,

May you possess it calmly."

Nagkaroon muli ng isang hanging malakas sa paligid. Nilipad palikod ang buhok ni Yura. Nagpatuloy sa pagtula ang orakulo.

"The curse that was put under thy holy game,

Save us, bless us, with your holy arrow's flame."

Nagsimulang lumiwanag ang armas ng mga Elra. Sunod-sunod ito sa mga pwestong kinatatayuan nila na dahilan ng pagbanggit kung ano ang kanilang katayuan at titulong dinadala.

"Now dear lady, manifest,

May you and your souls be put to test."

A great light shone upon Yura's head, ngunit kahit ganoon ay walang transpormasyong nangyari. Napahinga naman ang ibang tao sa loob ng lugar.

Hindi s'ya ang Luna.

Gayon pa man ay tumayo padin ito ng napaka-galang at muling sumakay sa bangka. Isinagwan iyon patungo sa dulo kung saan malugod na naghihintay si Kris.

Napaisip naman si Euclid sa nangyari. May bahid na pagsisisi dahil bagamat nandito ang kanyang puso ay tila nawawala ang kanyang utak.

Pinilit n'yang tumayo ng tuwid at makinig sa mga nangyayari at hindi ininda ang sakit.

Ang sakit na nagmumula sa marahang pagtibok ng kanyang ulo kasabay ng pagsakit nito.

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
20.4K 572 44
When freedom soon leads you to the place where it will change your fate. A world where you see the beauty of gods creation and soon will be rule in t...
199K 6.6K 61
β—ˆβ—ˆBOOK I of Curse Sagaβ—ˆβ—ˆ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. M...
37.1K 1.5K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...