Apostle Thirteen: The Return...

Por altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... Mais

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 36: IRONIC

123K 2.5K 799
Por altheadelarama

Chapter Thirty Six: IRONIC

JIREH POV

After na makausap ko si Caleb agad akong nagtungo sa isa pang territory ng Helena  but to my surprise, naabutan ko na lang doon ang ilang ambulansya na isinasakay ang mga underlings ko.

Hindi ko dapat sila hinayaan sa ganitong sitwasyon. Maybe Skye or Dylan should be there ng mangyari ang gulong ito.

Matapos kong magbilin sa doctor ay umalis na agad ako, kailangan kong makausap ang Gang kung ano ang susunod naming plano, tungkol kay Cancer at kay Vienne.

Bigla akong napatapak sa break ng mapadaan ako sa may park, sobrang dami ng tao ngayon dito pero kahit ganun, hindi sya nakaligtas sa mga mata ko.

Ang I know, the moment I saw her, my heart skip a beat for a moment.

Inihinto ko ang sasakyan ko habang nakatingin parin sa kanya na nakaupo sa bench at may hawak na files. Gaano na ba katagal ng huli ko syang makita?

Kahit saganito kalayo, masasabi ko na ang laki ng pinagbago nya. Kumakain ba sya ng tama? Bakit parang namayat sya ngayon kung ikukumpara ng huli kaming magkita?

Bumaba ako sa sasakyan ko at dahan-dahan naglakad sa kanya. Mukhang hindi pa nya ako napapansin dahil seryosong seryoso sya habang binabasa yung hawak nya.

Mas lalong nagiging malinaw sa mga mata ko ang itsura nya habang lumalapit ako.

I miss her so much…

Gusto kong tumakbo at yakapin sya ngayon, gusto ko munang kalimutan ang lahat at manatili lang sa tabi nya…

Tumalikod ako.

Kaya ko ba syang harapin ngayon? Bumabalik sa utak ko yung sinabi ni Caleb kanina, lahat lahat hanggang sa mga sinabi nya na sya si Bloody Maria.

Sa twing naiisip ko yun, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang sakit dito sa puso ko. Kapag naaalala ko si Liam, ang itsura nya at kung papaano sya pinatay ng tao sa harapan ko, wala akong ibang maramdaman kung hindi galit.

Pero-

Kapag nagkakasalubong na ang tingin namin, kapag nagsalita na sya, kapag binanggit na nya ang pangalan ko o ngumiti na sa akin…

Nawawala na lahat ng galit na yun.

Gusto kong sabihin na katangahan lahat ito, ang magalit sa kanya at mahalin sya ng sabay pero…

Hindi ko mabago kung anoman ang nararamdaman ko sa kanya. I love her so much na kahit magmukha na akong tanga, kahit wala ng patutunguhan lahat ng ginagawa ko, ok lang basta alam kong naandyan sya.

I want to kill her but afraid of losing her.

I want to be mad at her but I can’t withstand her look, smile and how she says my name.

Nagmumukha na akong tanga pero paulit ulit ko parin ginagawa basta makasama lang sya.

These ironic feelings… I want to end it but how?

Humarap ulit ako at muling tumingin sa kanya. Kung gaano kabagal ang lakad ko, ganun naman kabilis ang tibok ng puso ko.

I declare this war at mukhang ako pa ang unang susuko. Mali, matagal na akong sumuko since that day that I met her.

“Sabi nya opposite attracts kaya nagkakasalubong kaming dalawa, ibig bang sabihin, opposite din tayong dalawa kaya nakita kita ngayon?”

Napaangat sya ng tingin sa akin and I cant help myself but to smile back at her. Halata sa itsura nya ang pagkagulat ng makita ako.

“Sungit”

“Kamusta, Panget na Alien? Na-miss kita ah…”

Kung alam nya lang kung gaano ko sya kagustong yakapin ngayon, kung gaano ko hinahanap ang presesnsyana sa loob ng ilang lingo naming di pagkikita.

“Hindi kita na miss…”

Yumuko sya at itinabi yung binabasa nya. Kahit iyun ang sinabi nya, iba ang pakiramdam ko lalo na at napapansin ko ang bahagya nyang pagngiti.

Tatayo pa sana sya ng maout of balance sya sa harapan ko. Agad ko naman syang sinalo at inalalayan sa pagupo.

“Kainis…”

Magkasalubong ang mga kilay nya na tumingin sa paa nya kaya napadako din ang mata ko doon. Dumudugo ito at namamaga.

Anong nangyari sa kanya?

LYRA POV

Ah, kapag minamalas ka nga naman, mukhang kailangan ko ng sumugod sa hospital. Sumasakit na talaga ang paa ko dahil sa Aquarius na yun.

Pipilitin ko na sanang tumayo pero nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Sungit at naglakad na ito.

“Hoy ibaba mo nga ako!”

Naagaw naming ang atensyon ng mga tao sa park, gusto ko man syang sipain pero hindi ko magawa dahil sumasakit na talaga ang paa ko.

Nakita ko ang isang sasakyan na nakapark sa di kalayuan. Nagtungo sya dun at binuksan ang pintuan saka ako ipinasok sa loob.

“Buckle up”

Wala naman akong magawa kung hindi ang umupo ng maayos at magseatblet. Mabilis din naman syang nagpunta sa kabila at naupo.

“Kung iniisip mo akong dalhin sa hospital, wag mo ng ituloy…”

“Don’t worry, hindi ko iniisip, ginagawa ko na…”

“Jireh”

“I wouldn’t ask kung ano ang nangyari but in return, let me take care of you… kahit ngayon lang”

I know that I am a reckless driver, pero hindi ko inexpect na ganun din sya. Halos pumutok na ang speedometer sa bilis nyang magpatakbo and just when I thought na mababangga kami, bigla nyang ikakabig ang manubela at iiwas sa iba pang sasakyan.

THIRD PERSON POV

Agad na inixray ang paa ni Lyra at chineck ng specialist. Kumuha na din ng kwarto si Jireh para makapagpahinga si Lyra at habang hinihintay ang result.

“Kaano ano nyo po ba ang pasyente?” tanong ng isang nurse na may hawak na ballpen at form.

Bahagyang tumingin si Jireh kay Lyra at saka lumapit sa nurse at pasimpleng bumulong dito.

“Asawa ko sya”

Napatigil naman si Jireh ng makaramdam sya ng mapangahas na tingin mual sa likod nya at ng lingunin nya ito, nakatitig si Lyra sa kanya ng masama.

Akala nito ay hindi narinig ng dalawa ang sinabi nya, mukha din namang hindi naniwala ang nurse sa sagot nito sa tanong nya.

“I mean, future wife”

“Umayos ka!”

Napayuko naman si Jireh ng paluin sya ni Lyra. Napasimnagot naman ito at humarap ulit sa nurse na nakangiti sa kanila. Sinagot na ng maaayos ni Jireh ang tanong at nakatingin naman sa kanya si Lyra.

Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw ni Lyra na magpunta sa Hospital. Maya-maya ay tinawag na sila ng doctor at inalalayan naman ni Jireh si Lyra papasok sa isa pang kwarto.

Napailing ang doctor habang tinitingnan ang result ng examination ni Lyra, “Masama ito”

Napayuko si Jireh sa sinabi ng doctor, paulit ulit na bumibigkas sa utak nito ang narinig nya. Masama…

Ayaw nyang isipin na mapuputulan si Lyra ng paa o hindi na ito makakalakad pero sa itsura ng doctor, mukhang possible ngang mangyari ang bagay na yun.

“Mapuputulan po ba sya ng paa? Kung kailangan nyo ng donor, pwede ako…”

Napakunot naman si Lyra, mas matangkad kasi si Jireh at naiimagine na nito ang itsura nya kapag naglakad.

“Matatagalan bago ka ulit makalagay… bukod sa operasyon. kailangang sementuhin na ito”

Napatayo na si Jireh at agad na kinuwelyuhan ang doctor. Nabigla naman ito at natakot sa  inasal ng binata.

“Fuck! Bakit nyo sesementuhin ang paa nya? Eh di mas lalong hindi gumaling yan. Gusto mo bang ilibing kita ng buhay sa kinatatayuan mo ngayon?”

Napatapik ng noo si Lyra, mas lalong sumasakit ang ulo nito sa mga kalokohan at katangahan ni Jireh na pinapakita nya ngayon.

“Ang ibig kong sabihin Mr. Montenegro…”

“Wag ka ng magpaliwanag!”

Agad namang hinawakan ni Lyra sa damit si Jireh at hinatak ito paupo sa bangkuan nya kanina. Umayos naman ang doctor na halatang natatakot parin dito.

“How long?” seryosong tumingin si Lyra sa doctor at “How long bago ulit ako makalakad?”

Nasa kanya na ang files na kailangan nya ang dapat nya na lang gawin ay ang pagaralan ito at hindi magtatagal, malapit na nyang makilala ang may ari ng red Ferrari enzo.

“Months, depende sa recovery ng muscle mo…”

“Make it weeks…” otoritibong saad ni Lyra.

Hindi na sya dapat magsayang ng oras at panahon dahil alam nya na babalik at babalikan sya ng may ari nito lalo na at marami ng nakakaalam ng pagkatao nya.

But it is one of the risk na isinugal nya para malaman ang pagkatao nito.

“Imposible yon!”

“Eh di gawin mong possible!”

Nagulat si Lyra ng sabay pa silang mapasigaw ni Jireh. Bumaling lang ito sa kanya at ngumiti.

Napayuko naman ang doctor at nagiisip kung paano nya gagawin ang imposibleng bagay na yun. Binigyan nya muna ang gamot at nilinis ang sugat ni Lyra sa ka sinabihan ito na bumalik sa kinabukasan.

LYRA POV

“Hindi ko po kilala ang taong ito”

Nakakainis, bakit ba kasi kailangan pa nya akong buhatin? Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao, kaya ko namang maglakad eh, hindi pa ako pilay o baldado.

Matapos naming magpunta sa hospital, agad akong binuhat ng Sungit na ito. Hindi naman ako nakapalag dahil hawak na nya ako pero---

“You know, hindi mo naman ako kailangang buhatin”

Pero parang walang narinig si Sungit at nakangiti lang ito habang naglalakad pabalik sa kotse nya.

“Don’t worry, practice ito para sa pagtanda natin hindi na ako masyadong mahihirapan sayo”

“Binubwisit mo ba talaga ako?”

Seryoso ako dito pero sya… well, alam ko namang seryoso din sya sa sinabi nya pero hindi ba pwedeng sabihin nya yun ng hindi sya magmumukhang comedy ang dating o nangaasar?

“Ibaba mo na nga ako”

Sinubukan kong ipadyak ang paa ko at sakalin sya pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nya sa akin.

“Ibababa lang kita kapag sinabi mo na namiss mo ako…”

“Asa”

Asa… kahit namiss ko sya, ayokong sabihin ang bagay na yun. Una sa lahat, dahil hindi ako ang tipo ng tao na sasabihin ang bagay na yun at pangalawa…

Nahihiya ako…

Mas nahihiya pa ako sa mga ganito bagay kesa sa mga kalokohan ko.

“Then it’s decided…”

Ngumiti lang sya ulit at nagpatuloy sa paglalakad. Mataas din

“Ibaba mo na kasi ako…”

“Bakit ba?”

Bakit din ba kasi ang kulit nya? Bakit ba kasi gustong gusto nya akong binubuhat? Bakit ba hindi sya nakakaramdam ng---

“Nakakahiya…”

“Mahiya ka kung ibang tao ang bumubuhat sayo pero boyfriend mo ako Lyra-” saglit syang napatigil sa huling sinabi nya at umiwas ng tingin.

“Sorry, ako lang yata ang nagaassume nun…”

Ayoko ng magsalita pa. This is part of my plan, ang gamitin at paglaruan sila katulad ng ginwa nila sa akin. Katulad ng itinago nila sa akin ang pagkatao ko sa loob ng tatlong taon…

Pero bakit sa mga nangyayari, ako pa ang mali? Nasaktan din naman ako hindi ba? Niloko din ako pero bakit kailangan kapag ibabalik ko na sa kanila ang ginawa nila sa akin…

Bakit mas nasasaktan ako?

“I miss you…”

Sumubsob ako sa may balikat nya at mahinang ibinulong ang mga salitang yan. Gusto kong sabihin ang bagay na yun ng makita ko sya pero heto na naman ako at nahihiya…

“What?”

Isa ito sa pakiramdam na sa kanya ko lang nararamdaman…

Tumigil sya sa paglalakad habang buhat buhat parin ako sa likuran nya. Mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa balikat nya. Ayokong makita nya na namumula na ako ngayon sa kahihiyan.

“Na-miss kita…”

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nakahinto dito habang buhat buhat ako. Yung mga tao kanina na pinagtitiginan kami, mukhang baliwala na kami ngayon sa paningin nila.

Parang sa isang iglap biglang tumahimik ang lahat, kahit napakabilis ng galaw ng bawat isa, parang napakabagal ng mga ito sa paningin naming dalawa.

I want him to hate me but at the same time I’m enjoying the feeling of being love by him… This feeling,

It’s too ironic.

Humawak ako sa balikat nya at bahagya syang itinulak.

“Oh ayan, nasabi ko na kaya ibaba mo na ako!”

Itinulak ko ng itinulak ang likod nya hanggang sa bitawan ako pero ang tigas ng ulo talaga ng sungit na ito at ayaw ako bitawan kaya ayan, natumba tuloy kami pareho.

“Tsk”

THIRD PERSON POV

Dinala ni Jireh si Lyra sa swing at doon ito pinaupo habang nakakalong naman ang paa nito sa kanya.

Nang matanya nya na ok na ito ay naupo ito sa katabing swing ni Lyra. Tahimik lang sila habang mahinang idinuduyan ang kinauupuan.

“Jireh, let’s break up…”

“Ok”

“What?”

Ang inaasahan ni Lyra ay ito ang mabibigla pero sa sagot ng binata, sya pa itong nagulat. Hindi dahil sa Ok ang sinagot nito kung hindi sumagot ito agad agad ng hindi nagiisip.

Iniisip tuloy ni Lyra kung nakikipaglaro ito sa kanya at iniisip na biro lang ang bagay nay un.

“Makikipagbreak ka tapos ikaw itong galit?”

“Ineexpect ko kasi na iiyak ka at magwawala…”

Napasimangot naman si Jireh sa sinabi nito sa kanya.

“Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?”

“Bakit hindi ba?”

Binalikan lahat ni Lyra ang mga pangyayari sa utak nya kasama si Jireh kaya kabisadong kabisado na nya ang ugali nito pero may mga pagkakataon na talagang nasusurpresa parin sya sa mga ginagawa nito.

Huminga ng malalim si Jireh at ngumiti. Diretsyo lang ang tingin nito sa langit habang isiniswing ang paa.

“Sa tingin ko mas maganda na ito. Mas ok na may closure tayong dalawa, na hindi ako nangangapa kung ano ba talaga ang meron sa ating dalawa. Mas ok na ito para alam ko kung anong standing ko sayo at mas ok na ito na mas pormal kitang maligawan ulit…”

“So yun ang ibig sabihin mo sa ok…”

Yung ok nya, hindi dahil sa pumapayag sya kung hindi dahil sa naghahanap sya ng panandaliang sagot sa mga tanong nya.

Napayuko si Lyra at tumingin kay Jireh. Nakatingala parin ito at nakangiti. Nabigla sya ng biglang magbaba ng tingin si Jireh at tumitig sa kanya.

Parang sasabog sa kaba ang dibdib ni Lyra lalo na at sobrang lapit lang ng mukha nila sa isat isa.

Una na itong nagiwas ng mukha at pagkaraay ganun din sya.

“Bakit ayaw mo? Siguro may pagnanasa ka talaga sa akin… kung sabagay gwapo ako at mayaman. Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin kaya maswerte ka naging girlfriend kita”

Tinitigan ni Lyra si Jireh. Hindi nya alam kung madidisappoint sya o matutuwa sa kababawan nito. Sa mga dahilan nito at sa mga kahanginan nito.

Muling humarap sa kanya si Jireh at this time, mas seryoso na ang mukha nito.

“Love doesn’t end in break up Lyra, but it ends when one of them already moved on. Sa kaso ko, kahit magbreak tayong dalawa, hinding hindi ako makakapagmove on sayo…”

“Jireh”

For the first time, naramdaman ni Lyra ang sakit na matagal ng tinatago ni Jireh sa kanya. Alam nyang hindi ok ito, alam nya na nasasaktan sya pero iba parin kapag naramdaman mo na din yung sakit na nararamdaman nya.

“Ganun mo yata ako isinumpa eh kaya kahit anong gawin ko, I will always end up loving you”

At iyun ang pinaka ayaw mangyari ni Lyra. Mas ok pa sana kung kamuhian na lang sya ni Jireh, na magalit ito sa kanya sa ganun, mas madali syang makakapagdesisyon at mas madaling matatapos ang lahat sa kanila.

Pero paano nya magagawa lahat ng iyun kung sa tuwing magkikita sila at magkakasama, pinaparamdam sa kanya nito kung gaano nya sya kamahal at kung gaano ito kaimportante sa kanya?

“Jireh”

Biglang hinila ni Jireh si Lyra at yumakap dito ng mahigpit.

“Please, kahit ngayon lang…”

JIREH POV

“Please, kahit ngayon lang…”

Handa na akong isuko ang lahat para sayo. Handan a akong bitawan ang lahat. Kaya kahit ngayon lang…

I lost everything and this feeling I have for you is the only one left for me… so please kahit ngayon lang, kahit ito lang may panghawakan ako.

Bumitaw ako sa kanya at ngumiti. Gusto kong makita nya na ok lang at masaya ako kahit ang totoo---.

“Pag hinatid kita s ainyo ngayon, magpapakilala na ako sa parents mo”

“Subukan mo lang, ililibing talaga kita ng buhay dyan sa kinauupuan mo”

I expect her to respond like that. Tumayo na ako at nagpagpag, gusto ko sana syang ihatid pero may bagay muna na dapat kong ayusin.

“Paano ba yan? Kailangan ko ng umalis kaso baka mamiss mo na naman ako…”

“Ang yabang mo”

Nakasimangot na naman sya pero kahit ganun, ang cute parin nya.

“See you… soon”

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang humakbang pero hindi pa man ako nakakalayo, napatigil ako ng may humawak sa laylayan ng damit ko.

“Sorry” at agad syang bumitaw sa akin at yumuko.

“Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi pa nga ako nakakaalis pero namimiss mo na agad ako…” nakakunot noo na naman sya sa sinabi ko kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.

“Magiging ok ka lang ba kung mawawala ako?”

Nabigla sya sa sinabi ko at kahit ako man. Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun pero kahit ganun, wala akong tapang o lakas para bawiin lahat ng sinabi ko.

Hindi sya nagsalita at nanatili lang syang ganun sa posisyon nya hanggang sa makaalis ako. Ayoko sana syang iwan sa ganung sitwasyon pero wala akong magawa.

Agad akong pumasok sa Headquarter at sumalubong sa akin member ng Helena Gang.

“King!”

Sinalubong agad ako ni Dylan pero pinaupo ko sya agad. Gusto kong tapusin agad ang usapan na ito ng walang masyadong paliwanagan.

“Where have you been?”

Tahimik lang ang lahat sa tanong ni Prime at alam ko na nagsisimula ng mabuo ang tension sa pagitan naming lahat lalo na at nakapukol ang tingin nila sa akin.

“I’m with Lyra---“

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad na akong sinugod ni Prime at hinawakan sa kwelyo saka malakas na isinaldal sa pader.

“Jireh”

Ikinuyom ko lang ang kamay ko at tumingin sa kanya, sinalubong ko ang mga mata nya na puno ng galit at disappointment.

“She killed Liam, alam mo yun! Naandoon ka! Nakita ng mga mata mo kunng papaano nya piñata ang kapatid mo!”

“Alam ko!”

“But then, you cant kill her, right? Yun ang gusto mong sabihin…”

Binitawan ako ni Prime at bahagyang lumayo sa akin pero nasupresa ako sa sunod nyang ginawa. Yung paglayo nyang yun ay para lang pala kumukha ng bwelo para suntukin ako.

Pero sa halip na sa mukha ko tumama ang suntok, tumama ito sa pader at nakita ko ang pagdugo pa ng mga kamay nya.

“You never change Jireh, yung tiwala ko sayo, kakaunti nalang pero inuubos mo pa!”

Hindi ko sila masisisi kung galit silang lahat sa akin, ako ang bumuo ng Helena Gang, ako ang nagdeclare ng gang war pero ako itong umaatras sa laban.

Kung tutuusin, ako din ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Ryo.

Tumingin ako kay Yola at Dylan, pareho silang nagiwas ng tingin sa akin at ganun din si Skye.

“You’re not capable of doing this, mas mabuti pa… buwagin na natin ang gang na ito tutal mukhang sa pangalan lang naman tayo iisa, pero iba iba tayo ng gustong gawin…”

Naagaw ang atensyon ng lahat sa sinabi ni Prime. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila, I’ve decided…

“Then let’s do it… buwagin na natin ang Helena Gang”

Continuar a ler

Também vai Gostar

CLUE DETECTIVE Por XtremeWriter

Mistério / Suspense

285K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...
57.4K 785 2
ACTION | ROMANCE A K E M I Meet Akemi isang tahimik na babae at malamig kung tumingin. Bumalik sa pilipinas para hanapin ang mga pumatay sa kanyang m...
257K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
10.2M 199K 67
Death, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul...