[Luigi's POV]
[School]
Pumasok na ako sa school. Umalis ako ng bahay ng natutulog si Laureen.
"Nasaan si Laureen?", tanong ni Charms ng lumapit sya sa may table namin.
Kasama ko si Jake.
Hindi ako nagsalita, tumingin lang ako kay Charm.
"Asush! Hoy papa Luigi! Alam ko na, sinabi na ni Laureen sa akin noh", sabi nya sa akin ng nakangiti.
"Aah", sabi ko. Tumango-tango ako.
"Alam ko din na alam ni Jake", sabi ni Charm tapos kay Jake naman sya tumingin at ngumiti.
"Hehehe", kumamot na lang sa batok si Jake.
Bigla namang sulpot ni Billy at Aaron sa table namin.
"Tara na Gi, mag-start na ang practice nyo", sabi ni Aaron.
"Dedicated committee member ah!", sabi ni Jake kay Aaron.
"Syempre! Dali na! Andon na si Kars", sabi ni Aaron.
"Andon na ba si Kars? Sige, teka", sabi ko, inayos ko na ang mga gamit ko.
"Charm, asan na si Laureen?", sabi ni Billy, "Nasan na yung pagpi-PA-han ko?"
"Hindi din nagtetext sa akin eh. Kaya nga hinahanap ko din eh", sabi ni Charm.
"Sos! Wag mag-panic! Chillax! Andito si hon o! Gi, nasaan na si Laureen-Hon?", tumatawang sabi ni Aaron.
"Tss! Naka-text ko kanina. Buong maghapong-tulog, dini-dysmenorrhoea daw sya", sabi ko sa kanila.
"Aaah.... Oo nga, ganon nga 'yon pag dini-dysmenorrhoea", sabi ni Charm.
"Tara na Aaron", sabi ko kay Aaron.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Umalis ako agad ng school pagkatapos ng practice ng Mr&Ms. dance. Nag-usap na din kami at nag-practice ni Kara saglit sa music room para sa gagawin namin sa Friday.
Dumaan ako saglit sa mall tapos umuwi na din ako agad.
"Ok ka na?", tanong ko kay Laureen pagpasok ko ng kwarto namin.
"Oo, ok na ako, nakalabas na eh", nakangiting sabi ni Laureen.
"Ewww", sabi ko sa kanya.
"ARTE! Oo nakalabas na yung DUGO Luigi! Yung DUGO!", sabi nya. Inulit-ulit nya pa yung salitang dugo.
"Hahaha", Natawa na lang ako.
Tumabi ako sa kanya sa kama, nakaupo sya at may hawak na libro.
"Binibiro ka lang eh, eto naman!", sabi ko sa kanya at binunggo ang braso ko sa braso nya, "For you", inabot ko sa kanya ang slice ng mango cake.
"Uy! Woooow!", sabi nya.
"Tss! Parang bata lang Laureen?", sabi ko sa kanya.
"Thank you Luigi! Teka bigyan natin si Manang Lydia", sabi nya.
"Meron na din sya", sabi ko.
"Aah Talaga? Favorite ko 'to eh", nag-smile sya sa akin. Sweet smile.
Nag-smile lang din ako sa kanya. Alam ko. Alam kong favorite mo yan. Nabanggit ni Manang Lydia sa akin dati.
"Kaya lang", sumimangot sya bigla.
"Kaya lang ano?", tanong ko sa kanya.
"Bawal daw maasim pag may monthly period eh", sabi nya.
"Tss! Totoo ba yon? Tsaka di naman maasim yan eh, cake nga yan eh, so it's sweet", sabi ko sa kanya.
"Sabagay....", tumatango-tangong sabi ni Laureen.
"Siguro yung mango bits sa ibabaw, oo baka maasim. Tanggalin mo na lang kung gusto mo", sabi ko sa kanya.
"Pwede....", sabi ni Laureen, then she smiled at me. Na para bang may pumasok sa isip nya.
"Baket ngumingiti ka dyan?", tanong ko sa kanya.
"Parang si Luigi lang....", sabi nya.
Kumunot lang ang noo ko.
"Para ka palang mango cake, Luigi", sabi nya habang kinakain na ang cake.
"Baket naman ako mango cake?", tanong ko sa kanya.
"May part na maasim pero sweet naman talaga. Parang ikaw, masungit pero maalaga naman", sabi nya habang tinataas-taas pa ang kaliwang kilay nya sa akin.
Tinignan ko lang sya. Pinigilan kong ngumiti.
"Uuuy, blushing", sabi ni Laureen sa akin at tinusok ang pisngi ko.
"Anong blushing? Puro ka kalokohan Laureen. Kumain ka na nga!", sabi ko sa kanya.
"Eh nagba-blush ka naman talaga eh", sabi nya pa.
"Nakainom kasi ako", sabi ko sa kanya.
Inamoy nya ang damit ko. Umiwas ako sa kanya. Pero hinablot nya ako palapit sa kanya.
"Hindi naman eh! Hindi ka naman amoy alak eh! Yiheee!", nanunuksong sabi ni Laureen, tapos biglang naging inosente kunwari ang mukha nya, "Bakit nagba-blush ka Luigi?", tanong nya sa akin.
"Ang dami mong alam Laureen!", sabi ko sa kanya.
"Ay nag-start na naman mag-sungit ang Mango Cake ko! Hahahaha", sabi nya, tawa sya ng tawa.
Lumakad na ko palabas ng kwarto, "Bumaba ka na din ha, nagugutom na ko", sabi ko sa kanya.
Lumabas na ako ng kwarto para hindi na nya ako maasar.
Tss...This girl is really driving me insane!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naghuhugas na ako ng plato. Hindi ko na pinatulong si Laureen sa akin.
"Kamusta pala ang practice?", tanong nya. Nanonood lang sya sa ginagawa ko.
"Ok naman", sabi ko.
"Mahirap?", tanong nya sa akin.
"Di naman", sagot ko.
"Turuan mo ko?", sabi nya.
"Ok", sabi ko sa kanya, "Pagtapos ko dito. Pero wala na bang masakit sayo?"
"Wala na", sabi nya, smiling.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Laureen's POV]
"Wala na", sabi ko kay Luigi.
"Sigurado ka? Wala na talagang masakit?", tanong ni Luigi sa akin.
"Wala na. Promise. Wag ka na mag-alala, ok", sabi ko sa kanya.
"Buti naman kung ganon", sabi ni Luigi sa akin.
"Luigi, salamat ha. Thanks sa pag-aalaga mo sa akin", sincere na sabi ko sa kanya.
Late na ako nagising kanina, 4:00pm na. Sabi pa naman nya gisingin ko sya ng 2:00pm. Pag gising ko wala na sya. Nakita ko na lang ang isang note na nakapatong sa libro ko na nakalagay sa side table:
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
| |
| Laureen, |
| |
| Just rest, ok. |
| Wag makulit. |
| Nagkabit ako ng hidden camera dito, |
| kaya I will know kung nagpasaway ka :) |
| |
| Uwi ako kagad pagtapos ng practice. |
| Sabay tayo dinner. |
| |
| - Luigi |
| _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ |
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung inaalagaan nya ko kanina. Alam kong hindi na 'to biro. Masaya ako pag kasama ko sya. Kinikilig ako pag sweet sya sa akin. Nagseselos ako kay Kara. Nawi-windang ako pag masyado syang malapit sa akin. Nalungkot ako nung pinaalala nyang malapit na syang bumalik sa condo nya. Alam ko na 'to.
Pero sya pa rin si Luigi. Kagaya sya ni Jeff.
"Wala yun, ang mahalaga ok ka na", sabi nya, "Tinakot mo ko", sabi nya pa ng seryoso sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. Nakatingin kasi sya ng seryoso sa akin. Luigi and his eyes.
"A-ano, b-bilisan mo na, tuturuan mo pa ako", sabi ko sa kanya.
"Ok, ok"
-------------------------------------------------------------------------------------------
;)
*dedicated to cielokestrel, thanks sa comments and votes :)
;)