The Elven Round (COMPLETED)

By Aeronicles

199K 6.4K 207

Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all th... More

Author's Note:
**PAALALA**
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Epilogue
Fun Facts
Names
Covers:
Plug: The Death of Athyeia
Special Chapter #1:
Special Chapter#2

Chapter 12:

6.1K 229 14
By Aeronicles

A/N: Cringe-y chapter ahead. Limot ko na kung paano gumawa ng romance? Heheheheh. But then, I promise that I put my heart into writing this one ^_^

THIS IS DEDICATED TO:

xBlackEnchantressx

Thanks for your support and votes on my stories😊

~•~•~•~•~•~•~

Euclid Astral Gemini

Walang imikan naming lahat pinakawalan ang isa't-isa sa mga natitira pang baging ni Hera. Napahinga ako ng malalim ng unti-unting bumalik ang tunay kong anyo.

Hindi ko alam na magagamit ko pa pala ang kapangyarihang ito. Ng hindi nasasaktan at walang namamatay.

Nakita ko sa sulok ng aking mga mata si Loki na nakaupo lamang sa isang bato. Napalingon ito saakin ng siguro'y maramdaman ang aking mga titig, kaya naman agad kong inilihis ang aking mga mata at umiwas ng tingin.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwalang s'ya si Arkal. Si Arkal na wala akong ginawa kundi ang iyakan ng walong taon. Si Arkal na labis ang kahilingan kong mayakap at makausap. Ngunit paano kung ayaw n'ya?

Dahil hindi naman s'ya iiwas at magtatago kung gusto n'yang makilala at makausap ko s'ya hindi ba?

Napansin ko ang isang dalagitang tinatawag nila kanina bilang Yura. Lumapit ito kay Arkal at tumabi. 'Saka ipinatong ang ulo sa balikat nito. Naalala ko naman ang mukha ng babaeng nakasalubong ko sa kastilyo.

Hindi ba't s'ya din iyon?

Pero bakit napaka-pamilyar ng mukha nito?

"*ehem*" Napalingon ako kay Khan na nasa aking tabi na pala kaya napatigil ako sa pagmamasid kay Yura at Arkal. Piagsiklop n'ya ang kanyang mga palad. "Mahal mo na ba?" ani nito at sumulyap sa gawi ng dalawang tao na kanina lamang ay ako ang tumitingin-tingin.

Walang pagaatubiling tinanguan ko si Khan. "S'ya lang ang taong kinilalang kong pamilya simula ng mawala si Mama. S'yempre mahal na mahal ko s'ya." Damdam at masaya kong sagot sa kanyang tanong. Si Arkal ay tila naging kuya, ate, nanay at tatay ko sa aking paglaki. Isa s'ya sa mga taong may malaki nang puwang saaking puso.

"Hindi bilang pamilya." Napakunot na ang noo ko sa kanyang sinabi. Bilang kaibigan ba ang tukoy ni Khan?

"Oo naman, mahal ko s'ya. Pati ikaw, si Kris, at ang iba pa. Mahal na mahal ko kayong lahat!" Naka-thumbs up kong sabi. Napahilamos naman bigla si Khan sa kanyang mukha. He clicked his tongue.

"Ang hirap mong kausap." Parang napipikon nitong sabi. Napakunot nalang naman ako at sumunod ng umalis na ito. Napansin namin ang paparating nang liwanag. Unti-unting nawala ang hamog na bumabalot sa aming paligid.

Nabuhay ang mga tila patay at naghihingalo sa tubig damo, at sumikat ang araw. Namangha ako sa nakita.

Gantong-ganto din kasi ang aking nasaksihan kasama ang ina ko noon. Ang ina kong hindi ko na din tanda ang mukha. Pero kahit ganoon pa man ay kilalang-kilala parin s'ya ng aking puso.

Napatigil ako sa paglalakad at sinulyapan ang unti-unting pagbabagong anyo ng lugar. Ang kanina at ahapong madilim at nakakatakot ay unti-unting nabigayan ng kulay.

Napangiti naman ako ng makakita ng isang bahagharing unti-unting lumalabas. Bumuhos ang kaunting ambon na dahilan ng mabilis na pagdami nito.

Hanggang sa lumipas ang ilan pang minuto at tumirik na ang araw. Tuluyang nawala ang makakapal na kumpol ng ulap kaya naman mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang ibabang bahagi ng bangin.

Lumapit pa ako at medyo sumilip. Pero agad ding napalayo ng mapagtanto na sobra palang nakakatakot pagdiretso kang tumginin sa baba.

"Geminiiiii!!!!" Sigaw ng iba pang mga Elra kaya napatingin akong muli sa kanila. Bigla namang kumalam ang aking tyan ng makaramdam ako ng gutom. Umagahan lang kasi ang tanging kinain ko kahapon.

"Pfft! Bilisan mo na para makakain tayo sa school!" Sigaw ni Taurus na aking kinatango.

"Or dumaan muna tayo sa isang restau!" Excited naman na sabi ni Kuya Irie habang umaaplang ng kabayo.

Napatigil sila sa pagtawa saakin ng lumipad patungo sa gawi ko ang isang mansanas. Agad ko naman 'yung sinambot upang hindi mahulog. Napatingin ako sa pinanggalingan noon at nakita si Loki na nagunguha ng mansanas mula sa isang puno. Tinaasan ako nito ng kilay. Pero imbis na pansinin iyon ay masaya kong kinagat ang mansanas. Agad na gumuhit saaking dila ang lasa noong pinagsamang tamis at medyong pait.

Nag-thumbs up naman saakin si Kuya Verge. Si Kuya Felis naman ay nag-muscle sign. Habang si Kuya Gita ay paulit-uli na kumindat.

"Ano pang ginagawa n'yo?" Inip na banggit ni Loki habang nagbabato ng mansanas sa aming lahat na malugod din namang tinanggap ng iba.

"Hinihintay namin si Euclid na sumakay!" Sabi ni Kuya Kael na nagsimula naring ngumata ng mansanas. "So? kanino kang kabayo?" Dagdag ni Kuya.

"Pero ang lufet mo Loki. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka nakikipag-basketball saamin." Puna ni Kuya Rico. "Mag gusto mo palang manghagis ng mansanas, hindi mo man lang sinabi." Natatawang asar nito na dahilan ng pagtawa ng lahat. Mas lalo kaming napatawa ng batuhin muli ito ni Loki ng mansanas at sumapul sa ulo. "Aw!" Daing n'ya.

Huminga nalang naman si Loki ng malalim at bumaba ng kabayo. Kala ko ay may pupuntahan s'ya pero ganoon na lang ang gulat ko ng lumapit ito saakin at iniamba ang kamay.

Hindi naman nakligtas sa mga mata ko ang mga makahulugang ngiti ng mga taong nasa paligid namin. Pati nadin ang bahagyang pamumula ng tenga ni Loki.

Napasipol pa si Kuya Gita sa may tabihan.

Napatingin ako sa kamay ni Loki. Nahingi pa s'ya ng mansanas? walang pagaatubili kong kinuha ang pocket knife—Malamang kaya nga pocket di'ba? at hinati ang mansanas.

"Anong ginagawa mo??!" Bulalas nito ng iabot ko sa kanya ang kalahating mansanas.

"Hati tayo?" Napatawa naman ang halos lahat ng dahil sa aking ginawang aksyon. he irritably hissed at me at hinigit ang aking palapulsuhan palapit sakanya. "You'll ride with me!" Tuldok n'ya sa mga katanungang gumagala at umiikot sa aking isipan.

Napatango ako.

Yun pala 'yun.

--

"Woah! Ang tagal kong hindi nakita ito!" Sambit ni Kuya Kael habang pinagmamasdan ang rainbow-colored fountain sa gitna ng plaza Alataria. Agaw pansin naman ito ng dahil naka-sakay s'ya sa kabayo.

Halos lahat pala kami. Napakadalang kasi dito ng kabayo, madalas ay mga baka lamang. Pinatigil na kasi ang paggamit ng mga sasakyang halos isang dekada na ang nakalipas. Dahil nakakasira daw ito ng dagat at kagubatan. Ngayon ay sinusubukan na ng mga hari at reyna ang pagpapababa ng konsumo ng plastik at mga papel.

Muli akong napahikab habang pinagmamasdan ang iba na masayang nagiikot-ikot sa bayan. Pagkatapos kasing kumain ay nagyaya si Tauro na maggala, dahil ayaw daw n'yang magklase. Para nadin mamayang gabi sa mga mangyayaring inisiyasyon. Para bago daw sumabak sa bagong buhay ay may ala-ala silang hindi makakalimutan.

Naramdaman ko ang pagtapik ng isang tao sa aking ulo. Pati nadin ang marahan nitong paghawak doon habang isinasandal sa kanyang bisig.

I looked up at Loki. "Pwede ba kitang tawaging Arkal?" Kinakabahan kong tanong. Iyon ang kanina pang naglalaro sa aking isipan, at dahil sa antok, klaseng nakuha ko ang lakas at gana upang ilabas ang hiling na 'yun mula sa aking bibig.

Dahan-dahang tumango saakin si Loki. Ngunit gayon pa man ay parang ang hirap ng biglang pagbabago ng tawag sa kanya. "Lokal nalang kaya?" Natatawa kong sambit na ikinakunot ng noo nito.

Tuluyan nang nawala ang katinuan sa aking isip ng dahil sa antok. Inabot ko ang nakakunot n'yang noo at minasahe iyon upang mawala. Gawain ko din 'yun noon sa t'wing natutulog s'ya. "Alam kong galit ka sa'kin kaya pasensya." Malungkot kong saad. "Hindi ko sinasadyang patayin ka. Sorry... Sorry."

"Shhh," pagaalo naman saakin ni Loki. Napangiti ako ng maramdaman ang biglang katahimikan. Na para bang ito ang pinaka-kalmado at pinaka-ligtas na lugar para saakin. Isang lugar na sigurado akong hindi ako malulungkot at masasaktan. "I'm not angry." Nagmulat ako ng tingin at napansin ang mga mata n'yang nakalihis.

"Loki, Astral." Banggit ko sa pangalan nito na naging dahilan ng pagbabalik tingin n'ya saakin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Ang ganda ng mga mata mo." Sabi ko at tumingin doon ng diretsyo. "Ayaw kitang makitang nalulungkot." Sabi ko at muling humikab.

"If you are here, I doubt that." Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang 'yun o sadyang tunay na nangyari ngunit nakaramdam ako ng isang malambot na halik sa aking ulo. "Basta masaya ka ay masaya ako."

"Weh?" Napanguso naman ako. "Pwes hindi ka sasaya kasi hindi ako masaya!" Galit kong saad at napaekis ng braso.

"Why?" Kuwari ay walang alam nitong sagot. Inis ko s'yang nilingon upang sumbtan.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasabing maganda ako!" I made face. 'Yung tipong pang-mukhang ogre. Kahit kasi noong nagkakilala kami ngayon ay panget at madungis padin ang tawag n'ya saakin. Nakakawala kaya ng kumpyansa sa sarili! "Sabi mo ang pangit-pangit ko. Madumi. Gusgusin. Kadiri. Mabaho!" Dagdag ko pa habang binibilang isa-isa ang mga pangkukutya n'ya saakin noon pa man. Napabulong ako. "Porke't gwapo ka tsaka may itsura, tsaka matangkad, tsaka mabango, gaganunin mo ako."

"Easy..." Tumatawa nanaman nitong sabi. Napataas ako ng kilay. Mukha ba akong nagkikipaglokohan sa kanya? "And also, kahit bumulong ka pa, rinig na rinig parin kita." Dugtong nito at napapangisi. Mahina kong tinampal ang pisngi n'ya.

"Hindi ka na pala gwapo, wala ka na ding itsura, pandak ka at ang baho-nbaho mo na! Bwisit!" Naiinis kong sabi at tumalikod. Napahigpit naman s'ya ng hawak sa kabayo ng dahil gumalaw ito sa aking pagikot.

"Biglang nagbago?" Nangaasar pa nitong sabi.

"Trip ko e. May problema ba?" Inis kong sabi at sumandal pa una sa ulo ng kabaho. Narinig ko naman ang mahinang mura nito. "At hindi porke matanda na tayo pwede ka nang magmura." Antok na antok ko na lang na sabi.

"H'wag mo akong tulugan!" Rinig ko pang sabi n'ya. Pero sa pagtagal ay unti-unting lumalayo ang kanyang boses. "Astral..." Muli pa nitong banggit sa pangalan ko. Ngunit sadyang hindi ko na kaya. Tinatawang na ako ng aking mga kaibigan sa panaginip/

Naramdaman ko ang pagbabago ko ng pwesto at ang pagsandal ko sa isang malapad ngunit medyo matigas na unan. "Mmm..." Ang tanging tunog na lumabas sa aking bibig ng muli nanaman itong tumawag.

"Ang ganda mo." Bulong ng isang tao sa aking may tenga. "Ang ganda, ganda mo." Ang huli ko pang narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Continue Reading

You'll Also Like

328K 11.6K 40
She's neither a princess or a noble. She is chosen to be a vessel to hold a power that humanity don't know. A power that will change the world.
87.1K 4.5K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
9.3K 405 61
a kind of a very dangerous and full of adventure game a Virtual Game called Castle War Online Started writing: April 1,2020 Completed story:April 29...
199K 6.6K 61
◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. M...