She's Scary ( completed )

By pinkanimekawaii

348K 6.6K 285

Paano kung dahil sa kamalasan mo, you end up sa c.r ng boys ? At sa kamalas-malasan mo, nandoon pa yung isa s... More

She's Scary
Prologue
Sa mga magbabasa ng story.
SS 1 : The Girl
SS 2: Girl in the Bathroom
SS 3 : Nightmare
SS 4: Identity Revealed
SS 5 : Confession
SS 6 : Deal
SS 7: Girlfriend
SS 8: Rejection
SS 9 : Hide and Seek
SS 10 : Restricted Room
SS 11 : Misunderstood
SS12 : Guy in the Infirmary
SS 13 : Public Announcement
SS14:MISSION: CONVINCE THE SAINTS
SS15: Horror House
SS 16 : Help
SS 17 : Practice Gone Wrong
SS 18 : Laughingstock
SS 19 : Bedscene Act
SS 20: Who is she ?
SS 21 : Angel and Potchi
SS22 : Bathump
SS 23: Family Dinner
SS24: Embarassed
SS25 : Thanks for Last Night ?!
SS26: Questions
SS27: Furious Nate
SS28: What Really Happened
SS29: Joke
SS30 : The Evil Plan
SS31: Part Time Job
SS32: Maui's Revenge
SS33 : The Sleeping Whitelady
SS34 : Forehead Kiss
SS35: Who is it ?
SS 35 : Annoying Nate
SS 36 : Names
SS 37: With them
SS38: Slave for the day
SS39: Date
SS 40: Talk
SS42
SS43
SS44
SS45
SS46
SS47
SS48
SS49
SS50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter: That Night

SS41

4.2K 83 2
By pinkanimekawaii

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

SS41

[ Nate's POV ]

Buysit ! Kung kailan naman may sasabihin ako, doon naman sisingit yung asungot na yun !

" Nate.." napalingon ako kay John. Mukhang kinakabahan siya.

" Naty bear ! " i froze. She's back. Like Maui said.

( A/N: Neyti yung basa doon ah. )

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. I didnt respond. It doesnt feel right. Tatlong taon ko siyang hinihintay bumalik. Pero bakit ngayong bumalik na siya, parang hindi ako masaya ?

" I miss you so much. " hinawakan niya pa yung pisngi ko.

" Hindi mo ba ako bibigyan nang kahit isang hug ? " ibinuka nya pa yung dalawa niyang braso.

Nakatayo lang ako. Siya na yung lumapit at yumakap sa akin. Nag pout siya.

" Hindi mo na ba ako mahal ? " then inilapit niya yung mukha niya. Hahalikan niya dapat ako, pero iniwas ko yung mukha ko.

Nawala yung ngiti sa labi niya at napalitan nang pagtataka. Kailangan ko munang hanapin si Krizzia. Umalis ako sa tambayan namin. Biglang may kamay na pumulupot sa braso ko. Si Ryka. Habang dumadaan kami sa hallway, nagbubulungan yung mga estudyante.

" Aww... Para talaga sila sa isat-isa. " habang nakahawak pa sa dibdib.

At kung anu-ano pang comment tungkol kay Krizzia at sa akin. Nakakarindi.

Pagkarating namin sa mall, dumiretso kaagad ako sa mcdo. Dahil alam kong paboritong puntahan yun ni Krizzia. I saw them, laughing. Mukha silang couple. Bakit ganun ? Parang pinipiga yung puso ko habang pinapanood ko silang dalawa ?

" Natey bear, pasok tayo sa loob. Nagugutom na ako eh. " hindi siguro napansin ni Ryka na may tinitignan ako. Hinila niya ako sa loob. Napadaan kami sa pwesto nila Krizzia. Sinipa ko nang mahina yung upuan niya.

Nakita kong napatingin sa akin si Krizzia at Chasten. Binigyan ko lang sila ng isang tingin at dumiretso na kami sa counter. Pagkatapos naming mag order, umupo na kami. Kwento lang nang kwento si Ryka pero hindi ako nakikinig. Nakatingin lang ako kila Chasten.

" Nate, gusto kasi kitang i surprise kaya hindi ko sinabi sayo na uuwi ako. " sabi niya sa akin. Kumuha siya ng fries at akmang isusubo sa akin. Iiwas sana ako pero nakita ko na nakatingin sa amin si Krizzia. Kaya sinubo ko. Tuwang-tuwa naman si Ryka.

Nagkwento pa siya tungkol kung bakit siya umalis. Bakit hindi siya nagpaalam sa akin nung aalis na siya. Tapos si Maui daw na traitor. I dont really care. Hindi na ako nakinig sa kanya nung lumapit si Chasten kay Krizzia. Ang lapit nang mukha nila. Nagsasalita pa rin si Ryka nung bigla akong napatayo. Did he just kiss her ?!

[ Krizzia's POV ]

Gravity ! Bakit ba pinaalala pa nya yun ? Pulang-pula yung mukha ko ngayon dahil binanggit niya yung nangyari sa auditorium dati na nagbigay ng free napkin. At yung bully kong kaklase, iwinagayway yung napkin at isinigaw na napkin ko daw yun. Kaloka !

" Hahaha ! Ang cute mo kapag namumula ka. " sabay kurot sa pisngi ko.

" Masakit yun ah. " kinurot ko rin yung pisngi niya. Sabay kaming natawa.

Natigil ang beauty ko sa pagtawa nung may sumipa sa upuan ko. Sino bang echosera yun ? Lumingon ako. Si mongoloid. At yung babaeng nagsabi sa akin na maganda daw ako. Binigyan lang ako ni Nate ng isang malamig na tingin at dire-diretsong pumunta sa counter.

Nakakainis ! Ang sweet sweet nila ! Tapos yung haliparot naman na Nate na yun, kinakain niya yung sinusubong fries nung magandang girl. Kumuha rin ako ng fries. Kung akala niya, siya lang pwedeng lumandi, aba nagkakamali siya ! Hmp !

" Say ahh..... " yung mata ni Chasten, nanlalaki. Isinubo ko sa kanya yung fries.

* cough * *cough*

" Grabe ka naman ! Kung susubuan mo ako, isa-isa lang. Yung subo na ginawa mo sa akin, halos mangalahati na yung bff fries oh. " ganon ba talaga karami ? Tumingin ako sa bff fries. Oo nga.

" Ay sorry. " nag peace sa sign pa ako.

" Kung magseselos ka, wag mo akong idamay. Baka mamatay ako nang wala sa oras. " umuubo pa rin ito. Ngumiti ito ng nakakaloko.

Lumipat si Chasten sa tabi ko. Ang ganda ko talaga !

" Hindi ako nagseselos no. Naiinis lang. " ngumiti lang si Chasten.

Inilagay ni Chasten yung kamay niya sa may balikat ko. Tapos inilapit niya yung katawan niya sa akin. May ibinulong sya sa tenga ko na dahilan para matawa ako. Nagulat ako nung biglang may humila sa braso ko at inilayo ako kay Chasten.

" What the hell do you think youre doing ? " pulang-pula yung mukha ni Nate. Infairness kahit galit siya, ang hot niya.

" Ha ? Wala naman akong ginagawa ah. " nagtataka akong napatingin sa kanya.

Bigla na lang niyang binitawan yung kamay ko. Pumunta siya sa kasama niyang magandang girl at hinila ito papalabas. Nagkatinginan kami ni Chasten.

" Sundan natin sila. " bigla akong hinila ni Chasten.

" Nasaan na sila ? " may echoserang pulgas kasing nagpi PDA sa harap namin kaya nawala yung tingin namin kila Nate.

" Ayun ! " saktong pagtingin ko, hinalikan nung magandang girl si Nate.

" Ah...... " hindi alam ni Chasten kung anong gagawin niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

" Krizziaaa ! " tawag sa akin ni Chasten. Hindi ako lumingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

[ Nate's POV ]

" Nate.... " napatingin ako kay Ryka. Saktong pag turn nung ulo ko, bigla niya akong hinalikan. Napatingin lang ako sa kanya.

" Krizziaaa! " napatingin ako doon sa sumigaw. Nakita ko si Chasten na nakatalikod sa amin. Tapos si Krizzia naman na papaalis. Ang laki nung hakbang niya. Hindi kaya nakita niya ? Sh*t !

Kailangan ko siyang sundan. Tumayo ako. Bigla namang hinawakan ni Ryka yung kamay ko.

" Where are you going ? " Binigyan ko lang siya nang isang tingin at tumakbo papunta sa direksyon na dinaanan ni Krizzia.

[ Krizzia's POV ]

Bakit ganun ? Alam kong hindi naman talaga kami totoo ni Nate. Pero bakit parang nagseselos ako kapag may kasama siyang iba ? Tapos pumayag pa siyang magpahalik. Sino ba yung babae na yun ? Yun ba yung first love niya dati ? 

" Krizzia ! " nagmadali lalo ako sa paglalakad. Ano bang ginagawa niya ? Bakit niya ako sinusundan ? 

Saan ba ako pwedeng magtago ? May nakita akong lalaking nagbabasa ng newspaper ng manila bulletin. Ang pogi niya. Tapos may katabi siyang palaka na nakakapit sa braso niya. Pwede na ito. Kailangan ko lang palayasin itong palaka. Halata namang hindi siya gustong kasama nung lalaki eh. Salita kasi nang salita yung bruha, tapos yung lalaki may earphone sa isa niyang tenga habang nagbabasa. Mukhang tanga lang yung palaka. Fighting ! 

Lumapit ako doon sa dalawa. Hinawakan ko yung kamay nung babae. Napatingin naman ito sa akin. Hinila ko yung kamay nito at tinulak papaalis sa may upuan. Umupo ako at hinila ko papunta sa akin yung binabasang newspaper nung guy. Nagtatakang napatingin naman yung lalaki sa akin. 

" Who the hell are you ?! " galit na sigaw nung palakang kinapos yung damit. Tumayo ito mula sa pagkakasubsob.

" Me ? I dont know. " confident kong sabi sa kanya. Para naman itong isda na bukas sara yung bibig dahil walang masabi. Nung napatingin ako sa katabi ko, parang gusto na niyang matawa.

" Raze, babe, who is she ? " malanding sabi nung palaka. 

" You dont need to know. " malamig na sabi nung Raze sa babaeng palaka. Ang sama pa nung tingin niya sa babae. Parang natakot naman yung babae kaya naglakad papaalis.

Pagkaalis nung babae, titig na titig sa akin si Kuyang pogi. Nakakailang. Oras na mapadaan dito si Nate, aalis kaagad ako. Ang creepy nitong kasama ko.

" Parang nakita na kita dati...... " inilapit niya yung mukha niya sa akin na para bang ini inspeksyon niya.

" Ngayon pa lang kita nakita no. " inilayo ko sa kanya yung mukha ko.

" Ah ! Yung picture----- " tinakpan ko yung bibig ni kuyang pogi dahil nung sumilip ako, nakita ko si Nate.

" Krizzia ! "  patingin-tingin ito sa paligid habang tinatawag yung mala dyosa kong pangalan. Napatingin si Nate sa amin pero hindi rin nagtagal, umalis din siya. Tinanggal naman ni kuyang pogi yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

" So, who is that guy ? " sabay turo kay Nate na medyo malayo na sa amin.

" Hehehehehe ! Uhm, boyfriend ko ? " napataas naman yung isang kilay nito. Parang hindi kumbinsido. 

" Pumatol siya sayo ? Paano ? " pinasadahan niya pa ako nang tingin mula sa ulo pababa. Yung mukha niya parang sinasabing ' ang pogi nung lalaking yun, pero bakit siya pumatol dito ? 

" Naakit lang siya sa taglay kong kagandahan. " *flips hair* yung itsura ni kuya, parang gusto nang sumuka. Echosera !

" Sige ! Aalis na ako ! " tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila papalabas ng mall. 

Bakit ba ganito yung mga lalaking nakakasalamuha ko ? Ang po-pogi, pero kung i trato ako, para akong aso. Kaladkad dito, kaladkad doon. Ang saklap lang. Sa ganda kong ito pinaghihila lang ang beauty ko. Hinila niya yung beauty ko hanggang sa parking lot nung mall. Napalunok naman ako nung may makita akong limang lalaking MIB tapos ang lalaki ng katawan. Mga mukhang kriminal. Nakabantay sila sa isang limousine.

" Wag po. Mahirap lang ako. Hindi rin maganda katawan ko. Nakikita mo ba ? Poste lang ako. Yung mukha ko, puro pa kanto. Kaya hindi kayo kikita sa akin. Pakawalan niyo na ako. " tinatanggal ko yung hawak ni Kuyang pogi.

" Hahahaha ! " nagtawan yung limang MIB. Sinamaan ko naman sila nang tingin sabay isnab. Makatawa wagas ! Kahit na i abduct nila ako, hindi sila kikita ! Isusumpa ko yan sa kalbong ulo ni Kuyang MIB.

" Alam ko yun. Kaya nga nagtataka ako doon sa boyfriend mo kung bakit nagkagusto sayo eh. Niloloko ka lang siguro nun. " ouch ! Below the belt naman yun ! Nanahimik na lang ako.

" Sumakay ka na. " dahil hindi ako gumagalaw sa kintatayuan ko, ipinasok niya ako sa loob nung limo. 

Kinakabahan ako habang nakaupo ako sa loob. Lalagyan din ba nila nang sako yung ulo ko katulad doon sa palabas na burnout ? Bubugbugin ba nila yung pretty face ko ? Diyos ko ! Ayaw kong mangamoy yung mukha ko ! Hindi daw nila nilalabhan yung sako na yun ! Tense na tense ako sa loob nang kotse. Paano ba naman kasi yung apat na MIB, kasama namin.

Tumigil kami sa isang malaking gate. Hindi kita yung nasa loob. Dahil yung fence, ang taas. Nakatingin lang ako sa bintana nung limo habang papasok sa gate. Yung nadadaanan nung limo, isang malawak na garden tapos may pond pa na may bridge. Ang dami pang bulaklak. Yung bulaklak na forget-me-not. Tapos meron ding gladiolus at iris. Ang ganda talaga.

Halos mapanganga ako nung tumigil yung kotse. Ang laki nung mansion. Mas malaki pa sa mansion nila Nate. Natigil lang ako sa paghanga sa bahay nung binuksan nung isang MIB yung pinto ng kotse. Napalunok na lang ako. Lumabas ako ng limo. Naunang naglakad yung si kuyang pogi. May dalawang MIB na nag aabang sa pinto. Binuksan ng mga ito yung pinto at ang sama nung tingin sa akin. Pagpasok naman namin sa loob, may mga MIB na nakahilera.

" Welcome back, young master !  " sabay-sabay na sabi nung mga MIB sabay bow. Y-young master ? Mafia ba siya ? Hindi siguro ! Baka mayaman lang.

Ang ganda talaga nung loob. Parang ayaw ko nang gumalaw dahil baka may mabasag ako eh. Kumikinang yung mga gamit sa sobrang linis. Hindi katulad sa amin, halos hindi na makita yung kulay nung gamit dahil sa alikabok. Umakyat kami at naglakad sa napakahabang hallway. Saan-saan kami nagte turn. Tumigil maglakad si kuyang pogi at nakatayo lang siya sa isang pinto.

Kumatok muna ito. 

" Pasok. " sabi nung boses sa loob.

Pumasok naman si kuyang pogi. Sinenyasan niya ako na pumasok rin.

" What is it, Raze ? " hindi man lang nag-aangat nang tingin yung lalaki.

" Dad, I found her. " kaagad na nagtaas nang tingin yung lalake.

Nanlalaki yung mata ko. Sigurado ba siyang tatay niya yun ? Ang pogi ! Mga nasa thirties siguro yung guy. Baka mukha lang talagang bata ? Biglang napatayo yung guy at lumapit papunta sa akin. Tinignan niya muna ako bago niyakap nang sobrang higpit. Nung lumayo ito sa akin, umiiyak ito. Napatingin naman si Raze sa akin.

" Wala akong ginagawa sa kanya ah. Baka sabihin mo, pinaiyak ko siya. " depensa ko kay kuyang pogi.

" Hahahaha ! " natawa si Raze.

" I finally found you. " niyakap niya ulit ako.

Seryoso, anong nangyayari ? Harem na ba itetch ? Ganda ko talaga !

-----------------------------------

A/N: Comment and Vote

Continue Reading

You'll Also Like

136K 2K 52
Sabi nila ang 143 ay I love you but it can also be 'I hate you' pwede din namang 'I like you', 'I need you', o 'I miss you'. Pero para sayo ano nga b...
7.4K 243 23
Si Kagami Takeshi ay magiging tagapagturo ni Claire Trinity Gueverra kung paano magiging assasin. Paano kung makaka-inlovan na? please vote :) thank...
9.5K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
3.7K 1.8K 37
SYNOPSIS Demetre Collins, A man with many hidden secrets. Before Demetre's parents died, he had a fixed marriage with a woman he did not like and lov...