The Elven Round (COMPLETED)

By Aeronicles

200K 6.5K 207

Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all th... More

Author's Note:
**PAALALA**
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Epilogue
Fun Facts
Names
Covers:
Plug: The Death of Athyeia
Special Chapter #1:
Special Chapter#2

Chapter 7:

6.5K 222 2
By Aeronicles

Euclid Astral Gemini

Tahimik akong naglalakad sa may garden ng eskwelahan. Kaakibat noon ay ang pangisang-libo't isang-daan kong paghalinghing. Lumipas na kasi ang tatlong linggo at ganoon padin si Loki. Pati si Kris at Leo ay iwas sa isa't-isa kaya masasabi kong napakatahimik ngayon ng Elra.

Walang naghaharutan, walang nagaaway at walang naguusap.

Kung si Arkal kaya ang nasa pwesto ko ngayon. Anong gagawin n'ya?

Napamulat ako ng maalala ang pangalan at mukha ni Arkal.

Si Arkal!! Lumipas na ang aking kaarawan ngunit hindi ko s'ya nabisita!

Agad akong tumayo mula sa kinauupuan kong bench sa may garden at tumakbo patungo sa aking kwarto. Nang nasa hallway na ako ay bigla akong napaupo ng ako'y may nabangga. Tumayo ako at tinulungan ang babae.

Medyo pamilyar ang kanyang mukha, pero hindi ko na iyon pinansin. "Sorry!" paumanhin ko dito at muling tumakbo.

Sunod namang nakasalubong ko si Loki at Kris na naglalakad. Pareho silang napalingon pero ng dahil sa pagmamadali ay hindi ko na sila nabati.

Agad akong naghubad at nagpalit ng damit ng marating ko ang aking kwarto kahit na hinihingal. I wore a modern black hooded tunic, jeans and boots.

(A/N: I do not own the picture :) just found it @ google for imagination purposes. ctto.)

Tinali ko ang humahaba kong buhok at kinuha sa isang drawer ang armas ko noong karayom na naibalik na saakin ni Leo. Sinuot ko iyon.

Marahan akong naglakad patungo sa labas ng eskwelahan. Medyo malayo pa ang lalakarin ngunit dahil walang nadaan na karwahe ng gantong oras ay napilitan akong lakarin iyon. 8:00AM pa naman kaya siguradong makakauwi parin ako sa tamang oras.

Nang makarating ako sa malaking gate palabas ng eskwelahan ay agad akong kumaway sa Moon Elves. nang makita ako ng isa ay binuksan nito ang maliit na gate palabas. Napangiti nalang ako at muling sinarahan ang gate ng ako'y makalabas.

Agad naman akong binati ng pamilyar na daan na tinahak namin noon nina Kris patungo dito sa may kastilyo ng Altaria.

Biglang humangin ng malakas kaya napatigil ako sa unang paghakbang. Nagdala ito saakin ng kakaibang pakiramdam. Isang pakiramdam na akala ko ay hindi ko na muli pang mapagdadaanan. Ang kilabot. Napailing nalang naman ako at napatingin sa liwanag na nagmumula sa langit at sinuot ang hood ng aking damit.

Anong maaaring mangayari ng katanghalian? hmm...

Crescent Frendall Altair

"Kris?" Napalingon ako sa tumawag saaking si Loki. Napatigil kasi ako ng lagpasan lamang kami ni Euclid.

Di kaya ay galit s'ya?

Napahinga na lamang ako at sumabay ng lakad muli kay Loki.

Sising-sisi naman ako ng dahil sa pinaggagagawa ko dati. Dapat pala ay hindi ko na lamang sila pinaglapit noon. Ngayon tuloy ay pareho silang nasasaktan. At lahat ng iyon ay dahil saakin. Muli namang tila bumagal ang ikot ng aking mundo ng makasalubong ko ang isang taong akala ko ay hindi ko na muling makikita.

"Yura..." Banggit ko ng magkasalubong ang aming mga tingin. Agad naman itong lumapit at ngumiti saakin.

"Kris." Sambit n'ya sa pangalan ko. Lalong dumagundong ang tibok ng aking puso sa sunod na ngalan nitong binanggit. "Si Leo?"

"He's not here. Siguro ay nagiikot." Sabat naman ni Loki sa aming dalawa. Napatingin naman si Yura dito na mas ikinalaki pa nito ng ngiti. Agad itong niyakap ni Yura.

"Well, it's fine. Since nandito ka naman." Yura exclaimed. "So.... See you later?" Excited pa nitong tanong.

"Later?" Naguguluhan kong tanong. Bigla namang napakunot ang noo nito.

"The summoning. Don' t tell me hindi pa san'yo nasasabi?" She smirked. "Fine I guess, dahil sigurado namang ako ang mapipili." Huli pa nitong banggit bago ngumiti, kumindat at tsaka umalis. Nagkatinginan naman kami ni Loki.

"This maybe the cause why your father is calling us." Tahimik akong napatango sa sinabi ni Loki 'saka kami nagpatiuna sa paglalakad.

Yura is Leo's ex. In addition, isa din s'ya sa may titulong Luna. Both of us are candidates for Luna. Dahil tulad ko ay may Luna din s'ya sa pangalan. Bukod pa don ay hindi basta-basta ang lakas nito, isa pa, isa din s'yang prinsesa. prinsesa ng bansang Badrion. At isa lamang saamin ang maaaring maging si Diana.

Tahimik at walang imikan naming narating ni Loki ang opisina ng aking ama.

--

Reynang Hera

"Ito ba Henesis?" Tanong ko sa aking punong tagapagpayo habang tinatanaw sa isang sanaw (puddle) sa lupa. Doon ay malinaw kong nakikita ang isang dalagitang nakasuot ng itim na damit. Malayang nilalakad ang daang madilim at tahimik. "Ito ba ang hampaslupang iyon?" Natatawa kong saad habang pinapanood itong tunalon-talon ng bato sa gitna ng ilog na tatawiran patungo sa bayan.

Napansin ko ang hindi pagsagot ni Henesis. Kaya naman pinanlakihan ko ito ng mapupula at halos tuyo ko nang mga mata. Pero wala akong pakialam doon! Dahil sa oras na mamatay ang lahat ng tao ay sisiguraduhin kong ako na lamang ang pinakamaganda.

At ang aking asawa ay hindi na muli pang titingin sa iba!

Napahalakhak ako sa naisip. Maaaring mukhang bangkay ako ngayon, ngunit lahat ng ito ay hindi rin magtatagal! Lalo na't napapalapit na ang ankatakdang araw kung saan magmamanipesto ang aking sumpa!

Ang halakhak ko ay naging isang ngiti ng makita ang paglunok ni Henesis. "O-opo reynang Hera... Opo." Muli kong tinanaw ang dalagang hanggang ngayon ay naglalakbay padin.

Pinalipad ko ang hangin patungo sa kanya na naging dahilan ng pagkakaalis ng pantakip nito sa ulo.

Nakawala ang kanyang mahaba at kulot na nakataling buhok. Lalong bumangis ang pagkakagusto ko sa kanyang kamatayan ng makita ko kung gaano kaganda at kaamo ang kanyang pagkatao.

Ano kayang magiging reaksyon ng mga Luna pag nalaman nilang ang isa sa kanilang mga Elra ay ako pala? Napatawa ako sa naiisip.

Tanga ka prinsesa ng Altaria! Sinong susugal sa isang babaeng tulad n'ya? Oo nga't malakas ang kanyang kapangyarihan, naaamoy ko ito noong huli kaming nagkalaban. Pero isang babaeng Elra?

Napangisi akong muli.

Mga inutil!!!

--

Crescent Frendall Altaire

"Handa ka na ba?" Napatigil ako sa pagmumuni sa tapat ng veranda ng aking kwarto ng may nagsalita. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso habang dahan-dahang napapalingon sa punong nasa tabi nito.

Doon ay nakaupo na si Leo. Suot-suot na ang damit na para mamaya sa inisiyasyon. Sa mata nito ay nakikita ko padin ang kaunting bakas ng pagasa. Na sana ay hindi ako si Diana, na sana ay hindi ako ang tunay na Luna.

Inabot ni Leo ang aking baba. Napatitig ako sa mata nitong mapupula. Umiyak ba s'ya?

Ngayon tuloy ay mas nalilito ako. Kung gusto ko bang maging si Diana at nang maligtas ang mundo 'saka pakasalan si Loki o tanging maging kung sino na lamang ako ngayon na nagmamahal kay Leo o hayaan na lamang si Yura na sumaya, kaakibat ng katotohanang baka mas masaktan lamang ang aking kaibigan ng dahil dito.

Tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mata ng pagdikitin ni Leo ang aming mga noo. Nasundan ito ng isa, at isa pa... Ngayon ay hindi lang ako ang umiiyak. Ngunit pati nadin ang taong naging mundo ko na pinagkukuhanan ng lakas sa t'wing mawawalan ako ng ganang mabuhay.

Sinubukan kong kalimutan ang mga maaaring mangyar mamaya. SInubukan kong burahin ang lahat sa aking isipan.

kahit ngayon lamang ay sisiguraduhin kong buong-buo kong ipaparamdam sa kanya ang aking pagmamahal. Pinagsiklop ko ang aming labi ng iisang taong alam kong natatatangi kong mamahalin sa aking katauhan bilang si Kris. Bilang isang mortal at bilang si Luna lamang.

Pero imposible iyon...

Kaya naman ako na ang naunang lumayo kay Leo, nahulog ang ilang mahahabang buhok nito sa kanyang mukhang puno narin ng luha.

Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mamatay ang lahat ng dahil lamang sa aking kasiyahan. Humagulgol ako at niyakap si Leo.

Naramdaman ko ang marahang paghagod nito sa aking likuran. Kahit na maging s'ya ay nananangis din at lumuluha.

"Crescent." Tawag pansin nito saakin kaya naman marahan akong humiwalay. Pinunasan n'ya ang aking luha at ganoon din naman ang ginawa ko sa kanya. Nagbigay kami ng ngiti sa isa't-isa.

Isang ngiting sa unang tingin ay napakasaya kahit na sa kabilang banda ay napapaloob doon ang sagit at hinagpis ng isang pagmamahalang hindi matutuloy ng dahil sa isang sumpa.

Tinanggal ni Leo ang isang palad mula sa aking mukha at kinuha ang isa n'yang hikaw sa tenga. Ang hikaw na pinapamana at pinapasa sa lahat ng susunod na hari ng kanilang pamilya. Isang hikaw na kulay pula tulad ng kulay ng pagmamahal at may korteng luha.

Pinilit parin nito ang ngiting malaki kahit na sunod-sunod muling tumulo ang masasaganang luha mula sa kanyang mata.

Nilagay n'ya ang kapares ng kanyang hikaw sa aking tenga.

Nagsimulang bumulong si Leo. "H'wag na h'wag mo itong tatanggalin," Sandali n'yang pinagmasdan ang hikaw 'saka liningon muli at sinalubong ang aking mga mata. "kahit sa kamatayan at sa susunod na buhay. Ito ang aking pangako, at ang aking palatandaan," Huminga ng malalim si Leo. Lumingon sa paligid upang mawala at matigil saglit ang kanyang mga luha. Ganoon din naman ang akin. "Palatandaan na sa buhay kong ito at sa mga susunod pa. Na tanging ikaw lamang ang aking aalagan, iibigin at mamahalin." Hinalikan ni Leo ang aking noo kasabay ng aking walang habas na pagtango,

"Mahal na mahal kita." Bulong ko na ikinatango n'ya.

Sinulot ni Leo ang aking kamay at itinapat sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng kanyang puso, "At gayon din ako, aking prinsesa." Huling lintaya nito bago tuluyang mawala sa hangin.

Napapikit naman ako at nilagay ang kamay kong hinawakan n'ya sa aking dibdib, ang kamay na hanggang ngayon ay may init parin ni Leo. Ito na marahil ang huling hunab n'ya na aking mararamdaman.

Nagmulat ako at direstyong tumingin sa mga nagsisimula nang sumibol na tala. At sa hindi nga naman inaakala, iyong konstelasyon pa n'ya ang una kong napalagayan ng mga mata.

Ngumiti ako. Isang ngiting tunay at puno ng tamis. SAka bumulong sa langit.

"Mahal na mahal."

--

Euclid Astral Gemini

Isang ngiti ang nakawala sa aking labi ng madaanan ko ang eskinitang noon ay pinaglalaruan namin ni Arkal. Mas malinis at mas sumikip ito. Malayo sa itsura nito noon. Ito kasi ay tambakan dati ng basura at napakalawak. At kahit mga basura ang aming kasama ay mas nagkaroon ng kulay ang aming buhay. Dahil dito ay gumana ang aming mga imahinasyon.

Sa dulo ng eskinita ay isang tindahan ng bulaklak. Kulay putik ang mga pader nitong gawa na ngayon sa hollow blocks. Noon ay gawa lamang ito sa kayumangging kahoy, at basta nalang pinagtagpi-tagpi. Pero ngayon ay may rack na ito ay may isang maliit na hardin sa unahan na masasabi kong mas nakakakuha ng atensyon at nakakaengganyo. Hanggang ngayon ay naalala ko ang nagtritinda doon dati... Si Aling Nena.

Walang pagaatubili kong tinahak ang daan patungo doon. Tinanggal ko ang aking hood at nagpatuloy lamang papasok.

Sa pagbukas ko ng pinto ay tumunog ang isang maliit na kampanilya. Marahil ay nakalagay iyon doon upang sa tuwing may papasok na mamimili. May isang matandang babae naman ang agad-agad na lumabas patungo sa counter.

Binigyan ako nito ng isang ngiti na nagbalik ng maraming ala-ala. Tulad nalang noon mga araw na papapasukin n'ya pa kami ni Arkal at papakainin ng malambot na tinapay at papainumin ng masarap na tsokolate upang mapunan lamang ng laman ang aming mga maliliit at gutom na t'yan.

Binalik ko ang ngiti ko sa ginang. Napakunot naman ito at napakurapkurap. Kasunod ay sumigaw. "Astral? Ija!!!" Masaya n'yang sigaw at agad na lumapit saakin upang ako'y yakapin.

"Hello po tita." Bati ko pabalik at binalik ang yakap dito. Si Aling Nena ay parang naging pangalawang magulang ko na din. Dahil sa aking kamusmosan ay isa s'ya sa mga taong nagmalasakit saakin... saamin.

"Aba'y!" Hinawakan nito ang aking pisngi at kinurot iyon. "Kaganda-gandang bata!" Tuwang-tuwa pa nitong puri na ikinatawa ko nalang. "At ang tangkad mo na!!!" Muli n'yang saad at niyakap nanaman ako.

Ganito s'ya kasaya ng makita ako. Pa'no kaya kung kasama ko si Arkal? Mas magiging mas masaya ba ito?

"Si Arkal? kasama mo ba ang binatang iyon? Naku!! Siguradong matutuwa 'yun pag nagkakita kayo!" Malungkot ko nalang na nginitian ang matanda.

"Wala na po s'ya eh..." Ng dahil saakin. Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Hanggang ngayon ay nagsisisi padin ako. Kung sana ay hindi ko nalang iyon ginawa.

Kung sana...

"Wala? Nako! HIndi magandang biro 'yan. Noong kaarawan mo noong isang linggo ay dumaan pa iyon dito! Tuwang-tuwa nga din ako!" Kinurot ni Aling Nena ang aking tagiliran. "Napakagwapong bata!" tila dalagitang saad nito habang kinikilig. Napailing na lang ako. Marahil ay nagkamali lamang s'ya ng tingin.

Nahulog ang aking tingin sa isang bulaklak na kulay asul. Ang paboritong kulay ni Loki. Pero bakit ba s'ya ang naaalala ko gayong si Astral naman ang balak kong kitain?

O ipakilala ko nalang s'ya? Pero bakit naman? Napailing nalang ako. Isa pa, paborito din naman ni Arkal ang asul hindi ba? Kaya iyon nalang ang bibilhin ko!

Tinuro ko ang bulaklak at nilingon si Aling Nena. "Magkano ho ang isang bungkos?" Masaya kokng sabi. Ito lang ata ang pagkakataong hindi ako nakapangnakaw pagkatapos ng napakahabang panahon. Kumukuha kasi ako sa Altaria ng mga side lines para naman may sarili nadin akong pera at ipon.

Sumagot naman kaagad si Aling Nena. Nagusap pa kami ng ilang minuto hanggang sa nagpaalam nadin ako. "Babalik ka pa ah?" Masaya akong tumango kay Aling Nena at lumabas na ng kanyang tinadahan.

Mas lalo namang lumiwanag dahil tanghaling tapat na noong ako ay lumabas. dala-dala ang bungkos ng bulaklak ay naglakbay akong muli padako sa isa pang ilog na malapit sa bangin kung saan ko s'ya huling nakita.

~*~*~*~*~*~*~*~

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
3.7K 437 53
After the death of her beloved known father, Ava Megami Maureen Shimizuo decided to do the mission her father wanted her to do; to find her real pare...
196K 8.7K 57
To obtain peace and harmony, the people of Zoidion are divided into twelve zodiacal regions: Aries, Taurus, Gemini, Cancer, Leo, Virgo, Libra, Scorpi...