His Blue Eyed Bad Girl Angel...

By helliza

7.7M 173K 27.2K

Good and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pang... More

♥️ Prologo ♥️
1. The New Student ♡
2. The New Student Part 2 ♡
3. Is She A Gangster? ♡♡
4. Everything I Own ♡
5. The Nightmare or The Angel? ♡
6. Shot ♡♡
7. Medicine ♡
8. Confusion♡
9. Confusion 2 ♡
10.Pachie ♡
11. Pachie 2 ♡
12. Accidental Kiss :-* ♡
13. 1st & 2nd Kiss ♡
14. That Should Be Me ♡
15. Kidnap ♡
16. Kidnap 2 ♡
18. Angel's Revenge
19. Angel's Friends?
20. Mark
21. I Crave
22. A Blue Eyed Bad Girl or A Blue Eyed Angel
23. Contest
notes
24. Sick Angel
25. Sick Angel 2
26. Sick Angel 3
The Dark King
28. The Dark King 2
29. Tres Wood
30. Tres Wood 2
31. Not Good For Him
The Blue Eyed Angel
The Blue Eyed Angel 2
October 8
Sa Huli Ay Tayo
Losing Hope, Broken Promises
37. Attack
38. Attack 2
39. Unfair
Chasing His Angel
41. Chasing His Angel 2
Dark & Blue
43. Dark & Blue 2
Captured
Memories
Memories 2
47. Proposal
His Jinx Synopsis
48. I make love to you
Epilogue
Special Chapter
S.C.2
S.C 3
S.C 4
S.C 5. Property Shirt

17. Angel's Painting

127K 2.9K 390
By helliza

Salamat sa Book cover😊

*****

















"Bakit kailangan syang magpalipas ng gabi dito?" galit na tanong ni Dylan sa pulis na nasa harap nito.

"Because may baril sya sir at wala syang mapakitang papeles to support it. Illegal possesion of firearms po yun."

Humikab naman si Angela mula sa pagkakasandal sa upuan.

Nasa presinto sila ng San Nicholas duon sila dinala ng mga pulis ng mailabas sila sa lumang bahay.

Nakakulong narin si Ramos ngunit hanggang ngayon ay hindi parin sila pinapaalis.

Actually si Angela lang ang hindi pwedeng umalis. Kinukwestyon kasi ng pulis ang dala-dala nyang baril lalo na nang paputukin nya pa iyon.
Ayaw syang palabasin dahil wala syang mapakitang papeles at hindi makapagbigay ng dahilan kung bakit meron syang pag-aari ganon.

Ginalaw-galaw nya ang braso na nangangalay dahil hanggang ngayon ay nakaposas parin siya.

Nakita naman iyon ni Dylan.

"Can you atleast take off that damn thing to her nangangalay na sya, hindi nyo ba nakikita na sugatan sya."

Narealize yata ng pulis na galit na si Dylan dahil sinenyasan nito ang kasama na tanggalin ang posas nya.

Hinimas-himas nya at ginalaw galaw ang nangalay na kamay at balikat ng matanggal iyon.

"Dy hindi pa ba tayo uuwi? I'm so tired na."si Brena na obvious sa mukha ang kapaguran. Andon din sina Gelo, Quincy at Janice.

May utak din ang stepsister nya dahil tumawag ito ng pulis para masaklolohan sila iyon nga lang late na dumating.

Nakuha na ng pulis ang statement nilang lahat at tanging sya na lang ang may problema at ayaw i-release.

"Sir hindi ba pwede bukas nalang natin pag-usapan ito promise babalik kami dito tomorrow."

"I'm sorry Mr. Santiago but may procedure kaming dapat sundin kailangan magpalipas ng gabi dito ng kasama nyo hangga't wala syang pinapakitang mga papeles."

Napahawak sa noo si Dylan.

"Dy wala na tayo magagawa isang gabi lang naman mag s-stay dito si Angela." si Brena.

"No, call your father Angela para magkapagpadala sya ng abogado para sayo."

Tinaasan lang nya ng kilay ang binata.

"No. Hindi pwedeng istorbohin si Daddy may sakit sya ngayon dahil sa sobrang stress sa babaeng iyan tapos dadagdagan pa natin, no hindi natin sya tatawagan." mariin na kontra ni Janice.

"Hindi natin pwedeng hayaan na matulog dito ang 'kapatid' mo Janice." Sabi ni Dylan na pinagdiinan pa ang salitang kapatid.

"What's the big deal ba eh sanay na sanay naman na makulong iyang si Angela."

Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Dylan sa sinabi ng stepsister nya

Magsasalita pa sana ang binata ng tumayo sya.

"Mamang pulis saan ba ako ikukulong dito pakidala na nga po ako doon ng makatulog na ko."

"Ha?"

"Bingi lang Kuya."

"Kako saan po ba ang selda ko rito ng makapasok at makapagpahinga na ho ako."

Nabigla ang pulis sa tanong at sinabi nya. Bagama't tumayo naman ito para samahan sya.

"What are you doing?" Nakatayo na din si Dylan mabilis sya nitong hinablot at nahawakan sa bewang.

"Anong pinagsasabi mong babae ka? Hindi ka dito matutulog."

Binigyan nya ito ng malamig na tingin.

"Di mo ba narinig ang sinabi ni mamang pulis? Hindi ako pwedeng lumabas, and Janice's right sanay na ako matulog sa ganito lugar, one night is no big deal at bukas ko parin naman makokontak ang abogado ko. So kesa umapela ako ng umapela. Susundin ko na lang sila para makahiga na ko at makapagpahinga okay." itinulak nya ang binata.
"Contact Landon tomorrow Gelo." Utos nya sa lalaki na hindi tumitingin dito.

Mabilis naman na tumango si Gelo na bakas din ang pagtutol sa mukha.

"G-gela."

Nginitian nya si Quincy habang tinaasan naman nya ng kilay si Janice.

Sa isang maliit na selda sya dinala.
Medyo madumi iyon at may kakaiba amoy.

May nakalatag na karton sa sahig na mukhang malinis naman.

Sya lang ang nasa seldang pambabae na iyon bibihira lang naman kasi ang mga kriminal sa San Nicholas si Ramos ay sa kabilang selda inilagay kasama ang mga alagad nito.

Pagkapasok na pagkapasok ay humiga kaagad sya. Hindi pinapansin ang mga sakit sa katawan na nararamdaman.

"Hay salamat after ten years makakatulog na."

Alam nyang nakikita sya ng mga kasama nya kaya naman itinaas nya ang kamay at kinawayan ang mga ito na hindi tinitignan ang mga ito.

"Night guys." Sabi niya pa bago nya ginawang unan ang walang injury na braso at namaluktot.

Dahil sa pagod at may iniinda wala pang isang minuto tulog na sya.


*****

She felt warm and safe.

Sa lahat ng kulungan na tinulugan nya ngayon lang sya naging komportable ng ganito.

Kung alam nya lang na ganito kasarap matulog sa karton sana nagkarton nalang sya every night.
Bahagya syang napangiti at lalong siniksik ang mukha sa unan na yakap.

Pero bakit parang gumagalaw yata iyong higaan nya?

Hindi nagmumulat ng mga mata na kinapa nya ang higahan.

Matigas, mainit at...humihinga?

Napadilat sya ng mga mata para tignan kung bakit humihinga ang higaan nya.

"Stop doing that Angel kung ayaw mong may gawin ako sayo."

Nanlaki ang mga mata nya.

Buhat-buhat kasi sya ni Dylan palabas ng presinto at ngayon ay papunta na sila sa sasakyan nito.

"Y-ylan..." she said in sleepy voice.

"Shhh sleep, everything's okay now Angel."

Sa narinig ay nginitian nya ito ng matamis, iyong unang totoong ngiti na pinakawalan nya simula ng magkita sila ng binata.

At dahil inaantok pa hindi nya napansin ang paghugot ni Dylan ng malalim na hininga ng makita ang ngiti nyang iyon.

She closed her eyes, and after five years natulog sya ng mahimbing, iyong walang inaalala iyong walang kinakatakot.Hahayaan nya muna ang sarili na maging mapayapa.

Dahil kahit ngayon lang...

In this just one night...

nasa mga bisig sya ng lalaking promoprotekta sa kanya...

...kahit ngayong gabi lang.



*****
Bahagyang masakit ang katawan ni Angela ng magising.

Ngunit sa kabila noon nagawa nya paring singhot-singhutin ang unan na yakap. It's smell so good pati iyong kumot na gamit nya ang bango rin.

Pamilyar sa kanya ang amoy and she's sure na hindi ganito ang amoy ng kumot nya.

Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata. Unang tumambad sa kanya ang isang king size bed na kinahihigaan. Nang ilibot nya ang tingin nalaman nyang nasa isang magarang silid sya.

Panlalaki.

She is sure that room is a man's room. At base sa amoy noon alam nyang kuwarto iyon ni Dylan.

Dahan dahan syang umupo and that was when she noticed it.

Nakasabit iyon sa gilid sa tabi ng isang pinto.

Wala sa loob na napatayo sya.

Hinawakan nya ang frame and trace the painting.

Its a painting of An Angel a Blue Eyed Angel nakabuka ang mga pakpak nito, a gentle smile is visible in her lips. Nasa isang magandang garden ito na may kasamang paruparo na lumilipad. Nakamuwestra ito na animo may hinahalikan.

Kung sino? Hindi na nakita sa painting. Why? Because half of the painting is gone sadyang tinanggal. Ang nakalagay lang sa frame ay ang part ng Angel.

She bit her lips.

Kahit wala ang kalahati duon alam na alam nya kung ano ang karugtong ng painting naiyon.

Tuluyan ng tumulo ang luha nya ng mabasa ang mga salitang nakasulat sa ibaba ng nakapaang ang Anghel.

Dylan Always Lo

Putol din ang mga salita but she knew the complete sentence at heart.

She clutched her heart hindi nya napigilan ang hikbi na tumakas sa lalamunan nya.

Sobrang sikip ng dibdib nya. Sa sobrang sikip di sya makahinga.

Sige lang ng pagtulo ng luha nya.

"Angela?"

Napatayo sya ng tuwid ng marinig ang tinig ni Dylan.

Dali-daling lumapit ito sa kanya.

"What happened? Why are you crying?" nasa harap nya na kaagad ito at hawak hawak ang balikat nya.

"Y-ylan." she sobbed his name.

Wala na syang pakialam kung bumabagsak na ang depensa nya. Wala syang pakialam kung mukha na syang mahina, ang gusto nya lang ang mayakap ito at umiyak sa dibdib nito.

"Angel. Whats the problem may masakit ba sayo ha?" marahang pinunasan ni Dylan ang luha sa pisngi nya.

"Please come back to me."

Iyon sana ang sasabihin nya ng marinig nya ang boses ni Brena.

"Dylan? Nasa kwarto kaba?"

Nakalayo na sya kay Dylan bago pa man bumukas ang pinto at nakapasok ito.

Nakatalikod na sya at mabilis na napunasan ang luha sa pisngi.

"Brena."

"Breakfast na daw tayo sabi ni tito Ramil."

"Yeah."

"Gising ka na pala Angela."

Kung kanina puno ng kalungkutan ang mukha nya at puno ng luha ang mga mata nya ngayon ay wala ka nang bakas ng luha na makikita ruon. Wala ka ring nababasa sa asul na mga mata nya.

Her eyes is just cold and unemotional.

Napansin iyon ni Dylan at napakunot ang noo nito.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Brena.

She raised her right brow.

"You know what i hates most is plastic. Sarap kasi nilang sunugin kaso baka maka dagdag sa global warming. So tigil-tigilan mo ko sa kaplastikan mo."

"Angela!"

Yumuko naman si Brena.

"Concern-."

"Nakakain ba iyang concerned mo? Baka di ko rin manguya yan dahil sa sobrang kaplastikan."

"Thats enough Angela." sumigaw na si Dylan na nilapitan si Brena na mahinang humikbi. Inakbayan nito ang babae making her heart, beat in pained.

"What your problem Angela at pinag-iinitan mo Brena."

She just smirked.

"Wala naasar lang ako sa pagmumukha nya." sabi nya na ikinanlaki ng mata ni Brena.

Hindi yata nito expected na iyon ang sasabihin nya.

Nagdilim naman ang mukha ni Dylan sa narinig.

"Mauna ka ng bumaba Brena susunod nalang kami ni Angela."

"But-"

"Please Brena." At nginitian nito ang babae.

Wala nagawa si Brena kundi tumango.

"Okay but dalian mo ha baka malipasan ka ng gutom." hinaplos pa ng babae ang pisngi ng binata.

Napakuyom sya ng kamao. Pinipigilan niyang sugudin si Brena.

Katahimikan muna ang namayani ng ilang minuto bago muling nagsalita si Dylan.

"I really dont like your attitude Angela."

"I dont care." Walang pakialam nyang sagot.

Ang hindi nya inaasahan ay ang paghila nito sa kanya.

And the next thing she knew nakahiga na ang kalahati nyang katawan sa kama at nasa ibabaw nya na si Dylan.

Nasa magkabilang gilid ng mukha nya ang mga braso nito at ang mukha ay ilang inches lang ang layo sa kanya.

"And i really dont like what you did kahapon. Naglihim ka na magkakilala kayo ni Gelo. Nagpunta ka ng bar. You even had a gun and damn it Angela hindi ko maisip kung anong mangyayari sayo kung nagkamali ka at ikaw ang naputukan noon." sa bawat sa pagsasalita ni Dylan unti-unting bumababa ang muka nito sa mukha nya.

"At ang pinaka di ko nagustuhan sa lahat ay ang paghawak ni Brent sa hita at ang paghalik nya sayo and shit you even let Gelo kissed your forehead."

Nahihilo sya. Nahihilo sya sa amoy ng hininga nito.

"I told you walang sino man ang pwedeng humalik sayo Angela. Ako lang. Only me."

Nang-aktong hahalikan na sya nito ay bigla nya itong itinulak dahilan para mapahiga ito na sinamantala nya sya na ang napunta sa ibabaw nito.

"Nobody tell me what to do Dylan. But para sa ikatatahimik mo let me repay you with this."

Sya na ang kusang humalik dito.

Hindi niya alam ang gagawin. Pinagdikit lang nya ng mariin ang mga labi nila.

Hindi sya pumikit at ganun din ito nakatitig lang ito sa kanya at ganun din sya.

Tumagal iyon ng 3 minutes and she lifted up her head para tapusin na ang halik na iyon dahil kanina pa sya di makahinga sa bilis ng tibok ng puso nya.

Kailangan na nyang makalayo rito bago pa man matanggal ang maskara nya at masira lahat ng plano nya.

Nagawa nyang mailayo ang mukha dito but hindi ang makalayo dito dahil bigla na naman syang kinabig ni Dylan hinawakan nito ang batok nya at muling naglapat ang kanilang mga labi.

This time gumagalaw ang labi nito hindi katulad ng halik nya kanina.

Ang puso nya lalabas nayata sa katawan nya sa sobrang bilis ng pintig niyon.

"Moved your mouth Angel." bahagya lang inilayo ni Dylan ang labi bago muli rin iyong binalikan.

Sinunod nya ang sinabi nito she moved her mouth.

Ginagagad at ginagaya ang paggalaw ng mga labi nito.

Malakas sya napasinghap ng kagatin nito ang lowerlip nya, na sinamantala nito.

Mabilis na nakapasok ang dila nito sa bibig nya at di niya napigilan ang mapaungol ng galugadin nito ang loob ng bibig nya na parang may hinahanap ito.

Wala sa loob na nailagay nya ang mga kamay sa batok nito at ang kaninang laro na hindi alam ng mga labi nya ngayon nilalaro narin nya.

Hindi nito tinigil ang paghalik sa kanya kung hindi pa sila kinakapos ng hininga.

Dahan-dahan nitong inilayo ang mga labi sa kanya. Hindi parin sya nagmumulat ng mata kahit na ng umalis sya sa ibabaw nito at humigang patihaya sa kama.

"Makita pa kitang may hinahalikang iba Angel higit pa dyan ang gagawin ko." narinig nyang sabi ni Dylan naramdaman nyang tumayo ito. Hindi parin sya nagmulat ng mga mata. Pwede bang bumalik nalang sa pagtulog.

"Bumaba kana you need to eat to drink your medicine."

Kahit nakapikit sumimangot sya.

Mahinang tumawa ito.

Nasa may pinto na ito ng muli itong magsalita.

"Please dont cry again Angel not when im not there to comfort you. If you want to cry go with me im promised to make the pain go away."

Isang mapait na tawa ang pinakawalan nya ng makalabas ito.

"But you are the reason why im in pained and i dont want you to go away." she said habang malungkot na nakatingin sa Angel painting.

----++----

nagloloko nanaman si Mr. Watty sumasabay sa lamig at sungit ni bagyong Luis. Automatic nag post ito eh di ko panaman i u-update kalokah...

Anyway ang lamigggggggg parang masarap may kayakap hahaha. Tinatamad na ko mamalengke maputik ang bagal pa nitong bus.:-[

happy reading guys.

#Anobang masarap ulamin.

Continue Reading

You'll Also Like

205K 3.8K 21
Dice and Madisson
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
83.7K 2.2K 54
Date started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA...
107K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.