When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
Introduction
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Twenty Ninth

7.7K 194 26
By pajibar

—Hayley’s Point of View—

 

 

                Sinamahan ako ni Scarlett na i-stalk sina Dylan at  Fien noong break time na. Ito-tour daw kasi ni Dylan si Fien ngayon sa buong campus, di’ba? Grabe ayoko na! Ilang taon ko na kakilala si Dylan pero bakit kahit kailan ay hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makasama siya sa first day ko?! Eh si Fien, kabago-bago pa lang, si Dylan kaagad ang makakasama!

                “Ano ka ba naman, masyado kang ano eh.” Sabi ni Scarlett sa akin habang nagmamadali ko nang inaayos ang mga gamit ko para mahabol sina Dylan at Fien.

                “Masyadong ano?!” tanong ko.

               

                “Masyadong desperada!” sagot niya naman. Ang hard. “Parang ito-tour lang naman niya si Fien. Wala namang mangyayaring masama dun.”

                “Akala mo lang yun! May mga babaeng lumalandi kaagad sa first day niya dito ‘noh. At sino ba naman ang hindi lalandi kung si Dylan pa mismo ang makakasama niya?” pagkontra ko sa kanya.

                “Ikaw lang naman kasi ang nag-iisip ng ikaseselos mo eh. Minsan, hindi naman ganun ang iniisip niya, pero nagco-conclude ka na agad ng mga bagay-bagay. Kaya ka nasasaktan eh.”

                Tinignan ko siya bigla. Napatingin muna ako sa ekspresyon niya at sa mga mata niya.

                “Hugot pa more.” Sabi ko.

 

 

***

                Nakita kong naglalakad na sa hallway sina Dylan at Fien. Pinagtitinginan rin sila ng mga taong dinadaanan nila. Yung iba, napapatingin kay Fien. Maganda kasi. Yung iba naman, nagtataka kung magka-ano-ano ba silang dalawa. Iniisip ng iba na baka girlfriend niya ni Dylan. Hell no! May asawa na si Dylan, ano ba naman ‘yan?

                Pero alam niyo ba yung masakit? Habang naglalakad sila, magka-usap sila! Like...OMG. Si Dylan pa kasi mismo ang unang kumakausap sa kanya! Kahit kailan, hindi man lang ako kinausap ni Dylan na hindi siya ang nagsisimula ng conversation! Pero si Fien? Huhu, grabe. Ayoko na.

                Pinakita sa kanya ni Dylan ang mga facilities dito sa school namin. At mukha namang nag-eenjoy rin si Fien habang kasama ang asawa ko. Hoy, teka grabe pinagtataksilan nila akong dalawa dito ng harap-harapan.

                “Alam mo, kung ako sa’yo, wag mo na lang silang pansinin. Mukha naman kasing mabait ‘tong si Fien eh. Hindi naman yata siya yung babaeng iniisip mo. Parang di niya naman lalandiin si Dylan mo.” Sabi ni Scarlett sa akin.

                “Yung totoo? Sino ba talaga sa amin ang kinakampihan mo? Sino ba talaga sa amin ang bestfriend mo?” tanong ko.

                “Ay nako. Ewan ko sa’yo.” Biglang nag-ring ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa. “Sandali lang, tumatawag si Michael.”

                Tinignan ko siya. “Sige, sagutin mo na muna.” At pagatapos nun ay naglakad na siya papalayo.

                Tinignan ko ulit sina Dylan at Fien at medyo kinabahan ako nang paglingon ko sa kanila ay hindi ko na sila makita! Tumingin-tinigin muna ako sa paligid para hanapin kung nasaan na sila, at hindi naman rin nagtagal ay nakita ko na sila. Papunta sila doon sa may basketball court.

                Ako na lang mag-isa ang sumunod sa kanila. May kausap kasi si Scarlett, ayoko namang guluhin pa siya. Pero syempre, habang sinusundan ko sila, nagtatago ako. Ayokong malaman ni Dylan na sinusundan ko sila, ‘no! Maingat rin ako para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay at mahuli ako.

                “At ito naman ‘yung basketball court—pinaka-paborito kong lugar dito sa school.” Sabi ni Dylan kay Fien habang nakangiti. Grabe, minsan ko lang makita si Dylan na ngumiti ng ganito. At kadalasan, hindi naman siya ngumingiti sa mga taong first time niya lang makilala.

                “Ahh, talaga? ‘Bat ito yung favorite mo?” tanong naman ni Fien.

                Kumuha si Dylan ng bola shinoot ito sa ring. “Wala lang. Mahilig kasi ako magbasketball.”

                Kahit kailan, hindi ako sinabihan ni Dylan ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya o kaya naman ang mga paborito niyang lugar dito sa school. Kadalasan kasi, ako na lang mag-isa ang nagreresearch ng mga bagay na ‘to. Pero si Fien? Ang swerte niya kasi si Dylan na mismo ang nagsasabi ng mga bagay na katulad nito.

                “Varsity ka ba?” tanong ni Fien. Pinulot niya ang bola na shinoot ni Dylan sa ring nang bumagsak na ito.

                “Secret. Hulaan mo.” Ibang-iba talaga ang aura ni Dylan ngayon. Hindi ito yung Dylan na nakilala at nakakasama ko. Huhu, bakit ganon?

                “Hmm,” nag-umpisa nang mag-dribble si Fien ng bola. Pagkatapos ‘non ay ibinato niya ang bola papunta sa ring. And guess what? Pasok! Saktong-sakto ang pagkakapasok ng bola sa ring. And take note, 3-point-shot pa ‘yun.

               

                “Wow, galing ah.” Sabi ni Dylan sa ginawa ni Fien na may halong pagkamangha.

                Nasa gilid lang ako ‘non pero kitang-kita ko kung paano na-aamaze si Dylan sa galing ni Fien sa paghawak ng bola. Naiinggit ako kasi kahit kailan, hindi ko pa nakita na na-amze sa ginawa ko si Dylan (kahit na todo effort naman ako para mapansin niya).

                Napatawa ng bahagya si Fien. “Hindi naman.”

               

                “Marunong ka ba talagang mag-basketball?” tanong ni Dylan sa kanya.

                “Hindi naman masyado. Tinuruan lang ako ng kuya ko. Siya kasi yung magaling sa sports.” Sagot ni Fien. “Volleyball, badminton, at tennis lang kasi talaga ang sports ko.”

                “So ‘yon talaga yung pinaka master mo?”

                “Hindi ko naman talaga sila nama-master. Pero, let’s say na, madalas akong manalo sa mga regionals.”

                “Wow, iba ka.” Sabi naman ni Dylan.

                Grabe. Nakakaselos naman, oh! Todo compliment agad si Dylan sa mga kayang gawin ni Fien! Inggit ako. Kahit kailan kasi hindi pa ako nako-compliment ni Hubby eh.

               

                “Uy, Hayley!”

                Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang may tumawag sa pangalan ko. At doon ko nakita si Ken mula sa di-kalayuan na nakatingin sa direksyon ko. Nakita ko rin sina Dylan at Fien na nakatingin sa akin. Fudge. What is kakahiyan?

                “H-Hi, Ken...” sabi ko, medyo nahihiya pa.

               

                Tumakbo siya papalapit sa akin. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nagtatago d’yan?”

                “H-Ha?” Grabe. Wrong timing. Bakit ngayon niya pa tinanong ‘to?! Napalingon ako sa kinatatayuan nila Dylan at Fien ngayon, at nakita kong nakatingin sa amin si Dylan ng medyo, well, masama. Naku po. Nahalata niya atang kanina ko pa sila sinusundan. Patay.

                “A-Actually napadaan lang kasi talaga ako dito. Hinahanap ko kasi yung...yung...nawawalang kapares ng hikaw ko. Tama! Yung kapares nga ng hikaw ko.” Utang na loob sana maniwala si Ken at Dylan na may nawawala nga talaga akong hikaw.

                “Ha? Eh may suot ka namang hikaw dyan sa magkabilaan mong tenga, ah?” sabi ni Ken.

                “A-Ah, talaga? Y-Yung ano...yung isa ko pang hikaw ang hinahanap ko. M-May piercing kasi ako, eh. Tama may piercing nga ako.”

                Kainis. Kung ano-ano na ang nasasabi ko dito kay Ken para lang maipalabas na hindi ko sinusundan sina Dylan at Fien dito. Kailangan ko ring iparinig kina Dylan ang sinasabi ko kay Ken dahil ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa amin hanggang ngayon.

                “Piercing? Eh wala namang iba pang butas yang tenga mo, eh?” naguguluhang sabi ni Ken habang tinitignan ang magkabilaan kong tenga.

                “H-Ha? S-Syempre, piercing sa...sa...sa pusod! Psh, syempre hindi lang naman sa tenga pwede maglagay ng piercing di’ba? Ha-ha-ha! Ikaw talaga, Ken! Nakakatawa ka talaga! Ha-ha-ha!” Kinakabahan ako, anak ng tokwa. Sana maniwala na siya sa excuse ko!

                “Kung sa pusod ‘yong piercing na ‘yon, eh paano siya mawawala? Di’ba, hindi naman basta-bastang nahuhulog yun kapag doon nakalagay?” Sige lang, Ken. Sige lang. Ipahiya mo pa ako dito.

                “Magic.” Sagot ko. “Ikaw? Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko kaagad. Para hindi niya na ako mabara at para ma-change na ang topic.

                “Wala lang. Kanina pa kasi kita nakikitang nagtatago dito. Akala ko kung anong meron. May hinahanap ka lang pala.”

                “Ahh, hehehe.” Napakamot ako ng ulo ko. Mas lalo tuloy na nahahalata ni Dylan na kanina ko pa sila ini-stalk. Pero sana maniwala rin siya sa palusot ko. Bwiset na piercing ‘yan, oh.

                “Uy,nandito rin pala kayo, Dylan!” bati ni Ken sa kanyang bestfriend. Lumapit si Ken sa kanila kaya wala rin naman akong ibang choice kundi ang sumunod na lang rin sa kanya.

                Nag-fist bump muna silang dalawa at saka siya tinanong ni Ken, “Pakilala mo naman ako dyan sa kasama mo.” Tumawa siya ng bahagya.

                Humarap si Dylan kay Fien. “Uhh, Fien. Si Ken nga pala, bestfriend ko. Ken, si Fien nga pala. Bago naming classmate.”

                “Hi, Ken!” masayang bati ni Fien sa kanya at kumaway.

                “Hello.” bati naman rin ni Ken sa kanya.

               

                “At ako naman si Hayley, asawa ni—”

                “Siya si Hayley, classmate natin.” Pagsabat ni Dylan at hindi na ako pinatapos sa pagsasalita.

                “Ahh, oo. Siya yung sa classroom kanina. Napansin ko siya kanina kasi tingin siya ng tingin sa akin eh.” Natatawang kwento ni Fien.

                Weh? Hindi kaya ikaw tinitignan ko! Yung katabi mo kaya ang tinitignan ko kanina! Tsaka kung titignan man kita, siguro kinukulam na kita sa isip ko ‘non.

                “Weird talaga ‘yang babaeng ‘yan. Masasanay ka rin. Pero hangga’t maari, wag ka na lang lalapit sa kanya.” Sabi naman ni Dylan.

                Tama nga naman si Dylan. Wag na siyang lalapit sa akin. Baka kung ano pang magawa ko sa kanya, eh. Balak niya yata kasi akong agawan ng asawa.

               

                Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang nag-ring ang bell. Ibig-sabihin na tapos na ang break namin.

                “Sige guys, mauna na ako, ha?” pag-papaalam ni Ken sa amin at saka na tumakbo papalayo. Mukhang nagmamadali talaga siya. Ngayon, kaming tatlo na lang nila Fien at Dylan ang naiwan dito sa court.

                “Tara na,” sabi ni Dylan kay Fien at para bang hindi niya ako nakikita ngayon. Matinde. “Masungit pa naman yung next nating teacher. Bawal magpa-late.”

               

                Naglakad na papalayo si Fien, kaya naman sumunod na rin si Dylan sa kanya. Pero hindi ko na talaga kayang kontrolin ‘tong nararamdaman ko!

                “Dylan,” tawag ko sa kanya at saka siya kinalabit.

                “Ano?”

                “Kain tayo mamaya...” nahihiya kong sabi.

                “Ng ano?”

                “...ice cream?” hindi ko talaga alam kung ano ba ang kakainin namin mamaya. Pero ice cream lang kasi ang unang pumasok sa isip ko.

                Sumama ang tingin sa akin ni Dylan. “Bakit kaya hindi na lang si Ken ang isama mo dyan?”

                Ha? Teka, ano  nanaman ang kasalanan ni Ken dito? Bakit nanaman nasali siya dito?

                “Anong kinalaman ni Ken dito?”

                “Ewan ko sa’yo. Siya na lang ang yayain mong sumama sa’yong kumain ng ice cream. Wag na ako.”

                “Teka? Kakain kayo mamaya ng ice cream?” singit naman ni Fien. Narinig niya yata ang pinag-uusapan namin ni Dylan dahil hindi naman siya kalayuan sa amin.

                “Nagyaya si Hayley.” sagot ni Dylan sa kanya.

                “Waaa! Sama ako! Mahilig kasi ako sa ice cream eh.” Kwento ni Fien. “Sige na, Hayley. Sama ako, please?”

                Nag-isip muna ako sandali. Teka, bakit ang FC niya? Matinde, ha.

               

                Sa kalagitnaan ng pag-aanalisa ko kung papasamahin ko ba itong si Fien, bigla akong nakaisip ng magandang idea.

                “Sige, sumama ka.” Sagot ko. “Pero, pilitin mong pasamahin rin si Dylan. Ayaw niya kasing sumama eh.” At saka ko nginitian ng nakakaloko si Dylan habang ang sama-sama ng tingin niya sa akin.

                “’Yon lang ba? Sus! Ang dali lang niyan eh!” tumingin si Fien kay Dylan at kumapit sa kanang braso nito. “Sumama ka na, please? Kahit hindi na para sa akin, kahit para kay Hayley na lang!”

                Nako, Fien. Wrong words ka naman ako. Mas lalong hindi sasama yan si Dylan kung para sa akin lang naman.

                “Please, please, please!” pangungulit ni Fien.

                “Tsk,” sabi ni Dylan at saka huminga ng malalim. “Oo na, oo na.”

                “Yehey!” sabay naming sabi ni Fien. With matching palakpak at talon pa. “Pero saglit lang ako ‘don. Kailangan ko pang tapusin lahat ng homeworks.”

                “Okay lang, yon!” sabi ko. “Ang importante, makakapunta ka!”

               

               

               

                Sabay-sabay na kaming tatlo na naglakad pabalik sa classroom (at hindi ko na alam kung ano nang nangyari kay Scarlett—kung buhay pa ba siya o hindi na). Pero nang papasok na kami sa classroom, nilapitan ako ni Dylan at saka bumulong ng...

                “Nag-enjoy ka ba sa pangi-stalk sa amin ni Fien kanina?”

                Nanigas muna ako sandali. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

                “H-Ha? Pangi-stalk? Sa inyo? Kanina? A-Ano bang pinagsasabi mo?”

                “Akala mo siguro hindi ko alam ‘yun, ‘no?” Ngumisi siya sa akin. “Piercing pa more.”   

{ haha hi guys sorry sa matagal at mabagal at bitin na update palagi. writer's block kasi ako. pero wag kayo mag-alala, medyo bumabalik na ulit ako sa mood para sa story na 'to. siguro 10 chapters na lang at matatapos na 'to. kapit-bisig tayo para mapabilis ang pag-uupdate ko hahahahaha. ayun, may saket ako ngayon kaya yan lang kinaya ng powers ko. tsaka congrats nga pala sa feu dahil champion sila sa group stunts ngayong cdc2014 (proud tamraw here). tsaka erap, pls paki-suspend na classes. yun lang. tsaka punta pala kayo sa mibf this 19, 20, at 21 dahil nandoon ako. bili na rin kayo ng libro ko para hindi ako mapahiya don at may mai-sign ako. hehehe sige last na to, ang haba na ng author's note ko. k bye. salamat sa lahat ng nagababasa! } 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.1M 85.9K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...