The Coldest Girl

By imagineyou2003

99.9K 4.5K 84

This is my first story ever. Kaya Hindi ko alam kung maayos ba sya. Kung gusto nyong basahin.. Thank you... More

Prologue
Chapter 01: The Cold Girl
Chapter 02:They Meet
Chapter 03:The Beginning
Chapter 04: Perry Stanford
Chapter 05: The Mysterious Guy
Chapter 06: Goblin
Chapter 07: Friends???
Chapter 08: Her Past about Friend
Chapter 09: C-2
Chapter 10: JERK
Chapter 11: Lunch with X-5
Chapter 12: Weird
Chapter 14: Bar
Chapter 15: What?!
Chapter 16: Are they Couple?!
Chapter 17: Headbutt
Chapter 18: Trouble (Part 1)
Chapter 19: Trouble (Part 2)
Chapter 20: Bull's Eye
Chapter 21: Black Reaper
Chapter 22: Nightmare (Part 1)
Chapter 23: Nightmare (Part 2)
Chapter 24: The Report
Chapter 25: Friendship?!
Chapter 26: Encounter Agatha
Chapter 27: The Picture
Chapter 28: She's Missing
Chapter 29: Reveal!!!
Chapter 30: Forgive?!
A/N: Pls..Read!!!
Epilogue

Chapter 13: Bonding with my Kuya Hence

2.5K 140 2
By imagineyou2003

MAHGIE POV

"Sandali! Baby Gie hintayin mo ako. Huwag kana magtampo. Dapat nga ako magtampo dahil -----"

Agad akong Napahinto sa pag alis , lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin bago nya pa matapos ang sasabihin nya. Tahimik naman na itong naglakad sa direksyon ko.

Umalis na ako dun dahil lahat ng atensyon ng mga studyante nasa amin. Kung makatingin pa yung mga babae sa akin parang laser sa sobrang sama. Tss. Bakit kase sumulpot tong si Kuya Acer.

"Ano ba kaseng  ginagawa mo
dito Kuya? "

"Nagpunta akong room mo para makita ka. Eh wala ka naman dun kaya nagtanong ako sa kaklase mo at sinabing nandito ka sa cafeteria kaya pinuntahan kita"-Napakamot pa ito ng batok habang nagsasalita "Hindi mo sinabi sa akin na Nakauwi na pala si Kuya Hence"-nagtatampong sabi nito. Yun pala ang dahilan kung bakit sinabi nyang sya dapat ang magtampo. Tss. Akala ko kung ano...

"Hindi mo alam? Hindi ba sya dumaan kay Nanay Rosa"-sabi ko at nagsimulang maglakad sumabay naman ito. Hindi ko na lang pinansin yung mga matang nakatingin sa amin. Tss

"Hindi ko pa malalaman na nandito sya kung Hindi ko sya nakita kanina sa dean office na lumabas eh. Akala ko nga namamalikmata lang ako pero bigla syang lumapit kanina at tinapik ako sa balikat at kinakamusta si Mama. Pupunta daw sya sa bahay any time. Busy si Kuya eh"

Ano naman kayang ginawa ni Kuya Hence sa dean office?

"At sinabi nga pala sa akin ni Kuya Hence bago sya umalis. Susundin ka nya mamayang uwian. Kaya huwag mong balaking tumakas kundi susumbong kita sa kanya"

Lagi ko kaseng tinatakasan si Kuya Acer kapag sinabi nyang susunduin nya ako. Pero kay Kuya Hence hindi ko magagawa yun. Diba nga sya ang pinakaclose kong Kuya...

Napangite ako sa isip ko dahil makakasama ko si Kuya Hence. Naalala ko naman na sabado na bukas at sa susunod na araw ay linggo na.

"Oo... Mauna na ako at malapit n yung room ko "-sabi ko

Simimangot ito "Sige... Ingat ka...ayaw mo lang ako kasama eh"- bumulong ito pero narinig ko naman.

Hindi naman sa ayaw ko makasama si Kuya Acer. Pero kasi ang daldal nya at ang kulit. Minsan nga parang ako ang mas nakakatanda sa kanya dahil minsan isip bata din sya. Parehas sila ni Perry...

Si Perry nga pala kanina. Napansin ko yung reaksyon nya ng makita si Kuya Acer. Naiiba kase yung reaksyon nya sa mga reaksyon ng babae kanina. Napansin ko yung lungkot sa mata nya. Hindi ko alam kung bakit... At umalis din sya na parang wala sa sarili.

Ano kayang nangyari sa kanya? Tss.

Pagpasok ko sa loob ng room ay napatingin sa akin ang lahat at yan na naman ang mga tingin ng mga kaklase kong babae na parang laser. Hindi ko ito pinansin at naupo na.

Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ang klase. Nagmadali namang umalis si Perry na ikinataka ko pero ipinagsawalang bahagi ko na lang.

Luminga linga ako dito sa parking lot para hanapin si Kuya Hence at nakita ko naman syang nakasandal sa kotse nya at kumaway sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanya dahil medyo malayo kung nasaan sya.

Nang makalapit ay agad akong yumakap saglit. Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako pero agad din akong napangite ng...

"Saan gustong pumunta ng Baby Gie ko? "-nakangiteng tanong nito.

"Mamasyal tayo Kuya? "

"Oo. Saan mo ba gusto? "

Napaisip naman ako. May trabaho nga pala ako sa Goblin. Pwede naman siguro akong Umabsent ngayon.

"Wala akong maisip kuya. Kahit saan na lang basta maraming pagkain"-natawa naman ito sa sinabi ko.

"Hindi pa rin nagbabago ang Baby Gie ko ah. Ang hilig pa rin sa pagkain..."

"Kuyaaa"-saway ko

"Okay okay... Tara na"-napangite ako ng pagbuksan nya ako ng pinto. Sasakay na sana ako ng maramdamang may nakatingin sa akin. Napatingin ako dito.

Si Red at Ark...

Gulat ang makikita sa mga reaksyon nila. Agad na umiwas ng tingin si Red. Tuluyan na akong pumasok at naupo. Umikot naman si Kuya papunta sa driver seat at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Nakita ko sa side mirror na nakasunod ng tingin sa amin si Red.

Tss...

"Kilala mo ba yun? "-tanong ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino?! "

"Si Red at Ark"

"Oo... Kilala mo rin sila?? "-tanong ko. Tumawa naman sya

"Syempre! Mga tropa ko yun eh"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya. Ibig sabihin sya yung isang member ng X-5?

"Member ka ng X-5 Kuya? "-mabuti ng sigurado no.  Natawa ito. Kaya napakunot noo ako.

"Ano kaba Baby Gie. Hindi ako ang kasama sa member ng X-5. Tropa tropa lang kami nila Jaxell . Atsaka 3 years ako sa Korea para dun magpatuloy ng pag aaral at maghanap ng trabaho. Kaya nga bussiness man na ang Kuya mo eh"-sabi nito at tumingin sa rear mirror kaya tumingin din ako dun.

"Tropa pa rin kayo hanggang ngayon? "-tanong ko

Diba nga 3 years si Kuya na Hindi nya kasama ang tropa nya. Malay nyo Hindi na sya ituring na tropa ngayon.

Ang bad ko. Bakit ko ba iniisip yun?

Nagkibit balikat si Kuya. At Hindi na sya nagsalita kaya naman tumahimik na lang ako. Bigla kasing naging seryoso ang mukha ni Kuya.

Kung hindi si Kuya Hence ang isang member ng X-5 , Sino?

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nacurious sa isang member ng X-5...

Biglang hininto ni Kuya ang kotse kaya napatingin ako sa labas...

"Dito na tayo"-sabi nya

Nagulat ako ng nasa tapat kami ng Goblin. Bababa na sana si Kuya ng Pigilan ko sya kaya Nagtataka itong napatingin sa akin.

"Ahm kuya sa Ice cream parlor na lang tayo kumain. Gusto ko ng Buko pandan Ice cream eh"-sabi ko. Kahit na Nagtataka ay pumayag din si Kuya at nagsimulang magmaneho. Nakahinga ako ng maluwag . Ang aga ko naman mabuko kung nagkataon.

"2 Large Ice cream flavor of Buko Pandan please"-sabi ni kuya. Nandito kami sa counter at umuorder si Kuya. Naiirita naman ako dito sa Counter girl dahil ang bagal nya. Pasimple pa kasing nagpapacute kay kuya. Tss gusto ko ng kumain ng malamig. Ang bagal bagal. Hindi naman sya pinapansin ni Kuya.

"Here's your order sir. Come again and enjoy"-ang arte ng boses. Nagpapacute pa mukha namang Parrot.

"Thanks"-kinuha ni kuya yung order at nagbayad. Bumaling sa akin si Kuya

"Here.. Baby Gie"-binigay nya sa akin yung isang Ice cream. Inakbayan ako ni Kuya. At humarap dun sa counter na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"By the way Miss. This is my girlfriend "

Napanganga naman sya. At kahit labag na labag sa loob nya ay humingi sya ng paumanhin. Dahil sa harap harapang pagpapacute neto. Naniwala naman si Counter girl na girlfriend nga ako ni Kuya. Hindi na ako nag react sa sinabi ni kuya dahil simula bata pa lang kami sa twing may kakausap sa akin na lalake lagi nya yang sinasabi sa kanila kaya ilag sa akin yung mga lalake kong kaklase noon. Dahil takot sila kay Kuya. Protective brother kase si Kuya Hence. Pati na rin yung dalawa kong kuya Syempre.

Pagkalabas namin ng Ice cream parlor ay humagalpak si Kuya ng tawa.

"Ang epic ng mukha nya hahaha"

Pati ako natatawa kay kuya yung paraan ng pagtawa nya kase talagang mahahawa ka kapag tumawa sya.

Tawang tawa si Kuya sa ginawa nyang kalokohan.

Binuksan ko na yung ice cream ko at sinimulang kainin.

Ang sarap... Ngayon na lang ako ulit nakakain ng ice cream ah. Wala kase akong oras para kumain ng ganito dahil nga Pagkatapos ng klase diretsyo agad ako sa Goblin para magtrabaho.

Tumigil naman na si kuya sa pagtawa. Buti naman.

"Maupo muna tayo dun sa bench, Baby Gie "

Sumunod ako kay kuya at naupo kami sa bench na malapit. Nandito na pala kami sa park. Hindi ko namamalayan. Marami rin akong nakikitang mga couple, mga bata na nag lalaro at isang pamilya na masayang naguusap kasama ang dalawang bata na anak siguro nila.

Naalala ko naman ang mga magulang ko. Na hindi ko alam kung sino. Lumaki akong walang magulang. Nakilala ko si Nanay Rosa dahil araw araw ako sa karinderia nya. At dun nya ako nakilala at Tinuring na isang anak----

"Sshhh Baby Gie. Huwag kang umiyak. Tandaan mo lagi kaming nandito para sayo"-niyakap ako ni Kuya, nagulat ako sa sinabi nya napahawak ako sa pisngi ko at nahawakan kong basa ito. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nakatitig dun sa masayang pamilya.

"Salamat kuya. "-kumalas sya sa pagkakayakap sa akin, tinignan nya ako ng nag aalalang tingin, at pinunasan nya yung luha ko.

"Nalusaw na tuloy yang ice cream mo"-napatingin ako sa kamay ko. At oo nga nalusaw na. Lalo akong Napasimangot.

"Eto oh Baby Gie. Sayo na lang itong ice cream ko hindi ko pa naman nabubuksan"

"Hin-----"

Nilagay nya sa kamay ko yung ice cream nya. Nanguha naman ito ng panyo at pinunasan yung kabila kong kamay kung saan nalusaw yung ice cream ko.

Napangite ako.  Napaka maalaga talaga ni kuya.

"awww! Ang sweet naman nila "

"oo nga! Ang swerte ni Ate girl "

"Ang gwapo naman ng boyfriend nya"

Marami na palang nakatingin sa amin. Tss. Pati sila pagkakamalan kaming couple. Tss.

Kuya ko po sya. Hello! - ihampas ko sa kanila ang salitang yan eh

(A/N: Ang harsh mo ah)

Epal naman tong si Author. Sinamaan ko ng tingin kaya ayun umalis. Tss.

*back to reality*

"Tara na Baby Gie masyado ng maraming audience dito"-bulong nito sa akin. Tumayo ito at hinila ako paalis dun. Nagtilian naman ang iba baka marahil narinig nila ang ibinulong ni Kuya. Hanep lakas ng pandinig.

***

"Mag iingat ka Baby Gie ah. I lock mo yung pinto ng apartment mo. Baka may makapasok na magnanakaw. "

"Opo Kuya"

"Sige mauna na ako. Goodnight "-hinalikan ako ni kuya sa noo. At umalis na.

Papasok na ako sa loob ng may naramdaman akong nakatingin sa akin. Nagpalinga linga ako sa paligid. Dahil nga medyo madilim na wala naman akong nakitang tao. Kinabahan ako ng maisip na baka multo yun.

Pumasok na ako sa loob at tulad ng sabi ni Kuya nilock ko yung pinto. Pumunta akong banyo at Naghilamos. Kinabahan talaga ako kanina. Hindi kaya may multo talaga dito. Napailing ako. At iwinaksi ito sa isip ko. Nagbihis na ako ng pantulog at nahiga sa kama.

Dahil na rin sa pagod at talagang busog ako ay agad akong nakatulog.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pls..Vote & Comment..

Thank you...

Continue Reading

You'll Also Like

BLUE BLOOD By ec

Teen Fiction

368K 14K 63
Anybody who is a somebody knows that the blue-blooded heirs of Queens Erlington Academy keep secrets. Never fall in love with a blue blood or you'll...
14.7K 736 35
A school for the not ordinary people. Do you have abilities? Do you have powers? Ang FLAMENAL ACADEMY ito ang tamang paaralan para sa iyo. [ ACADEMIA...
8.9K 280 9
In which Georgie Farmer from the Wednesday Cast, has a best friend named Jayden Jonas. She and Jenna quickly build a connection, but will happen more...
61.5K 1.3K 39
"Compete with me and your dead" "Try to see who I really am... let's see if you will still be able to breath" "Don't you dare show me the attitudes t...