STATUS: Waiting, Hoping and P...

Bởi crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... Xem Thêm

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 9

1.1K 13 3
Bởi crostichan

Pagkatapos kong kausapin si Kuya Jerome, bumalik na ko sa sasakyan.

“Sinong katext mo?” sabi ko kay Trixie pag pasok ko.

“Ah wala. Si Mama. Tinatanung kung nakapagpasa na ko”

“ah. Tara uwi na tayo” inistart ko yung sasakyan pero umandar lang kami ng konti tapos huminto.

Tinry ko ulit iistart pero ayaw talaga. Isang beses pa. Pero wala ring nangyari.

“Wala na sigurong gas” sabi ni Trixie sa tabi ko.

“Malayo pa sakayan dito .. Ok lang bang ..” nahinto ako sa sinasabi ko kasi bigla niyang dinugtungan ng “Game”.

Pagkasabi niya nun, bumaba na sya ng kotse. Kinuha ko muna yung cellphone at wallet ko sa bag.

Pero nakita ko yung box. Nagpapahiwatig na ba to na ibigay ko na? Balak ko kasi sa Batangas ko to ibibigay. Kaya nga nagmamadali akong umalis nung last practice namin e. Para di niya makita. Kaso inatake ng katorpehan e. Bahala na ulit. Nilagay ko lang yung box sa bulsa ko.

“Masyado bang malayo yung sakayan dito?” sabi nya sakin.

“oo e.” sagot ko sakanya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. 

“It’s been a long time bago ulit to naulit”

I looked at her sa sinabi niya. Honestly, di ko alam yung gusto niyang sabihin.

“What do you mean?”

“wala lang, namiss ko lang yung ganito. Yung kasama kitang naglalakad. After kasing dumating nung sasakyan mo, lagi na lang yun. Wala ng lakad”

“Ayaw kasi kitang mapagod” yun lang yung sinabi ko.

“hindi nga tayo napapagod, pero ang ikli naman ng oras natin.”

Nagulat ako sa sinabi nya. Dahil sa sinabi nya, parang sinabi nya na rin na gusto nya kong kasama.

“but you know what, hindi naman ako napapagod pag kasama kita e. Kasi parang di tayo nauubusan ng topic. Parang chismis lang, laging may bago” dugtong nya.

“Talaga? Di ka napapagod? Paunahan” tumakbo ako. Naramdaman kong tumakbo din sya. 

Nakakatuwang isipin na kahit college na kami ginagawa pa din namin to na para kaming mga bata. 

“Ambagal mo Trixie!”

“ang yabang mo Lance”

“ouch!” sumigaw si Trixie sa likod.

Paglingon ko sa kanya, nakaupo na sya sa sahig. 

“Anung nangyari?” tanung ko sakanya habang papalapit ako sa kanya.

Di niya sinagot yung tanung ko. Instead, umiyak lang sya ng umiyak.

“Baliw ka! Bakit kasi di ka nag-iingat?” nakaluhod na ko sa harapan nya ngayon.

“yung bato kasi. haharang harang, hindi ko tuloy siya napansin” 

Nilagay ko yung kamay niya sa balikat ko para tulungan syang tumayo. Una muntik pa syang matumba pero kaya naman pala. Ang problema lang nung nagsimula kaming maglakad ulit. Maliban sa sobrang bagal, ramdam na ramdam ko yung sakit na tinitiis nya sa bawat hakbang. 

"kaya mo pa bang maglakad?" tanung ko sa kanya.

"yup. keribells pa" 

Pero Di ko na talaga sya kayang tignan na ganun kaya umupo ako sa harapan niya.

“Anung ginagawa mo?” tanung niya nung pumwesto ako sa harap niya.

“Sakay na.” 

“Naku wag na. Mabi-” naputol yung sinasabi niya “Ang arte pa e” hinila ko yung isa niyang kamay kaya wala siyang choice.

Buhat ko sya sa likod ko ngayon. At nagsimula na kaming maglakad.

Mas mabagal na kaming maglakad ngayon kaysa kaninang maayos pa yung paa niya.

“Lance, may upuan oh. Baba mo muna ako. Alam kong pagod ka na” bulong niya sa tenga ko.

Pumunta naman ako dun sa sinasabi niyang upuan at ibinaba sya.

“Pakiramdam ko nabali na yung spinal column ko ah” 

“sabi ko kasi sayo wag mo na akong buhatin e.”

Tumabi ako sa kanya sa upuan.

“alam mo ba kung anung date ngayon?” tinanung ko sya.

“anu nga ba? Nine kahapon kasi kasal ni Ate Ianne, edi 10, ay! Happy 83th monthsary Lance.” tapos ngumiti sya sakin. Pwede na nga syang maging model ng close up e.

Kinuha ko yung box sa bulsa ko.

“Happy 83th monthsary Trixie” inabot ko sa kanya yung box.

“Anu to?”

O_O

O_O

“Lance. Bakit mo binili?” 

“I know you will like it” kinuha ko sa kamay niya yung neckLace na locket tapos sinuot ko sakanya.

“Wag mo munang bubuksan yung pendant niyan ha. Sa birthday mo na lang” 

“Hala, wala akong regalo sayo. Nabili na ba yung kapares nito?” tanung niya sakin.

Pinakita ko sa kanya yung nasa leeg ko. “Pwede ba namang ikaw lang yung meron? Tska isa pa, hindi naman yan pwedeng bilhin ng isa lang” paliwanag ko sa kanya.

“Tanggalin mo. Akin na” sabi nya.

“Aba, di ka pa nakuntento sa isa?” pabiro kong sabi sakanya.

“Lalagyan ko ng message. Para kahit papanu may remebrance ako.

Tinanggal ko yung kwintas sa leeg ko at binigay sa kanya.

“alam mo parang mas memorable pa nga tong one month bago yung anniversary natin e.” sabi ko sakanya.

“Bakit naman?” 

“E kasi, it’s the time you realized I exist.” sagot ko sa tanung niya.

“ha? Bakit naman?” tanung niya ulit.

“pag pumupunta ka kasi sa bahay, lagi na lang si Ate hinahanap mo. Makakasalubong mo ko pero wala lang. Alam mo bang ansaya saya ko nung pumasok ka sa kusina namin. Kasi sabi ni Mama kumaen ka na lang muna para di masayang pagpunta mo dahil wala si Ate. Nung oras na kausap kita nun pakiramdam ko bumalik na ulit si Kuya Jerome. Na may taong nakakaintindi na sakin ulit.”

I manage na wag sabihin sakanya na kahit di pa kami close crush(?) ko na sya.

“Ang drama mo ha. I know you exist. Bago yung nangyari sa kusina nyo, gusto na kitang maging close. Kaso panu? Pag dumadaan ako, di mo ko papansinin. E mapride ako, edi hindi din kita papansinin. Haha. Tapos parang ang sungit sungit mo pa kasi di pa kita nakitang ngumiti. Tapos yun, nung kinuwento ko sayo yung umakyat ako sa pababang escalator, para kang bata na first time natutunan yung word na tawa. Haha. “

"Wait lang Lance." hinawakan niya ko sa wrist kaya lumingon ulit ako sa kanya. "Salamat ha. God knows how much I'm thankful kasi ikaw yung binigay niya sakin na bestfriend" 

“Anu ba yan, tama na nga. Tara, sakay na. Para makauwi na din tayo.” sumakay na siya sa likod ko. Habang naglalakad kami, “Sorry ha. Lagi ka na lang nahihirapan pag kasama mo ko. Tulad ngayon. Tapos dapat nasa Batangas ka pa, pero ito parang may bitbit kang isang sakong bigas, mas mabigat pa”

“Ok lang na mahirapan ako, ok lang na maglakad ako na may kasing bigat ng isang sakong bigas sa likod, wag lang kitang makitang nasasaktan. Wag ka lang mawala sakin”

pagkasabi ko nun, di na sya nagsalita. Much better kaysa magtanung pa sya. Dahil hindi ko rin alam kung anung isasagot ko sakanya.

Trixie’s POV

please heart, please don’t betray me. Can you please slow down now? Promise! Parang pakiramdam ko sasabog na ko sa kilig. Alam mo yung feeling ng happiness na di mo kayang iexplain? Ganito yun e. 

I’m riding on my prince’s back. Pero hindi niya alam na prinsipe ko sya at di ko din alam kung ako yung gusto niyang maging pRinsesa. 

“wag ka lang mawala sakin” paulit ulit yung huling line na sinabi niya sa utak ko. Pwede na ba kong kiligin? Promise 5seconds lang . 5, 4, 3, 2, wait 5seconds ulit. 5, 4, 3, 2, hay! Di ko mapigilan. Of all the people na pwedeng magsabi sakin nun, bakit si Lance pa? 

Ayokong magkaroon ng false hopes lalo na pag kay Lance. Bakit? Kasi alam ko kung hanggang saan lang kami. Ang problema nga lang, nakalimutan ko yung limitasyon ko. Pero anung magagawa ko? Ayaw makinig ng puso ko sa utak ko e. I thought, kaya kong itago sa friendship yung nararamdaman ko para kay Lance, pero wala e. Wala talaga as in wala. Wala akong magawa. Tapos ganito pa si Lance. The more na nagbibitaw sya ng mga ganung salita, the mOre na umaasa ako. At alam kong the more na umaasa ako, mas masakit yung mararamdaman ko sa huli.

Masisisi niya ba ko kung umasa ako? Wala namang aasa kung walang magpapaasa diba? 

Nilean ko yung ulo ko sa balikat ni Lance. I want to stop the time. Gusto kong hawakan yung kamay ng orasan. Kasi alam kong pagtapos nito, tapos na. Wala ng second time. Hindi na to mauulit.

“ok ka pa dyan?” tanung sakin ni Lance.

“oo, ikaw ok ka pa?” tanung ko sa kanya.

“oo. Malapit naman na tayo e” 

Medyo magdidilim na nung nakarating kami sa sakayan.

Nagtaxi na lang kami para dirediretso na.

“Grabe, nakakapagod!” sabi ni Lance nung nakaupo na sya sa loob ng taxi.

“Sorry”

“It’s my choice.” tapos pinikit nya yung mata nya.

Nilipat ko yung ulo nya sa balikat ko. I thought papalag sya kaso hindi e. Alam kong hindi biro yung buhatin ako sa likod tapos ang haba pa ng nilakad nya. He must be really really tired.

I looked at his face. His eyelids, his nose, his lips. Everything about him was made perfect. Kahit ulo nya lang yung nakapatong sa balikat ko, ramdam na ramdam ko yung pagod niya. I can feel his deep breathes. Lance, sorry for being a burden you need to carry. Kung totoo yung sinabi mo kanina, I think I should do the same. You belong to those persons I don’t want to lose.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
16.8K 934 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
87K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...