The Coldest Girl

By imagineyou2003

103K 4.5K 88

This is my first story ever. Kaya Hindi ko alam kung maayos ba sya. Kung gusto nyong basahin.. Thank you... More

Prologue
Chapter 01: The Cold Girl
Chapter 02:They Meet
Chapter 03:The Beginning
Chapter 04: Perry Stanford
Chapter 05: The Mysterious Guy
Chapter 06: Goblin
Chapter 07: Friends???
Chapter 08: Her Past about Friend
Chapter 10: JERK
Chapter 11: Lunch with X-5
Chapter 12: Weird
Chapter 13: Bonding with my Kuya Hence
Chapter 14: Bar
Chapter 15: What?!
Chapter 16: Are they Couple?!
Chapter 17: Headbutt
Chapter 18: Trouble (Part 1)
Chapter 19: Trouble (Part 2)
Chapter 20: Bull's Eye
Chapter 21: Black Reaper
Chapter 22: Nightmare (Part 1)
Chapter 23: Nightmare (Part 2)
Chapter 24: The Report
Chapter 25: Friendship?!
Chapter 26: Encounter Agatha
Chapter 27: The Picture
Chapter 28: She's Missing
Chapter 29: Reveal!!!
Chapter 30: Forgive?!
A/N: Pls..Read!!!
Epilogue

Chapter 09: C-2

2.8K 138 4
By imagineyou2003

MAHGIE POV

"KUYA HENCEEEE"-sigaw ko ng mapagtantong sya nga.

"Shhh Baby Gie! magising yung kapitbahay. Sige ka"-nangingiting sabi nito

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Tumatawa naman na niyakap nya rin ako. Miss na Miss na Miss ko talaga tong si Kuya Hence. At sa kanya lang talaga lumalabas ang ibang side ko.

"Miss kita ng sobra Baby Gie"

Unlike kuya Acer si Kuya Hence lang talaga ang pinapayagan kong tumawag sa akin ng Baby Gie. Gaya gaya lang talaga si Kuya Acer.

"Tuloy ka Kuya Hence. Na miss din kita"

Pumasok kami sa loob pinaupo ko sya sa sofa. Nilibot nya naman ang paningin nya sa apartment ko.

"As alway. Malinis at maayos "-nakangiting sabi nya. Tumingin sa akin.

"Nagugutom kaba kuya. Magluluto ako"

Agad naman syang umiling at Pinakita sa akin yung bitbit nyang paper bag "Nagtake out ako ng pagkain, sabay na tayo para makapagkwentuhan pa tayo. Aalis na rin ako maya maya eh"

Nalungkot naman ako "Ang bilis naman Kuya Hence. Ngayon na lang kita makakasama eh"

Ngumite naman ito at ginulo yung buhok ko. Lalo akong Napasimangot.

Nakalimutan kong ipakilala ang pinaka close kong kuya.

Hence Mark Rigel ang pangalawa sa magkakapatid, Nagtratrabaho na ito bilang bussiness man. Matalino kase si kuya marami rin ang nagsasabi sa kanyang mag model pero ayaw nyang pumasok sa mundo ng showbiz. Oo gwapo tong si Kuya Hence pero mas gusto nya ang bussiness man.

Mabait, malambing, maalaga at sweet na tao si Kuya Hence at hindi na ako magtataka kung may girlfriend na tong Koreana.

Oo nga pala, kaya sobrang miss ko talaga si Kuya at gusto ko syang makasama dahil ngayon ko lang sya nakita ulit after 3 YEARS. Nag stay sya ng ganyan katagal sa Korea para sa bussiness trip.

"Sa sunday bonding tayo, Promise"-nakangiting sabi nya sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Talaga? Promise? "-tumango tango naman sya habang nakangite parin.

"Yay! Sabi mo yan Kuya ah?"

"Oo nga, ang kulit"-natatawang sabi nya "Kumain na tayo. Yung mga pasalubong ko pala sayo nandun sa kotse. Kunin natin mamaya bago ako umalis"-dagdag nya

Tumango tango ako. Puno kase yung bunganga ko ng pagkain kaya Hindi ako makapagsalita. Ang sarap talaga nitong beaf steak. Ngayon na lang ako ulit nakakain nito ah.

Uminom ako ng Coke in can na dala din ni kuya. Nabusog ako ah.

"Kuya ang dami naman nito. Pang ilang buwan ko ng supplies yan"

Kinuha ni Kuya yung mga pasalubong nya sa akin. Binitbit ko naman yung iba. Para ilagay sa lamesa at aayusin ko mamaya. Mga groceries, damit, chocolate , at marami pa.

"Para sayo talaga yan Baby Gie. Ang tagal kong nawala eh. Baka kase magtampo ka kay Kuya Hence mo"-malambing na sabi nya. Pagkatapos mailapag yung iba pang gamit sa lamesa ay lumapit ito sa akin.

"Hindi naman ako nagtatampo sayo Kuya. "

Tumingin naman ito sa relo nya na nasa wrist nito. Napasimangot ako. Siguradong aalis na sya.

"Baby Gie, kailangan ko ng umalis. May meeting ako ng 10 pm. Mag iingat ka dito ah. "-hinalikan ako nito sa noo at mabilis na niyakap. Tumango na lang ako.

"Ingat ka Kuya. Good night "

"Goodnight Baby Gie. Sweetdreams"-kumaway pa ito at sumakay ng kotse nya at pinaandar ito. Hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Ni lock ko yung pinto at agad na inayos yung mga dapat ayusin.

Mga bandang 11:26pm ng matapos ako at hindi ko na nagawa pang tumungo sa kwarto ko at sa sofa na tuluyang dinalaw ng antok.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising at muntik pa akong muholog ng mag stretch ako ng braso.

Tss!

Sa sofa na pala ako natulog kagabi. Pagbangon ay saka ko naramdaman ang pananakit ng katawan ko, Nangawit.

6:31 am na pala pagtingin ko sa orasan. Tumungo akong kusina. At nagluto ng makakain nagulat pa ako ng makitang ang daming pagkain sa refrigerator  .

Saka ko lang naalala ng dumating nga pala si kuya kagabi.

Thursday pa lang ngayon...Tatlong araw pa bago sumapit ang linggo.

Nag prito lang ako ng bacon at ham. Nagtimpla ng kape. Nagsalang na rin ako ng kanin sa rice cooker.

Nang matapos akong magprito ay nilagay ko sa plato , Nilapag sa mesa at naupo ako saglit habang hinihintay maluto yung kanin.

Humigop ako ng kape at maya maya lang ay tumayo na ako para tignan kung luto na. Nang luto na ito ay agad akong nagsandok . Naupo akong muli at nagsimulang kumain.

*Ding-dong*

Napataas ang kilay ko. Napapansin ko parang napapadalas ang pumupunta dito ah.

Sino na naman kaya yan?

*Ding-dong*

Okay sana kung si Kuya Hence pero mukang Hindi sya. Bahala sya kung sino man yan. Masamang naiistorbo sa pagkain.

"Hindi mo talaga ako pagbubuksan ng pinto ah"-napaangat ang tingin ko. At Bumungad si Kuya Acer na nakauniform. Naupo ito sa katapat ko.

"Wow! Ang swerte ko naman. Sakto hindi pa ako kumakain. "-kumuha ito ng plato at nilagyan ng kanin. Kumuha rin ito ng bacon at ham. Kumain ito na parang gutom na gutom. Tss! Tinakasan nya na naman si Nanay Rosa. Marami kaseng pinapakain sa kanya ni Nanay Rosa.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain at ng matapos ako ay agad akong tumayo at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Dalian mong maligo Baby Gie ah   ,sabay tayo pumasok. "-narinig kong sigaw nya pagkapasok kong banyo para maligo.

*****

Paglabas ko ng apartment ko ay nakita ko si kuya Acer na nakasandal sa kotse nya. Talagang hinitay nya ako ah.

"Kuya, mag bibisekleta na lang ako"-napatingin naman ito sa akin.

"Pagkatapos mo akong paghintayin ,at ngayon sasabihin mong magbibisekleta ka na lang. "-nakakunot noo na sabi nito "Hindi pwede ,sumabay ka na sakin. "

"Sige na Kuya. Magkita na lang tayo sa school"-kinukumbinsing sabi ko sa kanya.

"Kaya nga nagpunta na ako dito sa apartment mo at sunduin ka para sabay na tayong pumasok sa school dahil malabong magkita tayo dun. Malawak at masyadong malaki ang Kingson University, Mahgie. At sa 9th building ang section ko malayo kumpara sa room nyo. "

Nagulat naman ako ng makitang seryoso nga si Kuya. Kaya pala hindi ko sya makita sa school.

"Tss! Oo na, sasabay na"

Nagbago naman agad ang mood nya at naging masigla ulit . Sa back seat sana ako uupo pero Binuksan nya yung passenger seat at sinenyasan akong dun maupo kaya naman sumunod na lang ako.

Umikot ito at sumakay na. Pinaandar nya na ito. Hindi naman ako nag seatbelt dahil hindi naman mabilis magpatakbo si Kuya Acer.

"Kamusta naman ang First day mo sa Kingson University , Baby Gie"

"Okay lang naman Kuya"-tipid na sagot ko. Tumingin sya sa akin at binalik din agad ang tingin sa daan .

"Kaklase mo ba yung X-5?"-tanong ni Kuya

Napakunot noo ako sa narinig.

X-5?!

Sino naman yun?

"Hindi ko alam."

"Yung mga sikat sa K. U. Lima sila pero nasa ibang bansa yung isa kaya apat sila ngayon"

Mukang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni kuya. Tss!

"Ah oo. Kaklase ko sila"

Hininto ni kuya yung sasakyan. Nagtaka ako. Ngunit napansin kong nandito na pala kami sa school. Lumabas na ako ng sasakyan . Sumilip sya sa bintana ng kotse.

"Mag iingat ka Baby Gie, Hindi na kita maihahatid sa room mo"

"Ok lang kuya. Ingat ka rin"

Tumango ito at muling pinaandar ang kotse papuntang buliding nila.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang room. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanila. Ramdam ko ang mga mata ng mga studyante na nakatingin sa akin.

"Who is she!? Bakit sya nakasakay sa kotse ni Labs Acer ko"

"I don't know. Ngayon ko lang sya nakita . She's pretty though "

"What!? "

Bulungan nila.  Tss!  Magbubulungan na nga lang rinig na rinig ko pa. Nasundan pa yan ng maraming bulungan. Hindi ko na ito pinansin hanggang sa nakarating na akong room.

Pumasok ako sa loob na parang walang tao sa paligid ko. Maingay at magulo sila.

Naupo ako sa silya. At tumingin sa labas ng bintana. Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin.

"Hi Mahgie "

Si Perry...

Tinignan ko lang ito at balik sa labas ng bintana ang atensyon ko.

"Mahgie pwedeng dito na lang ako maupo sa tabi mo. Ang ingay kase dun eh"-sabi nito . Tumango ako. Binalik kona sa harap ang atensyon ko dahil dumating na si Ma'am nag siayos naman na sila.

"Good morning class! Our lesson for today is blah blah blah"

Discuss

Discuss

Discuss

Hindi ko ugaling maboring kapag may nagdidiscuss ang guro sa harap. Pero ngayon, hindi ko maiwasan. Alam ko na kase ang tinuturo nya . Nag aaral ako ng mag isa kapag Bakasyon. Advance reading.

At sa wakas . Lunch time na. Mabuti na lang at Hindi ako nakatulog sa klase. Hindi talaga ako makakatulog dahil maya't maya ang daldal ni Perry na naupo na talaga sa tabi ko. Tss

Hindi ko gusto ang lagi nyang pagsama sa akin. Kahit hindi sya literal na sumasabay sa akin lagi syang nasa likod ko. Tulad ngayon papunta akong garden at sana wala dun yung apat.

Pagdating ko. Wala naman tao kaya agad akong umakyat sa taas ng puno. Nagulat naman si Perry

"Mahgie baka mahulog ka dyan. "-sabi nito, may dala itong pagkain. Naupo ito sa bench at nilapag dun ang binili nya kanina sa cafeteria bago sumunod sakin. Nagugutom na rin ako pero hindi ko ugaling mang hingi. Palilipasin ko muna siguro ito at sa apartment na lang ako kakain.

"Sanay akong umakyat ng puno"-tanging sabi ko bago maupo sa medyo matabang sanga.

"Kumain ka na ba? Eto oh sayo na lang itong isang burger "- Napatingin ako sa baba at inaabot nya sa akin yung isang burger.

"Ihhh hindi ako marunong umakyat ----"

"Ako na"-nakita kong dumating yung apat. Tss! Nandito na naman tong mga toh.

"Ah-ahm"- Perry na biglang nagulat sa pagsulpot ng mga ito.

"Ibibigay mo ba sa kanya yan? "tanong nya  ,tumango naman sya "Let me? "-binigay naman nya yung burger. Nagsimula naman itong umakyat sa puno at naupo sa medyo may kapayatan na sanga. Hindi kaya maputol yang inuupuan nya?! Tss!

"Here"-abot nya sa akin nung burger . Kinuha ko naman agad dahil nagugutom talaga ako.

"Hindi manlang nag thank you. Tsk"-narinig kong bulong nito

"May sinasabi ka? "-nagulat naman ito. Tss! Anong nakakagulat sa sinabi ko!?

"Wala, wala"

Tumingin ako sa baba at nakita kong nakikipagkwentuhan na si Perry dun sa dalawa. Si Sike tahimik lang na kumakain at halatang nakikinig naman ito sa pinaguusapan ng tatlo. Biglang tumingin si Sike sa gawi ko.

"Mahgie gusto mo ng maiinom, may C-2 ako dito"-napunta kay Perry ang atensyon ko ng sumigaw ito at iniaalok ang C-2. Tatanggi sana ako ng....

"Ihagis mo dito. Nauuhaw daw sya"-sigaw pabalik ng nakangising tao na nakatingin sa akin...

Si Jaxell...

Ang hilig talaga sumigaw nito. Nung unang encounter namin ang sungit nya at talagang pasigaw kung magsalita. Nagtataka ako ngayon kung bakit parang biglang naging maayos ang pakikipagusap nito. Tss!

Sinunod naman ni Perry ang sinabi nya at maingat na hinagis yung isang C-2. Nasalo nya naman ito. Iniaabot nya ito sa akin. Tinignan ko lang ito at hindi kinuha.

"Hindi ako nauuhaw"-sabi ko, at kumagat sa burger.

Ngumisi naman ito "Sabi mo eh"-binuksan nya ito ng Hindi inaalis ang tingin sa akin. Nilapit nya ito sa bibig na parang Nang iinggit.

"Hoy pare nag shashare kayo ng inumin dyan ah. May isa pa dito"

Bigla akong nabilaukan sa sigaw na yun ni Red. Wrong timing talaga tong Red na to. Binigay naman ni Jaxell yung inumin. Uminom ako agad dahil sumakit yung lalamunan ko.

Pagtingin ko sa kanya ay ngingisi ngisi itong nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. Tumingin sya sa hawak kong C-2 na ngayon ay wala ng laman. Nagtaka ako. Nainom ko lahat yun ng ganun kabilis. Impossible.
"I'm drink that first, before you "

Continue Reading

You'll Also Like

223K 9.3K 52
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
55.5K 2K 47
A girl who can make you smile. A lovely girl that can be a demon. A girl who loves playing around. She can have the power but she remain silent, till...
548K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
96.7K 4.3K 38
LOVELY BUT DANGEROUS. [📚BOOK #1: COMPLETED][STILL UN-EDITED] 📚BOOK # 1 Title: The General Gangster Academy. ✒Genre: Action-Romance. 📌Finished Date...