Will it be the same? (COMPLET...

atemonghailey द्वारा

58.7K 1.9K 866

Can love lead your heart back to the first one who broke it? अधिक

A/N #1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55 (totoo na to 😂)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Encounter ✨♥️
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Gratitude
Visual Chapter I
Visual Chapter II
Visual Chapter III
Visual Chapter IV
Visual Chapter V
Visual Chapter VI
Visual Chapter VII
Visual Chapter VIII

Chapter 38

603 20 7
atemonghailey द्वारा

"Here's your order sir" sa wakas, kanina pa ako nagaantay dito. Pero ayos lang, minsan lang ako ganito.. yung pa order-order nalang ng pagkain. Tapos na ang 1st sem kaya medyo maluwag ang schedule ko. Shop at cafe lang ang iintindihin ko.

Nagtaxi na ako kasi may dala pa akong dalawang box ng pizza, baka kasi matapon kapag nag jeep ako. Habang nasa taxi ako, chineck ko yung phone ko.. Di pa rin ako tinetext ni Annieka, bat kaya? pero baka busy yon. Madami rin kasi siyang inaasikaso lately sa company nila kaya minsan gabi nalang kami nakakapag usap.


"Tol!" pagpasok ko sa shop ay sinalubong ako ng tingin ng dalawang tukmol, para silang tangang nakangiti sa akin.

"Ayon! sa wakas! natuloy rin ang pangakong lafang ni Vhong" sabi ni Joey habang inuusisa yung mga dala ko.

"Nandyan ba si Boss?" tanong ko sakanila, tumango lang silang dalawa kaya ginawa ko, kumuha ako ng isang milk tea at dalawang slice ng pizza.





"Sir.." bukas yung pinto ng office ni Sir Rex, naabutan ko siyang may binabasa sa computer niya


"O? bakit?"


"Ahm.. ka..kain po" nilapag ko yung paper plate at milk tea sa lamesa niya, saglit niyang sinilip iyon at itinuon muli ang mga mata sa screen. Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya.


"Maupo ka."


"Nakantsawan ka nanaman nung dalawa sa labas ano?" kinuha niya yung milktea sabay inalog ito.


"Eto ba talaga uso sa mga kabataan ngayon?" tanong niya sakin habang pinaglalaruan yung nakasarado pang milktea.


"Opo sir, masarap po iyan.. tikman niyo po"


"Nga pala, Vhong.. para sayo" nagulat ako nung may iabot sa akin si Sir Rex na isang regalo, ang ganda pa ng balot.. at medyo malaki ha..


"Buksan mo na" binasa ko muna yung card na nakadikit.. infainess.. ang sweet. "Congrats, Vhong! You did a good job - Sir Rex"


Pagbukas ko ay isang drawing tablet pala yon. Tinapunan ko ng tingin si Sir Rex, kumakain lang siya nung dala kong pizza habang nagtatype.


"Malapit ka nang mag-thesis.. mabuti na yung may ganyan ka para kahit di ka makapasok dito sa shop ay magagawa mo parin ang trabaho mo sa bahay" tinignan ko lang siya, prenteng prente lang siya sa ginagawa niya, parang wala lang.


"Sa..salamat po sir"


"Oh!" may nilabas siya mula sa drawer niya at inilapag niya yun sa harap ko.


Isang kahon ng relo, G-Shock to be exact. Binuksan ko iyon. Maganda, pero hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan non.


"Sir.. bakit po?"


"Vhong alam mo.. may mga pagkakataon sa buhay natin na hindi natin dapat kinukwestion ang mga biyaya. Bigay ko sayo, tapos." Di na ako nagtanong pa, dahil baka pag nagtanong pa ako ay mairita pa lalo si Sir sa akin.


"Salamat po" kinuha ko yung box ng relo pati na rin yung gift wrapper na nakakalat


"Mahalaga ang bawat oras. Ingatan mo yan. Have a good day, Mr. Navarro." Pagkasabi niya non ay lumabas na ako sa office niya bitbit yung mga binigay niya sa akin.


"Naks, pre.. daming bigay ni santa ha?" kantyaw ni Gilbert sa akin. Kumuha na rin ako ng pizza at binuksan yung milktea ko.


"Mabait rin talaga yang si Boss ano? tanda mo Geng nung binigyan ka rin niyan ng regalo nung nakagraduate ka?" Si Joey yon, mas nauna kasi sila ni Gilbert sa akin dito sa shop ng isang taon, pare-parehas kaming mga working student.


"Dapat pala ginalingan ko rin para may pa gshock si boss. Angas nito Vhong ha?" tinitignan namin yung relo na bigay ni Sir, gshock siya, tho mahal naman talaga yon pero ito yung klase na parang di rin talaga biro ang presyo.


"Nga pala... May regalo rin kami ni Jojo sayo. Congrats pre" inabot sakin ni Gilbert yung paperbag, laman nun ay isang polo shirt


"Pagpasensyahan mo na pre ha" bat ganon? parang may naghihiwa ng sibuyas dito sa tabi? halos maiyak ako, pero nakakatouch kasi na alam ko na di rin naman sila nakakaluwag-luwag.. parehas silang pamilyado na.


"Bagay naman sayo yung kulay eh.. sukat mo nga pre" agad kong hinubad yung suot kong pangitaas at sinukat yung bigay nila. Ang ganda


"O, sabi sayo Geng bagay kay Vhong yan eh!"


"Salamat mga tol.." niyakap ko silang dalawa. Ang swerte ko talaga sa mga taong nakakatrabaho ko. Kahit mahirap ang buhay, biniyayaan naman ako ng mga taong kagaya nila. Kahit ganon, may mga tao parin talaga na tutulong at tutulong sayo.





Nakatambay lang kami sa shop dahil tapos na namin yung mga nakapilang mga gawain. Sa wakas ay nagreply na rin si Annieka sa text ko sakanya kaya tinawagan ko nalang siya. Pagsagot niya parang may something na kakaiba, parang ang sungit ata? pero di ko na siya kinulit pa dahil baka mabugahan ako ng apoy. Mapuntahan na nga lang.

Pagdating ko sa bahay nila, si Nanay ang sumalubong sa akin. Kahit pa okay na kami, bakas pa rin sakanya na nagugulat parin siya sa tuwing nagpupunta ako ron.


"Nanay, si Annieka po?" tanong ko nang makapasok ako.


"Nasa kwarto niya, di siya pumasok sa office ngayon" napakunot yung noo ko, akala ko busy siya?


"May sakit po ba?"


"Silipin mo nalang sa itaas" tipid niyang sagot sa akin.



Nakailang katok ako sa nang mapagtanto ko na di naman pala naka lock yung pinto. Dahan dahan kong pinihit iyon. Pagbukas ko kay nakita ko siyang nakahiga habang nanunuod sa tablet niya. Di man lang niya napansin na nandon ako dahil naka-earphones siya.


"Hello" umupo ako sa kama, nang dahil don ay napabalikwas siya ng slight


"What are you doing here?" medyo mataray yung boses niya at nakasimangot siya, mukhang wrong timing ata ako.


"Masama ba pakiramdam mo?" naglean ako tapos sinuklay ko yung buhok niya pero mas lalo ata siyang nairita sa ginawa ko.


"No. Bakit ka ba nandito?" napakamot nalang ako ng ulo, mukhang di talaga maganda yung timing ko ngayong araw ha.



"Can you please get out?" grabe naman, pinalayas ako.


"Sige, Annieka.. sorry" medyo nalungkot ako, namimiss ko na rin kasi siya tapos ganon lang pero ayos lang, baka masama nga talaga yung pakiramdam niya.



"Nay.. uwi na po ako" paalam ko, next time nalang ako babalik siguro.


"Nasungitan ka ba? pagpasensyahan mo na, may dalaw eh" medyo natawa si Nanay sa sinabi niya.


"Ay ganon po ba? kaya po pala.. Nay, alis lang po ako.. may bibihin lang po." iniwan ko muna yung bag ko dun dahil babalik pa naman ako.






Nagtricylce ako papunta dun sa mall na malapit sa subdivision nila. Ano bang mga kailangan kong bilhin? Pumunta ako sa supermarket, dito nalang siguro ako bibili para kumpleto. Pagpasok ko ay agad kong hinanap yung aisle ng mga ano.. kwan..ano ba kasi yon? Ang dami dami naman.. ano kaya yung gamit ni Annieka dito sa mga to? iba-iba pa! ganito ba talaga karami yung choices nito? Nagtitingin-tingin ako nang may makita akong isang buntis, may tulak tulak siyang pushcart na may batang nakaupo. Wala naman sigurong masama kung magtatanong ako no?


"Ahmm.. ate.. ano.. kasi yung kaibigan ko.. may ano siya ngayon.. ano ba yung pwedeng gamitin dito?" nang marinig niya yung tanong ko.. bahagya siyang natawa, mas lalo tuloy akong nahiya.


"Ano pogi.. ano bang brand gamit ng girlfriend mo?" tanong niya sakin


"Di ko po alam eh.." napakamot akong muli sa batok ko.


"Ganito nalang.. ako kasi.. personal choice ko ito.." kinuha niya yung isang pack at inabot sa akin. With wings.. anong wings yon?



"Ate.. ano po yung ibig sabihin ng wings?" sa tanong kong yun ay muli siyang natawa, this time ay medyo malakas na.


"Alam na ng girl friend mo kung ano yon.. eto pa meron isa, walang wings.. dalawa nalang bilhin mo para sigurado ka. Mura lang naman ang isang balot" Oo nga, para sure ay kumuha na ako ng tig isang balot. Pang ilang araw kaya to? Bahala na.. madali naman bumili pag kulang pa.


"Ah.. ate last na po.. ano pa po ba yung mga ginagamit niyo?" this time ay siya naman ang napakamot ng noo.


"Halika, papakita ko sayo" sunundan ko siya, ako na rin ang nag tulak nung pushcart niya dahil medyo may kabigatan na rin yon dahil marami-rami na rin ang laman.


"Eto, gumagamit rin kami niyan.. for hygienic purposes" ayy oo nga pala! nakikita ko to sa banyo nila Mama dati!


"Tska eto rin.. di ko alam kung gumagamit ang girlfriend mo nito.. pero may option naman eto.. medyo may kamahalan nga lang" inabot niya sakin yung isang box, oo nga hehe 200+ ang isa.. pero baka eto nga yung ginagamit ni Annieka. Dahil di parin ako sure ay kinuha ko na yung dalawa at tinignan ko yung sinsabi niyang isa. Ano bang mabango dito?


"Bakit ba kasi di mo tinanong yung girlfriend mo kung anong ginagamit niya. Ayan tuloy hirap na hirap ka dyan.. pero suggest ko lang.. yang blue green.. mabango yan tska malamig" tumawa ulit si Ate tapos ay nagpaalam na.


"Talaga ba?" binasa ko kung ano iyon. With cooling effect? ayos ha.. parang shampoo lang, malamig pag ginamit mo.


Nilagay ko lahat sa cart ko yun tapos ay pumunta na ako sa aisle ng mga sweets. Sa pagkakatanda ko, yung mga babae nagke-crave sila ng matatamis kapag meron sila eh.. Si Annieka, alam ko ganon siya dati. Ewan ko nalang ngayon. So kumuha ako ng ilang chocolates, marshmallows at gummy bears. Tig kokonti lang naman. Tapos nun ay pumunta ako sa aisle ng mga chips, bibilhan ko na rin siya nito. Baka gusto niya.

Papunta na sana ako sa counter nang mapadaan ako sa fruit section. Gusto rin kaya ni Annieka to? Hinawakan ko yung mga manga, mukhang bagong deliver to ha? Kumuha ako ng ilang piraso tska may nakita rin akong pomelo na nakabalat na, mukhang masarap kaya kinuha ko na rin.

After ko mamili sa supermarket ay dumaan muna ako sa Jollibee, pati si Nanay Bing at Lori ay binilhan ko na rin. Sana mamaya okay na si Annieka.


"O ano yang binili mo? bakit ang dami?" sinalubong ako ni Nanay


"Akyat lang po ako kay Annieka, Nanay"

"Anne?" pagpasok ko ay nakahiga parin siya sa kama niya, hanggang ngayon ay nanunuod parin siya sa tablet niya.


"What? Why are you still here?"


"Ano.. binilhan kita ng mga kailangan mo oh.. pasensya ka na.. di ko kasi alam kung ano yung mga ginagamit mo dyan.. nagtanong lang kasi ako dun sa nakasabay ko sa supermarket" Nilapag ko yung brown bag sa tabi niya pero di niya ako pinapansin, tuloy tuloy lang siya sa panunuod niya.


"Tska eto pa o.. mga snacks.. diba noon pag meron ka gusto mo ng mga matatamis? tapos may nakita rin ako na mangga tska pomelo, gusto mo pagbabalat kita?"


"No"


"Annieka, nagtanong ako kay Hailey, tinext ko siya.. kaya namili na rin ako ng gamot, sabi niya pag sobrang sakit na daw..pwede mong inumin ito" Bago pala ako lumabas sa mall ay dumaan ako sa pharmacy para bumili nitong gamot na to.


"May Jollibee rin sa baba, kain ka?" ni isang salita ay wala na ulit akong narinig mula sakanya.


"Sige.. uuwi na ko ah.. kainin mo nalang ito pag gusto mo na." hinalikan ko siya sa noo tapos ay lumabas na ako ng kwarto. Nalungkot naman ako.





"Halika Vhong, kainin nating tong dala mo" pagbaba ko ay inaya ako ni Nanay sa dinning table.


"Pagpasensyahan mo na si Annieka, ganya lang talaga ang mga babae. Iritable, masakit rin kasi iyon eh.. pero mawawala rin yan sa mga susunod na araw" paliwanag ni Nanay sa akin, naiintindihan ko naman actually kaya lang nalungkot ako kasi excited pa naman akong ikwento sa kanya yung nangyari sa shop, papakita ko sana yung regalo nila Sir Rex. Sayang, next time nalang siguro.





Anne's POV


After ko matapos yung isang episode ng Kdrama na pinapanuod ko ay nagutom ako bigla. Pagtayo ko ay nakita ko yung mga dala ni Vhong. Inusisa ko muna yung laman ng brown bag, may sanitary napkin, feminine wash, razor? at veet. Kumpleto dahil dalawang klase pa yung binili niyang sanitary napkin. Well eto naman talaga ang brand ko and it's okay for me to use either of the two kinds. Sunod kong tinignan yung isang supot. May mga chocolates at kung ano anong snacks, may mangga pa at pomelo.

I went down to get some water dahil naiinitan ako. Pagbaba ko, may isang lalaking nakadukdok sa may coffee table ko ang naabutan ko, nakasalampak sa carpet habang may katabing mga kung ano anong mga papel.

Naupo ako sa couch at pinagmasdan ko si Dindin, tulog na tulog siya.. mukhang nakatulog siya sa mga ginagawa niya. Akala ko tapos na ang class nila bakit parang nagaaral parin siya? Bigla akong naawa and I felt guilty also dahil kanina ko pa siya sinusungitan. Ang dami niyang binili for me at talagang nageffort pa siya but I didn't mind him kanina.


"Dindin?" hinaplos ko yung pinsgi niya at dahil don ay nagising siya. Pag bangon ng ulo niya ay kinusot muna niya saglit yung mata niya tapos ay nagsuot ng eyeglasses.


"Annieka? Okay ka na ba? nagugutom ka ba?" despite sa pagsusungit ko ay nandito pa rin siya at inaalala ako.


"Akala ko tapos na yung class niyo?" tanong ko sakanya, tinabihan niya ako sa couch at bahagyang naginat.


"Nagaadvance reading lang ako tska inayos ko yung dinodrawing ko para sa shop, di ko namalayan.. nakatulog pala ako. Ang aga ko kasing nagising kanina eh. Naglaba ako ng mga damit ko tska ng mga bedsheet"


"Dapat umuwi ka na para nakapagpahinga ka na" I said but he just frowned, at kitang kita ko yon.


"Sabi kasi ng nanay masama daw ang pakiramdam mo tska ipapakita ko sana sayo to oh.. regalo ni Sir Rex pati nila Gilbert sa akin" Parang bata niyang pinakita sa akin yung parang tablet pati yung relong suot niya tska yung polo shirt. Ang cute niya.. siguro kanina pa siya excited na ipakita itong mga to sa akin kaya lang nasungitan ko siya.


"Tara sa taas?" pagkasabi ko nun ay agad siyang ngumiti, nakita ko nanaman tuloy yung dalawang dimples niya. Okay.


"Annieka, masakit pa ba?" nauna akong humiga sa bed, naupo naman siya sa tabi ko.



"Medyo.." Kanina pa akong umaga latang lata because of this, tiniis ko lang because I don't want to take meds dahil baka makasanayan ko iyon.


"Ayan masakit pa ba?" nagulat ako when Vhong leaned forward and kissed my tummy tapos ay bahagya siyang natawa.


"Halika nga dito.." I stretched my both arms and because of this ay niyakap niya ko.


"Sorry... nasungitan kita.. pasensya ka na Dindin ha?" this time ay pinaunan niya ako sa dibdib niya. Ang bango bango naman ng Dindin ko!


"Okay lang. I understand.. ganyan talaga naman kayo diba? kaya wag ka magsorry.. Kainin mo yung mga binili ko ha?" Di ko alam kung bakit ako naiiyak. I sat down and hugged Vhong again. Gusto ko lang siyang yakapin.





"Bakit umiiyak ang Annieka ko?" dahil don ay mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sakanya.


"Sorry Dindin.. di na kita susungitan pag meron ako, promise.. did I made you sad kanina? sorry ha?" para akong tangang iyak ng iyak na kala mo batang inagawan ng candy.


"Okay lang yon" he whispered and kissed my forehead again.





After all the drama, syempre nakakagutom. Kinakain ko yung mga bigay niya habang si Vhong ay nakaunan lang sa lap ko habang naglalaro siya sa cellphone niya. Nasisilip ko siya, pipikit-pikit na.


"Sleepy na Dindin ko?" I brushed his hair


"Konti.. pero may work pa ako eh.. maya-maya aalis na ako, 7pm ang shift ko eh" naawa nanaman ako. Here he goes again. Pagod siya pero kailangan niya pa ring pumasok sa trabaho.


"Wawa naman, sige sleep ka na konti tapos gisingin nalang kita ha?" pagkasabi ko nun sakanya ay unti-unti na siyang pumikit.


After ko kumain ay inayos ko siya, I fixed the pillows pati na rin yung kumot para kahit papano ay kumportable si Vhong. I also took a snap of him, mukhang dumadami na talaga ang picture niyang natutulog sa cellphone ko ha?

All the while na nanunuod ako ng kdrama ay di ko maiwasang kiligin at mapangiti, di dahil sa storyang pinapanuod ko pero dahil kay Vhong, sa effort na ginawa ni Dindin ko for me. Kahit sino naman sigurong babae ay matutuwa kapag pinageffortan ka ng ganito. Kahit pagod siya at may gagawin still, binigyan niya ako ng time.

Hanggang ngayon ay di parin talaga mag sink in sa akin na ganito na kami ngayon, kung bakit namin naayos ng ganito ang pakikitungo namin sa isa't isa. Di ko alam kung masyado bang mabilis o ano pero.. masaya ako at sa nakikita ko kay Vhong ay masaya rin naman siya. Sana ganito nalang kami palagi.











A/N

Hello! haha! ayan ud na ule ha! chos!

Don't forget to hit that star button and comment your thoughts down below. No violent reactions please. Profanities are very much welcome but not too hard okay? HAHA! basta bahala kayo dyan!

Thank you!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

184K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
813K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
2K 66 24
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...